Katapatan

Kinikilala ng Kasulatan ang likas na pagkamandaraya ng puso ng tao at nagbibigay ng maraming halimbawa ng pandaraya. Hinihingi ng Diyos ang lubos na katapatan sa lahat ng aspeto ng buhay, at itinuturo kung paano mapagtatagumpayan ang pandaraya at maibabalik ang nasirang ugnayan.

Ang mga tao ay mandaraya

Ang puso ng tao ay mandaraya

Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko. (Genesis 8:21)
Ang puso ay higit na mapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino ang nakakaunawa rito? (Jeremias 17:9)
Sapagkat sa puso nanggagaling ang mga masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, bulaang saksi at mga paghamak. (Mateo 15:19)
Dahil kung ano ang sinasaloob ng tao, na nanggaling sa kaniyang puso, lalabas ang masasamang pag-iisip, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan. (Marcos 7:21-22)

Ang mga tao ay may relatibong katapatan

Nang panahong iyon walang hari sa Israel, at ginagawa ng bawat isa kung ano ang sa paningin nila ay tama. (Mga Hukom 17:6)

Mga halimbawa ng mga taong mandaraya

Nilinlang ako ng inyong ama at pinalitan ng sampung beses ang sahod ko, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na ako'y masaktan. (Genesis 31:7)
Nagkasala ang Israel. Nilabag nila ang aking tipan na aking iniutos sa kanila. Ninakaw nila ang ilan sa mga bagay na inilaan. Ninakaw nila at pagkatapos itinago rin nila ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paglalagay kung ano ang kanilang kinuha sa kanilang sariling mga pag-aari. Sumagot si Achan kay Josue, “Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa: Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito.” (Joshua 7:11, 20-21)
Hindi lumakad sa mga paraan niya ang kanyang mga anak, sa halip naghabol sila sa hindi tapat na tubo. Tumanggap sila ng mga suhol at binaluktot ang katarungan. (1 Samuel 8:3)
Dapat kang makipag-usap sa kaniya at sabihin na sinasabi ni Yahweh, 'Pumatay ka ba at nagkamkam ng ari-arian?' At sasabihin mo sa kaniya na sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar kung saan dinilaan ng mga aso ang dugo ni Nabot, didilaaan ng mga aso ang iyong dugo, oo, ang iyong dugo.' (1 Mga Hari 21:19)
Ihinihiwalay ang mga masasama mula sa sinapupunan; naliligaw na sila simula nang kapanganakan pa lamang, na nagsasabi ng mga kasinungalingan. (Mga Awit 58:3)
Mga rebelde at kasama ng mga magnanakaw ang mga prinsipe niyo; ang bawat isa, nagnanais ng suhol at naghahabol ng bayad. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila, maging ang mga hinaing pang-legal ng mga balo sa kanilang harapan. (Isaias 1:23)
Ang mga aso ay matatakaw; hindi kailanman sila mabubusog; sila ay mga pastol na walang mabuting pasya; silang lahat ay bumaling sa kanilang sariling pamamaraan, bawat isa ay mapag-imbot sa hindi makatarungang pakinabang. (Isaias 56:11)
Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya. (Jeremias 6:13)
Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala? Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.' (Jeremias 7:9, 11)
Ang kaniyang mga prinsipe na nasa kaniya ay tulad ng mga asong lobo na niluluray ang kanilang mga biktima. Pinapadanak nila ang dugo at sinisira nila ang buhay, para kumita sa pamamagitan ng pandaraya. Ang mga tao ng lupain ay nang-aapi sa pamamagitan ng panghuhuthut at pandarambong dahil sa pagnanakaw, at inaabuso ang mahihirap at mga kapos, at inapi ang mga dayuhan nang walang katarungan. (Ezekiel 22:27, 29)
Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, kayong mga tao ng Israel. May hindi pagkakasunduan si Yahweh laban sa mga naninirahan sa lupain, sapagkat walang katotohanan o katapatan sa kasunduan at walang kaalaman ng Diyos sa lupain. May pagsusumpa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilabag ng mga tao ang lahat ng hangganan at sunod-sunod ang pagdanak ng dugo. (Hosea 4:1-2)
Ang mga pinuno ng Juda ay tulad ng mga naglilipat ng batong palatandaan. Ibubuhos ko sa kanila ang aking galit na tulad ng tubig. (Hosea 5:10)
Kapag nais kong pagalingin ang Israel, mabubunyag ang kasalanan ng Efraim, ganun din ang masamang mga gawa ng Samaria, sapagkat gumagawa sila ng panlilinlang, pumasok ang isang magnanakaw at isang pangkat ng mandarambong ang lumusob sa lansangan. (Hosea 7:1)
Hindi tama ang timbangan ng mga mangangalakal sa kanilang mga kamay; kinagigiliwan nila ang mandaya. (Hosea 12:7)
Mayroong kayamanan sa mga tahanan ng mga masasamang hindi tapat at may mandarayang mga panukat na kasuklam-suklam. Ituturing ko ba na walang sala ang isang tao kung gumagamit siya ng mapandayang panukat, kasama ang isang lalagyan na may dayang timbang? Puno ng karahasan ang mga mayayaman, ang naninirahan sa kaniya ay nagsasalita ng kasinungalingan at mapanlinlang ang kanilang mga dila sa kanilang mga bibig. (Mikas 6:10-12)
Si Judas Iscariote, isa sa mga alagad na magkakanulo sa kaniya, ay nagsabi, “Bakit hindi ipinagbili ang pabango na ito ng tatloong daang dinario at ibigay sa mahihirap. Ngayon, sinabi niya ito, hindi dahil sa may malasakit siya sa mga mahihirap, kundi dahil siya ay isang magnanakaw: siya ang may hawak ng sisidlan ng pera, at kumukuha dito ng ilang pera para sa kaniyang sarili. (Juan 12:4-6)
Sumigaw silang muli at sinabi, “Hindi ang lalaking ito, kundi si Barabas. Ngayon si Barabas ay isang tulisan. (Juan 18:40)
Ngayon, may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias, kasama ang kaniyang asawa na si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian, at kaniyang itinago ang bahagi ng napagbilhang pera (alam din ito ng kaniyang asawang babae), at idinala ang ibang bahagi nito at inilagay sa paanan ng mga apostol. Ngunit sinabi ni Pedro, ''Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu upang itago ang bahagi ng napagbilhan ng iyong lupa? Habang hindi pa ito nabebenta, hindi ba nanatili itong sa iyo? At matapos itong maipagbili, hindi ba't nasa iyo parin ang pamamahala? Paano mong naisip ang mga bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos.” Habang pinakikinggan ang mga salitang ito, si Ananias ay nabuwal at nawalan ng hininga. At matinding takot ang dumating sa lahat ng nakarinig nito. Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing. Makalipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa, na alam kung ano ang nangyari. Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga.” Sinabi niya, “Oo, sa ganoong halaga.” Pagkatapos sinabi ni Pedro sa kaniya, “Paanong nagkasundo kayong dalawa para subukin ang Espiritu ng Panginoon? Tignan mo, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan, at dadalhin ka nilang palabas.” Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa. (Mga Gawa 5:1-10)
Isa sa kanila, isang matalinong tao mula sa kanila, ang nagsabi “Ang mga Creto ay walang tigil sa pagsisinungaling, masama at mapanganib na mga hayop, tamad ang mga sikmura.” (Tito 1:12)
Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy—mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad. Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw. (Pahayag 9:20-21)

Talinghaga na gumagamit ng pandaraya bilang paglalarawan

Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad, “May isang mayamang lalaki na may tagapamahala, at isinumbong sa kaniya na nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari. Kaya pinatawag siya ng mayamang lalaki at sinabi sa kaniya, 'Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magbigay-ulat ka ng iyong pamamahala, dahil ka na maaaring maging tagapamahala.' Sinabi ng tagapamahala sa kaniyang sarili, 'Anong gagawin ko, dahil aalisin sa akin ng amo ko ang pagiging tagapamahala? Wala akong lakas na magbungkal, at nahihiya akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin, para kapag natanggal ako sa pagiging tagapamahala, malugod akong tatanggapin ng mga tao sa kanilang mga bahay.' At tinawag ng tagapamahala ang mga tao na may utang sa kaniyang amo, at tinanong niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa amo ko?' Sinabi niya, 'Isang daang takal na langis ng olibo'. At sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan, umupo kang madali at isulat mong limampu.' At sinabi ng tagapamahala sa isa pa, 'Magkano ang utang mo?' Sumagot siya, 'Isang daang takal ng trigo.' Sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan at isulat mong walumpu.' At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. (Lucas 16:1-8)

Pandarayang itinatago sa relihiyon

Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala? Kung gayon, pumunta ba kayo at tumayo sa aking harapan sa tahanang ito kung saan inihayag ang aking pangalan at sinabi, “Naligtas kami,” kaya magagawa ninyo ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay na ito? Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.' (Jeremias 7:9-11)
Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati. Sinabi niya sa kanila, “Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.” (Mateo 21:12-13)
Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit sa loob puno ang mga ito ng pangingikil at kalabisan. (Mateo 23:25)
Nakarating sila sa Jerusalem, pumasok siya sa templo at sinimulan niyang palayasin ang mga nagtitinda at namimili sa templo. Tinaob niya ang mga lamesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng kalapati. Hindi niya pinayagang makapasok ang kahit na sino na may dalang kahit na anong bagay na maaaring ibenta sa templo. Tinuruan niya sila at sinabi, “Hindi ba nasusulat na, 'Ang aking tahanan ay tatawaging Bahay ng Panalangin para sa lahat ng mga bansa'? Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.” (Marcos 11:15-17)
Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng mga tasa at mga mangkok, ngunit ang inyong loob ay puno ng kasakiman at kasamaan. (Lucas 11:39)
Pumasok si Jesus sa templo at sinimulang palayasin ang mga nagtitinda, sinasabi sa kanila, “Nasusulat, 'Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.” (Lucas 19:45-46)
Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako. Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya. (Tito 1:10-11)

Hinihingi ng Diyos ang lubos na katapatan

Ang Panginoon ay katotohanan, si Satanas ay sinungaling

Ang Panginoon ay katotohanan

Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian,  kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan. (Juan 1:14)
Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko. (Juan 14:6)
Subalit, kapag siya na Espiritu ng Katotohanan ay dumating, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan: dahil hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili, ngunit anumang mga bagay ang naririnig niya, sasabihin niya ang mga ito, at ihahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating. (Juan 16:13)
Sapagkat mayroong tatlo na siyang nagpapatunay (1 Juan 5:7)

Si Satanas ay sinungaling

Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan. (Juan 8:44)

Sa ilalim ng kautusan ng Lumang Tipan

Hindi kayo dapat magnakaw mula kaninuman. (Exodo 20:15)
Huwag magnakaw. Huwag magsinungaling. Huwag linlangin ang bawat isa. Huwag manumpa ng kasinungalingan gamit ang aking pangalan at huwag lapastanganin pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh. Huwag ninyong apihin ang inyong kapit-bahay o pagnakawan sila. Ang bayad ng isang inupahang tagapaglingkod ay hindi dapat manatili sa inyo ng buong gabi hanggang umaga. (Levitico 19:11-13)
Huwag gumamit ng mga maling sukatan kapag nagsusukat ng haba, bigat, o dami. Dapat gumamit lamang kayo ng mga tamang timbangan, mga tamang pabigat, isang tamang epa, at isang tamang hin. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto. (Levitico 19:35-36)
Kung magbebenta kayo ng anumang lupa sa inyong kapit-bahay o bibili ng anumang lupa mula sa inyong kapit-bahay, hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa. Kung bibili kayo ng lupa mula sa inyong kapit-bahay, isaalang-alang ang bilang ng mga taon at mga pananim na maaaring anihin hanggang sa susunod na Paglaya. Dapat din iyong isaalang-alang ng inyong kapit-bahay na nagbebenta ng lupa. Ang higit na malaking bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magdaragdag sa halaga ng lupa, at ang higit na maliit na bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magbabawas sa halaga, dahil ang bilang ng pag-aani na idudulot ng lupa para sa bagong may-ari ay may kaugnayan sa bilang ng mga taon bago ang susunod na Paglaya. Hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa; sa halip, dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos, sapagkat ako ay Yahweh, na inyong Diyos. (Levitico 25:14-17)
Huwag kayong magnakaw. (Deuteronomio 5:19)
Hindi dapat ninyo alisin ang mga palatandaan sa lupa ng inyong kapitbahay na inilagay nila sa lugar ng mahabang panahon na ang nakalipas, sa inyong pamana na inyong mamanahin, sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos para angkinin. (Deuteronomio 19:14)
Hindi dapat kayo magkaroon sa inyong lalagyan ng magkakaibang timbangan, isang malaki at isang maliit. Hindi dapat kayo magkaroon sa inyong bahay ng magkakaibang sukatan, isang malaki at isang maliit. Isang ganap at tapat na timbangan ang dapat mayroon kayo; isang ganap at tapat na sukatan ang dapat mayroon kayo, para humaba ang inyong mga araw sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh. Dahil ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na iyon, lahat ng kumikilos nang hindi matuwid, ay isang kasuklam-suklam kay Yahweh na inyong Diyos. (Deuteronomio 25:13-16)

Bilang pangkalahatang prinsipyo ng Bibliya

Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan. (Mga Awit 34:13)
Masdan mo, sa aking puso ang ninanais mo ay ang pagiging-mapagkakatiwalaan; sa aking puso ipaaalam mo ang karunungan. (Mga Awit 51:6)
Huwag kang magtitiwala sa pang-aapi o pagnanakaw; at huwag umasa sa walang kabuluhan na mga kayamanan, dahil wala itong maibubunga; huwag mong itutuon ang iyong puso sa mga ito. (Mga Awit 62:10)
Huwag hayaang lisanin ka ng pagiging tapat sa tipan at pagiging katiwa-tiwala, itali ito ng magkasama sa iyong leeg, isulat ito sa kaloob-looban ng iyong puso. (Mga Kawikaan 3:3)
Ilayo ang baluktot na pananalita mula sa iyo at ilayo ang maruruming salita mula sa iyo. (Mga Kawikaan 4:24)
Ang isang walang kwentang tao— isang masamang tao— namumuhay sa kabaluktutan ng kaniyang salita, (Mga Kawikaan 6:12)
Mayroong anim na bagay na kinamumuhian ni Yahweh, pito na kasuklam-suklam sa kaniya: isang saksi na nagsasabi ng mga kasinungalingan, at ang isa na siyang naghahasik ng alitan sa kaniyang mga kapatid. (Mga Kawikaan 6:16, 19)
Kinapopootan ni Yahweh ang timbangang hindi tama, ngunit siya ay nagagalak sa wastong timbang. (Mga Kawikaan 11:1)
Galit si Yahweh sa sinungaling na mga labi, pero ang mga namumuhay nang tapat ay ang kasiyahan ng Diyos. (Mga Kawikaan 12:22)
Napopoot sa mga kasinungalingan ang siyang gumagawa ng tama, pero ang isang masamang tao ay ginagawang kamuhi-muhi ang sarili, at ginagawa niya kung ano ang kahiya-hiya. (Mga Kawikaan 13:5)
Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit ang huwad na saksi ay nabubuhay sa kasinungalingan. (Mga Kawikaan 14:5)
Ang matapat na saksi ay naglilitas ng mga buhay, ngunit ang isang huwad na saksi ay nabubuhay sa kasinungalingan. (Mga Kawikaan 14:25)
Ang mahusay na pananalita ay hindi angkop para sa isang mangmang; lalong hindi angkop ang mga labing sinungaling para sa isang maharlika. (Mga Kawikaan 17:7)
Ang tapat na mga timbangan ay nagmumula kay Yahweh; lahat ng mga pabigat sa sako ay kanyang gawain. (Mga Kawikaan 16:11)
Ang magkakaibang timbang at hindi pantay na mga sukat— parehong kinapopootan ang mga ito ni Yahweh. (Mga Kawikaan 20:10)
Kinamumuhian ni Yahweh ang mga hindi parehas na timbang, at ang hindi tapat na mga timbangan ay hindi mabuti. (Mga Kawikaan 20:23)
Huwag mo pagnakawan ang mahirap na tao, dahil siya ay mahirap, o wasakin ang nangangailangang tao sa tarangkahan, dahil si Yahweh ang mangangatwiran sa kanilang kaso, at nanakawin niya ang buhay na siyang nagnakaw sa kanila. (Mga Kawikaan 22:22-23)
Huwag mong alisin ang sinaunang batong nagtatakda ng hangganan na inalagay ng iyong mga ama. (Mga Kawikaan 22:28)
Huwag mong aalisin ang sinaunang hangganang bato o angkinin ang mga bukirin ng mga ulila, (Mga Kawikaan 23:10)
Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa. (Mga Kawikaan 23:23)
Sinumang magnanakaw sa kaniyang ama at kaniyang ina at sasabihing, “hindi iyon kasalanan,” kasama siya ng mga maninira. (Mga Kawikaan 28:24)
...sa paglihis sa katarungan ng mga tao sa harapan ng mukha ng Kataas-taasan, sa paghadlang sa isang tao sa kaniyang katwiran—hindi ba nakikita ng Panginoon? (Mga Panaghoy 3:35-36)
Ito ang mga bagay na dapat ninyong gawin: Magsabi ang bawat tao ng katotohanan sa kaniyang kapwa. Humatol nang may katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa inyong mga tarangkahan. At huwag hayaan ang sinuman sa inyo na magbalak ng masama sa inyong puso laban sa inyong kapwa, ni maakit sa mga hindi totoong panunumpa, sapagkat kinamumuhian ko ang lahat ng mga bagay na ito!''' Ito ang pahayag ni Yahweh. (Zacarias 8:16-17)
At may ilang mga maniningil ng buwis ang dumating upang mabautismuhan, at sinabi nila sa kaniya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil nang higit sa dapat ninyong sinisingil.” May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, “At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila. “Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod.” (Lucas 3:12-14)
Ikaw, kung gayon, na nagtuturo sa iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw, nagnanakaw ka ba? Ikaw na nagsasabing huwag mangangalunya, nangangalunya ka ba? Ikaw na namumuhi sa mga diyus-diyosan, ninanakawan mo ba ang mga templo? (Mga Taga-Roma 2:21-22)
Ang katunayan na may mga anumang alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay pagkatalo na para sa inyo. Bakit hindi nalang pagdusahan ang mali? Bakit hindi nalang hayaan na kayo ay dayain? Ngunit ginawan ninyo ng mali at dinaya ang iba, at sila ay inyong mga sariling kapatid! Hindi ba ninyo alam na hindi mamanahin ng mga hindi matuwid ang kaharian ng Diyos? Huwag kayong maniwala sa mga kasinungalingan. Ang mga mahahalay, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga nangangalunya, mga lalaking nagbebenta ng aliw, silang mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki, mga magnanakaw, mga sakim, mga lasinggero, mga mapanirang-puri, mga mandaraya—wala sa kanila ang magmamana sa kaharian ng Diyos. (1 Corinto 6:7-10)
Kaya nga alisin ninyo ang kasinungalingan. “Magsalita ng katotohanan, ang bawat isa sa kaniyang kapwa,” sapagkat kabahagi tayo ng bawat isa. (Mga Taga-Efeso 4:25)
Kaya nga magpakatatag kayo. Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong maisuot ang sinturon ng katotohanan at maisuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran. (Mga Taga-Efeso 6:14)
Huwag kayong magsinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang lumang pagkatao kasama ang mga kaugalian nito. (Mga Taga-Colosas 3:9)
Iwasan ang bawat anyo ng masama. (1 Tesalonica 5:22)
At nalalaman natin ito, na ang kautusan ay hindi ginawa para sa matuwid na tao, kundi sa walang kinikilalang batas at rebeldeng mga tao, para sa mga hindi makadiyos, at makasalanan, at sa mga taong walang Diyos at lapastangan. Ito ay ginawa para sa mga pumapatay ng kanilang ama at ina, para sa mga mamamatay tao, para sa mga taong mahahalay, at sa mga nakikipagtalik sa parehong kasarian, at sa mga nangunguha ng mga tao para gawing mga alipin, para sa mga sinungaling, para sa mga huwad na saksi, at para sa anumang salungat sa mabuting alituntunin. (1 Timoteo 1:9-10)
Ang mga alipin ay dapat sumunod sa kanilang amo sa lahat ng bagay. Sila ay dapat magbigay-lugod at hindi mangatwiran sa kanila. Hindi sila dapat mangupit. Sa halip, dapat silang magpakita ng lahat ng mabuting pananalig, upang sa lahat ng paraan, sila ay magpaganda sa ating katuruan tungkol sa Diyos na ating tagapagligtas. (Tito 2:9-10)
Dahil gaya ng ang tumawag sa inyo ay banal, kayo rin, at magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa sa buhay. Sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako ay banal.” (1 Pedro 1:15-16)
Nawa walang magdusa sa inyo bilang isang mamamatay tao, magnanakaw, mapaggawa ng masama, o pakialamero. (1 Pedro 4:15)

Hinihingi sa mga pinuno

Pamahalaan

At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo. Hahatulan nila ang mga tao sa lahat ng kaugaliang pamamaraan na mga kaso, pero dadalhin nila ang mga mabibigat na mga kaso sa iyo. Sila na ang hahatol sa mga maliliit na mga kaso. Sa ganyang paraan, magiging magaan para sa iyo, at dadalhin nila ang pasanin kasama mo. (Exodo 18:21-22)
Ang tipan ng katapatan at pagtitiwala ay nangangalaga sa hari; ang kaniyang trono ay iniingatan sa pamamagitan ng pag-ibig. (Mga Kawikaan 20:28)
Ang pinuno na nagkukukulang ng pang-unawa ay isang mabagsik na nagpapahirap, pero ang isa na namumuhi sa di matapat ay mapapahaba ang kaniyang mga araw. (Mga Kawikaan 28:16)
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Tama na para sa inyong mga prinsipe ng Israel! Alisin na ninyo ang karahasan at pag-aawayan, gawin ang makatarungan at makatuwiran! Itigil na ninyo ang pagpapalayas sa aking mga tao! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Dapat magkaroon kayo ng tamang mga timbangan, tamang mga efa at tamang mga bath! (Ezekiel 45:9-10)

Iglesya

Gayon din, dapat marangal ang mga diakono, hindi dalawa ang salita. Dapat hindi sila umiinom ng sobrang alak o maging sakim. (1 Timoteo 3:8)
Kinakailangan para sa tagapangasiwa, bilang tagapamahala ng sambahayan ng Diyos, ay walang kapintasan. Hindi dapat matabil at walang pagpipigil sa sarili. Hindi madaling magalit, hindi lulon sa alak, hindi isang palaaway, at hindi isang taong sakim. (Tito 1:7)
Hinihikayat ko ang mga nakatatanda sa inyo, ako, na isang kapwa nakatatanda at isang saksi sa pagdurusa ni Cristo, at kabahagi ng kaluwalhatian na maihahayag. Kaya nga, hinihikayat ko kayo, mga nakatatanda, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo. Pangalagaan niyo sila, hindi dahil kailangan ninyo, pero dahil nais ninyo ito, ayon sa Diyos. Pangalagaan niyo sila nang maluwag sa inyong kalooban, hindi para sa pera. (1 Pedro 5:1-2)

Hinihingi ang katapatan sa pagbibigay

Sinabi rin ninyo, 'Nakakapagod na ito,' at pasinghal ninyo itong hinamak,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Dinadala ninyo kung ano ang kinuha ng isang mabangis na hayop o ang pilay o may sakit; at dinala ninyo ito bilang inyong mga handog! Dapat ko ba itong tanggapin mula sa inyong kamay?” sabi ni Yahweh. “Sumpain ang mandaraya na may isang lalaking hayop sa kaniyang kawan at nangakong ibibigay ito sa akin at gayon pa man inihandog sa akin, ang Panginoon, kung ano ang may kapintasan, sapagkat isa akong dakilang Hari,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at kinakatakutan ng mga bansa ang aking pangalan.” (Malakias 1:13-14)

Ang hindi wastong pagbibigay ay itinuring na pagnanakaw

Maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Gayon pa man, ninanakawan ninyo ako. Ngunit sinasabi ninyo, 'Paano ka namin ninakawan?' Sa mga ikapu at sa mga handog. Isinumpa kayo sa pamamagitan ng isang sumpa, sapagkat ninakawan ninyo ako, ang buong bansang ito. (Malakias 3:8-9)

Ang katapatan ay mas mahalaga kaysa sa kayamanan

Mas mabuti ang isang mahirap na lumalakad nang may karangalan kaysa sa isang baluktot magsalita at isang mangmang. (Mga Kawikaan 19:1)
Katapatan ang ninanais ng isang tao, at higit na mainam ang mahirap kaysa sa isang sinungaling. (Mga Kawikaan 19:22)
Kung may katagumpayan sa mga gumawa ng kung ano ang tama, mayroong dakilang kaluwalhatian, ngunit kung ang masama ay bumangon, tinatago ng mga tao ang kanilang sarili. (Mga Kawikaan 28:12)

Mga halimbawa ng mga taong tapat

Galit na galit si Moises at sinabi kay Yahweh, “Huwag mong galangin ang kanilang mga handog. Hindi ako kumuha ng isang asno mula sa kanila, at wala akong sinaktang sinuman sa kanila.” (Mga Bilang 16:15)
Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo.” Sinabi nila, “Hindi mo kami dinaya, inapi, o ninakawan ng anumang bagay mula sa kamay ng sinuman.” Sinabi niya sa kanila, “Saksi si Yahweh laban sa inyo, at ang kanyang hinirang ay saksi ngayon, na wala kayong nakita sa aking kamay.” At sumagot sila, “Saksi si Yahweh.” (1 Samuel 12:3-5)
Kung ako ay lumakad nang may kasinungalingan, kung ang paa ko ay nagmadali patungo sa panlilinlang, kung gayon hayaang maghasik ako at hayaang ang iba ang kumain; tunay nga, hayaang bunutin ang ani mula sa aking bukid. (Job 31:5, 8)
Kaya ang ibang punong tagapamahala at ang mga gobernador ng lalawigan ay naghahanap ng mga kamalian sa trabaho ni Daniel sa kaharian, ngunit wala silang makitang katiwalian o kakulangan sa kaniyang trabaho dahil matapat siya. Walang pagkakamali o kapabayaang natagpuan sa kaniya. (Daniel 6:4)
Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.” (Daniel 6:22)
Hindi na magkakasala ang mga nalalabi sa Israel o magsasalita ng mga kasinungalingan at hindi sila mahahanapan ng mapanlinlang na dila sa kanilang bibig, kaya kakain sila, hihiga at walang sinuman ang mananakot sa kanila.” (Zefanias 3:13)

Halimbawa ng pagsubok sa katapatan ng mga tao

Kaming lahat ay mga lalaking anak ng iisang tao. Kami ay tapat na mga lalaki. Ang mga lingkod po ninyo ay hindi mga ispiya.” Sinabi sa kanila ni Jose sa ikatlong araw. “Gawin ninyo ito at mabuhay, dahil takot ako sa Diyos. Kung kayo ay mga lalaking tapat, hayaan ang isa sa inyong mga lalaking kapatid na makulong sa bilangguang ito, ngunit pumunta kayo, magdala kayo ng butil para sa taggutom ng inyong mga tahanan. Dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid na lalaki sa akin para ang inyong salita ay mapatunayan at hindi kayo mamamatay.” Kaya ginawa nga nila ito. (Genesis 42:11, 18-20)
Sinabi namin sa kanya, 'Kami po ay mga lalaking tapat. Hindi po kami mga tikitk. Kami po ay labindalawang magkakapatid, mga lalaking anak ng aming ama. Ang isa ay hindi na po nabubuhay, at ang bunso ay kapiling ng aming ama ngayong araw sa lupain ng Canaan.' Sinabi sa amin ng lalaking panginoon ng lupain, 'Sa pamamagitan nito malalaman ko na kayo ay mga lalaking tapat. Iwan ninyo sa akin ang isa sa inyong kapatid na lalaki, kumuha kayo ng butil para sa tag-gutom sa inyong mga tahanan, at humayo na kayo sa inyong daan. Dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid sa akin. Pagkatapos nito ay malalaman ko na hindi nga kayo mga tiktik, ngunit mga taong tapat. Pagkatapos ay papalayain ko ang inyong lalaking kapatid, at maaari na kayong mangalakal sa lupain.” (Genesis 42:31-34)

Kinamumuhian ng mga maka-Diyos ang pandaraya

Napopoot sa mga kasinungalingan ang siyang gumagawa ng tama, pero ang isang masamang tao ay ginagawang kamuhi-muhi ang sarili, at ginagawa niya kung ano ang kahiya-hiya. (Mga Kawikaan 13:5)

Bakit hinihingi ng Diyos ang lubos na katapatan?

Hindi tayo maaaring maging mandaraya at umibig sa Diyos

Ang lumalakad ng matuwid ay may takot kay Yahweh, ngunit ang hindi tapat sa kaniyang pamumuhay ay hinahamak siya. (Mga Kawikaan 14:2)

Hindi tayo maaaring maging mandaraya at umibig sa ating kapwa

Ang isang nagsisinungaling na dila ay namumuhi sa mga taong dinudurog nito at ang nambobolang bibig ay nagiging dahilan ng pagkawasak. (Mga Kawikaan 26:28)
Sapagkat, “Hindi ka mangangalunya, hindi ka papatay, hindi ka magnanakaw, hindi ka mag-iimbot,” at kung may iba ring kautusan, pinagsama-sama ito sa pangugusap na ito: “Mamahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.” Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa. Kaya, pag-ibig ang katuparan ng kautusan. (Mga Taga-Roma 13:9-10)

Ang katapatan ay nagbibigay ng kredibilidad sa pag-eebanghelyo

Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay maging walang kapintasan at tapat na mga anak ng Diyos na walang dungis. Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay magningning tulad ng mga liwanag sa mundo, sa gitna ng baluktot at bulok na salinlahi. (Mga Taga-Filipos 2:15)

Ang katapatan ay tumutulong sa paggabay ng ating buhay

Ilayo ang baluktot na pananalita mula sa iyo at ilayo ang maruruming salita mula sa iyo. Hayaan mong tumingin nang tuwid ang iyong mga mata at ipirmi ng tuwid ang iyong pagtitig sa harap mo. Gumawa ng isang patag na landas para sa iyong paa; sa gayon lahat ng iyong mga daraanan ay magiging ligtas. (Mga Kawikaan 4:24-26)

Kahit ang pinakamaliit na pandaraya ay nakapipinsala

Ang tapat sa kakaunti ay tapat din sa marami, at ang hindi makatarungan sa kakaunti ay hindi rin makatarungan sa marami. (Lucas 16:10)

Paano tayo makaiiwas sa tukso ng pandaraya?

Sa biyaya at kapangyarihan ng Panginoon

Akayin mo ang aking puso sa iyong tipan at ilayo mula sa mga bagay na hindi makatuwiran. (Mga Awit 119:36)
Dalawang bagay ang hinihingi ko sa iyo, huwag mo silang ipagkait sa akin bago ako mamatay. Ilayo mo sa akin ang kayabangan at kasinungalingan. Bigyan mo ako ng hindi kahirapan ni kayamanan, bigyan mo lamang ako ng pagkain na aking kailangan. (Mga Kawikaan 30:7-8)
Sinasabi ko na, lumakad kayo sa Espiritu, at hindi ninyo matutupad ang hilig ng laman. Sapagkat malakas ang nasa ng laman laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay may malakas na nasa laban sa laman. Sapagkat ang mga ito ay laban sa isa't isa. Ang kinahinatnan ay hindi ninyo ginawa ang mga bagay ninais ninyong gawin. (Mga Taga-Galacia 5:16-17)

Sa pagsasagawa ng gintong panuntunan

Kaya kung anuman ang gusto inyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang sa kautusan at ng mga propeta. (Mateo 7:12)
Huwag ninyong tingnan ang pansarili ninyong pangangailangan, ngunit pati na rin ang pangangailangan ng iba. (Mga Taga-Filipos 2:4)

Sa malusog na pagkatakot sa Panginoon

Sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan at pagtitiwala ang pagkakasala ay nabayaran at sa pamamagitan ng takot kay Yahweh, tinatalikuran ng mga tao ang kasamaan. (Mga Kawikaan 16:6)

Paghihiwalay ng sarili sa mga mandaraya

Hindi ako nakikisama sa mga mandaraya, o nakikisalamuha sa mga hindi tapat. (Mga Awit 26:4)
Mapalad ang taong ginagawa niyang sandigan si Yahweh at hindi nagpaparangal sa mayayabang o silang tumalikod mula sa kaniya tungo sa kasinungalingan. (Mga Awit 40:4)
Babantayan ko ang mga tapat sa kalupaan na uupo sa aking gilid. Ang mga taong lumalakad na may katapatan ay makakapaglingkod sa akin. Ang mga mandarayang tao ay hindi mananatili sa loob ng aking tahanan; ang mga sinungaling ay hindi malugod na tatanggapin sa aking harapan. (Mga Awit 101:6-7)
Aking anak, kung sinusubukan kang udyukan ng mga makasalanan sa kanilang mga pagkakasala, tumangging sumunod sa kanila. Kung kanilang sasabihin na, “Sumama ka sa amin, tayo ay mag-abang upang makagawa ng pagpatay, tayo ay magtago at sugurin ang mga walang malay na mga tao ng walang kadahilanan. Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay. Dapat nating hanapin ang lahat ng klaseng mga mahahalagang bagay; pupunuin natin ang ating tahanan ng mga bagay na ating ninakaw sa iba, Makipagsapalaran ka sa amin, tayo ay magkakaroon ng iisang lalagyanan.” Aking anak, huwag kang maglalakad sa daanang iyon kasama nila; huwag mong hayaang dumampi ang iyong paa kung saan sila naglalakad; ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan at sila ay nagmamadali para sa pagdanak ng dugo. (Mga Kawikaan 1:10-16)
Ang siyang nakikibahagi sa isang magnanakaw ay nasusuklam sa kaniyang sariling buhay; naririnig niya ang sumpa at walang anumang sinasabi. (Mga Kawikaan 29:24)
Sumulat ako sa inyo sa aking liham upang kayo ay huwag makisama sa mga taong mahahalay. Hindi ko ibig sabihin na sa mga imoral na tao sa mundong ito, o sa mga sakim, o sa mga mandaraya, o sa mga taong sumasamba sa diyus-diyosan, sapagkat sa paglayo mula sa kanila ay kakailanganin ninyong umalis sa mundo. Ngunit ngayon sumusulat ako sa inyo upang huwag kayong makisama sa sinumang tinawag na kapatid kay Cristo ngunit siya ay namumuhay sa sekswal na imoralidad, o sakim, o sumasamba sa mga diyus-diyosan, o mapang-abuso sa pananalita, o lasinggero, o mandaraya. Ni makikisalo sa pagkain sa ganiyang tao. (1 Corinto 5:9-11)
Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.” (1 Corinto 15:33)

Sa pamamagitan ng pagbibigay

Sino man ang nagnanakaw ay hindi na dapat magnakaw. Sa halip, kailangan niyang magpagal. Kailangan niyang magtrabaho gamit ang kaniyang mga kamay, upang makatulong sa tao na nangangailangan. (Mga Taga-Efeso 4:28)

Sa pagtatatag ng sistema ng pananagutan

Kaya sinabi ni Laban, “Ano ang ibabayad ko sa iyo?” Sinabi ni Jacob, “Hindi mo ako bibigyan ng anumang bagay. Kung gagawin mo ang bagay na ito para sa akin, pakakainin ko ulit at iingatan ang iyong mga kawan. Hayaan mo akong lumakad doon sa iyong mga kawan ngayon, aalisin ko ang bawat may batik at may dungis na tupa, at lahat ng mga itim sa iyong mga tupa, at ang mga may dungis at batik sa mga kambing. Ito ang aking magiging kabayaran. Ang aking katapatan ang magpapatunay para sa akin kalaunan, kapag pupunta ka para tingnan ang aking kabayaran. Lahat na mga walang batik, walang dungis sa mga kambing, at itim sa mga tupa, kung mayroon mang makita na nasa akin, ay ituturing na ninakaw.” (Genesis 30:31-33)

Ano ang gagawin natin kapag tayo ay nandaya?

Ibalik ang ating pakikisama sa Panginoon

Kapag nagkasala ang isang tao sa anumang mga bagay na ito, dapat ipagtapat niya ang anumang kasalanan na kaniyang nagawa. Pagkatapos dapat niyang dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan para sa kasalanang nagawa niya, isang babaeng hayop mula sa kawan, alinman sa isang tupa o isang kambing, para sa isang handog para sa kasalanan, at gagawa ang pari para sa ikapapatawad niya ukol sa kaniyang kasalanan. (Levitico 5:5-6)
Nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing, “Kung sinuman ang nagkasala at lumabag sa isang utos laban kay Yahweh, tulad ng sinungaling na pakikitungo sa kaniyang kapwa hinggil sa isang bagay na ipinagkatiwala sa kaniya, o kung nililinlang o ninanakawan niya, o pinahihirapan ang kaniyang kapwa, o nakakita ng isang bagay na nawala ng kaniyang kapwa at nagsinungaling tungkol dito, at nanumpa sa pagsisinungaling, o sa mga bagay na katulad nito na nagkasala ang mga tao, kung gayon, mangyayari na kung nagkasala siya at may kasalanan, na dapat niyang ibalik anuman ang kaniyang kinuha sa pamamagitan ng pagnanakaw o pang-aapi o pagkuha ng kung ano ang ipinagkatiwala sa kaniya o ang nawalang bagay na nakita niya. O kung nagsinungaling siya tungkol sa anumang bagay, dapat niyang ibalik ito nang buo at dapat dagdagan ng ikalima para bayaran siya na kung kanino ito inutang, sa araw na nakitaan siya na may kasalanan. Para sa kaniya ay gagawa ang pari ng isang pambayad para sa kasalanan sa harap ni Yahweh, at patatawarin siya ukol sa anumang kasalanang ginawa niya.” (Levitico 6:1-5, 7)
Pero kung tayo ay umamin sa ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan. (1 Juan 1:9)

Ibalik ang ating ugnayan sa taong napinsala

Ang isa na nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi yayaman, ngunit ang nagpapahayag at nagpapabaya sa kanila ay pakikitaan ng habag. (Mga Kawikaan 28:13)
Kaya ihayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa bawat isa at ipanalangin ang bawat isa upang kayo ay mapagaling. Ang panalangin ng matuwid ay magdudulot ng malaking bunga. (Santiago 5:16)

Isauli ang anumang ninakaw

Kung magnakaw ang isang lalaki ng isang baka o isang tupa at pinatay niya o ipinagbili ito, pagkatapos dapat siyang magbayad ng limang baka para sa isang baka, at apat na tupa para sa isang tupa. Kung ang magnanakaw ay natagpuang naninira, at kung nasaktan at siya ay namatay, sa ganoong kaso walang sinuman ang ituturing na may sala sa kaniyang kamatayan. Pero kung sumikat ang araw bago niya sinira, salang pagpatay ng tao ang ipapataw sa taong pumatay sa kaniya. Ang magnanakaw ay dapat gumawa ng pagbabayad-pinsala. Kung wala siyang pag-aari, pagkatapos dapat siyang ipagbili dahil sa kaniyang pagnanakaw. Kung ang ninakaw na hayop ay natagpuang buhay sa kaniyang pag-aari, maging ito ay isang asno, o isang tupa, dapat siyang magbayad ng doble. (Exodo 22:1-4)
Kung magbibigay ng pera o ari-arian ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para sa ligtas na pag-iingat, at kung ito ay ninakaw mula sa bahay ng lalaki, kung natagpuan ang magnanakaw, ang magnanakaw na iyon ay dapat magbayad ng doble. Pero kung ang magnanakaw ay hindi natagpuan, pagkatapos ang may-ari ng bahay ay dapat humarap sa mga hukom para tingnan kung nilagay niya ang kaniyang sariling kamay sa pag-aari ng kaniyang kapitbahay. Sa bawat pagtatalo tungkol sa isang bagay, maging ito ay baka, asno, tupa, damit o anumang nawawalang bagay tungkol sa kung alin ang sinasabi ng isa, “Kabilang ito sa akin,” ang pag-aangkin ng dalawang panig ay kailangang humarap sa mga hukom. Ang taong makitaan ng mga hukom na siyang may sala ay dapat magbayad ng doble sa kaniyang kapitbahay. (Exodo 22:7-9)
Kung hihiram ang isang tao ng anumang hayop mula sa kaniyang kapitbahay at ang hayop ay nasaktan o namatay na hindi ito kasama ng may-ari, ang ibang tao ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala. (Exodo 22:14)
Nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing, “Kung sinuman ang nagkasala at lumabag sa isang utos laban kay Yahweh, tulad ng sinungaling na pakikitungo sa kaniyang kapwa hinggil sa isang bagay na ipinagkatiwala sa kaniya, o kung nililinlang o ninanakawan niya, o pinahihirapan ang kaniyang kapwa, o nakakita ng isang bagay na nawala ng kaniyang kapwa at nagsinungaling tungkol dito, at nanumpa sa pagsisinungaling, o sa mga bagay na katulad nito na nagkasala ang mga tao, kung gayon, mangyayari na kung nagkasala siya at may kasalanan, na dapat niyang ibalik anuman ang kaniyang kinuha sa pamamagitan ng pagnanakaw o pang-aapi o pagkuha ng kung ano ang ipinagkatiwala sa kaniya o ang nawalang bagay na nakita niya. O kung nagsinungaling siya tungkol sa anumang bagay, dapat niyang ibalik ito nang buo at dapat dagdagan ng ikalima para bayaran siya na kung kanino ito inutang, sa araw na nakitaan siya na may kasalanan. (Levitico 6:1-5)
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, “Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Kapag nakagawa ang isang lalaki o babae ng anumang kasalanang tulad ng ginagawa ng mga tao sa isa't isa, at hindi tapat sa akin, ang taong iyon ay nagkasala. Kung gayon, dapat niyang aminin ang kasalanang kaniyang nagawa. Dapat niyang ganap na bayaran ang halaga ng kaniyang pagkakasala at dagdagan ang halaga ng higit sa ikalimang bahagi. Dapat niyang ibigay ito sa isang taong nakagawan niya ng kamalian. Ngunit kung ang taong nagawan niya ng kamalian ay walang malapit na kamag-anak upang tumanggap ng bayad, dapat niyang bayaran ang halaga para sa kaniyang pagkakasala sa akin sa pamamagitan ng isang pari, kasama ang isang lalaking tupa upang pambayad sala para sa kaniyang sarili. (Mga Bilang 5:5-8)
Nag-aapoy sa galit si David laban sa mayamang lalaki at nagalit siya ng labis kay Natan, “Habang si Yahweh ay nabubuhay, dapat patayin ang lalaking gumawa nito. Dapat niyang bayaran ang tupa ng apat na beses dahil ginawa niya ang ganoong bagay at dahil wala siyang awa sa mahirap na lalaki.” (2 Samuel 12:5-6)
Hindi hinahamak ng mga tao na ang isang magnanakaw kung siya ay nagnanakaw upang mabusog sa panahong gutom siya. Gayon pa man kapag siya ay nahuli, siya ay magbabayad ng pitong beses kung ano ang kaniyang ninakaw; kailangan niya isuko ang lahat ng mahahalagang bagay sa kaniyang tahanan. (Mga Kawikaan 6:30-31)
At kung sasabihin ko sa masama, “siguradong mamamatay ka!” ngunit kung pagsisisihan niya ang kaniyang mga kasalanan at gagawin kung ano ang makatarungan at tama— kung isasauli niya ang garantiya ng sangla na sapilitang hiningi niya, o kung isasauli niya kung ano ang kaniyang ninakaw, at lalakad sa mga alituntunin ng batas na nagbibigay buhay at hindi na kailanman gagawa ng anumang kasalanan, tiyak na mabubuhay siya at hindi mamamatay. Wala na sa kaniyang mga nagawang kasalanan ang aking iisipin para sa kaniya. Kumilos siya ng makatarungan at makatuwiran, kaya siguradong mabubuhay siya! (Ezekiel 33:14-16)
Tumayo si Zaqueo at sinabi niya sa Panginoon, “Tingnan mo, Panginoon, ibabahagi ko sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga ari-arian, at kung ako ay may nadayang sinuman sa anuman, ibabalik ang halaga ng maka-apat na beses.” (Lucas 19:8)

Mga pagpapala at mga sumpa

Mga pagpapalang ipinangako sa mga tapat

Pagpapala ng mas malapit na ugnayan sa Panginoon

Sinong puwedeng manatili sa iyong tabernakulo, Oh Yahweh? Sinong maaaring manirahan sa iyong banal na burol? Siya ay lumalakad sa katuwiran at gumagawa ng tama and nagsasabi ng katotohanan mula sa kaniyang puso. Hindi siya naninirang-puri gamit ang kaniyang dila, o nananakit ng iba, o nang-iinsulto ng kaniyang kapwa. Ang taong walang halaga ay kasuklam-suklam sa kaniyang paningin, pero pinararangalan niya ang lahat ng may takot kay Yahweh. Sumusumpa siya sa kaniyang sariling kakulangan at hindi tumatalikod sa kaniyang mga pangako. (Mga Awit 15:1-4)
Sino ang aakyat sa bundok ni Yahweh? Sino ang tatayo sa kaniyang banal na lugar? Siya na may malinis na mga kamay at dalisay na puso; siyang hindi nagtatanghal ng mga kasinungalingan, at hindi nanunumpa para lang manlinlang. (Mga Awit 24:3-4)
Si Yahweh ay malapit sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya, ang lahat ng tumatawag sa kaniya ng may pagtitiwala. (Mga Awit 145:18)
Huwag hayaang lisanin ka ng pagiging tapat sa tipan at pagiging katiwa-tiwala, itali ito ng magkasama sa iyong leeg, isulat ito sa kaloob-looban ng iyong puso. Pagkatapos ikaw ay makakahanap ng pabor at mabuting reputasyon sa paningin ng Diyos at ng tao. (Mga Kawikaan 3:3-4)
Dahil ang sinungaling na tao ay kasuklam-suklam kay Yahweh, nguniit dinadala niya ang matuwid na tao sa kaniyang pagtitiwala. (Mga Kawikaan 3:32)
Galit si Yahweh sa sinungaling na mga labi, pero ang mga namumuhay nang tapat ay ang kasiyahan ng Diyos. (Mga Kawikaan 12:22)
Ito ba ang magpapakita na ikaw ay mabuting hari, kaya gusto mong magkaroon ng sedar na mga dingding? Hindi ba kumain at uminom din ang iyong ama, ngunit gumawa siya ng makatarungan at makatuwiran? Kaya mabuti ang mga bagay na nangyari sa kaniya. Ang paghuhukom niya ay panig sa mga mahihirap at mga nangangailangan. At maayos ang lahat noon. Hindi ba ito ang kahulugan ng pagkilala sa akin? —Ito ang pinahayag ni Yahweh. Ngunit walang laman ang inyong mga mata at puso maliban ang pag-aalala sa hindi makatarungan na kikitain ninyo at pagbuhos sa mga dugo ng walang kasalanan, at sa paggawa ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mga iba. (Jeremias 22:15-17)

Pagpapala ng pag-iingat

Nag-iimbak siya ng tamang karunungan para sa mga taong nagbibigay kaluguran sa kanya, siya ay kalasag para sa mga lumalakad na may katapatan (Mga Kawikaan 2:7)
Ang siyang lumalakad sa katapatan ay lumalakad sa kaligtasan, subalit ang isa na gumagawa ng kabuktutan, siya ay malalantad. (Mga Kawikaan 10:9)

Pagpapala ng panustos

Siya na lumalakad nang matuwid at nagsasalita nang matapat; siyang namumuhi sa pakinabang sa pang-aapi, na tumatanggi para tumanggap ng suhol, na hindi nagbabalak ng marahas na krimen, at hindi tumitingin sa masama. Siya ay gagawa ng kaniyang tahanan sa kaitaasan; ang lugar ng kaniyang kuta ay magiging mga batong tanggulan; ang kaniyang pagkain at tubig ay magpapatuloy na dadaloy. (Isaias 33:15-16)

Pagpapala sa pamilya

Ang taong gumagawa ng tama ay naglalakad sa kaniyang dangal, at ang kaniyang mga anak na lalaki na sumusunod sa kaniya ay masaya. (Mga Kawikaan 20:7)

Pagpapala ng kaligayahan

Ang mga yamang naipon sa pamamagitan ng kasamaan ay walang halaga, ngunit ang paggawa ng kung ano ang tama ay naglalayo sa kamatayan. (Mga Kawikaan 10:2)

Pagpapala ng buhay

Hindi dapat kayo magkaroon sa inyong lalagyan ng magkakaibang timbangan, isang malaki at isang maliit. Hindi dapat kayo magkaroon sa inyong bahay ng magkakaibang sukatan, isang malaki at isang maliit. Isang ganap at tapat na timbangan ang dapat mayroon kayo; isang ganap at tapat na sukatan ang dapat mayroon kayo, para humaba ang inyong mga araw sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh. (Deuteronomio 25:13-15)
Sinong naghahangad ng buhay at naghahangad ng mahabang panahon na mabuhay at magkaroon ng magandang buhay? Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan. (Mga Awit 34:12-13)
Ang makatotohanang mga labi ay tumatagal habang-buhay, pero ang sinungaling na dila ay panandalian lamang. (Mga Kawikaan 12:19)
At kung sasabihin ko sa masama, “siguradong mamamatay ka!” ngunit kung pagsisisihan niya ang kaniyang mga kasalanan at gagawin kung ano ang makatarungan at tama— kung isasauli niya ang garantiya ng sangla na sapilitang hiningi niya, o kung isasauli niya kung ano ang kaniyang ninakaw, at lalakad sa mga alituntunin ng batas na nagbibigay buhay at hindi na kailanman gagawa ng anumang kasalanan, tiyak na mabubuhay siya at hindi mamamatay. Wala na sa kaniyang mga nagawang kasalanan ang aking iisipin para sa kaniya. Kumilos siya ng makatarungan at makatuwiran, kaya siguradong mabubuhay siya! (Ezekiel 33:14-16)

Pagpapala ng paggalang ng mga tao

Huwag hayaang lisanin ka ng pagiging tapat sa tipan at pagiging katiwa-tiwala, itali ito ng magkasama sa iyong leeg, isulat ito sa kaloob-looban ng iyong puso. Pagkatapos ikaw ay makakahanap ng pabor at mabuting reputasyon sa paningin ng Diyos at ng tao. (Mga Kawikaan 3:3-4)

Pagpapala ng kasaganaan

Sa bahay ng mga gumagawa ng tama ay mayroong labis na kayamanan, pero ang kinikita ng mga masasamang tao ay nagbibigay ng gulo sa kanila. (Mga Kawikaan 15:6)

Pagpapala para sa mga pinuno

Ang pinuno na nagkukukulang ng pang-unawa ay isang mabagsik na nagpapahirap, pero ang isa na namumuhi sa di matapat ay mapapahaba ang kaniyang mga araw. (Mga Kawikaan 28:16)

Mga sumpang nakalaan sa mga mandaraya

Sumpa ng pagkapoot/pagkahiwalay sa Diyos

Hindi dapat kayo magkaroon sa inyong lalagyan ng magkakaibang timbangan, isang malaki at isang maliit. Hindi dapat kayo magkaroon sa inyong bahay ng magkakaibang sukatan, isang malaki at isang maliit. Isang ganap at tapat na timbangan ang dapat mayroon kayo; isang ganap at tapat na sukatan ang dapat mayroon kayo, para humaba ang inyong mga araw sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh. Dahil ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na iyon, lahat ng kumikilos nang hindi matuwid, ay isang kasuklam-suklam kay Yahweh na inyong Diyos. (Deuteronomio 25:13-16)
Wawasakin mo ang mga sinungaling; hinahamak ni Yahweh ang mga mararahas at mandarayang mga tao. (Mga Awit 5:6)
Dahil ang sinungaling na tao ay kasuklam-suklam kay Yahweh, nguniit dinadala niya ang matuwid na tao sa kaniyang pagtitiwala. (Mga Kawikaan 3:32)
Mayroong anim na bagay na kinamumuhian ni Yahweh, pito na kasuklam-suklam sa kaniya: isang saksi na nagsasabi ng mga kasinungalingan, at ang isa na siyang naghahasik ng alitan sa kaniyang mga kapatid. (Mga Kawikaan 6:16, 19)
Galit si Yahweh sa sinungaling na mga labi, pero ang mga namumuhay nang tapat ay ang kasiyahan ng Diyos. (Mga Kawikaan 12:22)
Ang bulaang saksi ay hindi makaaalis ng hindi mapaparusahan, ngunit mapapahamak ang mga nabubuhay sa kasinungalingan. (Mga Kawikaan 19:9)
Dahil sa kasalanan ng kanyang marahas na pakinabang, ako ay nagalit, at pinarusahan ko siya; itinago ko ang aking mukha at ako ay nagalit, pero siya ay nanumbalik sa pamamaraan ng kanyang puso. (Isaias 57:17)
Ang inyong makasalanang mga kilos, gayunman, ay naghiwalay sa inyo mula sa inyong Diyos, at dahil sa inyong mga kasalanan ay nagawa niyang maitago ang kaniyang mukha mula sa inyo at mula sa pakikinig sa inyo. Dahil ang inyong mga kamay ay narumihan ng dugo at ang inyong mga daliri ng kasalanan. Ang inyong mga labi ay nagsasalita ng mga kasinungalingan at ang inyong dila ay nagsasalita ng may malisya. Walang isa man ang tumatawag sa katuwiran, at walang nagsusumamo ng kaniyang kalagayan nang totoo. Sila ay nagtitiwala sa walang kabuluhang mga salita, at nagsasabi ng mga kasinungalingan; sila ay nagbabalak ng kaguluhan at nagbubunga ng kasalan. (Isaias 59:2-4)

Sumpa ng parusa/paghatol

'Nawa'y isumpa ang taong magtatanggal ng palatandaan sa lupa ng kaniyang kapitbahay.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' (Deuteronomio 27:17)
Pero magagalak ang hari sa Diyos; ang lahat ng nanunumpa sa kaniya ay ipagmamalaki siya, pero ang bibig ng mga nagsasalita ng kasinungalingan ay mahihinto. (Mga Awit 63:11)
Galit si Yahweh sa sinungaling na mga labi, pero ang mga namumuhay nang tapat ay ang kasiyahan ng Diyos. (Mga Kawikaan 12:22)
Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga kaisipan ng mga masasamang tao, pero ang mga salita ng kagandahang-loob ay busilak. (Mga Kawikaan 15:26)
Ang bulaang saksi ay hindi makakaalis ng hindi napaparusahan, at hindi makakatakas ang siyang nabubuhay sa mga kasinungalingan. (Mga Kawikaan 19:5)
Ang tinapay na nakamit sa pamamagitan ng panlilinlang ay matamis sa panlasa, ngunit pagkatapos ang kaniyang bibig ay mapupuno ng graba. (Mga Kawikaan 20:17)
Dahil sa kasalanan ng kanyang marahas na pakinabang, ako ay nagalit, at pinarusahan ko siya; itinago ko ang aking mukha at ako ay nagalit, pero siya ay nanumbalik sa pamamaraan ng kanyang puso. (Isaias 57:17)
Katulad ng hawla na punung-puno ng mga ibon, ang kanilang mga bahay ay punung-puno ng panlilinlang. Kaya dumami sila at naging mayaman. Naging mataba sila at naging tanyag nang may kagalingan. Ginawa nila ang lahat ng kasamaan. Hindi nila ipinaglaban ang kapakanan ng mga tao o ang kapakanan ng mga ulila. Nagtagumpay sila kahit na hindi sila nagbigay ng katarungan sa mga nangangailangan. Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil sa mga bagay na ito? At hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa isang bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh. (Jeremias 5:27-29)
Ipinahayag ni Yahweh, “Nagsasabi ang kanilang mga dila ng mga kasinungalingan, na kanilang mapanlinlang na sandata, ngunit hindi sila dakila sa katapatan sa lupa. Patuloy silang gumagawa ng masama sa iba. Hindi nila ako kilala.” Bantayan ng bawat isa sa inyo ang inyong kapwa at huwag magtiwala sa sinumang kapatid. Sapagkat mandaraya ang bawat kapatid at namumuhay sa paninirang-puri ang bawat kapwa. Kinukutya ng bawat isa ang kaniyang kapwa at hindi nagsasabi ng katotohanan. Nagtuturo ng mga mapanlinlang na bagay ang kanilang mga dila. Pagod na pagod sila sa paggawa ng malaking kasalanan. Namuhay kayo sa gitna ng pandaraya. Sa kanilang panlilinlang, tinanggihan nila akong kilalanin. Ito ang pahayag ni Yahweh.” Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Tingnan ninyo, susubukin at susuriin ko sila. Ano pa ang aking gagawin para sa anak ng babae ng aking mga tao? Matatalas na palaso ang kanilang mga dila at nagsasalita sila ng mga bagay na kasinungalingan. Sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, naghahayag sila ng kapayapaan sa kanilang kapwa, ngunit sa kanilang mga puso inaabangan nila sila. Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil sa mga bagay na ito at hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa bansang tulad nito? Ito ang pahayag ni Yahweh. (Jeremias 9:3-9)
Kaya tumingin ka! Hinampas ko ng aking kamay ang kumikita sa pandaraya, at ang pagdanak ng dugo sa gitna mo. Matatag ba ang iyong puso, malakas ba ang iyong mga kamay sa panahon na ikaw ay aking haharapin? Ako, si Yahweh, na nagpapahayag nito, at gagawin ko ito. Kaya ikakalat kita sa mga bansa at paghiwa-hiwalayin kita sa mga lupain. Sa paraang ito, papawiin ko ang karumihan mo. (Ezekiel 22:13-15)
Ang kaniyang mga prinsipe na nasa kaniya ay tulad ng mga asong lobo na niluluray ang kanilang mga biktima. Pinapadanak nila ang dugo at sinisira nila ang buhay, para kumita sa pamamagitan ng pandaraya. At pinintahan pa siya ng kaniyang mga propeta gamit ang apog na pampinta; mga huwad ang kanilang mga pangitain at kasinungalingan ang kanilang mga ipinapahayag sa kanila, ang sinasabi nila “ Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh” kahit hindi naman nagsalita si Yahwehi! Ang mga tao ng lupain ay nang-aapi sa pamamagitan ng panghuhuthut at pandarambong dahil sa pagnanakaw, at inaabuso ang mahihirap at mga kapos, at inapi ang mga dayuhan nang walang katarungan. Kaya naghanap ako ng isang tao mula sa kanila na magtatayo ng pader at siyang tatayo sa harapan ko sa paglabag na ito para sa lupain upang hindi ko na sirain ito, ngunit wala akong natagpuan isa man. Kaya ibubuhos ko ang aking galit sa kanila! Tatapusin ko sila sa apoy ng aking galit at ilalagay sila sa paraan na kanilang sariling iniisip—ito ang Pahayag ng Panginoong Yahweh.”' (Ezekiel 22:27-31)
Ang mga pinuno ng Juda ay tulad ng mga naglilipat ng batong palatandaan. Ibubuhos ko sa kanila ang aking galit na tulad ng tubig. (Hosea 5:10)
Pakinggan ninyo ito, kayong mga umaapak sa mga nangangailangan at nagpapaalis sa mga mahihirap sa lupain. Sinabi nila, “Kailan matatapos ang bagong buwan, upang muli kaming makapagbenta ng butil? At ang Araw ng Pamamahinga, kailan matatapos, upang makapagbenta kaming muli ng trigo? Gagawin naming mababa ang sukat at tataasan ang halaga, upang makapandaya kami ng maling timbang. Upang makapagbenta kami ng hindi magandang trigo at bilhin ng pilak ang mga mahihirap, isang pares ng sandalyas para sa nangangailangan.” Sumumpa si Yahweh sa kapalaluan ni Jacob, “Tiyak na hindi ko malilimutan kailanman ang anumang ginawa nila.” Hindi ba mayayanig ang lupain dahil sa mga ito at tatangis ang bawat isang nakatira rito? Ang lahat ng ito ay babangon tulad ng Ilog ng Nilo at tataas ang mga ito at muling lulubog tulad sa ilog ng Egipto. “Darating ang mga ito sa araw na iyon”—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— “na palulubugin ko ang araw sa tanghaling tapat at padidilimin ko ang buong daigdig sa liwanag ng araw. Gagawin kong pagdadalamhati ang inyong mga pista at ang lahat ng inyong mga awit ay sa panaghoy. Pagsusuutin ko kayong lahat ng telang magaspang at ang bawat ulo ay kakalbuhin. Gagawin kong pagdadalamhati tulad sa nag-iisang anak, at isang araw ng kapaitan sa bawat pagtatapos. (Amos 8:4-10)
Mayroong kayamanan sa mga tahanan ng mga masasamang hindi tapat at may mandarayang mga panukat na kasuklam-suklam. Ituturing ko ba na walang sala ang isang tao kung gumagamit siya ng mapandayang panukat, kasama ang isang lalagyan na may dayang timbang? Puno ng karahasan ang mga mayayaman, ang naninirahan sa kaniya ay nagsasalita ng kasinungalingan at mapanlinlang ang kanilang mga dila sa kanilang mga bibig. Samakatuwid hinampas ko kayo ng isang malubhang sugat, winasak ko kayo dahil sa inyong mga kasalanan. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog, ang inyong kawalan ay mananatili sa iyo. Mag-iimbak ka ng mga pagkain ngunit hindi makapagtatabi at kung ano ang iyong itinabi ay ibibigay ko sa espada. Ikaw ay magtatanim ngunit hindi ka mag-aani, ikaw ay magpipiga ng olibo ngunit hindi mo mapapahiran ng langis ang iyong sarili. Ikaw ay magpipisa ng ubas ngunit hindi ka makakainom ng alak. Ang mga kautusan na ginawa ni Omri ay sinunod, at lahat ng mga gawa ng sambahayan ni Ahab. Lumakad kayo sa pamamagitan ng kanilang payo. Kaya gagawin ko kayo na isang sirang lungsod at isang mangungutya ang mga naninirahan sa inyo at magdadala kayo ng kahihiyan bilang aking mga tao.” (Mikas 6:10-16)
Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati. Sinabi niya sa kanila, “Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.” (Mateo 21:12-13)
Pumasok si Jesus sa templo at sinimulang palayasin ang mga nagtitinda, sinasabi sa kanila, “Nasusulat, 'Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.” (Lucas 19:45-46)

Sumpa ng kamatayan/pagkawasak

Nagkasala ang Israel. Nilabag nila ang aking tipan na aking iniutos sa kanila. Ninakaw nila ang ilan sa mga bagay na inilaan. Ninakaw nila at pagkatapos itinago rin nila ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paglalagay kung ano ang kanilang kinuha sa kanilang sariling mga pag-aari. Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel.”' Pagkatapos sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ginulo? Guguluhin ka ni Yahweh sa araw na ito.” Binato siya ng buong Israel. At sinunog nila silang lahat, at binato nila sila. (Joshua 7:11, 15, 25)
Wawasakin mo ang mga sinungaling; hinahamak ni Yahweh ang mga mararahas at mandarayang mga tao. (Mga Awit 5:6)
Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan at kasinungalingan kaysa sa pagsasabi ng katuwiran. Selah Mahal mo ang lahat ng mga salitang sumisira sa iba, ikaw na mandarayang dila. Kaya wawasakin ka rin ng Diyos magpakailanman; siya ang mag-aalis sa iyo at hahatakin kang palabas sa iyong tolda at bubunutin ka mula sa lupain ng mga nabubuhay. Selah (Mga Awit 52:3-5)
Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito. (Mga Kawikaan 1:19)
Ang isang walang kwentang tao— isang masamang tao— namumuhay sa kabaluktutan ng kaniyang salita, Kaya lulupigin siya sa isang iglap ng kaniyang kapahamakan; sa isang sandali siya ay masisira na higit sa kagalingan. (Mga Kawikaan 6:12, 15)
Ang makatotohanang mga labi ay tumatagal habang-buhay, pero ang sinungaling na dila ay panandalian lamang. (Mga Kawikaan 12:19)
Ang pagtamo ng kayamanan ng isang sinungaling na dila ay panandaliang singaw at isang patibong na nakamamatay. (Mga Kawikaan 21:6)
Siyang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kaguluhan, at ang pamalo ng kaniyang matinding galit ay magiging walang pakinabang. (Mga Kawikaan 22:8)
Huwag mo pagnakawan ang mahirap na tao, dahil siya ay mahirap, o wasakin ang nangangailangang tao sa tarangkahan, dahil si Yahweh ang mangangatwiran sa kanilang kaso, at nanakawin niya ang buhay na siyang nagnakaw sa kanila. (Mga Kawikaan 22:22-23)
Ngunit walang laman ang inyong mga mata at puso maliban ang pag-aalala sa hindi makatarungan na kikitain ninyo at pagbuhos sa mga dugo ng walang kasalanan, at sa paggawa ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mga iba. Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda: Hindi nila siya tatangisan ng 'Aba, ang aking kapatid na lalaki!' o 'Aba, ang aking kapatid na babae!' At hindi sila tatangis ng “Aba, panginoon!' o 'Aba, kamahalan!' Maililibing siya tulad ng paglibing ng isang patay na asno, kakaladkarin palayo at ihahagis sa kabila ng mga tarangkahan ng Jerusalem. (Jeremias 22:17-19)
Subalit kung may anak siyang marahas na nagpapadanak ng dugo at ginagawa alinman sa mga bagay na ito— kahit na hindi ginagawa ng kaniyang ama ang alinman sa mga bagay na ito— subalit kung ang kaniyang anak na lalaki ay kumain sa mga dambana sa bundok at sipingan ang asawa ng kapitbahay— kung inaapi niya ang mahirap at nangangailangan, kung sumasamsam siya at nagnanakaw at hindi ibinabalik ang sangla, kung itinataas niya ang kaniyang mga mata sa mga diyos-diyusan o gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain; at kung nagpapautang siya na nagpapabayad ng tubo at kumukuha ng hindi makatarungang kita, dapat ba siyang mabuhay? Siya ay hindi mabubuhay! Ginawa niya ang lahat ng kasuklam-suklam na ito. Siya ay tiyak na mamamatay; ang kaniyang dugo ay nasa kaniya. Ang kaniyang ama, sapagkat inapi niya ang iba sa pamamagitan ng pagkuha nang sapilitan at ninakawan ang kaniyang kapatid na lalaki, at ginawa ang hindi mabuti sa mga tao—tingnan mo, siya ay mamamatay sa kaniyang malaking kasalanan. (Ezekiel 18:10-13, 18)
Ngayon, may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias, kasama ang kaniyang asawa na si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian, at kaniyang itinago ang bahagi ng napagbilhang pera (alam din ito ng kaniyang asawang babae), at idinala ang ibang bahagi nito at inilagay sa paanan ng mga apostol. Ngunit sinabi ni Pedro, ''Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu upang itago ang bahagi ng napagbilhan ng iyong lupa? Habang hindi pa ito nabebenta, hindi ba nanatili itong sa iyo? At matapos itong maipagbili, hindi ba't nasa iyo parin ang pamamahala? Paano mong naisip ang mga bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos.” Habang pinakikinggan ang mga salitang ito, si Ananias ay nabuwal at nawalan ng hininga. At matinding takot ang dumating sa lahat ng nakarinig nito. Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing. Makalipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa, na alam kung ano ang nangyari. Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga.” Sinabi niya, “Oo, sa ganoong halaga.” Pagkatapos sinabi ni Pedro sa kaniya, “Paanong nagkasundo kayong dalawa para subukin ang Espiritu ng Panginoon? Tignan mo, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan, at dadalhin ka nilang palabas.” Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa. (Mga Gawa 5:1-10)

Sumpa sa pamilya

Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol. (Mga Kawikaan 15:27)
Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang. (Jeremias 8:10)
Aba sa mga nagbabalak ng kasamaan, sa mga nagbabalak sa kanilang higaan na gumawa ng masama. Isinasagawa nila ito sa pagliwanag ng umaga dahil mayroon silang kapangyarihan. Naghahangad sila ng mga bukid at inaangkin ang mga ito; naghahangad sila ng mga bahay at kinukuha ang mga ito. Inaapi nila ang isang tao at ang kaniyang sambahayan, ang tao at ang kaniyang mana. Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: “Tingnan ninyo, magdadala ako ng sakuna laban sa angkan na ito, kung saan hindi ninyo maiaalis ang inyong mga leeg. Hindi kayo makakalakad nang may kayabangan, sapagkat magiging isang panahon ito ng kasamaan. (Mikas 2:1-3)

Sumpa sa mga ari-arian

Nilinlang ako ng inyong ama at pinalitan ng sampung beses ang sahod ko, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na ako'y masaktan. Sa ganitong paraan kinuha ng Diyos ang mga alagang hayop ng inyong ama at ibinigay sila sa akin. (Genesis 31:7, 9)
Ang mga yamang naipon sa pamamagitan ng kasamaan ay walang halaga, ngunit ang paggawa ng kung ano ang tama ay naglalayo sa kamatayan. (Mga Kawikaan 10:2)
Ang kayamanan ay nauubos kapag mayroong labis na kalayawan, pero ang siyang kumikita ng salapi sa pamamagitan ng pagtatrabaho gamit ang kaniyang kamay ay mapapalago ang kaniyang salapi. (Mga Kawikaan 13:11)
Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayundin ang kanilang mga bukirin at mga asawa. Sapagkat lulusubin ko sa pamamagitan ng aking kamay ang mga naninirahan sa lupain. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya. (Jeremias 6:12-13)
Nililimliman ng isang pugo ang itlog na hindi naman siya ang nangitlog. Maaaring may taong yayaman sa kalikuan. Ngunit sa panahon ng kalakasan sa kaniyang buhay, iiwan siya ng mga kayamanang iyon at magiging mangmang sa huli.” (Jeremias 17:11)
Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.” (Mikas 4:13)

Sumpa ng pagmamataas

Siyang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kaguluhan, at ang pamalo ng kaniyang matinding galit ay magiging walang pakinabang. (Mga Kawikaan 22:8)

Sumpa sa mga nasasakupan ng isang pinuno

Kung ang isang pinuno ay nagbibigay pansin sa mga kasinungalingan, lahat ng kaniyang mga opisyal ay magiging masama. (Mga Kawikaan 29:12)

Sumpa sa walang hanggan

Pero para sa mga duwag, sa walang pananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga sekswal na imoralidad, sa mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kanilang lugar ay sa dagat-dagatang apoy ng nagniningas na asupre. Na siyang ikalawang kamatayan. (Pahayag 21:8)
...at walang marurumi ang maaaring makapasok dito. Maging ang sinumang gumagawa ng anumang kahihiyan o panlilinlang ang makakapasok, pero ang mga nakasulat lamang ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero. (Pahayag 21:27)
Nasa labas ang mga aso, ang mga mangkukulam, ang sekswal na imoralidad, ang mga mamamatay tao, ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at gumagawa ng kasinungalingan. (Pahayag 22:15)

Mga sumpa sa pangkalahatan

'Nawa'y isumpa ang taong magtatanggal ng palatandaan sa lupa ng kaniyang kapitbahay.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' (Deuteronomio 27:17)
Ang tinapay na nakamit sa pamamagitan ng panlilinlang ay matamis sa panlasa, ngunit pagkatapos ang kaniyang bibig ay mapupuno ng graba. (Mga Kawikaan 20:17)
Aba sa lungsod na puno ng dugo! Puno ito ng lahat ng kasinungalingan at ninakaw na ari-arian; at laging nasa kaniya ang mga biktima. (Nahum 3:1)

Pananaw ng mga tao na hindi pinarurusahan ng Diyos ang pandaraya

Bakit hindi tinakda ng Makapangyarihan ang panahon ng paghahatol sa masasamang tao? Bakit hindi nakikita ng mga tapat sa Diyos ang paparating na panahon ng kaniyang paghuhukom? Mayroong mga masasama na tinatanggal ang mga hangganan ng tagamarka; mayroong mga masasama na pilit kinukuha ang mga kawan at nilalagay sa sarili nilang mga pastulan. Dumadaing ang mga tao sa lungsod, umiiyak ang mga sugatan, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin. (Job 24:1-2, 12)

Mga suhol

Ang mga tao ay nanunuhol

Mabisa ang suhol

Ang suhol ay parang isang mahikang-bato sa isang nagbibigay nito; saan man siya dumako, siya ay magtatagumpay. (Mga Kawikaan 17:8)
Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit at ang isang tagong regalo ay nag-aalis nang matinding galit. (Mga Kawikaan 21:14)

Ang masasama ay nanunuhol

Huwag mo akong walisin kasama ng mga makasalanan, o ang aking buhay kasama ng mga taong hayok sa dugo, kung saan ang mga kamay ay may masamang balak, at sa kanang kamay ay puno ng mga suhol. (Mga Awit 26:9-10)
Ang masamang tao ay tumatanggap ng suhol na palihim para iligaw ang mga daan ng katarungan. (Mga Kawikaan 17:23)

Mga halimbawa ng mga nanuhol

Hindi lumakad sa mga paraan niya ang kanyang mga anak, sa halip naghabol sila sa hindi tapat na tubo. Tumanggap sila ng mga suhol at binaluktot ang katarungan. (1 Samuel 8:3)
Mga rebelde at kasama ng mga magnanakaw ang mga prinsipe niyo; ang bawat isa, nagnanais ng suhol at naghahabol ng bayad. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila, maging ang mga hinaing pang-legal ng mga balo sa kanilang harapan. (Isaias 1:23)
Ang kanilang mga kamay ay napakahusay sa paggawa ng pinsala. Ang mga pinuno ay humihingi ng pera, ang hukom ay handa sa mga suhol, at sinasabi ng makapangyarihang tao sa iba kung ano ang gusto niyang makuha. Kaya nagbalak sila ng masama. (Mikas 7:3)
Ngayon habang ang mga babae ay papunta, masdan ito, ang ilan sa mga tagapagbantay ay pumunta sa lungsod at sinabi sa mga punong pari ang lahat ng nangyari. Nang nagtipun-tipon ang mga pari kasama ng mga nakatatanda at pinag-usapan nila ang pangyayaring iyon, nagbigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga kawal at sinabi sa kanila, “Sabihin ninyo sa iba, 'Pumunta ang mga alagad ni Jesus noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang kami ay natutulog.' Kung makarating sa gobernador ang balitang ito, hihikayatin namin sila at alisin sa inyo ang anumang pagkabahala.” Kaya kinuha ng mga kawal ang pera at ginawa kung ano ang iniutos sa kanila. Ang balitang ito ay kumalat agad sa mga Judio at nagpatuloy magpahanggang ngayon. (Mateo 28:11-15)
Subalit nang nagbahagi si Pablo tungkol sa pagkamatuwid, pagpipigil sa sarili, at sa nalalapit na paghuhukom, nagkaroon na ng takot si Felix; at siya'y sumagot, “Lumayo ka muna sa ngayon, kapag may oras ako muli, ipapatawag kita.” niyang bibigyan siya ni Pablo ng pera, kaya't palagi niyang pinapatawag at nakikipag-usap sa kaniya. (Mga Gawa 24:25-26)

Iniutos na huwag makibahagi sa suhulan

Huwag kumukuha ng suhol, dahil ang suhol ang bumubulag sa mga taong nakakakita, at inililihis ang mga salita ng mga taong tapat. (Exodo 23:8)
Hindi ninyo dapat pilitin ang katarungan; hindi dapat kayo magpakita ng pagpanig ni kumuha ng suhol, dahil ang isang suhol ay bumubulag sa mga mata ng matalino at sumisira sa mga salita ng matuwid. (Deuteronomio 16:19)

Ang suhol ay nagpapasama

Tunay na ang pangingikil ay nagpapamangmang sa mga matatalinong tao, at ang suhol ay nagdudungis ng puso. (Ang Mangangaral 7:7)

Halimbawa ng Panginoong hindi tumatanggap ng suhol

Dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon, ang dakilang Diyos, ang tanging makapangyarihan at ang tanging kinatatakutan, na siyang walang itinatanging sinuman at hindi tumatanggap ng mga suhol. (Deuteronomio 10:17)

Ang mga pinuno ay hindi maaaring tumanggap ng suhol

At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.” (2 Mga Cronica 19:7)
Ang hari ay itinatatag ang lupa sa pamamagitan ng katarungan, ngunit wawasakin ito ng isang humuhingi ng suhol. (Mga Kawikaan 29:4)

Mga halimbawa ng mga hindi tumanggap ng suhol

Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo.” Sinabi nila, “Hindi mo kami dinaya, inapi, o ninakawan ng anumang bagay mula sa kamay ng sinuman.” Sinabi niya sa kanila, “Saksi si Yahweh laban sa inyo, at ang kanyang hinirang ay saksi ngayon, na wala kayong nakita sa aking kamay.” At sumagot sila, “Saksi si Yahweh.” (1 Samuel 12:3-5)
'Sinabi ko ba sa inyo na bigyan ninyo ako ng kahit ano?' 'O, regaluhan ninyo ako mula sa inyong kayamanan?' (Job 6:22)

Mga pagpapala at mga sumpa

Ang mga nanunuhol ay isinumpa

'Nawa'y isumpa ang taong tumatanggap ng isang suhol para pumatay ng taong walang kasalanan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' (Deuteronomio 27:25)
...silang nagpapawalang-sala sa masasama kapalit ng kabayaran, at nag-aalis ng karapatan ng mga inosente! (Isaias 5:23)
Kumukuha ang mga kalalakihang ito ang mga suhol sa iyo upang magpadanak ng dugo. Kinuha ninyo ang tubo at labis na kinita, sinira mo ang iyong kapwa sa pamamagitan ng panggigipit, at kinalimutan mo ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Kaya tumingin ka! Hinampas ko ng aking kamay ang kumikita sa pandaraya, at ang pagdanak ng dugo sa gitna mo. Matatag ba ang iyong puso, malakas ba ang iyong mga kamay sa panahon na ikaw ay aking haharapin? Ako, si Yahweh, na nagpapahayag nito, at gagawin ko ito. Kaya ikakalat kita sa mga bansa at paghiwa-hiwalayin kita sa mga lupain. Sa paraang ito, papawiin ko ang karumihan mo. (Ezekiel 22:12-15)
Dahil tinatapakan ninyo ang mahihirap at kinukuha ninyo ang mga bahagi ng trigo mula sa kanila—at kahit na nagtayo kayo ng mga bahay na gawa sa bato, hindi ninyo matitirahan ang mga ito. Mayroon kayong masaganang ubasan, ngunit hindi ninyo maiinom ang mga alak nito. Sapagkat alam ko kung gaano karami ang inyong nagawang pagkakasala at kung gaano karami ang inyong mga kasalanan—kayo na nagpapahirap sa mga matutuwid, tumatanggap ng mga suhol, at tinalikuran ang mga nangangailangan sa tarangkahan ng lungsod. (Amos 5:11-12)
Humahatol ang inyong mga pinuno para sa isang suhol, nagtuturo ang inyong mga pari para sa isang gantimpala at nanghuhula ang inyong mga propeta para sa pera. Gayunman, umaasa kayo kay Yahweh at sinasabi, “Hindi ba't kasama natin si Yahweh? Walang darating sa atin na kapahamakan.” Kaya, dahil sa inyo, aararuhin ang Sion tulad ng isang bukid, ang Jerusalem ay magiging isang bunton ng mga guho at magiging masukal na burol ang burol ng templo. (Mikas 3:11-12)

Ang mga hindi nanunuhol ay pinagpala

Sinong puwedeng manatili sa iyong tabernakulo, Oh Yahweh? Sinong maaaring manirahan sa iyong banal na burol? Hindi siya naniningil ng tubo sa tuwing siya ay nagpapautang. Hindi rin siya tumatanggap ng suhol para tumestigo laban sa walang-sala. Sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman mayayanig. (Mga Awit 15:1, 5)
Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol. (Mga Kawikaan 15:27)
Siya na lumalakad nang matuwid at nagsasalita nang matapat; siyang namumuhi sa pakinabang sa pang-aapi, na tumatanggi para tumanggap ng suhol, na hindi nagbabalak ng marahas na krimen, at hindi tumitingin sa masama. Siya ay gagawa ng kaniyang tahanan sa kaitaasan; ang lugar ng kaniyang kuta ay magiging mga batong tanggulan; ang kaniyang pagkain at tubig ay magpapatuloy na dadaloy. (Isaias 33:15-16)