Pagbibigay

Ang pagbibigay ay inilalarawan bilang pagsubok ng pananampalataya, pag-ibig at pagkapanginoon ni Cristo, na may diin sa saloobin ng nagbibigay, na dapat ay mapagmahal at masaya. Ipinakikita ng Kasulatan ang mga pakinabang ng pagbibigay, gaya ng mas malapit na ugnayan sa Diyos, gantimpala sa langit at pagpapala sa lupa, at tinatalakay ang ikapu bilang uri ng pagbibigay.

Mga pagsubok sa pagbibigay

Pagsubok ng pananampalataya

Ano ang kabutihan nito, mga kapatid, kung may magsasabi na mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala siyang mga gawa? Kaya ba ng pananampalatayang iyon na iligtas siya? Kung ang kapatid na lalaki o kapatid na babae ang nangangailangan ng kasuotan at pagkain araw-araw, at ang isa sa inyo ay magsasabi sa kanila, “Humayo kayong mapayapa, mangagpainit kayo at magpakabusog kayo,”' subalit hindi ninyo sila binigyan ng mga kinakailangan para sa katawan, anong kabutihan iyon? Sa ganuon ding pamamaraan ang pananampalataya lang, kung hindi ito nagtataglay ng mga gawa, ay patay. (Santiago 2:14-17)

Pagsubok kung nananatili sa atin ang pag-ibig ng Diyos

Pero ang sinumang mayroong mga mabubuting bagay sa mundo, nakitang nangangailangan ang kapatid, at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya, papaano mananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos? (1 Juan 3:17)

Pagsubok ng pag-ibig sa ating kapwa

SInasabi ko ito hindi bilang isang utos. Sa halip, sinasabi ko ito upang subukan ang katapatan ng inyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagkukumpara nito sa pananabik ng ibang tao. (2 Corinto 8:8)

Halimbawa ng mabuting Samaritano

Ngunit isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya. Nang makita siya, siya ay nahabag. Lumapit siya sa kaniya at binendahan ang kaniyang mga sugat, nilagyan ng langis at alak ang mga ito. Sinakay siya sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-panuluyan, at inalagaan siya. Nang sumunod na araw, siya ay kumuha ng dalawang denaryo, at ibinigay sa katiwala ng bahay-panuluyan, at sinabi, 'Alagaan mo siya at anumang magagastos mong labis, sa aking pagbalik, babayaran kita.' (Lucas 10:33-35)

Pagsubok kung si Cristo ang Panginoon

Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.” Subalit ng marinig ng binatang lalaki ang sinabi ni Jesus, umalis siya na malungkot, sapagkat siya ay may napakaraming mga ari-arian. (Mateo 19:21-22)
Tiningnan siya ni Jesus at minahal siya. Sinabi niya sa kaniya, “Isang bagay ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ibigay sa mga mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay sumunod ka sa akin.” Ngunit pinanghinaan siya ng loob sa mga pahayag na ito, umalis siya na lubusang nalungkot sapagkat marami siyang ari-arian. (Marcos 10:21-22)
Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit—at halika, sumunod ka sa akin.” Ngunit nang marinig ng mayamang lalaki ang mga bagay na ito, labis siyang nalungkot, sapagkat napakayaman niya. (Lucas 18:22-23)

Mga saloobin sa pagbibigay

Ang saloobin ng Diyos

Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)
At alam natin at pinaniwalaan ang pag-ibig na mayroon ang Diyos na nasa sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig, at siyang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. (1 Juan 4:16)
Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay mula sa itaas, bumaba mula sa Ama ng mga liwanag. Hindi siya nagbabago katulad ng paglipat ng anino. (Santiago 1:17)

Ang ating saloobin

Ano ang tamang saloobin?

Nang may pag-ibig

At ipagpalagay na naibibigay ko ang lahat ng nasa akin upang maipakain sa mga mahihirap, at ibigay ko ang aking katawan upang sunugin. Ngunit kung wala akong pag-ibig, ako ay walang pakinabang. (1 Corinto 13:3)

Nang may kagalakan

Bawat isa ay magbigay ayon sa pasiya ng kaniyang puso. Huwag siyang hayaang magbigay na may kalungkutan o napilitan. Sapagkat minamahal ng Diyos ang masayang nagbibigay. (2 Corinto 9:7)

Paano tayo nagbibigay nang may pag-ibig?

Magbigay sa Panginoon bilang pagpapahayag ng pag-ibig at pagsamba

“Sabihin sa mga Israelita na kumuha ng isang handog para sa akin mula sa bawat tao na hinikayat ng maluwag sa kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang mga handog na ito para sa akin. (Exodo 25:2)
“Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila. Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh. Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin. (Exodo 30:12-14)
Magdala ng handog para kay Yahweh, lahat kayo na may bukas na puso. Magdala ng handog kay Yahweh—ginto, pilak, tanso, (Exodo 35:5)
Bawat isa na ang puso ay napukaw at ang kaniyang espiritu ay naging handang pumunta at nagdala ng handog kay Yahweh para sa paggawa ng tabernakulo, lahat ng bagay na gagamitin sa paglilingkod nito, at para sa banal na kasuotan. Pumunta sila kasama ang mga lalaki at mga babae, lahat na may pusong handa. Nagdala sila ng mga panusok, mga hikaw, mga singsing, at mga palamuti, lahat ng uri ng gintong alahas. Iniharap nilang lahat ang mga alay na ginto kay Yahweh. Bawat isa na may asul, lila, o pulang tela, pinong lino, balahibo ng kambing, mga balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula o mga balat ng dugong ay dinala nila. Gumagawa ang bawat isa ng handog na pilak o tanso at dinala ito bilang handog kay Yahweh, at bawat isa na may kahoy na akasya para magamit sa anumang gawain ay dinala ito. Ang bawat bihasang babae ay naghabi gamit ang kaniyang mga kamay at dinala ang kaniyang hinabi—asul, lila, o pulang sinulid, o pinong lino. Lahat ng babae na ang mga puso ay pumukaw sa kanila at may kahusayan ay naghabi ng buhok ng kambing. Ang mga pinuno ay nagdala ng batong oniks at iba pang mahalagang bato para ilagay sa epod at sa baluti; Nagdala sila ng panghalo at langis para sa ilawan, para sa pangpahid na langis, at para sa mabangong insenso. Ang mga Israelita ay kusang-loob na nagdala ng handog kay Yahweh; ang bawat lalaki at babae na may pusong handa ay nagdala ng mga kagamitan para sa lahat ng gawain na iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na gagawin. (Exodo 35:21-29)
Ihahandog niya ang isa sa bawat uri ng mga alay bilang isang handog na idudulog kay Yahweh. Magiging pag-aari ito ng mga pari na siyang nagsaboy ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan sa altar. (Levitico 7:14)
Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo ang tungkulin sa pag-iingat ng mga handog na itinaas sa akin, at lahat ng mga banal na handog na ibinigay sa akin ng mga tao ng Israel. Ibinigay ko ang mga handog na ito sa iyo, at sa iyong mga anak na lalaki bilang iyong patuloy na bahagi. Ang mga bagay na ito mula sa mga ganap na inialay na handog kay Yahweh, subalit ang hindi ganap na nasunog ay magiging sa iyo. Bawat alay na dinadala ng mga tao, kalakip ng bawat handog na butil, bawat handog para sa kasalanan, at bawat handog na pambayad para sa kasalanan—lahat nitong mga napakabanal na handog—na inilaan nila para sa akin at dinala sa akin ay magiging para sa iyo at para sa iyong mga anak na lalaki. Ito ay ganap na inilaan para sa akin, na dapat mong kainin ang mga handog na ito. Bawat lalaking kasama mo ay dapat kumain ng mga handog na ito. Dapat mo silang isaalang-alang bilang inilaan para sa akin. Ito ang mga handog na mapapabilang sa iyo: kanilang mga regalo na itinabi mula sa lahat ng itinaas na mga handog ng mga tao ng Israel, mga handog na tinaas nang mataas sa harap ko at dinala sa akin. Ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, at sa iyong mga anak na babae, bilang iyong patuloy na bahagi. Bawat isang malinis sa pamamagitan ng ritwal sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng kahit ano mula sa mga handog na ito. Lahat ng mainam na langis, lahat ng mainam na bagong alak at butil, ang unang mga prutas na ibinigay ng mga tao sa akin—lahat ng mga ito ay ibinibigay ko sa inyo. Ang lahat ng bungang unang hinog na nasa kanilang lupain, na dinala nila sa akin ay magiging sa inyo. Bawat isang malinis sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng mga bagay na ito. Bawat bagay na inilaan sa Israel ay magiging sa iyo. Bawat bagay na nagpapabukas ng sinapupunan, lahat ng panganay na hinandog ng mga tao kay Yahweh, kapwa tao at hayop, magiging sa iyo. Gayunpaman, dapat tiyak na bilhin muli ng mga tao ang bawat panganay na anak na lalaki, at dapat nilang bilhin muli ang panganay na lalaki ng maruming mga hayop. Iyong mga dapat bibilhin muli ng mga tao ay dapat bilhin muli pagkatapos na maging isang buwang gulang. Pagkatapos ay maaari na silang bilhin muli ng mga tao, sa halagang limang siklo, ayon sa pamantayang timbang na siklo ng santuwaryo, na kapantay ng dalawampung gera. Subalit ang panganay ng isang baka, o ang panganay ng isang tupa, o ang panganay ng isang kambing ay hindi mo dapat bilhin muli ang mga hayop na ito; sila ay inilaan sa akin. Dapat mong isaboy ang dugo nito sa altar at sunugin ang kanilang taba bilang isang alay na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak para sa akin. Magiging sa iyo ang karne ng mga ito. Gaya ng itinaas na dibdib at kanang hita, magiging sa iyo ang karne ng mga ito. Lahat ng dinalang handog ng banal na mga bagay na inalay ng mga tao ng Israel sa akin ay ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, sa iyong mga anak na babae bilang patuloy na bahagi. Tumatayo sila para sa isang tipan ng asin, isang umiiral na tipan magpakailanman, sa harap ko kasama mo at ng iyong mga kaapu-apuhan.” Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Hindi ka dapat magkaroon ng mana sa lupain ng mga tao, ni dapat magkaroon ng bahagi sa mga ari-arian ng mga tao. Ako ang iyong magiging bahagi at mana sa piling ng mga tao ng Israel. Sa mga kaapu-apuhan ni Levi, tingnan mo, ibinigay ko ang lahat ng mga ikapu bilang kanilang mana kapalit ng kanilang paninilbihan na kanilang ibinibigay sa pagtatrabaho sa tolda ng pagpupulong. Simula ngayon hindi dapat lumapit ang mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong, o sila ay magkakaroon ng pananagutan sa kasalanang ito at mamatay. Dapat gawin ng mga Levita ang mga gawain na may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong. Sila ang may pananagutan para sa anumang kasalanan tungkol dito. Ito ang magiging isang palagiang batas sa lahat ng salinlahi ng iyong mga tao. At hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel. Sapagkat ang mga ikapu ng mga tao ng Israel, na kanilang inialay bilang handog para sa akin—ito ang mga ibinibigay ko sa mga Levita bilang kanilang mana. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanila, 'Hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.'” (Mga Bilang 18:8-24)
Inilaan ni Haring David ang mga kagamitang ito kay Yahweh, kasama ang mga pilak at mga ginto na nakuha niya sa lahat ng bansa: sa Edom, Moab, sa mga Ammonita, sa mga Filisteo, at Amalek. (1 Mga Cronica 18:11)
Maraming nagdala ng kaloob kay Yahweh sa Jerusalem, at mga mahahalagang bagay kay Ezequias, ang hari ng Judah, kaya naging tanyag siya sa paningin ng lahat ng bansa mula sa panahong iyon at sa sumunod pang mga panahon. (2 Mga Cronica 32:23)
Hinandog ni Haring David ang mga bagay na ito kay Yahweh, kasama ang pilak at ginto mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang nasakop— (2 Samuel 8:11)
Maghandog kayo sa Diyos ng alay ng pasasalamat, at tuparin ninyo ang inyong mga banal na panata sa Kataas-taasan. (Mga Awit 50:14)
Pupunta ako sa iyong tahanan na may mga sinunog na handog; tutuparin ko ang aking mga panata (Mga Awit 66:13)
Ipakita mo ang iyong kapangyarihan mula sa iyong templo sa Jerusalem kung saan nagdadala ng mga kaloob ang mga hari sa iyo. (Mga Awit 68:29)
Gumawa kayo ng mga pangako kay Yahweh na iyong Diyos at tuparin ang mga ito. Nawa lahat ng nakapaligid sa kaniya ay magdala ng kaloob, na siyang dapat katakutan. (Mga Awit 76:11)
Sapagkat sa aking banal na bundok, sa tuktok ng bundok ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—pupurihin ako ng lahat ng sambahayan ng Israel doon sa lupain. Malulugod akong hingin ang inyong mga handog doon, at gayon din ang mga unang bunga ng inyong kaloob kasama ng lahat ng inyong banal na bagay. (Ezekiel 20:40)
Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.” (Mikas 4:13)

Ang lahat ng ating pag-aari ay mula sa Panginoon at ibinabalik natin ito sa Kanya

Ngunit sino ako, at sino ang aking mga tao, upang maghandog nang kusa ng mga bagay na ito? Totoong galing sa iyo ang lahat ng mga bagay at ibinabalik lamang namin sa iyo kung ano ang sa iyo. Sapagkat kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa iyong harapan, tulad ng aming mga ninuno. Tulad ng isang anino ang aming mga araw sa mundo at walang pag-asa na manatili sa mundo. Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng mga kayamanang ito na aming tinipon upang magtayo ng isang templo upang parangalan ang iyong banal na pangalan—nagmula ang mga ito sa iyo at pag-aari mo. (1 Mga Cronica 29:14-16)

Halimbawa ng Sanggol na si Cristo

Pagkatapos maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa mga araw ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang mga pantas na kalalakihan mula sa silangan na nagsasabi, (Mateo 2:1)

Halimbawa ng hindi pagbibigay sa Panginoon

Hindi mo dinala sa akin ang alinman sa iyong mga tupa bilang handog na susunugin; ni pinarangalan mo ako ng iyong mga alay. Hindi ko kayo pinahirapan sa mga handog na butil, ni pinagod kayo sa mga handog na insenso. Hindi mo ako binilihan ng mabangong tubo gamit ang pera, o binigyan man ng taba ng iyong mga alay; pero binigyan mo ako ng pabigat dahil sa ginawa mong mga kasalanan, pinagod mo ako sa iyong mga masasamang gawain. (Isaias 43:23-24)

Magbigay nang may kagalakan sa pagpapasakop sa Panginoon/maghandog nang kusang-loob

Ipinagkakaloob ko ang mga ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, at pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, at mga bagay para sa lahat ng uri ng gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Sino pa ang nais magbigay kay Yahweh ngayon at ibigay ang kaniyang sarili sa kaniya?” Pagkatapos nagbigay ng kusang-loob na handog ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno ng mga tribo sa Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal at ang mga opisyal sa mga gawain ng hari. Nagbigay sila para sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos ng limang libong talento at sampung libong dariko na ginto, sampung libong talento ng pilak, labing walong libong talento ng pilak, at 100, 000 talento ng bakal. Ang mga may mahahalagang bato ay nagbigay sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh, sa ilalim ng pamamahala ni Jehiel, isang kaapu-apuhan ni Gershon. Nagalak ang mga tao dahil sa mga kusang-loob na handog na ito, sapagkat buong puso silang nagbigay kay Yahweh. Labis ding nagalak si Haring David. (1 Mga Cronica 29:5-9)
Ngunit sino ako, at sino ang aking mga tao, upang maghandog nang kusa ng mga bagay na ito? Totoong galing sa iyo ang lahat ng mga bagay at ibinabalik lamang namin sa iyo kung ano ang sa iyo. Sapagkat kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa iyong harapan, tulad ng aming mga ninuno. Tulad ng isang anino ang aming mga araw sa mundo at walang pag-asa na manatili sa mundo. Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng mga kayamanang ito na aming tinipon upang magtayo ng isang templo upang parangalan ang iyong banal na pangalan—nagmula ang mga ito sa iyo at pag-aari mo. Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo. (1 Mga Cronica 29:14-17)
Nais naming malaman ninyo, mga kapatid, tungkol sa biyaya ng Diyos na naibigay sa mga iglesiya sa Macedonia. Sa panahon ng matinding pagsubok sa pagdadalamhati, ang kasaganahan ng kanilang kagalakan at ang mahigpit na pangangailangan sa kanilang kahirapan ay nagbunga ng matinding kasaganahan ng kagandahang loob. Sapagkat nagpapatotoo ako na nagbigay sila hanggang sa kanilang makakaya, at labis pa sa kung ano ang kanilang makakaya. At naaayon sa kanilang sariling kalooban nang may matinding pagmamakaawa, sumasamo sila sa amin para sa pagkakataon ng pagbabahagi sa paglilingkod sa mga mananampalataya. Hindi ito nangyari nang gaya sa aming inaasahan. Sa halip, una nilang ibinigay ang kanilang mga sarili sa Panginoon. At ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa amin ayon sa kalooban ng Diyos. (2 Corinto 8:1-5)

Ang saloobin ay mas mahalaga kaysa sa halagang ibinigay

Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng mga yerbabuena, anis at kumin, ngunit hindi ninyo ginagawa ang mas mahalagang mga bagay tungkol sa batas - katarungan, kahabagan at pananampalataya. Subalit dapat sanang gawin ninyo ang mga ito at huwag pabayaang gawin ang iba. (Mateo 23:23)
Sa aba ninyong mga Pariseo, sapagkat ibinibigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena at ruda at ang bawat ibang halaman sa hardin ngunit pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig ng Diyos. Kinakailangan na kumilos nang may katarungan at may pagmamahal sa Diyos na hindi rin pinababayaan na gawin ang ibang mga bagay. (Lucas 11:42)
“Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang manalangin—ang isa ay Pariseo at ang isa naman ay maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang mga bagay na ito tungkol sa kaniyang sarili, 'Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo dahil hindi ako katulad ng ibang taong magnanakaw, mga hindi matuwid, mga mangangalunya, o tulad ng maniningil ng buwis na ito. Nag-aayuno ako ng dalawang beses bawat linggo. Ibinibigay ko ang ikapu ng lahat ng aking nakukuha.' Ngunit ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa di-kalayuan, ayaw man lang tumingin sa langit, ngunit dinadagukan niya ang kaniyang dibdib, sinasabi, 'Diyos, kaawaan mo ako, na isang makasalanan.' Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong ito sa kaniyang bahay na napawalang-sala kaysa sa isa, dahil maibababa ang bawat taong nagmamataas ng kaniyang sarili at maitataas ang bawat taong nagpapakababa ng kaniyang sarili.” (Lucas 18:10-14)

Pagbibigay nang may tamang saloobin/tinatanggap ng Panginoon ang kaloob

Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog, (Genesis 4:4)
Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abel ay nag-alay ng mas higit na kalugod-lugod na handog sa Diyos kaysa sa ginawa ni Cain. At dahil dito pinuri siya sa pagiging matuwid. Pinuri siya ng Diyos dahil sa mga handog na kaniyang inialay. Dahil diyan, si Abel ay nagsasalita pa rin kahit na siya ay patay na. (Mga Hebreo 11:4)
Nakatanggap at nagkaroon ako ng lahat bagay. Napuno ako. Natanggap ko mula kay Epafroditus ang mga bagay na galing sa inyo. Ang mga ito ay mababangong samyo, katanggap-tanggap at kalugod-lugod na handog sa Diyos. (Mga Taga-Filipos 4:18)

Pagbibigay nang may maling saloobin/tinatanggihan ng Panginoon ang kaloob

At nangyari na sa paglipas ng panahon dinala ni Cain ang ilan sa bunga ng lupa bilang handog kay Yahweh. Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog, pero hindi niya tinanggap si Cain at ang kanyang handog. Kaya lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya. (Genesis 4:3-5)
Pumunta kayo sa Bethel at magkasala, sa Gilgal at magparami ng kasalanan. Dalhin ninyo ang inyong mga handog tuwing umaga, ang inyong mga ikapu sa bawat ikatlong araw. Mag-alay ng handog pasasalamat na may tinapay; ipaalam ang kusang-loob na paghahandog. Sasabihin ninyo sa kanila, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyo, kayong mga Israelita—ito ang pahayag ng Panginoong si Yahweh.” “Ibinigay ko sa inyo ang kalinisan ng mga ngipin sa lahat ng inyong mga lungsod at kakulangan ng tinapay sa lahat ng inyong mga lugar. Gayunpama'y hindi kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.” (Amos 4:4-6)
Kahit na ihandog ninyo sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na butil, hindi ko tatanggapin ang mga iyan, ni hindi ko titingnan ang mga pinataba ninyong hayop na ihahandog ninyong pangkapayapaan. Sa halip, paaagusin ninyo ang katarungan na tulad ng tubig na umaagos, at paaagusin ninyo ang katuwiran tulad ng batis na patuloy sa pag-agos. (Amos 5:22, 24)
Kayong mga sambahayan ni Israel, nagdala ba kayo ng mga alay at mga handog ninyo sa akin sa ilang ng apatnapung taon? Bubuhatin ninyo si Sakut bilang inyong hari, at si Kaiwan, na bituwing diyus-diyosan ninyo—mga diyos diyusan na ginawa ninyo para sa inyong sarili. Kaya ipabibihag ko kayo sa kabila ng Damasco,” sabi ni Yahweh, na ang pangalan ay ang Diyos ng mga hukbo. (Amos 5:25-27)
At ginawa rin ninyo ito. Tinakpan ninyo ng mga luha ang altar ni Yahweh, nang may pagtatangis at paghihinagpis, dahil hindi na siya sumasang-ayon na tingnan ang alay at hindi niya ito tinatanggap nang may kaluguran mula sa inyong kamay. Ngunit sinasabi ninyo, “Bakit ayaw niya?” Sapagkat saksi si Yahweh sa pagitan mo at sa asawa ng inyong kabataan na pinagtaksilan mo, kahit na kasama mo siya at asawa mo sa pamamagitan ng kasunduan. (Malakias 2:13-14)

Pagsisinungaling sa Banal na Espiritu

Ngayon, may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias, kasama ang kaniyang asawa na si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian, at kaniyang itinago ang bahagi ng napagbilhang pera (alam din ito ng kaniyang asawang babae), at idinala ang ibang bahagi nito at inilagay sa paanan ng mga apostol. Ngunit sinabi ni Pedro, ''Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu upang itago ang bahagi ng napagbilhan ng iyong lupa? Habang hindi pa ito nabebenta, hindi ba nanatili itong sa iyo? At matapos itong maipagbili, hindi ba't nasa iyo parin ang pamamahala? Paano mong naisip ang mga bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos.” Habang pinakikinggan ang mga salitang ito, si Ananias ay nabuwal at nawalan ng hininga. At matinding takot ang dumating sa lahat ng nakarinig nito. Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing. Makalipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa, na alam kung ano ang nangyari. Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga.” Sinabi niya, “Oo, sa ganoong halaga.” Pagkatapos sinabi ni Pedro sa kaniya, “Paanong nagkasundo kayong dalawa para subukin ang Espiritu ng Panginoon? Tignan mo, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan, at dadalhin ka nilang palabas.” Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa. (Mga Gawa 5:1-10)

Upang bigyang-katwiran ang kasalanan

...natupad ko ang handog ng kapayapaan ngayon, naibigay ko ang aking mga panata, (Mga Kawikaan 7:14)

Mga pakinabang ng pagbibigay

Mga pakinabang para sa nagbibigay

Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: “Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.” (Mga Gawa 20:35)

Paglago ng pagiging malapit sa Panginoon

Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. (Mateo 6:21)
Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso. (Lucas 12:34)

Pagdami sa langit

Sa halip, mag-ipon para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan maging mga tanga ni kalawang ay di kayang sirain, at kung saan ang mga magnanakaw ay di kayang pasukin at nakawin. (Mateo 6:20)
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.” (Mateo 19:21)
Ipagbili ang inyong mga ari-arian at ibigay ito sa mahihirap. Gumawa kayo ng inyong mga sariling mga pitaka na hindi nasisira—mga kayamanan sa kalangitan na hindi nawawala, na hindi nilalapitan ng magnanakaw, at hindi sinisira ng tanga. (Lucas 12:33)
“Dapat mong kausapin ang mga Levita at sabihin sa kanila, 'Kapag matanggap mo mula sa mga tao ng Israel ang ikasampu na ibinibigay ni Yahweh sa iyo bilang iyong mana ay dapat mong ihandog ang isang inalay na handog mula sa ikasampung iyon sa kaniya, ang ikasampu mula sa ikapu. (Mga Bilang 18:26)
Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit—at halika, sumunod ka sa akin.” (Lucas 18:22)
Hindi sa hinahanap ko ang kaloob. Sa halip, hinahanap ko ang bunga na nagpapataas ng inyong halaga. (Mga Taga-Filipos 4:17)
Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. Sabihin mo sa kanila na gumawa ng mabuti, at magpakayaman sa mabubuting mga gawa, maging mapagbigay, at handang mamahagi. Sa paraang iyan, sila ay mag-iipon para sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon sa kung anong darating, upang makamit nila ang tunay na buhay. (1 Timoteo 6:17-19)

Pagdami sa lupa

Sa katapusan ng bawat tatlong taon ay ibibigay ninyo ang lahat na ikapu ng inyong bunga sa parehong taon, at iimbakin ninyo ito sa loob ng inyong mga tarangkahan; at ang Levita, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo, at ang dayuhan, at ang ulila, at ang balo na nasa loob ng inyong mga tarangkahan, pupunta at kakain at mabusog. Gawin ito para pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong kamay na inyong gagawin. (Deuteronomio 14:28-29)
Sinagot siya ni Azarias, ang pinakapunong pari sa tahanan ni Zadok, at sinabing, “Nang magsimulang magdala ng mga handog sa tahanan ni Yahweh ang mga tao, nakakain kami ng higit sa sapat at marami pang natira, sapagkat pinagpala ni Yahweh ang kaniyang mga tao. At malaking bilang pa rin ang naiwan sa mga ito.” (2 Mga Cronica 31:10)
Parangalan si Yahweh ng iyong kayamanan at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani, at ang iyong mga kamalig ay mapupuno at ang iyong mga bariles ay aapaw, puno ng bagong alak. (Mga Kawikaan 3:9-10)
May isa na siyang naghahasik ng binhi—siya ay makaiipon nang higit pa; ang isa pa ay hindi naghahasik—siya ay darating sa kahirapan. Ang taong mapagbigay ay sasagana, at ang isa na siyang nagbibigay ng tubig sa iba ay magkakaroon ng tubig para sa kaniyang sarili. (Mga Kawikaan 11:24-25)
Magtapon ka ng tinapay sa katubigan, at makikita mo ulit ito pagkatapos ng ilang araw. (Ang Mangangaral 11:1)
Magbigay sa iba at ito ay maibibigay sa inyo. Labis-labis na halaga—siksik, liglig at umaapaw—ang ibubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat kung anumang batayan ng panukat ang inyong ginamit sa pagsukat, iyon din ang gagamiting batayan ng panukat para sa iyo.” (Lucas 6:38)
Tandaan ninyo ito: kung sino man ang nagtatanim ng kaunti ay mag aani ng kaunti, at kung sino man ang nagtatanim sa layunin ng pagpapala ay aani ng pagpapala. Bawat isa ay magbigay ayon sa pasiya ng kaniyang puso. Huwag siyang hayaang magbigay na may kalungkutan o napilitan. Sapagkat minamahal ng Diyos ang masayang nagbibigay. At may kakayahan ang Diyos na paramihin ang bawat pagpapala para sa inyo, upang, palagi, sa lahat ng bagay, magkakaroon kayo ng lahat ng kailangan ninyo. Nang sa gayon maaari kayong gumawa ng mas maraming mabubuting bagay. Ito ay gaya ng nasusulat: “Ipinamahagi niya ang kaniyang kasaganaan at ibinigay sa mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay magpakailanman.” Ang nagbibigay ng binhi sa nagtatanim at tinapay para sa pagkain, ay magbibigay din at pararamihin ang inyong binhi para sa pagtatanim. Pararamihin niya ang ani ng inyong katuwiran. Pasasaganahin niya kayo sa lahat ng paraan upang maging mapagbigay kayo. Magdadala ito ng pasasalamat sa Diyos mula sa amin. (2 Corinto 9:6-11)
At ang aking Diyos ang magpupuno ng inyong mga pangangailangan ayon sa kaniyang mga kayamanan at kaluwalhatian kay Cristo Jesus. (Mga Taga-Filipos 4:19)

Hamon na subukin ang Panginoon para sa materyal na pagdami

Dalhin ang buong ikapu sa silid-imbakan upang may makain sa aking tahanan. At subukan ninyo ako ngayon sa ganito,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga bintana ng langit sa inyo at ibuhos ang mga pagpapala sa inyo, hanggang sa walang sapat na silid na paglagyan nito. (Malakias 3:10)

Pagdami ng mga pagpapala

Ang pinakamainam na mga unang bunga ng lahat ng mga bagay at ang bawat ambag, anumang bagay na magmumula sa lahat ng inyong mga ambag ay magiging pag-aari ng mga pari, at ibibigay ninyo ang pinakamainam ninyong handog na pagkain sa mga pari upang manatili ang pagpapala sa inyong tahanan. (Ezekiel 44:30)
Isang alipin ng senturion, na mahalaga sa kaniya ang may malubhang sakit at nasa bingit na ng kamatayan. Ngunit nang mabalitaan ang tungkol kay Jesus, nagsugo ang senturion sa kaniya ng mga nakatatanda ng mga Judio upang pakiusapan siya na pumunta at iligtas sa kamatayan ang kaniyang alipin. Nang malapit na sila kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kaniya, na nagsasabi, “Karapat-dapat na gawin mo ito sa kaniya, dahil mahal niya ang aming bansa, at isa siya sa nagtayo ng sinagoga para sa amin.” (Lucas 7:2-5)
Ngayon mayroon alagad sa Joppa na ang pangalan ay Tabitha, na kung isasalin ay “Dorcas.” Ang babaeng ito ay puno ng mga mabubuti at maawaing gawa, na ginagawa niya para sa mahihirap. At nangyari nga sa mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay; nang siya ay kanilang hugasan, pinahiga siya sa kuwarto sa itaas. Pinalabas silang lahat ni Pedro sa silid, lumuhod siya at nanalangin; at humarap siya sa katawan at sinabi niya. “Tabitha, bumangon ka.” Minulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro siya ay umupo. (Mga Gawa 9:36-37, 40)
Ngayon may isang tao sa lungsod ng Cesarea, na nagngangalang Cornelio, isang senturiong tinawag na hukbong Italyano. Siya ay isang maka-diyos, na sumasamba sa Diyos kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan; siya ay nagbigay ng malaking halaga ng salapi sa mga Judio at palaging nananalangin sa Diyos. Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, “Cornelio!” Tumitig si Cornelio sa anghel at takot na takot na sinabi, “Ano po iyon, ginoo?” Sinabi ng anghel sa kaniya, “Ang iyong mga panalangin at mga kaloob sa mga mahihirap ay pumaitaas bilang alaala na alay sa harapan ng Diyos. At sinabi niya, “Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo. (Mga Gawa 10:1-4, 31)

Gaano karami ang ibibigay

Ikapu

Bago ang kautusan

Pagpalain ang Kataastaasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay.” Pagkatapos ibinigay ni Abram sa kaniya ang ikasampu ng lahat ng kaniyang pag-aari. (Genesis 14:20)
Si Jacob ay sumumpa ng isang panata na nagsasabing, “Kung ang Diyos ay kasama ko at pangangalagaan ako sa daang ito na aking nilalakaran, at bibigyan ako ng tinapay para kainin, at mga damit para suutin, nang sa gayon matiwasay akong makabalik sa bahay ng aking ama, pagkatapos si Yahweh ay magiging Diyos ko. Pagkatapos ang batong ito na itinayo ko bilang isang haligi ay magiging banal na bato. Mula sa lahat ng ibinigay mo sa akin, tiyak na ibabalik ko sa iyo ang ikasampung bahagi.” (Genesis 28:20-22)

Sa ilalim ng kautusan

Lahat ng ikapu ng lupain, maging tumubong butil sa lupa o bunga mula sa mga puno, ay kay Yahweh. Banal ito kay Yahweh. Kung tutubusin ng isang tao ang alinman sa kanyang ikapu, dapat siyang magdagdag ng ikalima sa halaga nito. Para sa lahat ng ikapu ng grupo ng mga hayop o ang kawan, anuman ang dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol, dapat ilaan kay Yahweh ang ikasampu. (Levitico 27:30-32)

Ang hindi pagbibigay ng ikapu ay itinuring na pagnanakaw sa Diyos

Maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Gayon pa man, ninanakawan ninyo ako. Ngunit sinasabi ninyo, 'Paano ka namin ninakawan?' Sa mga ikapu at sa mga handog. Isinumpa kayo sa pamamagitan ng isang sumpa, sapagkat ninakawan ninyo ako, ang buong bansang ito. (Malakias 3:8-9)

Ang ikapu ay kinakain sa harapan ng Panginoon

Dapat ninyong tiyakin ang ikapu sa lahat ng bunga ng inyong pinunla, na kung saan lalabas mula sa bukid taon taon. Dapat kayong kumain sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, sa lugar na kaniyang pipiliin na kaniyang maging santuwaryo, ang ikapu ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang anak ng inyong mga hayop at inyong kawan; nang matutunan ninyong palaging parangalan si Yahweh na inyong Diyos. Kung ang paglalakbay ay napakahaba para sa inyo na hindi na ninyo makayanan na dalhin ito, dahil ang lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na kaniyang santuwaryo ay napakalayo mula sa inyo, pagkatapos, kapag pagpapalain na kayo ni Yahweh na inyong Diyos, ipagpapalit ninyo ang alay sa pera, itatali ang pera sa inyong kamay, at pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos. Doon gagastusin ninyo ang pera para sa anumang ninais ninyo: para sa mga baka, o para sa tupa, o para sa alak, o para sa matapang na inumin, o para sa anumang nais ninyo; kakain ka doon sa harap ni Yahweh na inyong Diyos, at magsasaya kayo, kayo at ang inyong sambahayan. (Deuteronomio 14:22-26)

Ang ikapu ay ibinibigay upang suportahan ang mga Levita at ang mahihirap

Sa mga kaapu-apuhan ni Levi, tingnan mo, ibinigay ko ang lahat ng mga ikapu bilang kanilang mana kapalit ng kanilang paninilbihan na kanilang ibinibigay sa pagtatrabaho sa tolda ng pagpupulong. Simula ngayon hindi dapat lumapit ang mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong, o sila ay magkakaroon ng pananagutan sa kasalanang ito at mamatay. Dapat gawin ng mga Levita ang mga gawain na may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong. Sila ang may pananagutan para sa anumang kasalanan tungkol dito. Ito ang magiging isang palagiang batas sa lahat ng salinlahi ng iyong mga tao. At hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel. Sapagkat ang mga ikapu ng mga tao ng Israel, na kanilang inialay bilang handog para sa akin—ito ang mga ibinibigay ko sa mga Levita bilang kanilang mana. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanila, 'Hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.'” (Mga Bilang 18:21-24)
Sa katapusan ng bawat tatlong taon ay ibibigay ninyo ang lahat na ikapu ng inyong bunga sa parehong taon, at iimbakin ninyo ito sa loob ng inyong mga tarangkahan; at ang Levita, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo, at ang dayuhan, at ang ulila, at ang balo na nasa loob ng inyong mga tarangkahan, pupunta at kakain at mabusog. Gawin ito para pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong kamay na inyong gagawin. (Deuteronomio 14:28-29)
Kapag natapos kayo sa pagbibigay ng lahat ng ikapu ng inyong ani sa ikatlong taon, iyon ay, ang taon ng pag-iikapu, kung gayon dapat ninyong ibigay ito sa Levita, sa dayuhan, sa ulila, at sa balo, para makakain sila sa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod at mabusog. (Deuteronomio 26:12)
Bukod dito, inutusan niya ang mga taong nakatira sa Jerusalem na ibigay ang mga nakalaan para sa mga pari at sa mga Levita, upang mapag-ukulan nila ng panahon ang kanilang pagsunod sa kautusan ni Yahweh. Nang mailabas ang kautusan, nagbigay agad ng masagana ang mga Israelita ng unang bunga ng butil, bagong alak, langis, pulot, at lahat ng mula sa kanilang inani sa mga bukirin; at masagana rin nilang dinala ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay. Nagdala rin ang mga tao ng Israel at judah na naninirahan sa lungsod ng Juda ng ikasampung bahagi ng bakahan, kawan ng tupa, at ang ikasampung bahagi ng mga bagay na nailaan kay Yahweh na kanilang Diyos, at inilatag ang mga ito sa maraming bunton. Inumpisahan nilang ilatag ang mga bunton noong ikatlong buwan at natapos nila sa ikapitong buwan. Nang pumunta si Ezequias at ang mga namumuno at nakita ang napakaraming bunton, pinagpala nila si Yahweh at ang mga taga-Israel. At tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga napakaraming bunton. Sinagot siya ni Azarias, ang pinakapunong pari sa tahanan ni Zadok, at sinabing, “Nang magsimulang magdala ng mga handog sa tahanan ni Yahweh ang mga tao, nakakain kami ng higit sa sapat at marami pang natira, sapagkat pinagpala ni Yahweh ang kaniyang mga tao. At malaking bilang pa rin ang naiwan sa mga ito.” Pagkatapos, nag-utos si Ezequias na maghanda ng silid imbakan sa tahanan ni Yahweh, at inihanda ang mga ito. At tapat silang nagdadala ng mga handog, ng ikapu at ng lahat ng bagay na para kay Yahweh. Si Conanias, na isang Levita, ang tagapangasiwa sa mga ito, at si Simie na kaniyang kapatid ang pumapangalawa sa kaniya. (2 Mga Cronica 31:4-12)
Dadalhin namin ang unang minasang tinapay at ang aming mga handog na butil, at ang bunga ng bawat puno, at ang bagong alak at ang langis na dadalhin namin sa mga pari, sa mga imbakan sa tahanan ng ating Diyos. Dadalhin namin sa mga Levita ang mga ikapu mula sa aming lupa dahil ang mga Levita ang lumilikom ng mga ikapu mula sa lahat ng bayan kung saan kami naghahanapbuhay. Isang pari, mula sa kaapu-apuhan ni Aaron, ay kailangan sumama sa mga Levita kapag tumatanggap sila ng mga ikapu. Ang mga Levita ay kailangang dalhin ang ikasampu ng mga ikapu sa tahanan ng ating Diyos sa mga imbakan ng ingat-yaman. (Nehemias 10:37-38)
At nalaman ko na ang mga bahaging nakatakda para sa mga Levita ay hindi naibigay sa kanila, kaya naman mabilis nilang nilisan ang templo, ang bawat isa sa kani-kaniyang bukid, tulad din ng ginawa ng mga mang-aawit. Kaya hinarap ko ang mga opisyales at sinabi, “Bakit napabayaan ang bahay ng Diyos?” Tinipon ko sila at inilagay sila sa kanilang mga puwesto. (Nehemias 13:10-11)

Ang mga Levita ay dapat magbigay ng ikapu mula sa ikapung kanilang natanggap

“Dapat mong kausapin ang mga Levita at sabihin sa kanila, 'Kapag matanggap mo mula sa mga tao ng Israel ang ikasampu na ibinibigay ni Yahweh sa iyo bilang iyong mana ay dapat mong ihandog ang isang inalay na handog mula sa ikasampung iyon sa kaniya, ang ikasampu mula sa ikapu. (Mga Bilang 18:26)

Ang ikapu sa Bagong Tipan

Ang pagiging higit ng pagkasaserdote ni Melquisedec

Melquisedec na ito, ang hari ng Salem, ang pari ng Kataas-taasang Diyos, na sumalubong kay Abraham nang siya ay bumalik mula sa malupit na pagpatay ng mga hari, at pinagpala siya. Binigyan siya ni Abraham ng ikamsampung bahagi ng lahat ng kaniyang nasamsam. Ang pangalan na ''Melquisedec” ay nangangahulugang ''hari ng katuwiran'' at ''hari ng Salem'' ito ay ''hari ng kapayapaan.'' Ngayon isaalang-alang kung gaano kadakila ang taong ito. Ang ating ninuno na si Abraham ay nagbigay ng ikasampung bahagi mula sa pinakamahalagang mga bagay na nakuha niya mula sa labanan. At sa katunayan, ang mga kaapu-apuhan ni Levi na tumanggap ng gawaing pagkapari ay may utos mula sa kautusan na tipunin ang mga ikasampung bahagi mula sa mga tao, iyon ay mula sa kanilang mga kababayang Israelita, kahit na sila rin ay nagmula kay Abraham. Ngunit si Melquisedec, na hindi mula sa kaapu-apuhan ni Levi, ay tumanggap ng ikasampung bahagi mula kay Abraham, at siya ay pinagpala, siya na tumanggap ng mga pangako. Hindi maitatanggi na ang mas mababang tao ay pinagpapala ng mas mataas na tao. Sa ganitong kalagayan, ang taong tumanggap ng ikasampung bahagi ay mamamatay balang araw. ngunit sa isang banda, ang tumanggap ng ikasampung bahagi ni Abraham ay inilarawan bilang patuloy na nabubuhay. At samakatuwid, masasabi na si Levi na tumanggap ng ikapu, ay nakapagbigay din ng ikapu sa pamamagitan ni Abraham, (Mga Hebreo 7:1-2, 4-9)

Ikapu sa kamalig

Pagkatapos, nag-utos si Ezequias na maghanda ng silid imbakan sa tahanan ni Yahweh, at inihanda ang mga ito. At tapat silang nagdadala ng mga handog, ng ikapu at ng lahat ng bagay na para kay Yahweh. Si Conanias, na isang Levita, ang tagapangasiwa sa mga ito, at si Simie na kaniyang kapatid ang pumapangalawa sa kaniya. (2 Mga Cronica 31:11-12)
Isang pari, mula sa kaapu-apuhan ni Aaron, ay kailangan sumama sa mga Levita kapag tumatanggap sila ng mga ikapu. Ang mga Levita ay kailangang dalhin ang ikasampu ng mga ikapu sa tahanan ng ating Diyos sa mga imbakan ng ingat-yaman. (Nehemias 10:38)
Sa araw na iyon ang mga lalaki ay itinalaga na maging tagapangasiwa sa mga silid-imbakan para sa mga kontribusyon, mga unang bunga, at mga ikapu, para ipunin nila ang mga bahagi na hiningi ng kautusan para sa mga pari at para sa mga Levita. Ang bawat isa ay inatasang magtrabaho sa mga bukirin malapit sa mga bayan. Dahil ang mga taga-Juda ay nagsaya para sa mga pari at mga Levita na nakatayo sa harapan nila. (Nehemias 12:44)
Pagkatapos, dinala ng buong Juda ang ikapu ng butil, ng bagong alak, at ng langis sa mga imbakan. (Nehemias 13:12)

Pagbibigay ayon sa pagpapala ng Diyos

Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Linggo para kay Yahweh na inyong Diyos kasama ang inyong ambag para sa kusang-loob na handog mula sa iyong kamay na inyong ibibigay, ayon sa pagpapala sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. (Deuteronomio 16:10)
Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng inyong kalalakihan ay dapat magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Lebadura, sa Pista ng mga Linggo, at sa Pista ng mga Kanlungan; at hindi sila makikita sa harapan ni Yahweh na walang dala; (Deuteronomio 16:16)
Sa unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magtabi ng anumang bagay at ipunin ninyo, ayon sa inyong makakaya. Gawin ninyo ito upang pagpunta ko diyan ay wala ng kokolektahin. (1 Corinto 16:2)

Mga halimbawa ng pagbibigay ayon sa kakayahan

Sila ay nagbigay para sa pondo ayon sa kanilang kakayahan: 61, 000 na gintong darika, 5, 000 pilak na mina at 100 na tunikang pangpari. (Ezra 2:69)
Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa. (Mga Gawa 11:29)

Kalugud-lugod ang halagang ibinigay ayon sa kakayahan ng tao

Sapagkat kung kayo ay may pagsisikap na gawin ang gawaing ito, ito ay mabuti at katanggap-tanggap. Nakabatay ito sa kung ano ang mayroon ang isang tao, hindi sa kung ano ang wala sa kaniya. (2 Corinto 8:12)

Mapagsakripisyong pagbibigay

Pagkatapos umupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng kaloob sa templo; pinagmamasdan niya ang mga tao habang inihuhulog nila ang kanilang pera sa kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halagang pera. At dumating ang isang mahirap na balo at naglagay ng dalawang kusing na nagkakahalaga ng isang pera. At tinawag niya ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Mahalaga itong sinasabi ko sa inyo, ang mahirap na balong ito ay nakapaglagay ng higit kaysa lahat ng nagbigay sa lalagyan ng kaloob Sapagkat nagbigay ang lahat sa kanila mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang balong ito, sa kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng perang mayroon siya na kaniyang ikabubuhay.” (Marcos 12:41-44)
Tumingala si Jesus at nakita niya ang mga mayayamang tao na inilalagay ang kanilang mga kaloob sa kabang-yaman. Nakita rin ang isang mahirap na babaeng balo na inihuhulog ang dalawang katiting. Kaya sinabi niya, “Totoo, sinasabi ko sa inyo, mas malaki ang inilagay ng mahirap na babaeng balong ito kaysa sa kanilang lahat. Nagbigay silang lahat ng mga kaloob mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang babaeng balo na ito, sa kabila ng kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng salaping mayroon siya upang mabuhay.” (Lucas 21:1-4)
Nais naming malaman ninyo, mga kapatid, tungkol sa biyaya ng Diyos na naibigay sa mga iglesiya sa Macedonia. Sa panahon ng matinding pagsubok sa pagdadalamhati, ang kasaganahan ng kanilang kagalakan at ang mahigpit na pangangailangan sa kanilang kahirapan ay nagbunga ng matinding kasaganahan ng kagandahang loob. Sapagkat nagpapatotoo ako na nagbigay sila hanggang sa kanilang makakaya, at labis pa sa kung ano ang kanilang makakaya. At naaayon sa kanilang sariling kalooban nang may matinding pagmamakaawa, sumasamo sila sa amin para sa pagkakataon ng pagbabahagi sa paglilingkod sa mga mananampalataya. (2 Corinto 8:1-4)

Huwag magbigay ng bagay na walang halaga sa iyo

Pagkatapos sinabi ni Arauna, “Bakit narito ang aking panginoon ang hari sa aking harapan, na kaniyang lingkod?” Sumagot si David, “Para bilhin ang iyong giikan, para makagawa ako ng altar para kay Yahweh, para maalis ang salot mula sa mga tao.” Sinabi ni Arauna kay David, “Kunin mo ito bilang sa iyo, aking panginoon ang hari. Gawin mo rito kung ano ang tama sa iyong paningin. Tingnan mo, narito ang mga lalaking baka para sa sinunog na handog at mga kareta ng giikan at mga pamatok ng lalaking baka para panggatong. Ako, si Arauna, ibibigay ang lahat ng ito sa iyo, aking hari.” Pagkatapos sinabi niya sa hari, “Tanggapin ka nawa ni Yahweh na iyong Diyos.” Sinabi ng hari kay Arauna, “Hindi, pinipilit kong bilhin ito sa halaga nito. Hindi ako mag-aalay ng sinunog na handog kay Yahweh na walang halaga sa akin.” Kaya binili ni David ang giikan at lalaking baka sa halagang limampung piraso ng pilak. (2 Samuel 24:21-24)
At sinabi ni David kay Ornan, “Ibenta mo sa akin ang giikang ito upang makapagtayo ako ng altar para kay Yahweh. Babayaran ko ang kabuuang halaga upang maalis ang salot sa mga tao.” Sinabi ni Ornan kay David, “Kunin mo ito na parang pagmamay-ari mo aking panginoon na hari. Gawin mo dito kung ano ang mabuti sa iyong paningin. Narito, bibigyan kita ng mga baka para sa mga alay na susunugin, mga kahoy na kasangkapan sa panggiik para panggatong at trigo para sa handog na butil; Ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo.” Sinabi ni Haring David kay Ornan, “Hindi, iginigiit kong babayaran ko ang kabuuang halaga. Hindi ko kukunin ang sa iyo at ihahandog ito bilang handog na susunugin para kay Yahweh, ng walang halaga.” (1 Mga Cronica 21:22-24)

Isinusumpa kapag nagbigay ng ninakaw o may kapintasan

“Pinararangalan ng isang anak ang kaniyang ama at pinararangalan ng isang lingkod ang kaniyang panginoon. At kung isa nga akong Ama, nasaan ang aking karangalan? At kung isa akong panginoon, nasaan ang paggalang para sa akin? Nagsasalita sa inyo si Yahweh ng mga hukbo, mga paring humamak sa aking pangalan. Ngunit sinabi ninyo, 'Paano namin hinamak ang iyong pangalan?' Sa pamamagitan ng paghahandog ng maruming tinapay sa aking altar. At sinabi ninyo, 'Paano ka namin dinungisan?' Sa pamamagitan ng pagsasabing maaaring hamakin ang hapag ni Yahweh. Kapag naghahandog kayo ng mga hayop na bulag para sa pag-aalay, hindi ba masama iyon? At kapag naghahandog kayo ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon? Ihandog ninyo iyan sa inyong gobernador, tatanggapin pa ba niya kayo o haharapin pa ba niya kayo?” sinabi ni Yahweh ng mga hukbo. At ngayon, sinusubukan ninyong humingi ng tulong sa Diyos upang maaari siyang mahabag sa atin. “Sa mga ganitong handog ninyo, tatanggapin pa ba niya kayo?” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “O, kung may isa man sa inyo ang maaaring magsara ng mga tarangkahan ng templo upang hindi kayo makapagsindi ng apoy sa aking altar nang walang kabuluhan! Hindi ako nalulugod sa inyo,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at hindi ko tatanggapin ang anumang handog mula sa inyong kamay. Sapagkat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa; sa bawat lugar na ihahandog ang insenso para sa aking pangalan at maging ang dalisay na handog. Sapagkat magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Ngunit nilalapastangan ninyo ito nang sabihin ninyong marumi ang hapag ng Panginoon at ang mga prutas nito, dapat hamakin ang pagkain nito. Sinabi rin ninyo, 'Nakakapagod na ito,' at pasinghal ninyo itong hinamak,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Dinadala ninyo kung ano ang kinuha ng isang mabangis na hayop o ang pilay o may sakit; at dinala ninyo ito bilang inyong mga handog! Dapat ko ba itong tanggapin mula sa inyong kamay?” sabi ni Yahweh. “Sumpain ang mandaraya na may isang lalaking hayop sa kaniyang kawan at nangakong ibibigay ito sa akin at gayon pa man inihandog sa akin, ang Panginoon, kung ano ang may kapintasan, sapagkat isa akong dakilang Hari,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at kinakatakutan ng mga bansa ang aking pangalan.” (Malakias 1:6-14)

Paraan ng pagbibigay

“Pinararangalan ng isang anak ang kaniyang ama at pinararangalan ng isang lingkod ang kaniyang panginoon. At kung isa nga akong Ama, nasaan ang aking karangalan? At kung isa akong panginoon, nasaan ang paggalang para sa akin? Nagsasalita sa inyo si Yahweh ng mga hukbo, mga paring humamak sa aking pangalan. Ngunit sinabi ninyo, 'Paano namin hinamak ang iyong pangalan?' Sa pamamagitan ng paghahandog ng maruming tinapay sa aking altar. At sinabi ninyo, 'Paano ka namin dinungisan?' Sa pamamagitan ng pagsasabing maaaring hamakin ang hapag ni Yahweh. Kapag naghahandog kayo ng mga hayop na bulag para sa pag-aalay, hindi ba masama iyon? At kapag naghahandog kayo ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon? Ihandog ninyo iyan sa inyong gobernador, tatanggapin pa ba niya kayo o haharapin pa ba niya kayo?” sinabi ni Yahweh ng mga hukbo. At ngayon, sinusubukan ninyong humingi ng tulong sa Diyos upang maaari siyang mahabag sa atin. “Sa mga ganitong handog ninyo, tatanggapin pa ba niya kayo?” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “O, kung may isa man sa inyo ang maaaring magsara ng mga tarangkahan ng templo upang hindi kayo makapagsindi ng apoy sa aking altar nang walang kabuluhan! Hindi ako nalulugod sa inyo,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at hindi ko tatanggapin ang anumang handog mula sa inyong kamay. Sapagkat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa; sa bawat lugar na ihahandog ang insenso para sa aking pangalan at maging ang dalisay na handog. Sapagkat magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Ngunit nilalapastangan ninyo ito nang sabihin ninyong marumi ang hapag ng Panginoon at ang mga prutas nito, dapat hamakin ang pagkain nito. Sinabi rin ninyo, 'Nakakapagod na ito,' at pasinghal ninyo itong hinamak,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Dinadala ninyo kung ano ang kinuha ng isang mabangis na hayop o ang pilay o may sakit; at dinala ninyo ito bilang inyong mga handog! Dapat ko ba itong tanggapin mula sa inyong kamay?” sabi ni Yahweh. “Sumpain ang mandaraya na may isang lalaking hayop sa kaniyang kawan at nangakong ibibigay ito sa akin at gayon pa man inihandog sa akin, ang Panginoon, kung ano ang may kapintasan, sapagkat isa akong dakilang Hari,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at kinakatakutan ng mga bansa ang aking pangalan.” (Malakias 1:6-14)

Huwaran ng pagbibigay

Pangunahing priyoridad

Sa loob ng anim na taon magtatanim ka ng buto sa iyong lupain at iipunin ang mga naani. Pero sa ikapitong taon lilinangin mo ito nang walang araro at hahayaan, para ang mahihirap sa gitna ninyo ay makakain. Kung ano ang kanilang iniwan, ang mga mababangis na hayop ang kakain. Gagawin mo rin ito sa iyong ubasan at sa iyong halamanang olibo. (Exodo 23:10-11)
Ang lahat ng panganay ay akin, bawat panganay ng inyong mga toro, maging ang mga baka at tupa. (Exodo 34:19)
Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito.” (Exodo 34:26)
Ihahandog ninyo ang mga ito kay Yahweh bilang isang handog ng unang mga bunga, pero hindi gagamitin ang mga iyon upang magbigay ng mabangong halimuyak sa altar. (Levitico 2:12)
At saka sa araw ng mga unang bunga, kapag maghandog kayo ng isang bagong handog na butil kay Yahweh sa inyong Pagdiriwang ng mga Linggo, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh, at hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon. (Mga Bilang 28:26)
Kapag dumating kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos bilang pamana, at naangkin na ninyo iyon at nanirahan doon, sa gayon dapat ninyong kunin ang ilan sa lahat ng mga naunang ani sa lupain na dinala ninyo mula sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat ninyong ilagay iyon sa basket at pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na kaniyang santuwaryo. (Deuteronomio 26:1-2)
Parangalan si Yahweh ng iyong kayamanan at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani, (Mga Kawikaan 3:9)

Agad-agad

Hindi dapat ninyo ipagkait ang inyong mga handog mula sa inyong ani o sa inyong pisaan ng ubas. Dapat ninyong ibigay sa akin ang panganay ng inyong mga anak na lalaki. (Exodo 22:29)
Kapag kayo ay gumawa ng panata kay Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat kayo matagal sa pagtupad nito, dahil si Yahweh na inyong Diyos ay tiyak hihingiin ito sa inyo; magiging kasalanan ito kapag hindi ninyo ito tutuparin. (Deuteronomio 23:21)
Kapag ikaw ay mamamanata sa Diyos, huwag patagalin ang pagtupad nito, dahil walang kasiyahan ang Diyos sa mga mangmang. Gawin ang iyong panata. (Ang Mangangaral 5:4)

Pinaghandaan

Bawat isa ay magbigay ayon sa pasiya ng kaniyang puso. Huwag siyang hayaang magbigay na may kalungkutan o napilitan. Sapagkat minamahal ng Diyos ang masayang nagbibigay. (2 Corinto 9:7)

Regular

Sa unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magtabi ng anumang bagay at ipunin ninyo, ayon sa inyong makakaya. Gawin ninyo ito upang pagpunta ko diyan ay wala ng kokolektahin. (1 Corinto 16:2)

Personal

Dapat ninyong bilhin muli ang panganay na asno kasama ang kordero, pero kung hindi ninyo ito bibilhin ulit, kailangan baliin ninyo ang leeg nito. Dapat ninyong bilhin muli ang lahat ng panganay ninyong anak na lalaki. Walang haharap sa akin kahit isa na walang dala. (Exodo 34:20)
...sa halip, ang bawat tao ay magbibigay ayon sa kaniyang kakayahan, para malaman ninyo ang pagpapalang ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. (Deuteronomio 16:17)
Ibibigay ng lahat ng mga tao sa lupain ang ambag na ito sa prinsipe sa Israel. (Ezekiel 45:16)
Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa. (Mga Gawa 11:29)
Sa unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magtabi ng anumang bagay at ipunin ninyo, ayon sa inyong makakaya. Gawin ninyo ito upang pagpunta ko diyan ay wala ng kokolektahin. (1 Corinto 16:2)

Pribadong pagtatabi

Sa unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magtabi ng anumang bagay at ipunin ninyo, ayon sa inyong makakaya. Gawin ninyo ito upang pagpunta ko diyan ay wala ng kokolektahin. (1 Corinto 16:2)

Walang pagmamataas

Pag-ingatan ninyo na hindi ninyo gawin ang inyong mga gawain ng katuwiran sa harap ng mga tao upang makita nila ito, kung hindi ay wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa Ama na nasa langit. Kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong patunugin ang isang trumpeta para sa iyong sarili tulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sumakanila ang papuri ng mga tao. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong hayaang malaman ng kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay, upang maibigay mo nang lihim ang iyong handog. At ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gagantimpala sa iyo. (Mateo 6:1-4)

Udyok ng puso

“Sabihin sa mga Israelita na kumuha ng isang handog para sa akin mula sa bawat tao na hinikayat ng maluwag sa kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang mga handog na ito para sa akin. (Exodo 25:2)
Magdala ng handog para kay Yahweh, lahat kayo na may bukas na puso. Magdala ng handog kay Yahweh—ginto, pilak, tanso, (Exodo 35:5)
Bawat isa na ang puso ay napukaw at ang kaniyang espiritu ay naging handang pumunta at nagdala ng handog kay Yahweh para sa paggawa ng tabernakulo, lahat ng bagay na gagamitin sa paglilingkod nito, at para sa banal na kasuotan. Pumunta sila kasama ang mga lalaki at mga babae, lahat na may pusong handa. Nagdala sila ng mga panusok, mga hikaw, mga singsing, at mga palamuti, lahat ng uri ng gintong alahas. Iniharap nilang lahat ang mga alay na ginto kay Yahweh. Bawat isa na may asul, lila, o pulang tela, pinong lino, balahibo ng kambing, mga balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula o mga balat ng dugong ay dinala nila. Gumagawa ang bawat isa ng handog na pilak o tanso at dinala ito bilang handog kay Yahweh, at bawat isa na may kahoy na akasya para magamit sa anumang gawain ay dinala ito. Ang bawat bihasang babae ay naghabi gamit ang kaniyang mga kamay at dinala ang kaniyang hinabi—asul, lila, o pulang sinulid, o pinong lino. Lahat ng babae na ang mga puso ay pumukaw sa kanila at may kahusayan ay naghabi ng buhok ng kambing. Ang mga pinuno ay nagdala ng batong oniks at iba pang mahalagang bato para ilagay sa epod at sa baluti; Nagdala sila ng panghalo at langis para sa ilawan, para sa pangpahid na langis, at para sa mabangong insenso. Ang mga Israelita ay kusang-loob na nagdala ng handog kay Yahweh; ang bawat lalaki at babae na may pusong handa ay nagdala ng mga kagamitan para sa lahat ng gawain na iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na gagawin. (Exodo 35:21-29)
Sinabi ni Joas sa mga pari, “Lahat ng salapi para sa mga kagamitan na nabibilang kay Yahweh at ang mga dinala sa tahanan ni Yahweh, ang buwis na naitala, at lahat ng salapi na ibinigay para sa templo ng mga taong inudyukan ni Yahweh na magbigay— (2 Mga Hari 12:4)

Mga patakaran sa pagbibigay

Pangangasiwa at pananagutan

Sa mga Levita, si Ahias ang taga-pangasiwa ng mga kayamanan sa tahanan ng Diyos, at ang mga bagay na kayamanan na pag-aari ni Yahweh. (1 Mga Cronica 26:20)
Sina Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ang namamahala sa lahat ng mga bahay-imbakan kung saan nakatago ang mga bagay na pag-aari ni Yahweh, na inilaan ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, at ng mga pinuno ng mga hukbo kay Yahweh. (1 Mga Cronica 26:26)
At si Korah na anak ni Imna na Levita, na bantay sa silangang tarangkahan, ang namamahala sa mga kusang kaloob na handog sa Diyos, at siya ang namamahala sa pamamahagi ng mga handog kay Yahweh at ng mga handog na inilaan kay Yahweh. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay sina Eden, Minyamin, Jeshua, Semaya, Amarias, Semaya, Amarias at si Secanias sa mga lungsod ng mga pari. Sila ang nasa takdang katungkulan upang maibigay ang handog na ito sa kanilang mga kapatid sa bawat pangkat, sa mahalaga at hindi mahalaga. (2 Mga Cronica 31:14-15)
Sa araw na iyon ang mga lalaki ay itinalaga na maging tagapangasiwa sa mga silid-imbakan para sa mga kontribusyon, mga unang bunga, at mga ikapu, para ipunin nila ang mga bahagi na hiningi ng kautusan para sa mga pari at para sa mga Levita. Ang bawat isa ay inatasang magtrabaho sa mga bukirin malapit sa mga bayan. Dahil ang mga taga-Juda ay nagsaya para sa mga pari at mga Levita na nakatayo sa harapan nila. (Nehemias 12:44)
Itinalaga ko bilang mga tagapag-ingat yaman sa mga kamalig na imbakan si Selemias, ang pari, at si Sadoc, ang eskriba, at mula sa mga Levita, si Pedaias. Sunod sa kanila ay si Hanan na anak ni Zacur na anak ni Matanias, dahil itinuring silang mapagkakatiwalaan. Ang kanilang mga tungkulin ay ang ibigay ang mga panustos sa kanilang mga kasamahan. (Nehemias 13:13)
Siya ay ipinadala namin kasama ang kapatid na pinupuri sa lahat ng mga iglesiya sa kaniyang gawa sa pagpapahayag ng ebanghelyo. Hindi lamang ito, ngunit siya rin ang inihalal ng mga simbahan na maglakbay kasama namin sa aming pagangasiwa ng kagandahang loob. Ito ay para sa karangalan ng Panginoon at sa ating pagsusumikap na makatulong. Kami ay umiiwas na magkaroon ng sino mang magreresklamo tungkol sa amin hinggil sa kagandahang loob na ito na ating pinangangasiwaan. Iniingatan naming gawin kung ano ang kagalang-galang, hindi lamang sa harap ng Panginoon, ngunit sa harap din ng mga tao. (2 Corinto 8:18-21)
Ginawa nila ito; nagpadala sila ng pera sa mga nakatatanda sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo. (Mga Gawa 11:30)
At kung ako ay makarating, ang sinuman ang inyong pahintulutan, ay aking ipapadala na kasama ng mga liham upang dalhin ang inyong mga handog sa Jerusalem. At kung ito ay nararapat para sa akin na pumunta doon, sila'y pupuntang kasama ko. (1 Corinto 16:3-4)

Mga halimbawa ng hindi paghingi ng pananagutan

Bilang karagdagan, hindi na nila hinihingan ng ulat tungkol sa salapi na pampaggawa ang mga taong nakatanggap at nagbayad nito sa mga manggagawa, dahil ang mga taong ito ay matatapat. (2 Mga Hari 12:15)
Pero hindi kinailangan ang pagbibigay-sulit para sa pera na ibinigay sa kanila, dahil tapat nila itong pinanghawakan. (2 Mga Hari 22:7)

Saan magbibigay

Pamilya

Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya. (1 Timoteo 5:8)

Mga magulang

Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at iyong ina,' at 'Sinuman ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay tiyak na mamamatay. Ngunit sinabi ninyo, 'Sinuman ang magsabi sa kaniyang ama o ina, “Anumang tulong ang matanggap sana ninyo na galing sa akin, ngayon ay isa nang kaloob na ibinigay sa Diyos,”' hindi na kailangang igalang ng taong iyon ang kaniyang ama. Sa ganitong paraan binalewala ninyo ang salita ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian. (Mateo 15:4-6)
At sinabi niya sa kanila, “Madali ninyong tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang inyong kaugalian! Sapagkat sinabi ni Moises, 'Igalang ninyo ang inyong ama at ina,' at 'Ang sinumang nagsasalita ng masama tungkol sa kaniyang ama at ina ay tiyak na mamamatay.' Ngunit sinasabi ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kaniyang ama at ina, “Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban,”' (ibig sabihin, 'Ibinigay sa Diyos') - kung gayon hindi na ninyo siya pinapayagang gumawa ng kahit na ano para sa kaniyang ama at ina. Pinapawalang-bisa ninyo ang kautusan ng Diyos dahil sa mga ipinasa ninyong mga kaugalian. At marami pang mga bagay na katulad nito ang ginagawa ninyo.” (Marcos 7:9-13)

Mga balo

Ngunit kung ang balo ay may mga anak o di kaya mga apo, matuto muna silang ipakita ang paggalang sa kanilang sariling sambahayan. Suklian muna nila ang kanilang mga magulang, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon. (1 Timoteo 5:4)
Kung ang mananampalatayang babae ay may kamag-anak na mga balo, tulungan niya sila upang ang iglesiya ay hindi mabigatan at matulungan nito ang tunay na mga balo. (1 Timoteo 5:16)

Halimbawa ng pagbibigay sa pamilya

Tutustusan kita doon sapagkat mayroon pang limang mga taon na tagtuyot upang hindi ka humantong sa kahirapan, ikaw, ang iyong tahanan, at ang lahat ng nasa iyo.' (Genesis 45:11)
Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid, at lahat ng sambahayan ng kanyang ama, ayon sa bilang ng kanilang kasama sa bahay. (Genesis 47:12)

Halimbawa ng pagbibigay sa pamilya

Mabibilang kina Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natirang butil na handog. Ganap na inilaan ito kay Yahweh mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy. (Levitico 2:3)
Ihahandog niya ang isa sa bawat uri ng mga alay bilang isang handog na idudulog kay Yahweh. Magiging pag-aari ito ng mga pari na siyang nagsaboy ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan sa altar. (Levitico 7:14)
Dapat ibigay ninyo ang kanang hita sa pari bilang isang handog na idinulog mula sa alay ng inyong handog para sa kapayapaan. Ang pari, isa sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang naghandog ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan at ang taba—magkakaroon siya ng kanang hita bilang kaniyang bahagi sa handog. Dahil kinuha ko ang handog na dibdib at hita na itinaas at idinulog sa akin, at ibinigay ko ang mga ito kay Aaron, ang pinakapunong pari at sa kaniyang mga kaapu-apuhan; patuloy itong magiging kanilang bahagi mula sa mga alay na handog para sa kapayapaan na ginawa ng bayan ng Israel. (Levitico 7:32-34)
Nakipag-usap si Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar, na kaniyang natitirang mga anak na lalaki, “Kunin ang mga handog na pagkaing butil na natira mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, at kainin ito nang walang pampaalsa sa tabi ng altar, dahil ito ang pinakabanal. Dapat ninyong kainin ito sa isang banal na lugar, dahil ito ay bahaging para sa iyo at bahagi ng iyong mga anak na lalaki sa mga handog para kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, dahil ito ang iniutos sa akin na sabihin sa inyo. Ang dibdib na itinaas bilang handog at ang hita na idinulog kay Yahweh—ang mga ito ay dapat ninyong kainin sa isang malinis na lugar na katanggap-tanggap sa Diyos. Dapat kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ang mga bahaging iyon, dahil ibinigay ang mga iyon bilang iyong bahagi at bahagi ng iyong mga anak na lalaki mula sa mga alay ng handog sa pagtitipon-tipon ng bayan ng Israel. (Levitico 10:12-14)
Ngunit kung ang taong nagawan niya ng kamalian ay walang malapit na kamag-anak upang tumanggap ng bayad, dapat niyang bayaran ang halaga para sa kaniyang pagkakasala sa akin sa pamamagitan ng isang pari, kasama ang isang lalaking tupa upang pambayad sala para sa kaniyang sarili. Bawat handog na idinulog sa isang pari mula sa lahat ng sagradong bagay, ang mga bagay na inilaan ng mga tao ng Israel para sa akin ay mapapabilang sa paring iyon. Mapapabilang sa pari ang bawat sagradong bagay na pag-aari ng mga tao. Mapapabilang sa paring iyon ang anumang ibibigay ng isang tao sa pari.” (Mga Bilang 5:8-10)
Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo ang tungkulin sa pag-iingat ng mga handog na itinaas sa akin, at lahat ng mga banal na handog na ibinigay sa akin ng mga tao ng Israel. Ibinigay ko ang mga handog na ito sa iyo, at sa iyong mga anak na lalaki bilang iyong patuloy na bahagi. Ang mga bagay na ito mula sa mga ganap na inialay na handog kay Yahweh, subalit ang hindi ganap na nasunog ay magiging sa iyo. Bawat alay na dinadala ng mga tao, kalakip ng bawat handog na butil, bawat handog para sa kasalanan, at bawat handog na pambayad para sa kasalanan—lahat nitong mga napakabanal na handog—na inilaan nila para sa akin at dinala sa akin ay magiging para sa iyo at para sa iyong mga anak na lalaki. Ito ay ganap na inilaan para sa akin, na dapat mong kainin ang mga handog na ito. Bawat lalaking kasama mo ay dapat kumain ng mga handog na ito. Dapat mo silang isaalang-alang bilang inilaan para sa akin. Ito ang mga handog na mapapabilang sa iyo: kanilang mga regalo na itinabi mula sa lahat ng itinaas na mga handog ng mga tao ng Israel, mga handog na tinaas nang mataas sa harap ko at dinala sa akin. Ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, at sa iyong mga anak na babae, bilang iyong patuloy na bahagi. Bawat isang malinis sa pamamagitan ng ritwal sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng kahit ano mula sa mga handog na ito. Lahat ng mainam na langis, lahat ng mainam na bagong alak at butil, ang unang mga prutas na ibinigay ng mga tao sa akin—lahat ng mga ito ay ibinibigay ko sa inyo. Ang lahat ng bungang unang hinog na nasa kanilang lupain, na dinala nila sa akin ay magiging sa inyo. Bawat isang malinis sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng mga bagay na ito. Bawat bagay na inilaan sa Israel ay magiging sa iyo. Bawat bagay na nagpapabukas ng sinapupunan, lahat ng panganay na hinandog ng mga tao kay Yahweh, kapwa tao at hayop, magiging sa iyo. Gayunpaman, dapat tiyak na bilhin muli ng mga tao ang bawat panganay na anak na lalaki, at dapat nilang bilhin muli ang panganay na lalaki ng maruming mga hayop. Iyong mga dapat bibilhin muli ng mga tao ay dapat bilhin muli pagkatapos na maging isang buwang gulang. Pagkatapos ay maaari na silang bilhin muli ng mga tao, sa halagang limang siklo, ayon sa pamantayang timbang na siklo ng santuwaryo, na kapantay ng dalawampung gera. Subalit ang panganay ng isang baka, o ang panganay ng isang tupa, o ang panganay ng isang kambing ay hindi mo dapat bilhin muli ang mga hayop na ito; sila ay inilaan sa akin. Dapat mong isaboy ang dugo nito sa altar at sunugin ang kanilang taba bilang isang alay na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak para sa akin. Magiging sa iyo ang karne ng mga ito. Gaya ng itinaas na dibdib at kanang hita, magiging sa iyo ang karne ng mga ito. Lahat ng dinalang handog ng banal na mga bagay na inalay ng mga tao ng Israel sa akin ay ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, sa iyong mga anak na babae bilang patuloy na bahagi. Tumatayo sila para sa isang tipan ng asin, isang umiiral na tipan magpakailanman, sa harap ko kasama mo at ng iyong mga kaapu-apuhan.” (Mga Bilang 18:8-19)
At magpataw ng buwis para ibigay sa akin mula sa mga kawal na nagpunta sa labanan. Ang buwis na ito ay dapat isa sa bawat limandaan, maging mga tao, baka, asno, tupa o kambing. Kunin ang buwis na ito mula sa kanilang bahagi at ibigay ito kay Eleazar na pari bilang isang handog na idudulog sa akin. Gayundin mula sa bahagi ng mga tao ng Israel, dapat kayong kumuha ng isa sa bawat limampu—mula sa mga tao, baka, asno, tupa, at kambing. Ibigay ninyo ang mga ito sa mga Levitang nangangalaga ng aking tabernakulo.” (Mga Bilang 31:28-30)
Ito ang magiging bahagi ng mga nakatakdang pari mula sa mga tao, mula sa kanila na naghahandog ng isang alay, maging ito ay mga baka o tupa: dapat nilang ibigay sa pari ang balikat, ang dalawang pisngi, at ang mga lamanloob. Ang mga unang bunga ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang balahibo ng inyong tupa, dapat ninyong ibigay sa kaniya. (Deuteronomio 18:3-4)
Hindi dapat ninyo busalan ang lalaking baka kapag siya ay naggigiik ng butil. (Deuteronomio 25:4)
Pinangako namin na magdadala sa tahanan ni Yahweh ng mga unang bunga na tumubo sa aming lupain, at ng unang bunga ng bawat puno sa bawat taon. At tulad ng nasusulat sa batas, nangako kami na dadalhin namin sa tahanan ng Diyos at sa mga pari na siyang naglilingkod doon, ang aming mga anak na lalaki at ang aming mga kawan at kalupunan. (Nehemias 10:35-36)
Sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias, lahat ng mga Israelita ay nagbigay ng kanilang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan. Itinabi nila ang bahagi na para sa mga Levita, at ang mga Levita ay itinabi ang bahagi para sa mga kaapu-apuhan ni Aaron. (Nehemias 12:47)
Kakainin nila ang mga handog na pagkain, ang mga handog dahil sa kasalanan at ang mga handog dahil sa pagkakasala; magiging pag-aari nila ang lahat ng mga bagay na inilaan kay Yahweh sa Israel. Ang pinakamainam na mga unang bunga ng lahat ng mga bagay at ang bawat ambag, anumang bagay na magmumula sa lahat ng inyong mga ambag ay magiging pag-aari ng mga pari, at ibibigay ninyo ang pinakamainam ninyong handog na pagkain sa mga pari upang manatili ang pagpapala sa inyong tahanan. (Ezekiel 44:29-30)

Mga manggagawa sa Bagong Tipan

Huwag kayong magdala ng anumang ginto, pilak o tanso sa inyong mga pitaka. Huwag kayong magdala ng panglakbay na lalagyan, o dagdag na tunika, ni sandalyas, o di kaya'y tungkod, sapagkat nararapat sa manggagawa ang kaniyang pagkain. (Mateo 10:9-10)
...at ipinagbilin niya sa kanila na huwag magdala ng kahit ano sa kanilang paglalakbay maliban lamang sa tungkod, walang tinapay, walang sisidlan at wala ring pera nailalagay sa kanilang sinturon, (Marcos 6:8)
Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit. Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit. Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdadala ng anuman para sa inyong paglalakbay—maging tungkod, o pitaka, o tinapay o salapi—ni magdala ng dalawang panloob na tunika.” (Lucas 9:1-3)
Ngayon, pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghirang ng pitumpung iba pa, at isinugo sila nang dalawahan para mauna sa kaniya sa bawat lungsod at lugar na ninanais niyang puntahan. Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, lalagyang panglakbay, ni mga sandalyas, at huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan. Anumang mga bahay na inyong tutuluyan, una ninyong sabihin, 'Magkaroon nawa ng kapayapaan sa bahay na ito.' Kung ang isang taong payapa ay naroon, ang inyong kapayapaan ay mapapasakaniya, ngunit kung hindi, ito ay babalik sa iyo. Manatili kayo sa bahay na iyon, kumain at uminom ng anumang ibigay nila, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay. (Lucas 10:1, 4-7)
Ang taong tinuruan ng salita ay dapat ibahagi ang lahat na mabuting bagay sa guro. (Mga Taga-Galacia 6:6)
Hayaan ang mga nakatatanda na namumuno ng maayos ay ituring na karapat-dapat sa mas mataas na parangal, lalo na ang mga gumagawa sa salita at sa pagtuturo. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil,” at “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.” (1 Timoteo 5:17-18)
Magmadali at papuntahin si Zenas, ang dalubhasa sa batas, at si Apollos, nang sa gayon wala ng kakulangan. (Tito 3:13)
Minamahal, ikaw ay nagsasagawa ng katapatan tuwing ikaw ay gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala, siya na nagpatotoo ng pag-ibig mo sa harapan ng iglesia. Gumawa ka ng mainam para maipadala sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos, dahil para sa kapakanan ng Pangalan sila ay lumabas, walang kinukuha mula sa mga Gentil. Samakatuwid tayo ay marapat na tumanggap tulad ng mga ito, nang sa gayon tayo ay maging kapwa manggagawa para sa katotohanan. (3 Juan 1:5-8)

Si Jesus ay sinuportahan ng mga kaloob noong Kanyang ministeryo sa lupa

...si Juana ang asawa ni Cusa, na tagapangasiwa ni Herodes, si Susana at marami pang ibang mga kababaihan na nagbigay sa kanilang pangangailangan mula sa kanilang sariling mga pinagkukunan. (Lucas 8:3)

Mga Cristianong manggagawa na hindi gumamit ng kanilang karapatang suportahan

O kami lamang ba ni Bernabe ang dapat magtrabaho? Sino ang naglilingkod bilang isang kawal sa sarili niyang gastos? Sino ang nagtatanim sa ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? O sino ang nag-aalaga ng kawan at hindi umiinom ng gatas mula sa mga ito? Sinasabi ko ba ang mga bagay na ito batay sa makataong kapangyarihan? Hindi ba sinabi din ito ng batas? Sapagkat nasusulat sa kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil.” Ang baka nga ba talaga ang pinahahalagahan ng Diyos? Hindi ba siya nagsasalita tungkol sa amin? Naisulat ito para sa amin, sapagkat ang siyang nag-aararo ay nag-aararo sa pag-asa at ang gumigiik ay kailangang gumiik na umaasa na makikibahagi sa ani. Kung naghasik kami ng mga espirituwal na bagay sa inyo, kalabisan ba sa amin na umani ng mga materyal na bagay mula sa inyo? Kung ginagawa ng iba ang karapatang ito mula sa inyo, hindi ba mas lalo na kami? Gayunman, hindi namin inangkin ang karapatang ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat kaysa maging hadlang sa ebanghelyo ni Cristo. Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa templo ay kumukuha ng pagkain mula sa templo? Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa altar ay nakikibahagi sa kung ano ang naihandog sa altar? Sa ganoon ding paraan, iniutos ng Panginoon na ang mga nagpapahayag ng ebanghelyo ay dapat kunin ang kanilang kabuhayan mula sa ebanghelyo. Ngunit hindi ko inangkin ang kahit anuman sa mga karapatang ito. At hindi ako nagsusulat upang maganap ito sa akin. Mas gugustuhin ko pa ang mamatay kaysa bawian ako ng sinuman ng maipagmamalaki. (1 Corinto 9:6-15)
Sapagkat kung gagawin ko ito ng maluwag sa kalooban, may gantimpala ako. Ngunit kung hindi maluwag sa kalooban, may responsibilidad pa rin ako sa ipinagkatiwala sa akin. At ano ang aking gantimpala? Na kung ako ay nangangaral, maiaalok ko ang ebanghelyo nang walang bayad at hindi ko lubos na gagamitin ang aking karapatan sa ebanghelyo. (1 Corinto 9:17-18)
Ako ba ay nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas? Sapagkat itinuro ko sa inyo ang mabuting balita ng Diyos ng walang bayad. Ninakawan ko ang ibang mga iglesia sa pamamagitan ng pagtanggap ko ng kanilang tulong upang kayo ay aking mapaglingkuran. Noong ako ay na sa inyo at nangangailangan, hindi ako naging pabigat sa kahit na sino. Sapagkat ang aking mga pangangailangan ay tinugunan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Sa lahat ng bagay iniwasan ko na maging pabigat sa inyo at ipagpapatuloy kong gawin iyon. (2 Corinto 11:7-9)
Tingnan niyo! Ako ay handang pumunta sa inyo sa ikatlong pagkakataon. Ako ay hindi magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko gusto ang anumang nasa inyo. Kayo ang gusto ko. Sapagkat ang mga anak ay hindi dapat mag-ipon para sa mga magulang. Sa halip, ang mga magulang ang dapat mag-ipon para sa mga anak. Ako ay labis na matutuwa na gumugol at mapagod para sa inyong mga kaluluwa. Kung mahal ko kayo ng labis, dapat ba akong mahalin ng kakaunti? Ngunit ganoon nga, hindi ako naging pabigat sa inyo. Ngunit dahil ako ay tuso, kayo ay aking nahuli sa pamamagitan ng panlinlang. Kayo ba ay nilamangan ko sa pamamagitan ng aking mga isinugo sa inyo? Pinakiusapan ko si Tito na pumunta sa inyo, at pinasama ko sa kaniya ang isang kapatid. Nilamangan ba kayo ni Tito? Hindi ba tayo lumakad sa parehong paraan? (2 Corinto 12:14-18)
Sapagkat hindi kami kailanman gumamit ng mga matatamis na salita, gaya ng alam ninyo, ni ng pagdadahilan sa kasakiman, ang Diyos ang aming saksi. Sapagkat inyong naaalala, mga kapatid, ang aming trabaho at pagpapakahirap. Sa araw at gabi kami ay gumagawa upang hindi maging pabigat kaninuman sa inyo. Sa panahong iyon, ipinangaral namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos. (1 Tesalonica 2:5, 9)
At hindi kami kumakain ng pagkain ng iba nang hindi nagbayad para dito. Sa halip, gumagawa kami sa gabi at araw ng mabibigat na gawain at paghihirap, dahil ayaw namin na maging pabigat sa inyo. Ginagawa namin ito hindi dahil sa wala kaming kapangyarihan. Sa halip, ginagawa namin ito ng maayos upang maging halimbawa sa inyo, upang kami ay inyong tularan. (2 Tesalonica 3:8-9)

Ang Cristianong manggagawa ay hindi dapat maglingkod nang may masamang hangarin sa pera

Hinihikayat ko ang mga nakatatanda sa inyo, ako, na isang kapwa nakatatanda at isang saksi sa pagdurusa ni Cristo, at kabahagi ng kaluwalhatian na maihahayag. Kaya nga, hinihikayat ko kayo, mga nakatatanda, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo. Pangalagaan niyo sila, hindi dahil kailangan ninyo, pero dahil nais ninyo ito, ayon sa Diyos. Pangalagaan niyo sila nang maluwag sa inyong kalooban, hindi para sa pera. (1 Pedro 5:1-2)

Marami ang nagtatangkang kumita ng pera sa pagkukunwaring relihiyoso

Dahil hindi kami tulad ng maraming tao na ipinagbibili ang salita ng Diyos para sa kita. Kundi, sa malinis na layunin, nagsasalita kami kay Cristo, dahil kami ay mga sinugo mula sa Diyos, sa paningin ng Diyos. (2 Corinto 2:17)
Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako. Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya. (Tito 1:10-11)
May mga bulaang propeta na nagpunta sa mga Israelita at may mga bulaang guro ang pupunta sa inyo. Palihim silang magdadala ng mga mapanirang maling pananampalataya at itatatwa nila ang Panginoon na bumili sa kanila. Sila ay nagdadala ng kanilang agarang pagkawasak. Sa kanilang pagkagahaman ay sasamantalahin nila kayo sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na mga salita. Naghihintay ang kahatulan laban sa kanila; ang kanilang pagkawasak ay darating. (2 Pedro 2:1, 3)

Hinikayat ang mga alagad na maghanda

At sinabi ni Jesus sa kanila. “Nang ipinadala ko kayo na walang pitaka, supot ng mga kakailanganin, o sapatos, nagkulang ba kayo ng kahit na ano?” At sumagot sila, “Hindi.” Kaya sinabi niya sa kanila, “Ngunit ngayon, siya na may pitaka, kunin niya ito, at maging ang supot ng pagkain. Ang walang espada ay dapat ipagbili niya ang kaniyang balabal at bumili ng isa. (Lucas 22:35-36)

Ang santuwaryo/templo

Ang pagtatayo ng tabernakulo

Ito ang mga handog na dapat ninyong tanggapin mula sa kanila: ginto, pilak, at tanso; asul, lila, at matingkad na pulang lana; pinong lino; mga buhok ng kambing; mga tininang pulang balat ng lalaking tupa at balat ng hayop na nakatira sa dagat; kahoy ng akasya; langis para sa mga ilawan ng santuwaryo; pampalasa para sa langis na pangpahid at ang mahalimuyak na insenso; mga oniks na bato at ibang mga mamahaling bato na ilalagay sa epod at baluti. Hayaan silang gumawa ng isang santuwaryo para manirahan ako sa gitna nila. (Exodo 25:3-8)

Nagbigay sila nang higit sa sapat

Tinanggap nila mula kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga Israelita sa paggawa ng banal na lugar. Patuloy ang mga tao sa pagdadala ng mga handog na kusang-loob sa bawat umaga. Kaya ang lahat ng mga taong bihasa na gumagawa sa banal na lugar ay lumapit kay Moises mula sa paggawa ng kanilang mga gawain. Sinabi ni Moises, “Ang mga tao ay nagdadala ng labis sa paggawa ng gawain ayon sa iniutos ni Yahweh na ating gagawin.” Kaya ang tagubilin ni Moises na wala ni isa sa kampo ang magdala ng anumang mga handog para sa paggawa ng banal na lugar. Kaya ang mga tao ay huminto na sa pagdadala ng mga handog. Mayroon na silang labis-labis na mga kagamitan para sa lahat ng gawain. (Exodo 36:3-7)

Ang pagtatayo ng templo

Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol. Ngayon, dahil sa aking kagalakan sa tahanan ng aking Diyos, ibinibigay ko ang aking sariling mga kayamanang ginto at pilak para rito. Ginagawa ko ang ito na karagdagan sa lahat ng aking inihanda para sa banal na templo: tatlong libong talentong ginto mula sa Ofir, at pitong libong talento na pinong pilak upang ilagay sa mga dingding ng mga gusali. Ipinagkakaloob ko ang mga ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, at pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, at mga bagay para sa lahat ng uri ng gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Sino pa ang nais magbigay kay Yahweh ngayon at ibigay ang kaniyang sarili sa kaniya?” Pagkatapos nagbigay ng kusang-loob na handog ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno ng mga tribo sa Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal at ang mga opisyal sa mga gawain ng hari. Nagbigay sila para sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos ng limang libong talento at sampung libong dariko na ginto, sampung libong talento ng pilak, labing walong libong talento ng pilak, at 100, 000 talento ng bakal. Ang mga may mahahalagang bato ay nagbigay sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh, sa ilalim ng pamamahala ni Jehiel, isang kaapu-apuhan ni Gershon. (1 Mga Cronica 29:2-8)

Malaki ang nagastos sa templo

Sa utos ng hari sila ay nagtibag ng malalaking mga bato na mataas ang kalidad para sa paglatag ng pundasyon ng templo. (1 Mga Hari 5:17)

Ang pagkukumpuni ng templo

Sinabi ni Joas sa mga pari, “Lahat ng salapi para sa mga kagamitan na nabibilang kay Yahweh at ang mga dinala sa tahanan ni Yahweh, ang buwis na naitala, at lahat ng salapi na ibinigay para sa templo ng mga taong inudyukan ni Yahweh na magbigay— ang mga salaping ito ay iipunin ng mga pari, bawat isa sa kanila mula sa nagbabayad ng buwis, at gagamitin nila ito para ayusin ang templo kapag may kailangang ayusin. Pero sa dalawampu't tatlong taon na paghahari ni Haring Joas, wala pang kahit anong naipaaayos ang mga pari sa templo. Kaya tinawag ni Haring Joas si Jehoiada at ang ibang mga pari; sinabi niya sa kanila, “Bakit wala pa kayong naipaaayos sa templo? Ngayon hindi na kayo ang kukuha ng salapi sa mga nagbabayad ng buwis, pero kunin ninyo ang mga nakolekta para sa pagpapaayos ng templo at ibigay ninyo ito sa mga makakapag-ayos. Kaya sumang-ayon ang mga pari na hindi na sila tatanggap ng salapi mula sa mga tao at hindi na rin sila ang mag-aayos ng templo. Sa halip, kumuha si Joiada ang pari ng isang baul, binutasan niya ang takip nito, at inilagay ito sa gilid ng altar, sa kanang bahagi kung saan dumaraan ang tao patungo sa tahanan ni Yahweh. Lahat ng mga paring nagbabantay sa pasukan sa templo ay inilagay dito ang lahat ng salapi na dinala sa tahanan ni Yahweh. Kapag nakikita nila na marami ng laman ang baul, lalapit ang mga eskriba ng hari at punong pari at ilalagay sa mga lalagyan ang salapi at bibilangin ito, ang salaping nakuha nila sa templo ni Yahweh. Ibinigay nila ang salaping tinimbang sa mga kamay ng mga kalalakihang nangalaga sa templo ni Yahweh. Ibinayad nila ito sa mga karpentero at mga manggagawa na nagtatrabaho sa templo ni Yahweh, (2 Mga Hari 12:4-11)
Pumunta ka kay Hilkias ang punong pari at sabihin sa kaniyang bilangin ang pera na dinala sa tahanan ni Yahweh, na nalikom ng mga bantay ng templo mula sa bayan. Ipadala mo ito sa kanila sa mga manggagawa na namamahala sa tahanan ni Yahweh at ipabigay mo ito sa mga manggagawa na nasa tahanan ni Yahweh, para kumpunihin ang mga sira sa templo. Magpabigay ka sa kanila ng pera sa mga karpintero, mga nagtatayo, at mga mason, at para bumili rin ng troso at magtabas ng bato para kumpunihin ang templo.” (2 Mga Hari 22:4-6)
At nangyari pagkatapos nito, na si Joas ay nagpasya na muling itayo ang tahanan ni Yahweh. Tinipon niya ang mga pari at mga Levita at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo taun-taon sa mga lungsod ng Juda at kolektahin ang pera mula sa lahat ng Israelita upang isaayos ang tahanan ng inyong Diyos. Tiyakin ninyo na masimulan ninyo kaagad.” Noong una, walang ginawa ang mga Levita. Kaya ipinatawag ng hari si Joiada, ang pinakapunong pari, at sinabi sa kaniya, “Bakit hindi mo inatasan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang buwis na ipinataw ni Moises, ang lingkod ni Yahweh, at ng kapulungan ng Israel, para sa tolda ng tipanan?” Sapagkat giniba ng mga anak ni Atalia, na masamang babae, ang tahanan ng Diyos at ibinigay sa mga Baal ang lahat ng kagamitan na inilaan sa tahanan ni Yahweh. Kaya nag-utos ang hari, at gumawa sila ng isang kaban at inilagay ito sa labas sa may pasukan sa tahanan ni Yahweh. At gumawa sila ng proklamasyon sa buong Juda at Jerusalem, para sa mga tao upang dalhin kay Yahweh ang buwis na ipinataw ni Moises na lingkod ng Diyos sa Israel sa ilang. Nagalak ang lahat ng pinuno at lahat ng tao at dinala ang pera at inilagay sa kaban, hanggang sa napuno nila ito. At nangyari na sa tuwing dinadala ng mga Levita ang kaban sa mga opisyal ng hari, at sa tuwing nakikita nila na maaraming perang nasa loob nito, darating ang mga eskriba ng hari at ang opisyal ng pinakapunong hari, aalisin nila ang laman ng kaban at dadalhin nila at ibabalik sa kinalalagyan nito. Ginagawa nila ito araw-araw, at nakakalikom sila ng malaking halaga ng pera. Ibinigay ng hari at ni Joiada ang pera sa mga gumawa ng gawaing paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Umupa ang mga lalaking ito ng mga kantero at mga karpintero upang ibalik sa dating kalagayan ang tahanan ni Yahweh, at maging ang mga gumagawa gamit ang bakal at tanso. Kaya nagtrabaho ang mga manggagawa, at umusad ang gawaing pag-aayos sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; itinayo nila ang tahanan ng Diyos sa dati nitong disenyo at pinatibay ito. (2 Mga Cronica 24:4-13)
Ngayon sa ikalabing-walong taon ng kaniyang paghahari, matapos linisin ni Josias ang lupain at ang templo, ipinadala niya si Safan na anak ni Azalias, si Maasias, ang gobernador ng lungsod, at si Joas na anak ni Joahaz na nakalihim upang ipaayos ang tahanan ni Yahweh na kaniyang Diyos. Pumunta sila kay Hilkias, ang pinakapunong pari at ipinagkatiwala sa kaniya ang pera na dinala sa tahanan ng Diyos na tinipon ng mga Levita, ng mga bantay ng mga pintuan mula sa Manases at Efraim, mula sa lahat ng mga naninirahan sa Israel, mula sa buong Juda at Benjamin at mula sa mga naninirahan sa Jerusalem. Ipinagkatiwala nila ang pera sa mga kalalakihang namamahala sa mga gawain sa templo ni Yahweh. Binayaran ng mga kalalakihang ito ang mga manggagawang nag-ayos muli ng templo. Ibinayad nila ito sa mga karpentero at mga manggagawa, upang bumili ng mga tabas na bato, at mga kahoy na panghalang at para gumawa ng mga barakilan para sa mga gusali na pinabayaan ng ilang mga hari na magiba. (2 Mga Cronica 34:8-11)

Ang muling pagtatayo ng templo

Nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, ang mga punong matatanda ay naghandog ng mga kusang-loob na handog upang maipatayo ang tahanan ni Yahweh. Sila ay nagbigay para sa pondo ayon sa kanilang kakayahan: 61, 000 na gintong darika, 5, 000 pilak na mina at 100 na tunikang pangpari. (Ezra 2:68-69)
...na may tatlong patong ng malalaking bato at isang patong ng bagong troso. At ang tahanan ng hari ang magbabayad ng gastusin. (Ezra 6:4)
Ipinag-uutos ko sa inyo na dapat ninyong gawin ito para sa mga nakatatandang Judiong nagtatayo ng tahanan ng Diyos: Ang mga pondo mula sa pagkilala sa hari sa ibayo ng Eufrates ay gagamitin para bayaran ang mga lalaking ito na hindi tumitigil sa kanilang paggawa. (Ezra 6:8)

Ang pangangalaga sa templo

Nangako kami na hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae para sa mga tao sa lupain o kukuha ng kanilang mga anak na babae para sa mga anak naming lalaki. Dahil ang bayan ng Israel at ang mga kaapu-apuhan ni Levi ay magdadala ng ambag na butil, bagong alak, at langis sa mga imbakan kung saan nilalagay ang mga kagamitan ng santuwaryo at kung saan nananatili ang mga pari na naglilingkod, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan, at ang mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang tahanan ng ating Diyos. (Nehemias 10:30, 39)

Iba pang mga kategorya

Ang mga humihingi ng kaloob

Ibigay mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo. (Mateo 5:42)
Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo. Kung may kumuha ng isang bagay na pag-aari mo, huwag mong hingiin sa kaniya na ibalik ito sa iyo. (Lucas 6:30)

Lahat ng tao, lalo na ang mga mananampalataya

Kaya nga, kung magroon tayong pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa bawat isa. Magsigawa tayo ng mabuti lalo na sa mga nasa sambahayan ng pananampalataya. (Mga Taga-Galacia 6:10)
Patungkol sa pag-ibig ng mga kapatid, maging magiliw kayo sa isa't isa. Patungkol sa kapurihan, igalang ninyo ang isa't isa. (Mga Taga-Roma 12:10)
Tumulong sa pangangailangan ng mga mananampalataya. Humanap ng maraming paraan upang ipakita ang magiliw na pagtanggap sa iba. (Mga Taga-Roma 12:13)

Mga kaaway

Kung nagugutom ang kaaway mo, bigyan mo siya ng makakain, at kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig na maiinom, dahil lalagyan mo siya sa kaniyang ulo ng isang pala ng umaapoy na uling, at gagantimpalaan ka ni Yahweh. (Mga Kawikaan 25:21-22)
“Ngunit kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo siya. Kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng maiinom. Sapagkat kung gagawin mo ito, nagtatambak ka ng mga baga ng apoy sa kaniyang ulo.” (Mga Taga-Roma 12:20)

Huwag magbigay sa mamamatay-tao

Kung ang isang tao ay maysala dahil nagdanak siya ng dugo sa isang tao, siya ay magiging isang pugante hanggang sa kamatayan, at wala ni isa ang tutulong sa kaniya. (Mga Kawikaan 28:17)

Pagbibigay sa mahihirap

Mga utos at pananaw ng Diyos sa pagbibigay sa mahihirap

Dahil hindi kailanman mawawala ang mahihirap sa lupain; kaya sinasabi ko ito sa inyo, 'Dapat ninyong tiyaking bukas ang inyong kamay sa inyong kapatid, sa mga nangangailangan sa inyo, at sa mga mahihirap sa inyong lupain.' (Deuteronomio 15:11)
Ang isang nagmamalupit sa mahihirap ay isinusumpa ang kaniyang Maykapal, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa nangangailangan ay pinaparangalan siya. (Mga Kawikaan 14:31)
Ang sinumang mabait sa mahihirap ay nagpapahiram kay Yahweh, at babayaran siya ni Yahweh dahil sa kaniyang ginawa. (Mga Kawikaan 19:17)
Hindi ba ito ang pag-aayuno na pinili ko: na palayain ang mga masamang pagkakagapos, na kalagin ang mga lubid ng pamatok, na palayain ang mga dinurog, at baliin ang bawat pamatok? Hindi ba ito para ipamahagi ang inyong tinapay sa nagugutom at dalhin ang dukha at walang tahanan sa inyong bahay?” Kapag nakakita kayo ng isang taong nakahubad, dapat ninyo siyang bihisan; at hindi ninyo dapat itago ang inyong sarili mula sa sarili ninyong mga kamag-anak. Pagkatapos ang inyong liwanag ay magbubukas tulad ng pagsikat ng araw, at mabilis na manunumbalik ang inyong kagalingan; pangungunahan kayo ng inyong katuwiran, at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay maaari ninyong maging bantay sa inyong likuran. Pagkatapos kayo ay tatawag, at si Yahweh ay sasagot; kayo ay tatangis para tulungan, at kaniyang sasabihin, “Naririto ako.” Kung aalisin ninyo mula sa inyong mga sarili ang pamatok, ang nagpaparatang na daliri, at ang pananalita ng kasamaan, kung kayo mismo ay nagbibigay para sa nagugutom at tumutugon sa pangangailangan ng nagdurusa; sa gayon ang inyong liwanag ay sisikat sa kadiliman, at ang inyong kadiliman ay magiging katulad sa katanghalian. (Isaias 58:6-10)
Pakinggan mo! Ito ang naging kasalanan ng Sodoma na iyong kapatid: malaya siyang nagmataas, walang malasakit at walang pakialam sa anumang bagay. Hindi niya pinalakas ang mga kamay ng mga mahihirap at mga taong nangangailangan. (Ezekiel 16:49)

Mga panustos ng Lumang Tipan para sa mahihirap

Mga kautusan sa pag-aani at pamumulot

Sa loob ng anim na taon magtatanim ka ng buto sa iyong lupain at iipunin ang mga naani. Pero sa ikapitong taon lilinangin mo ito nang walang araro at hahayaan, para ang mahihirap sa gitna ninyo ay makakain. Kung ano ang kanilang iniwan, ang mga mababangis na hayop ang kakain. Gagawin mo rin ito sa iyong ubasan at sa iyong halamanang olibo. (Exodo 23:10-11)
Kapag inani ninyo ang mga pananim sa inyong lupain, hindi ninyo dapat anihin ang lahat ng sulok ng inyong bukirin, ni ipunin ang lahat ng bunga ng inyong ani. Hindi ninyo dapat ipunin ang bawat ubas mula sa inyong ubasan, ni ipunin ang mga ubas na nahulog sa lupa sa inyong ubasan. Dapat ninyong iwan ang mga ito para sa mahihirap at para sa dayuhan. Ako si Yahweh na inyong Diyos. (Levitico 19:9-10)
Kapag gagapasin ninyo ang ani ng inyong lupain, dapat hindi ninyo gagapasin nang lubos ang mga sulok ng inyong mga bukirin, at dapat hindi ninyo iipunin ang mga naipon ninyong ani. Dapat ninyong iwanan ang mga ito para sa mga mahihirap at para sa mga dayuhan. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'” (Levitico 23:22)
Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay. Kapag inalog niyo ang puno ng olibo, dapat hindi na ninyo babalikang muli ang mga sanga, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo. Kapag pinagtipon-tipon ninyo ang mga ubas sa inyong ubasan, hindi mo na dapat pulutin ang nasa likuran mo, ito ay para na sa dayuhan, sa mga ulila, o sa balo. (Deuteronomio 24:19-21)

Walang hangganang pananagutan sa pagtugon sa pangangailangan

Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid; pero dapat ninyong tiyakin na bukas ang inyong kamay sa kaniya at tiyaking pautangin siya ng sapat para sa kaniyang kailangan. Mag-ingat kayo sa pagkakaroon ng isang masamang pag-iisip sa inyong puso, sa pagsasabing, 'Ang ikapitong taon, ang taon ng pagpapalaya, ay malapit na,' para hindi kayo maging maramot patungkol sa mahirap ninyong kapatid at walang maibigay sa kaniya; baka siya ay umiyak kay Yahweh tungkol sa inyo, at maging kasalanan ito para sa inyo. Dapat ninyong tiyaking magbigay sa kaniya, at hindi dapat magdamdam ang inyong puso kapag magbibigay sa kaniya, dahil ang kapalit nito ay pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gawain at sa lahat ng paglalagyan ng inyong kamay. (Deuteronomio 15:7-10)

Pagdiriwang ng Purim

Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap. (Ester 9:22)

Taon ng Jubileo

Dapat ninyong italaga ang ikalimampung taon kay Yahweh at magpahayag ng kalayaan sa buong lupain para sa lahat ng naninirahan dito. Magiging isang Paglaya ito para sa inyo, kung saan dapat ibalik ang mga ari-arian at mga alipin sa kanilang mga pamilya. (Levitico 25:10)

Mga halimbawa ng pagbibigay sa mahihirap

...dahil dati ay sinasagip ko ang taong mahirap na sumisigaw, pati na ang lahat ng mga walang ama, na walang sinumang tutulong sa kaniya. Ang pagpapala ng taong malapit nang masawi ay dumarating sa akin; dinulot kong kumanta ang puso ng biyuda dahil sa kagalakan. Sinuot ko ang katuwiran, at dinamitan ako nito; ang katarungan ko ay tulad ng isang kasuotan at isang turban. Naging mga mata ako ng mga bulag; naging mga paa ako ng mga pilay. Naging isang ama ako ng mga nangangailangan; sinusuri ko ang kaso kahit na ng isang hindi ko kilala. (Job 29:12-16)
Kung ipinagkait ko ang mga ninanais ng mga mahihirap, o kung idinulot ko na lumabo ang mga mata ng mga biyuda dahil sa pag-iyak, o kung kinain kong mag-isa ang aking pagkain at hindi pinayagang kumain din nito ang mga walang ama - (sa halip, mula sa aking pagkabata ang ulila ay lumaki kasama ko parang sa isang ama, at ginabayan ko ang kaniyang ina, isang biyuda, mula sa sinapupunan ng sarili kong ina) — kung nakita ko ang sinuman na namatay dahil sa kakulangan ng pananamit, o kung nakita ko ang isang nangangailangang tao na walang pananamit; o kung hindi ako binasbasan ng kaniyang puso dahil hindi siya nainitan ng balahibo ng aking tupa, kung iniamba ko ang aking kamay laban sa mga taong walang ama dahil nakita ko ang pagsuporta para sa akin sa tarangkahan ng lungsod — kung ganoon hayaang malaglag ang aking balikat mula sa paypay, at hayaang ang bisig ko ay mabali mula sa hugpungan. Dahil ang sakuna mula sa Diyos ay magiging malaking takot sa akin; dahil sa kaniyang kamahalan, hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito. (Job 31:16-23)

Matuwid na pinuno

Hatulan niya nawa ang mahihirap sa bayan; iligtas niya nawa ang mga anak ng nangangailangan at pira-pirasuhin ang mga mapang-api. (Mga Awit 72:4)
Dahil tinutulungan niya ang mga nangangailangan na tumatawag at mahihirap na walang ibang katulong. May awa siya sa mga mahihirap at nangangailangan, at nililigtas niya ang buhay ng mga nangangailangan. (Mga Awit 72:12-13)

Butihing asawa

Sino ang makatatagpo ng may kakayahang asawang babae? Ang halaga niya ay higit sa mamahaling hiyas. Ang mga taong mahihirap ay inaabot niya ng kaniyang kamay; ang mga taong nangangailangan ay inaabot niya ng kaniyang mga kamay. (Mga Kawikaan 31:10, 20)

Bagong Tipan

Si Juan Bautista

At ang maraming tao ay nagtanong sa kaniya, nagsasabi “Ano ang dapat naming gawin?” Siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Kung ang isang tao ay may dalawang tunika, dapat niyang ibigay ang isa sa sinumang wala nito at sinuman ang may pagkain ay ganoon din ang dapat gawin.” (Lucas 3:10-11)

Si Jesu-Cristo ay nakikiisa sa mahihirap

Pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian at kasama ang lahat ng kaniyang mga anghel, uupo siya sa kaniyang marangal na trono. Sa harap niya magtitipon ang lahat ng mga bansa, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa't isa, katulad ng pastol na hinihiwalay ang tupa at kambing. Ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa. At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, pinagpala kayo ng aking Ama, mamanahin ninyo ang kaharian na inihanda para sa inyo mula pa noong likhain ang mundo. Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng inumin; ako ay dayuhan at pinatuloy ninyo ako; ako ay hubad at dinamitan ninyo ako, ako ay may sakit at inalagaan ninyo ako; ako ay nasa kulungan at pinuntahan ninyo ako. At sasagot ang mga matuwid at sasabihin, 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain, o nauhaw at binigyan ng inumin? at kailan ka namin nakitang dayuhan at pinatuloy ka? O hubad at dinamitan? At kailan ka namin nakita na may sakit, o nakulong at pinuntahan ka namin?' At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung ano man ang nagawa ninyo sa mga hamak kong kapatid dito, ginawa ninyo ito sa akin.' At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel, sapagkat ako ay nagutom ngunit hindi ninyo ako binigyan ng pagkain; nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng inumin; ako ay isang dayuhan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy, hubo't hubad ngunit hindi ninyo ako dinamitan, may sakit at nasa kulungan, ngunit hindi ninyo ako inalagaan. At sasagot din sila at sasabihin, “Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o dayuhan, o hubad, o may sakit, o nasa kulungan, at hindi kayo pinaglingkuran?' At sasagot siya sa kanila at magsabi, 'Totoo itong sasabihin ko sa inyo, anumang hindi ninyo ginawa sa mga pinakahamak na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.' (Mateo 25:31-45)

Ipinakita ni Jesus ang halimbawa ng pagbibigay sa mahihirap

At pagkatapos ng tinapay, pumasok si Satanas sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kaniiya, “Kung ano ang iyong gagawin, gawin mo ito agad.” Ngayon, walang sinuman na nasa lamesa ang nakaaalam nang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus ito sa kaniya. Naisip ng iba na, dahil si Judas ang nangangalaga sa supot ng salapi, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumili ka ng mga bagay na kailangan natin para sa kapistahan,” o kaya naman na siya ay dapat magbigay sa mga mahihirap. (Juan 13:27-29)

Ang dating mandaraya ay nagbibigay sa mahihirap

Sino man ang nagnanakaw ay hindi na dapat magnakaw. Sa halip, kailangan niyang magpagal. Kailangan niyang magtrabaho gamit ang kaniyang mga kamay, upang makatulong sa tao na nangangailangan. (Mga Taga-Efeso 4:28)

Iba pang mga halimbawa

Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian, at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa. (Mga Gawa 2:44-45)
Isa sa kanila na nagngangalang Agabo, ay tumayo, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng Espiritu, na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong mundo. Nangyari nga ito sa panahon ni Claudio. Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa. Ginawa nila ito; nagpadala sila ng pera sa mga nakatatanda sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo. (Mga Gawa 11:28-30)
Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: “Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.” (Mga Gawa 20:35)
Sapagkat ito ay kasiyahan ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaya na magambag-ambag para sa mga mahihirap na mananampalataya na nasa Jerusalem. Oo, ito ay kanilang kasiyahan, at sa katunayan, sila ang mga may utang sa kanila. Sapagkat kung ang mga Gentil ay nakibahagi sa kanilang mga espirituwal na bagay, dapat lang silang maglingkod sa kanila sa mga materyal na bagay. (Mga Taga-Roma 15:26-27)
Nais din nilang alalahanin namin ang mga mahihirap. Ako din ay nananabik na gawin ang bagay na ito. (Mga Taga-Galacia 2:10)

Mga pagpapala at mga sumpa

Mga pagpapala ng pagbibigay sa mahihirap

Pagpapala ng pagkakilala sa Panginoon

Ang paghuhukom niya ay panig sa mga mahihirap at mga nangangailangan. At maayos ang lahat noon. Hindi ba ito ang kahulugan ng pagkilala sa akin? —Ito ang pinahayag ni Yahweh. (Jeremias 22:16)

Pagpapala ng buhay

...kung wala siyang inaping sinuman sa halip ay nagsauli ng sangla sa umutang—kung hindi niya kinuha ang ninakaw, ngunit sa halip ay ibinibigay niya ang kaniyang pagkain sa mga nagugutom at tinatakpan ng mga damit ang hubad; (Ezekiel 18:7)
...kung lumalakad siya sa aking mga kautusan at sinusunod ang aking mga alituntunin upang kumilos nang tapat—ang taong ito ay matuwid; siya ay mabubuhay! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. (Ezekiel 18:9)
Kung hindi niya inaapi ang sinuman, sinasamsam ang sangla, o kinukuha ang mga nakaw na bagay, ngunit sa halip ibinibigay ang kaniyang pagkain sa nagugutom at tinatakpan ng mga damit ang hubad— kung iniurong niya ang kaniyang kamay sa paghatol sa mahirap at hindi kumukuha ng tubo o hindi makatarungang kita; kung sinusunod niya ang aking mga alituntunin at lumalakad ayon sa aking mga kautusan, hindi siya mamamatay para sa kasalanan ng kaniyang ama. Siya ay tiyak na mabubuhay! (Ezekiel 18:16-17)

Pagpapala sa pamilya

Ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay magiging makapangyarihan sa mundo; ang salinlahi ng maka-diyos ay pagpapalain. Bukas-palad siyang nagbibigay sa mga mahihirap; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman; siya ay maitataas nang may karangalan. (Mga Awit 112:2, 9)

Pagpapala ng natugunang pangangailangan

Ang nagbibigay sa mahirap ay hindi magkukulang, pero sinumang magsara ng kaniyang mga mata sa kanila ay tatanggap ng maraming mga sumpa. (Mga Kawikaan 28:27)

Pagpapala ng kalusugan

Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya. Pangangalagaan siya ni Yahweh at buhay niya ay pananatilihin, at sa lupa siya ay pagpapalain. Hindi siya ibibigay ni Yahweh sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway. Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman. (Mga Awit 41:1-3)

Pagpapala ng sinagot na panalangin at patnubay

Hindi ba ito ang pag-aayuno na pinili ko: na palayain ang mga masamang pagkakagapos, na kalagin ang mga lubid ng pamatok, na palayain ang mga dinurog, at baliin ang bawat pamatok? Hindi ba ito para ipamahagi ang inyong tinapay sa nagugutom at dalhin ang dukha at walang tahanan sa inyong bahay?” Kapag nakakita kayo ng isang taong nakahubad, dapat ninyo siyang bihisan; at hindi ninyo dapat itago ang inyong sarili mula sa sarili ninyong mga kamag-anak. Pagkatapos ang inyong liwanag ay magbubukas tulad ng pagsikat ng araw, at mabilis na manunumbalik ang inyong kagalingan; pangungunahan kayo ng inyong katuwiran, at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay maaari ninyong maging bantay sa inyong likuran. Pagkatapos kayo ay tatawag, at si Yahweh ay sasagot; kayo ay tatangis para tulungan, at kaniyang sasabihin, “Naririto ako.” Kung aalisin ninyo mula sa inyong mga sarili ang pamatok, ang nagpaparatang na daliri, at ang pananalita ng kasamaan, kung kayo mismo ay nagbibigay para sa nagugutom at tumutugon sa pangangailangan ng nagdurusa; sa gayon ang inyong liwanag ay sisikat sa kadiliman, at ang inyong kadiliman ay magiging katulad sa katanghalian. Kung ganoon patuloy kayong pagungunahan ni Yahweh at bibigyan kayo ng kasiyahan sa mga rehiyon kung saan walang tubig, at palalakasin niya ang inyong mga buto. Kayo ay magiging katulad ng isang nadiligang hardin, at katulad ng isang bukal ng tubig, na hindi natutuyuan ng tubig kailanman. (Isaias 58:6-11)

Pagpapala ng pagliligtas at pag-iingat

Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya. Pangangalagaan siya ni Yahweh at buhay niya ay pananatilihin, at sa lupa siya ay pagpapalain. Hindi siya ibibigay ni Yahweh sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway. (Mga Awit 41:1-2)

Pagpapala ng karangalan

Bukas-palad siyang nagbibigay sa mga mahihirap; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman; siya ay maitataas nang may karangalan. (Mga Awit 112:9)

Pagpapala sa trabaho at sa kayamanan

Dapat ninyong tiyaking magbigay sa kaniya, at hindi dapat magdamdam ang inyong puso kapag magbibigay sa kaniya, dahil ang kapalit nito ay pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gawain at sa lahat ng paglalagyan ng inyong kamay. (Deuteronomio 15:10)
Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay. (Deuteronomio 24:19)
Hatulan niya nawa ang mahihirap sa bayan; iligtas niya nawa ang mga anak ng nangangailangan at pira-pirasuhin ang mga mapang-api. (Mga Awit 72:4)
Dahil tinutulungan niya ang mga nangangailangan na tumatawag at mahihirap na walang ibang katulong. May awa siya sa mga mahihirap at nangangailangan, at nililigtas niya ang buhay ng mga nangangailangan. Tinutubos niya ang mga buhay nila mula sa pang-aapi at karahasan, at ang kanilang mga dugo ay mahalaga sa kaniyang paningin. Mabuhay ang hari! Ipagkaloob nawa sa kaniya ang mga ginto ng Sheba. Manalangin nawa ang mga tao sa kaniya; pagpalain siya nawa ng Diyos buong araw. (Mga Awit 72:12-15)
Kasaganaan at kayamanan ay nasa kaniyang tahanan; ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman. (Mga Awit 112:3)
Bukas-palad siyang nagbibigay sa mga mahihirap; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman; siya ay maitataas nang may karangalan. (Mga Awit 112:9)
Ang sinumang mabait sa mahihirap ay nagpapahiram kay Yahweh, at babayaran siya ni Yahweh dahil sa kaniyang ginawa. (Mga Kawikaan 19:17)
Siya na nagpapayaman sa pamamagitan nang labis na pagsingil ng tubo ay nag-iipon ng kaniyang yaman para sa iba na maaawa sa mga dukha. (Mga Kawikaan 28:8)
Kaya hari, hayaang maging katanggap-tanggap ang payo ko sa iyo. Tumigil ka sa pagkakasala at gawin kung ano ang matuwid. Talikuran mo ang iyong mga kasamaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa mga inaapi, at maaaring magpatuloy pa ang iyong kasaganaan.” (Daniel 4:27)

Pagpapala ng espirituwal na pagiging mabunga

Magmadali at papuntahin si Zenas, ang dalubhasa sa batas, at si Apollos, nang sa gayon wala ng kakulangan. Ang ating mga tao dapat matutunan ang makisali sa paggawa ng mabuti na tumutugon sa mga agarang pangangailangan upang sila ay maging mabunga. (Tito 3:13-14)

Mga pagpapala sa pangkalahatan

Ang isang mapagbigay na mata ay pagpapalain, sapagkat siya ay nagbabahagi ng kaniyang tinapay sa mahihirap. (Mga Kawikaan 22:9)

Pagpapala ng kaligayahan

Ang isang nagpapakita ng paghamak sa kaniyang kapwa ay nagkakasala, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa mahirap ay masaya. (Mga Kawikaan 14:21)

Mga sumpa sa mga hindi nagbibigay sa mahihirap

Sumpa ng hindi sinasagot na panalangin

Ang isa na hindi dininig ang iyak ng mga mahihirap na tao, kapag siya din ay umiyak, hindi siya maririnig. (Mga Kawikaan 21:13)

Sumpa ng kahirapan

Ang isa na siyang nagpapahirap sa mahihirap na tao para lumago ang kaniyang karangyaan, o nagbibigay para sa mayayamang tao, ay magiging isang mahirap. (Mga Kawikaan 22:16)

Isinumpa sa pangkalahatan

Ang nagbibigay sa mahirap ay hindi magkukulang, pero sinumang magsara ng kaniyang mga mata sa kanila ay tatanggap ng maraming mga sumpa. (Mga Kawikaan 28:27)

Iba pang mga usapin sa pagbibigay sa mahihirap

Saloobin ng habag

Hindi ba ako umiyak para sa kaniya na nasa kaguluhan? Hindi ba ako nagdalamhati para sa taong nangangailangan? (Job 30:25)

Siyasatin ang pangangailangan ng mahihirap

Naging isang ama ako ng mga nangangailangan; sinusuri ko ang kaso kahit na ng isang hindi ko kilala. (Job 29:16)

Ang maka-Diyos ay pinaratangang hindi nagbibigay sa mahihirap

Hindi ba napakatindi ng kasamaan mo? Wala bang katapusan ang mga kasalanan mo? Hindi mo binigyan ng tubig na maiinom ang mga nanghihina; nagdamot ka ng tinapay mula sa mga nagugutom Pinaalis mo ang mga balo nang walang dala; nabali ang mga bisig ng mga walang ama. (Job 22:5, 7, 9)

Halimbawa ng pagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos sa halip na magbigay sa mahihirap

Ngayon, habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, habang siya ay nakasandal sa mesa, may babae na lumapit sa kaniya na may dalang isang sisidlang alabastro ng mamahaling pabango, at ibinuhos niya ito sa kaniyang ulo. Subalit ng makita ng kaniyang mga alagad ito, sila'y nagalit at sinabi, “Anong dahilan sa pag-aaksayang ito? Maaari sana itong ipagbili ng malaking halaga at ipamimigay sa dukha.” Ngunit si Jesus, na nalalaman ito, sinabi sa kanila, “Bakit ninyo binabagabag ang babaing ito? Sapagkat gumagawa siya ng napakabuting bagay sa akin. Nasa inyo palagi ang mga dukha, subalit hindi ninyo ako makakasama palagi. Sapagkat nang binuhos niya itong pabango sa aking katawan, ginawa niya ito para sa aking paglilibing. Totoo itong sinasabi ko sa inyo, saan man ipangaral ang magandang balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay ipagsasabi din sa pag-alala sa kaniya.” (Mateo 26:6-13)
Nang si Jesus ay nasa Bethania sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakasandal siya sa mesa, isang babae ang pumunta sa kaniya na mayroong dalang alabastrong sisidlan na may lamang napakamahal na likido na purong nardo. Binasag niya ito at ibinuhos ang laman sa kaniyang ulo. Ngunit may ilang nagalit. Nag-usap-usap ang bawat isa at sinabi, “Ano ang dahilan sa pag-aaksayang ito? Ang pabangong ito ay maaaring ipagbili ng higit pa sa tatlong daang denario at maibigay sa mga mahihirap.” At sinasaway nila siya. Ngunit sinabi ni Jesus, “Pabayaan ninyo siya. Bakit ninyo siya ginugulo? Ginawa niya ang isang magandang bagay para sa akin. Nasa inyo lagi ang mga mahihirap, at kung gugustuhin ninyo, matutulungan ninyo sila, ngunit hindi ninyo ako laging kasama. (Marcos 14:3-7)
Pagkatapos kumuha si Maria ng isang litra ng pabango mula sa purong nardo na napakamahal, at pinahiran nito ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga paa, at napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango. Si Judas Iscariote, isa sa mga alagad na magkakanulo sa kaniya, ay nagsabi, “Bakit hindi ipinagbili ang pabango na ito ng tatloong daang dinario at ibigay sa mahihirap. Ngayon, sinabi niya ito, hindi dahil sa may malasakit siya sa mga mahihirap, kundi dahil siya ay isang magnanakaw: siya ang may hawak ng sisidlan ng pera, at kumukuha dito ng ilang pera para sa kaniyang sarili. Sinabi ni Jesus, “ Hayaan ninyong ilaan niya ang mayroon siya para sa araw ng aking libing. Palagi ninyong kapiling ang mga mahihirap, ngunit hindi ninyo ako laging makakasama.” (Juan 12:3-8)

Kinakailangan ang pangangalaga sa mga balo

Ngayon sa mga araw na ito, nang ang bilang ng mga alagad ay dumarami, nagsimula ang reklamo mula sa mga Helenista laban sa mga Hebreo, sa dahilan na ang kanilang mga babaing balo ay napapabayaan sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain. Tinawag ng labing dalawang apostol ang marami sa kanilang mga alagad at sinabi, ''Hindi nararapat para sa amin na pabayaan ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag. Mga kapatid, nararapat na pumili kayo ng pitong mga lalaki na mula sa inyo, mga lalaking may mabubuting pagkatao, puspos ng Espiritu at karunungan, na maaari naming ilagay sa trabahong ito. (Mga Gawa 6:1-3)
Ito ay dalisay at walang karumihang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama: para tulungan ang mga walang ama at balo sa kanilang kapighatian, at para pangalagaan ang sarili mula sa katiwaliaan ng mundo. (Santiago 1:27)

Bunga ng tamang pananaw sa pagmamay-ari: walang mahirap

May iisang puso at kaluluwa ang maraming bilang ng mga nanampalataya: at wala ni isa man sa kanila ang nagsabi na anuman ang mayroon siya ay tunay na kaniya; sa halip, para sa kanilang lahat ang lahat ng bagay. Ipinapahayag ng mga apostol ang kanilang patotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ng may dakilang kapangyarihan, at labis na biyaya ay napa-sa kanilang lahat. (Mga Gawa 4:32-33)

May mga panustos upang ang mahihirap ay magbigay nang mas kaunti

Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, kung gayon maaari niyang dalhin kay Yahweh bilang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, isa para sa handog para sa kasalanan at ang isa para sa isang handog na susunugin. Ngunit kung hindi niya kayang bumili ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, kung gayon dapat dalhin niya bilang kaniyang alay para sa kaniyang kasalanan ang isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina para sa handog para sa kasalanan. Hindi niya dapat lagyan ito ng langis o kahit anong insenso, dahil ito ay isang handog para sa kasalanan. (Levitico 5:7, 11)
Kapag natapos ang mga araw ng kanyang paglilinis, para sa isang anak na lalaki o isang anak na babae, dapat siyang magdala ng isang taong gulang na tupa bilang isang handog na susunugin at isang batang batu-bato o kalapati bilang isang handog para sa kasalanan, sa pasukan ng tolda ng pagtitipon, para sa pari. Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'” (Levitico 12:6, 8)
Gayunman, kung ang tao ay mahirap at walang kakayahang makakuha ng mga alay na ito, maaari siyang kumuha ng isang lalaking tupa bilang isang alay sa pagkakasala para itataas at iaalay kay Yahweh upang gawing kabayaran sa kanyang sarili, at isang ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis, kasama ng dalawang kalapati, at dalawang mga batang kalapati, na kaya niyang kunin; ang isang ibon ay maging isang handog para sa kasalanan at ang isa ay isang handog ng susunugin. (Levitico 14:21-22)
Dapat niyang ihandog ang isa sa mga kalapati o mga batu-bato, na nakayang kunin ng tao— isa bilang isang handog para sa kasalanan at ang isa ay bilang isang handog na pambayad ng kasalanan, kasama ng handog na pagkaing butil. Pagkatapos gagawa ng pambayad kasalanan ang pari para sa isang lilinisin sa harap ni Yahweh. Ito ang batas para sa isang tao na kung saan ay mayroong nakakahawang sakit sa balat, siyang hindi makayanan ang mga pamantayan sa paghahandog para sa kanyang paglilinis.” (Levitico 14:30-32)
Pero kung ang taong gumawa ng panata ay hindi makabayad ng pamantayang halaga, kung gayon dapat iharap sa pari ang taong ibinigay, at bibigyang halaga ng pari ang taong iyon sa pamamagitan ng halagang makakaya ng isang gumagawa ng panata. (Levitico 27:8)

Kabilang sa grupong ito ang mga magulang ni Jesus

Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon. Sapagkat nasusulat sa kautusan ng Panginoon, “Ang bawat anak na lalaki na nagbubukas sa sinapupunan ay tatawaging nakatalaga sa Panginoon.” Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, “dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato.” (Lucas 2:22-24)

Sa sensus, pareho ang ibinigay ng mayaman at mahirap

“Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila. Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh. Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin. Kapag magbibigay ang mga tao nitong alay sa akin para gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanilang mga buhay, ang mayayaman ay hindi dapat magbigay ng higit pa sa kalahating sekel, at ang mga mahihirap ay hindi dapat magbigay ng kulang. (Exodo 30:12-15)

Ang pagbibigay sa mahihirap ay maaaring katibayan ng kaligtasan

Tumayo si Zaqueo at sinabi niya sa Panginoon, “Tingnan mo, Panginoon, ibabahagi ko sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga ari-arian, at kung ako ay may nadayang sinuman sa anuman, ibabalik ang halaga ng maka-apat na beses.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sa araw na ito, dumating ang kaligtasan sa bahay na ito, dahil anak din siya ni Abraham. (Lucas 19:8-9)

Iba pang mga halimbawa ng pagbibigay (hindi sa Panginoon)

Nang natapos sa pag-inom ang mga kamelyo, inilabas ng lalaki ang isang gintong singsing sa ilong na tumitimbang ng kalahating siklo, at dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga braso na tumitimbang ng sampung siklo Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina. (Genesis 24:22, 53)
Sinabi ng kanilang ama na si Israel, “Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon. Kumuha kayo ng mga pinaka magandang produkto sa ating lupain sa inyong mga sisidlan. Magdala kayo ng regalo sa taong iyon: tulad ng balsamo at pulot-pukyutan, pabango at mirra, pili at almendra. Doblehin ninyo ang perang dala ninyo. Ang perang naisuli mula sa pagbukas ng inyong mga sako, dalhin ninyo ulit sa inyong mga kamay. Baka isa lang itong pagkakamali. At dinala ng mga lalaki ang regalong iyon. Kumuha sila ng dobleng salapi sa kanilang mga kamay at si Benjamin. Tumayo sila, pumunta pababa sa Ehipto, at tumayo sa harapan ni Jose. (Genesis 43:11-12, 15)
Purihin si Yahweh na iyong Diyos na nalugod sa iyo at naglagay sa iyo sa trono upang maging hari ni Yahweh na iyong Diyos. Dahil mahal ng iyong Diyos ang Israel, ginawa ka niyang hari ng lahat upang patatagin sila magpakailanman upang gawin mo kung ano ang makatarungan at makatuwiran!” Binigyan niya ang hari ng 120 talento ng ginto at napakaraming sangkap at mga mamahaling bato. Hindi na nakatanggap si Haring Solomon ng kasing dami ng mga sangkap na ibinigay sa kaniya ng reyna ng Sheba (2 Mga Cronica 9:8-9)
Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang lahat ng gusto niya, anuman ang hiniling niya, na karagdagan sa kaniyang dinala sa hari. Kaya umalis siya at umuwi sa kaniyang sariling lupain kasama ang kaniyang mga lingkod. (2 Mga Cronica 9:12)
Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh. (2 Mga Cronica 30:24)
Maraming nagdala ng kaloob kay Yahweh sa Jerusalem, at mga mahahalagang bagay kay Ezequias, ang hari ng Judah, kaya naging tanyag siya sa paningin ng lahat ng bansa mula sa panahong iyon at sa sumunod pang mga panahon. (2 Mga Cronica 32:23)
Nagbigay si Josias sa lahat ng taong naroon ng tatlumpung libong tupa at mga batang kambing mula sa mga kawan para sa mga handog para sa Paskwa. Nagbigay din siya ng tatlong libong toro, ang mga ito ay mula sa mga pagmamay-ari ng hari. Ang kaniyang mga tagapamuno ay nagbigay ng kusang loob na handog sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Sina Hilkias, Zacarias at Jehiel, ang mga opisyal na namamahala sa bahay ng Diyos ay nagbigay sa mga pari para sa mga handog sa Paskwa ng 2, 600 na maliliit na mga kambing at tatlong daang baka. Gayun din sina Conanias, at Semaya, Natanael, ang kaniyang mga kapatid, sina Hosabias, Jehiel at Jozabad, ang mga pinuno ng mga Levita ay nagbigay sa mga Levita ng mga handog sa Paskwa ng limang libong maliliit na kambing at limang daang mga baka. (2 Mga Cronica 35:7-9)
Ang mga tao saanmang bahagi ng kaharian kung saan naninirahan ang mga nakaligtas sa lupaing iyon ay dapat magbigay sa kanila ng pilak at ginto, mga ari-arian at mga hayop, gayundin ang kusang-kaloob na handog para sa templo ng Diyos sa Jerusalem. Ang mga nakapalibot sa kanila ay tumulong sa kanilang gawain sa pilak at gintong mga kagamitan, mga ari-arian, mga hayop, mga mahahalagang bagay, at mga kusang-kaloob na mga handog. (Ezra 1:4, 6)
Ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ay nagbigay ng mga kaloob para sa gawain. Ang gobernador ay nagbigay sa pananalapi ng isang libong daric ng ginto, 50 mga mangkok, at 530 mga kasuotang pang-pari. Ang ilan sa mga pinuno ng angkan ng mga ninuno ay nagbigay sa pananalapi para sa gawain ng 20, 000 mga daric ng ginto at 2, 200 na mga mina ng pilak. Ang natirang mga tao ay nagbigay ng 20, 000 na mga daric ng ginto, at 2, 200 na mga mina ng pilak, at animnapu't pitong mga balabal para sa mga pari. (Nehemias 7:70-72)
Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, “Handaan ni Esther,” at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad. (Ester 2:18)
Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba. (Mga Awit 72:10)
Nang hindi sumagot si Jeremias, sinabi ni Nebuzaradan, “Pumunta ka kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, na itinalaga ng hari ng Babilonia sa mga lungsod ng Juda. Manatili ka sa kaniya kasama ang mga tao o pumunta ka kung saanman ang mabuti sa iyong paninging puntahan.” Binigyan siya ng pinuno ng mga tagapagbantay ng hari ng pagkain at ng isang kaloob, at pinalaya siya. (Jeremias 40:5)

Upang payapain ang iba

Nanatili doon si Jacob sa gabing iyon. Kumuha siya ng ilan sa kung anong mayroon siya bilang regalo kay Esau, na kanyang kapatid: Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay darating kasunod namin.''' Pagkat naisip niya, “Mapapalubag ko siya sa mga regalong pinapadala kong nauna sa akin. Sa gayon maya-maya, kapag nagkita kami, marahil tatanggapin niya ako.” (Genesis 32:13, 20)
Sinabi ni Esau, “Anong ibig mong sabihin sa lahat ng mga pangkat na nasalubong ko?” Sinabi ni Jacob, “Upang makasumpong ako ng pabor sa paningin ng aking panginoon.” Sinabi ni Esau, “Mayroon na akong sapat, kapatid ko. Itago mo na kung ano ang mayroon ka para sa iyong sarili.” Sinabi ni Jacob, “Hindi, pakiusap, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, sa gayon tanggapin mo ang aking regalo mula sa aking kamay, dahil tunay, nakita ko ang iyong mukha at kahalintulad nito ang pagkakita sa mukha ng Diyos, at tinanggap mo ako. Pakiusap tanggapin mo ang aking mga regalong dinala ko sa iyo, dahil malugod akong pinakitunguhan ng Diyos, at dahil mayroon na akong sapat.” Kaya pinilit siya ni Jacob, at tinanggap naman ito ni Esau. (Genesis 33:8-11)
Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit at ang isang tagong regalo ay nag-aalis nang matinding galit. (Mga Kawikaan 21:14)

Upang impluwensiyahan ang iba

Sinabi ni Sechem sa kanyang ama at sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Hayaan ninyong makasumpong ako ng pabor mula sa inyong mga mata, at anuman ang sabihin ninyo sa akin ay ibibigay ko. Hingiin ninyo sa akin gaano man kalaki ang dote at ragalong naisin ninyo, at ibibigay ko ang anumang sabihin ninyo sa akin, ngunit ibigay ninyo ang dalaga bilang asawa.” (Genesis 34:11-12)

Upang humanap ng karunungan

Hinahangad ng buong daigdig na makaharap si Solomon upang mapakinggan ang kaniyang karunungan na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso. Nagdadala ang mga bumibisita ng mga pagpaparangal, mga sisidlang gawa sa pilak at ginto, mga damit, baluti at mga sangkap, gayundin ng mga kabayo at mola. Nagpatuloy ito taun-taon. (2 Mga Cronica 9:23-24)
Binigyan niya ang hari ng 120 talentong ginto at malaking halaga ng mga pabango at mga mamahaling mga bato. Wala nang mas higit pang halaga ng mga pabango tulad nitong mga ibinigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon ay kailanman naibigay pa muli sa kaniya. (1 Mga Hari 10:10)

Ipinagdiriwang ng masasama ang kamatayan ng maka-Diyos

Silang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa kanila at magdiriwang, kahit nagpapadala sila ng mga kaloob sa isa't isa dahil itong dalawang propeta ay pinahirapan ang mga naninirahan sa lupa. (Pahayag 11:10)

Iba pang mga usapin sa pagbibigay

Lugar ng pagbibigay

Dapat ninyong dalhin ang unang mga prutas na piling-pili galing sa inyong lupain sa aking bahay, ang templo ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag mong ilalaga ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina. (Exodo 23:19)
Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito.” (Exodo 34:26)
Dadalhin ninyo roon ang inyong mga handog na susunugin, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, ang inyong mga handog para sa mga panata, ang inyong kusang loob na mga handog, at ang panganay ng inyong mga hayop at mga kawan. (Deuteronomio 12:6)
...pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh. (Deuteronomio 12:11)
Hindi kayo maaaring kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan mula sa ikapu ng inyong butil, ang inyong bagong alak, inyong langis, o ang panganay ng inyong hayop o kawan; at hindi kayo maaaring kumain ng anuman sa laman na inyong inialay kasama ng anumang mga panata na inyong ginawa, ni hindi ang inyong kusang-loob na mga handog, o ang mga handog na inihandog ng inyong kamay. Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay. (Deuteronomio 12:17-18)

Maaaring wala tayong perang maibibigay, ngunit maibibigay natin si Cristo

May isang lalaking pilay mula pa nang isinilang ang dinadala doon araw-araw at ipinapahiga sa harapan ng templo na tinawag na Pintuang Maganda, upang mamalimos sa mga taong pumupunta sa templo. Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, humingi siya ng limos. Tinitigan siya ni Pedro, kasama si Juan na nagsabi, “Tumingin ka sa amin.” Tumingin sa kanila ang lalaking pilay, na umaasang makatatangap ng anuman mula sa kanila. Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak at ginto, ngunit ibibigay ko sa iyo kung ano ang mayroon ako. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka.” (Mga Gawa 3:2-6)

Ang taong mapagbigay ay makatatanggap ng maraming kahilingan

Maraming hihingi ng tulong mula sa mapagbigay na tao, at lahat ay kaibigan ng siyang nagbibigay ng mga regalo. (Mga Kawikaan 19:6)

Ang pagbibigay ay maaaring maapektuhan ng pag-iimbot

Kaya naisip ko na kinakailangan na himukin ang mga kapatid na pumunta sa inyo at maunang gumawa ng mga kasunduan para sa kaloob na ipinangako ninyo. Ito ay para maging handa bilang isang biyaya, at hindi sapilitan. (2 Corinto 9:5)

Ang pagbibigay ay humahantong sa pasasalamat sa Diyos

Sapagkat ang pangangasiwa sa gawaing ito ay hindi lang makakatugon sa mga pangangailangan ng mga mananampalataya. Ito rin ay nagpaparami sa maraming gawaing ng pasasalamat sa Diyos. (2 Corinto 9:12)

Huwag magbigay bago subukang makipagkasundo

Kaya kung ikaw ay naghahandog ng iyong kaloob sa altar at maalala mo doon ang iyong kapatid na may anumang bagay laban sa iyo, iwan mo doon ang iyong kaloob sa harap ng altar at humayo ka. Makipag-ayos ka muna sa iyong kapatid, pagkatapos ay pumunta ka at ihandog mo ang iyong kaloob. (Mateo 5:23-24)

Hinihikayat tayo ng Kasulatan na magbigay

Tingnan mo, nasa mga kabundukan ang mga paa ng isang taong nagdadala ng magandang balita, na siyang naghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Juda, at tuparin ang iyong mga pangako, sapagkat hindi ka na sasalakayin pa ng masasama, siya ay lubos na naihiwalay. (Nahum 1:15)
At huwag ninyong kalilimutang gumawa ng mabuti at tumulong sa bawat isa, sapagkat sa ganitong handog lubos na nalulugod ang Diyos. (Mga Hebreo 13:16)

Ang pagbibigay ay maaaring maging patotoo

Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo itong sabihin kahit kanino man. Humayo ka sa iyong daan at magpakita ka sa pari at ihandog mo ang kaloob na iniutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila.” (Mateo 8:4)
Sinabi niya sa kaniya, “Siguraduhin mong wala kang sasabihin sa kahit na sino, ngunit humayo ka at ipakita mo ang iyong sarili sa pari at maghandog kung ano ang iniutos ni Moises para sa iyong pagkalinis, bilang patotoo sa kanila.” (Marcos 1:44)
Siya ay pinagbilinan niya na huwag ipagsabi kahit kanino, sa halip, sinabi sa kaniya, “Pumunta ka sa iyong pupuntahan, at magpakita ka sa mga pari at mag-alay ka ng handog para sa iyong ikalilinis, batay sa mga kautusan ni Moises, bilang pagpapatotoo sa kanila.” (Lucas 5:14)

Halimbawa ng pagbibigay sa isang bansa

Ngayon, pagkalipas ng maraming taon, ako'y dumating upang maghatid ng tulong sa aking bansa at maging sa pagkaloob ng mga pera. (Mga Gawa 24:17)

Mga bagay na mas mabuti kaysa sa handog

Pag-ibig sa Diyos at sa kapwa

Ang ibigin siya nang buong puso, nang buong pang-unawa, nang buong kalakasan, at ang ibigin ang kapwa gaya ng sarili ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng mga susunuging mga alay at mga hain.” (Marcos 12:33)

Katapatan sa Diyos at pagkakilala sa Kanya

Sapagkat hangad ko ang katapatan at hindi mga handog at ang aking kaalaman, ang Diyos ay higit pa sa mga susunuging handog. (Hosea 6:6)

Pagsunod

Sumagot si Samuel, “Mas nagagalak ba si Yahweh sa mga handog na susunugin at mga alay, kaysa sa pagsunod sa boses ni Yahweh? Ang pagsunod ay maigi kaysa sa alay, at ang pakikinig ay maigi kaysa sa taba ng mga lalaking tupa. (1 Samuel 15:22)
“Ano ang silbi ng marami ninyong mga alay sa akin?” sabi ni Yahweh. “Sawa na ako sa mga tupa, at taba ng mga hayop na sinunog niyo para ihandog; at sa dugo ng toro, tupa at kambing, hindi ako nalulugod. (Isaias 1:11)

Katuwiran/katarungan

Ang paggawa ng kung ano ang tama at makatarungan ay mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa sa sakripisyo. (Mga Kawikaan 21:3)

Mga handog

Sapilitan

At sa mga pagdiriwang, ang handog na butil ay dapat isang efa ng butil para sa toro at isang efa sa lalaking tupa at anumang naisin niyang ibigay sa mga kordero, at isang hin ng langis para sa bawat efa. Kapag nagbigay ang prinsipe ng isang kusang handog, maging isang handog na susunugin man o handog pangkapayapaan kay Yahweh, dapat niyang buksan ang tarangkahang nakaharap sa silangan para dito, at magsagawa ng kaniyang handog na susunugin at ng kaniyang handog pangkapayapaan gaya ng kaniyang ginagawa sa Araw ng Pamamahinga. Pagkatapos, dapat siyang lumabas at isara ang tarangkahan pagkatapos niyang makalabas. Magbibigay rin kayo araw-araw ng isang walang kapintasang kordero na isang taong gulang bilang handog na susunugin para kay Yahweh. Gagawin ninyo ito tuwing umaga. At magbibigay kayo ng isang handog na butil kasama nito tuwing umaga, ikaanim na bahagi ng isang efa at ikatlong hin ng langis upang basain ang harina ng handog na butil para kay Yahweh, ayon sa panuntunang hindi maaaring baguhin. Ihahanda nila ang kordero, ang handog na butil at ang langis tuwing umaga bilang isang permanenteng handog na susunugin. (Ezekiel 46:11-15)

Kusang-loob

Kapag nagbigay ang prinsipe ng isang kusang handog, maging isang handog na susunugin man o handog pangkapayapaan kay Yahweh, dapat niyang buksan ang tarangkahang nakaharap sa silangan para dito, at magsagawa ng kaniyang handog na susunugin at ng kaniyang handog pangkapayapaan gaya ng kaniyang ginagawa sa Araw ng Pamamahinga. Pagkatapos, dapat siyang lumabas at isara ang tarangkahan pagkatapos niyang makalabas. (Ezekiel 46:12)

Mga halimbawa ng handog

Kaya ang hari at lahat ng Israelitang kasama niya ay naghandog ng mga alay kay Yahweh. Si Solomon ay naghandog ng alay para sa pagtitipon, na ginawa niya para kay Yahweh: dalawampu't dalawang libong baka at 120, 000 tupa. Kaya ang hari at mga Israelita ay inialay ang tahanan ni Yahweh. Sa araw ding iyon itinalaga ng hari ang gitna ng patyo na nasa harap ng templo ni Yahweh, doon niya inialay ang mga sinunog na handog, ang handog ng butil, at ang taba ng handog para sa pagtitipon-tipon, dahil ang altar na tanso na nasa harapan ni Yahweh ay napakaliit para tanggapin ang pag-aalay ng sinunog na handog, handog ng butil at ang taba ng handog ng pagtitipon-tipon. (1 Mga Hari 8:62-64)
Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea. Ang mga tao saanmang bahagi ng kaharian kung saan naninirahan ang mga nakaligtas sa lupaing iyon ay dapat magbigay sa kanila ng pilak at ginto, mga ari-arian at mga hayop, gayundin ang kusang-kaloob na handog para sa templo ng Diyos sa Jerusalem. Ang mga nakapalibot sa kanila ay tumulong sa kanilang gawain sa pilak at gintong mga kagamitan, mga ari-arian, mga hayop, mga mahahalagang bagay, at mga kusang-kaloob na mga handog. (Ezra 1:2, 4, 6)
...at upang dalhin sa Jerusalem, na kaniyang tahanan, ang pilak at ginto na kanilang malayang ihahandog sa Diyos ng Israel. Ibigay ng libre ang lahat ng pilak at ginto na binigay ng mga taga-Babilonia kasama ang anumang malayang inialay sa pamamagitan ng mga tao at mga pari para sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem. Kaya bilhin ninyo sa kabuuan halaga ang baka, mga lalaking tupa at mga batang tupa, at butil at inuming mga handog. Ihandog ninyo ang mga ito sa altar na nasa tahanan ng inyong Diyos sa Jerusalem. Gawin ninyo sa natitirang pilak at ginto ang anumang tingin ninyong mabuti para sa inyo at sa inyong mga kapatid, upang malugod ninyo ang inyong Diyos. Anumang bagay na kakailanganin sa tahanan ng inyong Diyos, kunin ninyo ang mga gastos mula sa aking kabang-yaman. Ako, si Haring Artaxerxes, ang gumagawa ng utos sa lahat ng mga ingat-yaman sa ibayong Ilog, na ang kahit anong hingin ni Ezra mula sa inyo ay dapat ninyong maibigay ng buo, hanggang sa isang daang talentong pilak, isang daang takal ng butil, isang daang malaking sisidlan ng alak, at isang daang malaking sisidlan ng langis, pati asin na walang limitasyon. (Ezra 7:15-18, 20-22)

Kung ang iyong espirituwal na kaloob ay pagbibigay, gamitin ito

Mayroon tayong iba't ibang kaloob ayon sa biyayang ibinigay sa atin. Kung ang kaloob ng isa ay paghahayag ng propesiya, gawin niya ito ayon sa sukat ng kaniyang pananampalataya. Kung ang kaloob ng isa ay paglilingkod, hayaan siyang maglingkod. Kung ang isa ay may kaloob ng pagtuturo, hayaan siyang magturo. Kung ang kaloob ng isa ay pagpapalakas ng loob, hayaan siyang magpalakas ng loob. Kung ang kaloob ng isa ay pagbibigay, hayaan siyang gawin ito ng may kagandahang-loob. Kung ang kaloob ng isa ay pamumuno, gawin ito ng may pag-iingat. Kung ang kaloob ng isa ay pagpapakita ng awa, gawin ito ng may kagalakan. (Mga Taga-Roma 12:6-8)

Magbigay upang matugunan ang pangangailangan

Nang sukatin nila iyon sa sukat ng omer, ang mga nagtipon ng mas marami ay walang anumang natira, ang mga nagtipon ng mas kaunti ay hindi nagkulang. Bawat tao ay nagtipon ng tama lamang para mapunan ang kanilang pangangailangan. (Exodo 16:18)
Sapagkat ang gawaing ito ay hindi upang ang iba ay magaanan at ang iba ay mabigatan. Sa halip, dapat magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Ang iyong kasaganaan sa panahong ito ay makapagbibigay sa kung anuman ang kanilang pangangailangan. Ito ay dahil din sa ang kanilang kasaganaan ay maaaring makapagbigay ng iyong pangangailangan, at nang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Katulad ito ng nasusulat: “Ang nananagana ay nawalan ng labis, at ang may kaunti ay hindi nagkulang.” (2 Corinto 8:13-15)