Trabaho

Ang trabaho ay kaloob ng Diyos at kailangan, ngunit dapat itong timbangin sa pahinga at pagsamba. Ang lahat ng tapat na trabaho ay marangal kapag ginagawa para sa Diyos. Hinahatulan ang katamaran, at hindi hinihikayat ang labis na pagtatrabaho.

Pananaw ng Bibliya sa trabaho

Kailangan ang trabaho

Ang Panginoon mismo ay isang manggagawa

Sa ikapitong araw dumating ang Diyos sa pagtatapos ng gawain na kanyang ginawa, at siya ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa lahat niyang gawain. Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawang banal ito, dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain na kanyang nagawa sa kanyang paglikha. (Genesis 2:2-3)
Nagtanim si Yahweh na Diyos ng isang hardin pasilangan, sa Eden, at doon niya inilagay ang taong kanyang nilikha. (Genesis 2:8)
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa. (Juan 5:17)

Hinihingi sa Lumang Tipan

Dapat magtrabaho kayo at gawin ang lahat ng gawain sa loob ng anim na araw. (Exodo 20:9)
Sa loob ng anim na araw magtatrabaho ka, pero sa ikapitong araw dapat kang magpahinga. Gawin mo ito para makapagpahinga ang iyong baka at asno, at para ang iyong anak na lalaki ng lingkod na babae at anumang dayuhan ay maaaring makapagpahinga at maging masigla. (Exodo 23:12)
Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga. (Exodo 34:21)
Para sa anim na araw magtatrabaho kayo at gawin lahat ang inyong trabaho; (Deuteronomio 5:13)

Hinihingi sa Bagong Tipan

Sino man ang nagnanakaw ay hindi na dapat magnakaw. Sa halip, kailangan niyang magpagal. Kailangan niyang magtrabaho gamit ang kaniyang mga kamay, upang makatulong sa tao na nangangailangan. (Mga Taga-Efeso 4:28)
At hindi kami kumakain ng pagkain ng iba nang hindi nagbayad para dito. Sa halip, gumagawa kami sa gabi at araw ng mabibigat na gawain at paghihirap, dahil ayaw namin na maging pabigat sa inyo. Ginagawa namin ito hindi dahil sa wala kaming kapangyarihan. Sa halip, ginagawa namin ito ng maayos upang maging halimbawa sa inyo, upang kami ay inyong tularan. Nang kami ay kasama ninyo, iniutos namin sa inyo na, “Kung may isang ayaw magtrabaho, huwag siyang pakainin.” Sapagkat naririnig namin na ang ilan sa inyo ay tamad. Hindi sila gumagawa sa halip sila ay nakikialam sa buhay ng iba. Ngayon inutusan namin sila at hinikayat sa Panginoong Jesu-Cristo, na sila nga ay gumawa ng may katahimikan at kainin nila ang kanilang sariling pagkain. (2 Tesalonica 3:8-12)

Inaasahan ang trabaho

Samantala, nagtatrabaho ang mga tao at gumagawa hanggang gabi. (Mga Awit 104:23)

Ang obligasyong magtrabaho ay hindi bunga ng kasalanan

Samantala, nagtatrabaho ang mga tao at gumagawa hanggang gabi. (Mga Awit 104:23)

Inutusan ng Panginoon ang tao na magtrabaho pagkatapos ng pagkahulog, ngunit naging mas mahirap ang trabaho

Sinabi niya kay Adan, “Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, “Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. Ito ay tutubuan ng mga tinik at mga damo para sa iyo, at kakainin mo ang mga pananim sa bukid. Kakain ka ng tinapay sa pamamagitan ng pawis ng iyong mukha, hanggang ikaw ay bumalik sa lupa, dahil kinuha ka mula rito. Dahil ikaw ay alikabok, at sa alikabok ka rin babalik.” Kaya pinalabas sila ni Yahweh na Diyos mula sa hardin ng Eden, para bungkalin ang lupa kung saan siya kinuha. (Genesis 3:17-19, 23)
Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.” (Genesis 5:29)

Ang lahat ng tapat na trabaho ay marangal

Mga halimbawa ng hanapbuhay ng mga maka-Diyos na tao

Magsasaka

Kinuha ni Yahweh na Diyos ang lalaki at inilagay siya sa hardin ng Eden upang trabahuin at alagaan ito. (Genesis 2:15)
Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa. (Genesis 4:2)
Nagsimulang maging magsasaka si Noe, at nagtanim siya ng ubasan. (Genesis 9:20)
Ang mga lalaki ay mga pastol dahil sila ay tagapag-alaga ng kanilang mga alagang hayop. Dinala nila ang kanilang mga kawan, mga baka at lahat ng mayroon sila.' (Genesis 46:32)
Sinabi ng Paraon sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Ano ang hanapbuhay ninyo?” Sinabi nila sa Paraon, “Ang iyong mga lingkod ay mga pastol, katulad ng aming mga ninuno. (Genesis 47:3)
Pagkatapos sinabi ni Amos kay Amazias, “Hindi ako isang propeta o anak ng isang propeta. Isa akong pastol, at ako ang nangangalaga sa mga puno ng sikamoro. (Amos 7:14)

Kasambahay

Nakitaan si Jose ng pabor sa kanyang paningin. Pinaglingkuran niya si Potipar. Ginawa ni Potipar na tagapangasiwa si Jose ng kanyang bahay, at lahat ng nasa kanya, nilagay niya lahat sa ilalim ng kanyang pangangalaga. (Genesis 39:4)

Mga kawani ng pamahalaan at mga pinuno

Sinabi ni Paraon kay Jose, “Tingnan mo, inilagay kita sa itaas ng buong lupain ng Ehipto.” (Genesis 41:41)
Sinabi nila sa kaniya, “Buhay pa si Jose at siya ang namumuno sa buong lupain ng Ehipto”. At ang kanyang puso ay namangha, sapagkat hindi niya sila pinaniniwalaan. (Genesis 45:26)
Tumingin ako at tumayo, at sinabi sa mga maharlika, at sa mga namumuno, at sa natitirang ibang mga tao, “Huwag kayong matatakot sa kanila. Alalahanin ninyo ang Panginoon, na dakila at kahanga-hanga. Ipaglaban ninyo ang inyong mga pamilya, ang inyong mga anak na lalaki at babae, ang inyong mga asawa, at ang inyong mga tahanan. (Nehemias 4:14)
Siya ay itinalagang mamahala sa kaniyang bahay bilang pinuno ng lahat ng kaniyang mga ari-arian (Mga Awit 105:21)
Pagkatapos, binigyan ng mataas na parangal ng hari si Daniel at binigyan siya ng maraming kamangha-manghang mga kaloob. Ginawa niya siyang pinuno sa buong lalawigan ng Babilonia. (Daniel 2:48)
Nalugod si Dario na magtalaga sa buong kaharian ng 120 na mga gobernador ng lalawigan na mamahala sa buong kaharian. Sa kanila ay may tatlong punong tagapamahala, at si Daniel ang isa sa kanila. Naitalaga ang mga punong tagapamahala upang pangasiwaan ang mga gobernador ng lalawigan, upang ang hari ay hindi makaranas pa ng kawalan. (Daniel 6:1-2)
At akong si Daniel ay napagod at nanghina sa loob ng ilang araw. Pagkatapos, bumangon ako at pumunta sa gawain ng hari. Ngunit kinilabutan ako dahil sa pangitain at walang sinumang nakaunawa nito. (Daniel 8:27)
Siya ay tumayo at umalis. May isang lalaking mula Ethiopia, isang eunoko na may dakilang kapangyarihan mula kay Candace, na reyna ng mga Etiope. Siya ang namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan. Siya ay pumunta sa Jerusalem upang sumamba. (Mga Gawa 8:27)

Mga mangingisda

Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda. (Mateo 4:18)
At habang dumadaan siya sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya si Simon at Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda. (Marcos 1:16)
Agad silang tinawag ni Jesus at iniwan nila ang kanilang amang si Zebedeo sa bangka kasama ang mga binayarang katulong at sumunod sila sa kaniya. (Marcos 1:20)

Mga hanapbuhay sa konstruksiyon

Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? (Mateo 13:55)
“Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae dito?” At sumama ang kanilang loob kay Jesus. (Marcos 6:3)
Natagpuan niya doon ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila na nagmula sa Punto na kagagaling lamang ng Italya, kasama si Priscila na kaniyang asawa, dahil pinag-utos ni Claudio na lahat ng Judio ay umalis ng Roma. Pumunta si Pablo sa kanila; Namuhay at nagtrabaho si Pablo kasama nila dahil siya ay katulad din nila. Mga manggagawa ng tolda. (Mga Gawa 18:2-3)

Maniningil ng buwis

Sa kaniyang pagdaan, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo si Levi at sumunod siya sa kaniya. (Marcos 2:14)
Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus ay umalis doon at nakita ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi, na nakaupo sa lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” (Lucas 5:27)
Masdan ninyo, mayroong lalaki doon na nagngangalang Zaqueo. Siya ay isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at siya ay mayaman. (Lucas 19:2)

Mangangalakal

May isang babae na nagngangalang Lidia ang nagbebenta ng mga tela na kulay lila na nanggaling sa lungsod ng Tiatira na sumasamba sa Diyos, nakinig siya sa amin. Binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang bigyangpansin ang mga bagay na sinabi ni Pablo. (Mga Gawa 16:14)

Magtrabaho na parang para sa Panginoon

Samakatwid, kumakain o umiinom man kayo, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito sa kaluwalhatian ng Diyos. (1 Corinto 10:31)
Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong mga panginoon sa lupa na may kasamang malalim na paggalang at pagkatakot, sa katapatan ng inyong mga puso. Maging masunurin sa kanila katulad ng pagsunod ninyo kay Cristo. Maging masunurin hindi lamang tuwing nakatingin ang inyong mga panginoon para lang malugod sila. Sa halip, maging masunurin kayo gaya ng alipin ni Cristo. Gawin ninyo ang kalooban ng Diyos mula sa inyong puso. Maglingkod kayo ng buong puso, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Dapat ninyong malaman na anumang mabuting gawa ang ginagawa ng bawat tao, makakatanggap siya ng gantimpala mula sa Panginoon, alipin man siya o malaya. At kayo mga amo, gawin ninyo rin ang ganoong bagay sa inyong mga alipin. Huwag ninyo silang pagbantaan. Alam ninyo na ang Amo nila at ninyo ay parehong nasa langit. Alam ninyo na wala siyang tinatangi. (Mga Taga-Efeso 6:5-9)
At anuman ang inyong ginagawa sa salita man o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus. Magpasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya. (Mga Taga-Colosas 3:17)
Anuman ang inyong ginagawa, gumawa kayo mula sa kaluluwa na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao. Nalalaman ninyong tatangap kayo mula sa Panginoon ng gantimpala ng pagkamit nito. Ito ay ang Cristong Panginoon na inyong pinaglilingkuran. (Mga Taga-Colosas 3:23-24)

Itinuturing ng ilan ang trabaho na walang silbing kawalang-kabuluhan

Anong mapapala ng sangkatauhan mula sa lahat ng gawain na kanilang pinaghirapan sa ilalim ng araw? (Ang Mangangaral 1:3)
Nagawa ko ang mga dakilang bagay. Nagtayo ako ng mga bahay para sa aking sarili at nagtanim ng mga ubasan. Nagtayo ako ng mga hardin at mga liwasan para sa aking sarili; sa loob ng mga ito ay nagtanim ako nang lahat ng uri ng bungang kahoy. Anuman ang hangarin ng aking mga mata, hindi ako nagpipigil sa kanila. Hindi ko pinipigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, dahil ang puso ko ay natuwa sa lahat ng pinaghihirapan ko, at ang kasiyahan ay ang aking gantimpala sa lahat ng aking gawain. Pagkatapos minasdan ko ang lahat ng mga gawain na tinapos gawin ng aking mga kamay, at sa pinagsikapang gawin, ngunit muli, ang lahat ng bagay ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin. Wala itong pakinabang sa ilalim ng araw. (Ang Mangangaral 2:4-5, 10-11)
Kinamuhian ko ang lahat ng aking natupad na aking pinaghirapan sa ilalim ng araw dahil kailangang iwanan ko sila sa taong susunod sa akin. At sino ang nakakaalam kung siya ay magiging matalinong tao o isang mangmang? Gayunman siya ay magiging panginoon sa lahat ng bagay sa ilalim ng araw kung saan naitayo ang aking gawa at naitatag ang aking karunungan. Ito rin ay usok. Dahil doon nag-umpisang malungkot ang aking puso sa lahat ng paghihirap na aking ginawa sa ilalim ng araw. Sapagkat maaaring may isang taong gumagawa nang may karunungan, may kaalaman, at kahusayan, ngunit iiwan niya ang lahat na mayroon siya sa isang taong walang nagawa sa anuman dito. Ito rin ay usok at isang malaking kapahamakan. Para sa anong pakinabang ang makukuha ng tao na nagsisikap magtrabaho at sa kaniyang puso ay pinipilit tapusin ang kaniyang mga gawain sa ilalim ng araw? Bawat araw, ang kaniyang trabaho ay masakit at mahirap, kaya sa gabi ang kaniyang kaluluwa ay hindi makahanap nang kapahingahan. Ito rin ay usok. Walang mabuti sa isang tao maliban lamang sa kumain at uminom at masiyahan sa kung ano ang mabuti sa kaniyang ginagawa. Nakita ko na ang katotohanang ito ay nagmumula sa kamay ng Diyos. (Ang Mangangaral 2:18-24)
Anong pakinabang ang makukuha ng manggagawa sa kaniyang gawain? Nakita ko na ang gawain na ibinigay ng Diyos sa tao para tapusin. at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos. (Ang Mangangaral 3:9-10, 13)
Pagkatapos aking nakita na ang bawat paggawa at bawat mahusay na paggawa ay kinaiingitan ng kanilang kapwa. Ito rin ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin. Ang mangmang ay naghahalupkipkip ang kaniyang mga kamay at hindi gumagawa, kaya ang kaniyang pagkain ay kaniyang sariling laman. Ngunit mas mabuti ang isang dakot na pakinabang sa matahimik na gawain kaysa dalawang dakot ng gawain na sinusubukang habulin ang hangin. (Ang Mangangaral 4:4-6)
Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao. Ang sinumang pinagkalooban ng Diyos ng kayamanan, kasaganaan at ang kakayahang tanggapin ang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain – ito ay isang kaloob mula sa Diyos. (Ang Mangangaral 5:18-19)
Kahit na lahat ng gawain ng isang tao ay para punuin ang kaniyang bibig, gayon man ang kaniyang gana sa pagkain ay hindi mapupunan. (Ang Mangangaral 6:7)

Ang ating trabaho ay dapat ang trabahong nilalayon ng Diyos para sa atin

Pinili ko siya mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging aking pari, para umakyat sa aking altar, at para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang epod sa aking harapan. Ibinigay ko sa bahay ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga tao ng Israel na ginawa sa apoy. (1 Samuel 2:28)
Nawa ang pabor ng Panginoon ay mapasaamin; pasaganahin ang gawa ng aming mga kamay; tunay nga, pasaganahin mo ang gawa ng aming mga kamay. (Mga Awit 90:17)
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng siyang nagpadala sa akin, at para tapusin ang kaniyang gawa. (Juan 4:34)
Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya. (Juan 6:27)
Nang matapos paglingkuran ni David ang kaniyang sariling salinlahi sa mga nais ng Diyos, nakatulog siya, kasama nang kaniyang mga ama, at nabulok, (Mga Gawa 13:36)
...ang kaniyang gawa ay maihahayag, dahil ang liwanag ng araw ang magsisiwalat nito. Sapagkat ito ay ihahayag ng apoy. Ang apoy ang susubok sa uri at halaga ng anumang gawa ng bawat isa. Kung mananatili ang anumang bagay na tinayo ng tao, siya ay tatanggap ng gantimpala. Nguni't kung masunog ang ginawa ng sinuman, siya ay mawawalan. Nguni't siya mismo ay ligtas, na gaya ng naligtas mula sa mga apoy. (1 Corinto 3:13-15)
Sapagkat tayo ay ginawa ng Diyos, nilikha kay Cristo Jesus upang gumawa ng mga mabubuting gawa. Ito ang mga gawa na matagal ng binalak ng Diyos para sa atin, upang makalakad tayo sa mga ito. (Mga Taga-Efeso 2:10)

Trabahong magluluwalhati sa Panginoon

Ikaw ay niluwalhati ko sa lupa, pagkatupad ko sa mga gawain na ibinigay mo sa akin para gawin. (Juan 17:4)

Kapaki-pakinabang na malaman ang eksaktong gawaing inilaan ng Panginoon para sa atin

Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Ako ay mangingisda.” Sinabi nila sa kaniya, “Kami rin ay sasama sa iyo.” Umalis sila at sumakay sa isang bangka, ngunit sa buong gabing iyon ay wala silang nahuli. Nang magbubukang liwayway na, tumayo si Jesus sa dalampasigan, ngunit hindi nakikilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus. At sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga kabataan, mayroon ba kayong kahit anumang makakain? Sumagot sila sa kaniya, “Wala.” Sinabi niya sa kanila, “Ihagis ninyo ang lambat sa kanang bahagi ng bangka at mayroon kayong mahuhuli.” Kaya inihagis nga nila ang kanilang lambat, ngunit hindi na nila ito mahatak dahil sa dami ng mga isda. Pagkatapos sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon.” Nang marinig ni Simon Pedro na siya ang Panginoon, sinuot niya ang kaniya damit panlabas ( dahil siya ay bahagyang nakahubad), at tumalon sa dagat. Ang ibang mga alagad ay sumakay sa bangka (dahil sila ay hindi naman malayo mula sa lupa, humigit kumulang, mga dalawang daang kubit), at kanilang hinihila ang lambat na puno ng isda. Nang makaahon sila sa lupa, may nakita sila nagbabagang uling at may isdang nakalagay sa ibabaw nito, at may tinapay. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Magdala kayo ng ilang mga isda na kahuhuli ninyo pa lamang.” Umakyat si Simon Pedro at hinatak ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, 153 ang mga ito, kahit napakarami ng mga ito, ang lambat ay hindi napunit. (Juan 21:3-11)

Walang silbi ang trabaho kung wala ang Panginoon

Maliban na lang kung si Yahweh ang magtatayo ng bahay, walang saysay ang trabaho ng mga nagtayo nito. Maliban na lang na si Yahweh ang magbabantay ng lungsod, walang saysay ang pagbabantay ng mga tagapagbantay nito. (Mga Awit 127:1)
Ipagkatiwala mo ang iyong mga gawain kay Yahweh at magtatagumpay ang mga balak mo. (Mga Kawikaan 16:3)

Hindi dapat magkaroon ng makasariling ambisyon sa trabaho

Magbibigay siya sa bawat tao ayon sa kaniyang ginawa: Ngunit para sa mga makasarili, mga taong hindi sumusunod sa katotohanan ngunit sumusunod sa kalikuan, darating ang matinding galit at poot. (Mga Taga-Roma 2:6, 8)
Kaya gawin natin itong layunin, kung tayo man ay nasa ating katawang lupa dito sa mundo o sa langit man, upang malugod siya. Sapagkat tayo ay haharap sa hukuman ni Cristo, upang ang bawat isa ay makatanggap ng nararapat sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa katawan, maging sa mabuti man o masama. (2 Corinto 5:9-10)
Ngunit kung mayroon kayong mapait na paninibugho at makasariling hangarin sa inyong puso, huwag kayong magmayabang at magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang nagmumula sa itaas, sa halip ay makamundo, hindi espiritwal, mula sa diyablo. Sapagkat kung saan may paninibugho at makasariling hangaring umiiral, may pagkalito at masasamang pag-uugali. (Santiago 3:14-16)

Huwag hangarin ang kadakilaan para sa sarili

Ngunit umaasa ka ba ng dakilang mga bagay para sa iyong sarili? Huwag kang umasa ng ganoon. Sapagkat tingnan mo, darating ang kapahamakan sa buong sangkatauhan—ito ang pahayag ni Yahweh—ngunit ibinibigay ko sa iyo ang iyong buhay bilang iyong ninakaw sa lahat ng dakong iyong pupuntahan.”' (Jeremias 45:5)

Magpakalakas, magpakatapang at huwag ipagpaliban

Maging malakas at matapang. Idudulot mong manahin ng mga taong ito ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninunong ibibigay ko sa kanila. Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta. (Joshua 1:6-7)
Magtatayo siya ng isang tahanan para sa aking pangalan. Magiging anak ko siya at ako ang magiging ama niya. Itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian sa buong Israel magpakailanman.” At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob. na may kakayahang gumawa sa ginto, pilak, tanso at bakal. Kaya simulan mo ng magtrabaho at samahan ka nawa ni Yahweh.” (1 Mga Cronica 22:10, 13, 16)
Sinabi ni David kay Solomon na kaniyang anak, “Magpakatatag ka at maging matapang. Gawin mo ang gawain. Huwag kang matakot o mabalisa, sapagkat si Yahweh na Diyos na aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa paglilingkod sa templo ni Yahweh. (1 Mga Cronica 28:20)
Ngunit magpakatatag kayo at huwag kayong panghinaan ng loob sapagkat gagantimpalaan kayo sa inyong mga gawa.” (2 Mga Cronica 15:7)
Ngayon, magpakatatag ka, Zerubabel!' -ito ang pahayag ni Yahweh- at magpakatatag ka, punong paring Josue anak ni Josadac; at magpakatatag kayong lahat na mga tao sa lupain!'—ito ang pahayag ni Yahweh— 'at gumawa kayo sapagkat kasama ninyo ako! —ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. (Hagai 2:4)

Haharap tayo sa mga hirap habang ginagawa ang gawaing ibinigay ng Panginoon

Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo. Sinuhulan din nila ang mga tagapayo para hadlangan ang kanilang mga plano. Ginawa nila ito sa buong panahon ni Ciro at hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia. (Ezra 4:4-5)
Huwag magtrabaho ng sobrang hirap para lang ikaw ay maging mayaman; maging marunong para malaman kung kailan titigil. (Mga Kawikaan 23:4)
Nangyari na nang narinig ng aming mga kalaban na batid na namin ang kanilang mga balak, at binigo ng Diyos ang kanilang mga balak, lahat kami ay bumalik sa pader, bawat isa sa kaniyang trabaho. Kaya mula noon kalahati ng aking mga lingkod ay nagtrabaho lamang sa pagtatayo muli ng pader, at kalahati sa kanila ay may hawak na mga sibat, panangga, mga pana at nagsuot ng kalasag, habang ang mga pinuno ay nakatayo sa likuran ng lahat ng mamamayan sa Juda. Kaya ang parehong mga manggagawa na nagtatayo ng pader at nagdadala ng mga pasanin ay nagbabantay din ng kanilang mga kinalalagyan. Ang bawat isa ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng isang kamay, at sa kabilang kamay naman ay hawak ang kaniyang sandata. Bawat tagapagtayo ay nagsuot ng kaniyang espada sa kaniyang tagiliran at ganoon siya nagtatrabaho. At nanatili sa aking tabi ang nagpapatunog ng trumpeta. Sinabi ko sa mga maharlika at sa mga opisyales at sa natitirang mga tao, “Ang gawain ay malaki at malawak, at kami ay napahiwalay doon sa pader, malayo sa isa't-isa. Bilisan ninyo ang takbo sa lugar kung saan maririnig ninyo ang trumpeta at kayo ay magtipon doon. Ang ating Diyos ang lalaban para sa atin.” Kaya ginagawa namin ang trabaho. Kalahati sa kanila ay may hawak-hawak na mga sibat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglabas ng mga bituin. Sinabi ko rin sa mga tao sa oras na iyon, “Hayaan ninyo ang bawat lalaki at ang kaniyang lingkod na magpalipas ng gabi sa kalagitnaan ng Jerusalem, sa gayon sila ay magiging bantay natin sa gabi at manggagawa sa araw.” (Nehemias 4:15-22)
Nagpadala ako ng mga sugo sa kanila, na nagsasabing, “Gumagawa ako ng mahalagang gawain at hindi ako makabababa. Bakit kailangang mahinto ang gawain habang iniiwan ko ito at bumaba sa inyo?” Dahil gusto nilang lahat na takutin kami, nag-iisap na, “Bibitiwan ng mga kamay nila ang kanilang trabaho, at hindi ito magagawa.” Pero ngayon, O Diyos, palakasin mo ang mga kamay ko. (Nehemias 6:3, 9)

Magsipag

Ang mga tamad ay hindi niluluto ang kanilang sariling huli, pero ang matiyaga ay magkakaroon pa ng yamang natatangi. (Mga Kawikaan 12:27)
Anuman ang gawin ng mga kamay mo, gawin mo ito gamit ang iyong lakas, dahil walang gawain o paliwanag o kaalaman o karunungan sa libingan, ang lugar kung saan ka pupunta. (Ang Mangangaral 9:10)
Sa umaga, itanim mo ang binhi; hanggang sa gabi, magtrabaho ka gamit ang iyong mga kamay ayon sa pangangailangan, dahil hindi mo alam kung alin ang sasagana, umaga man o gabi, o ito o iyan, o pareho man silang magiging mabuti. (Ang Mangangaral 11:6)

Mga halimbawa ng masisipag

Kasama ninyo ako sa loob ng dalawampung taon. Ang inyong mga babaeng tupa at babaeng kambing ay hindi nakunan, ni kumain ako ng anumang lalaking tupa mula sa iyong mga kawan. Anuman ang nilapa ng mga mababangis na hayop hindi ko dinala sa iyo. Sa halip, inako ko ang pagkawala nito. Palagi mo akong pinagbayad sa mga nawawalang hayop, kahit na ninakaw sa araw o ninakaw sa gabi. Naroon ako; sa araw pinahirapan ako ng init, at ng nagyeyelong hamog sa gabi; at nagtiis ako nang walang tulog. (Genesis 31:38-40)
Sinabi ko sa kanila na ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin at tungkol din sa mga salita ng hari na kaniyang sinabi sa akin. Sinabi nila “Tayo nang bumangon at magtayo.” Kaya pinalakas nila ang kanilang mga kamay para sa mabubuting gawain. (Nehemias 2:18)
Kaya itinayo namin ang pader at lahat ng pader ay naitayo hanggang sa kalahating taas nito, dahil ang mga tao ay may pagnanais na magtrabaho. (Nehemias 4:6)
Alam ninyo na itong mga kamay na ito ang naglingkod para sa aking sariling pangangailangan at maging sa pangangalingan ng aking mga kasama. (Mga Gawa 20:34)
Hanggang sa mga oras na ito, kami ay nagugutom at nauuhaw, kami ay nagkukulang sa kasuotan, kami ay pinalo nang may kalupitan, at kami ay walang matuluyan. Nagpakahirap kami sa paggawa, gumagawa sa sarili naming mga kamay. Nang kami ay nilait, nagpapala kami. Nang kami ay inusig, nagtiis kami. (1 Corinto 4:11-12)
Ako ay nakaranas ng matinding trabaho at paghihirap, mga gabi na walang tulog, madalas na nagugutom at nauuhaw, madalas na nag-aayuno, giniginaw at walang maisuot. (2 Corinto 11:27)
Dahil dito, ako ay gumagawa at nagpapakahirap ayon sa kaniyang kalakasan na kumikilos sa akin sa kapangyarihan. (Mga Taga-Colosas 1:29)
Sapagkat inyong naaalala, mga kapatid, ang aming trabaho at pagpapakahirap. Sa araw at gabi kami ay gumagawa upang hindi maging pabigat kaninuman sa inyo. Sa panahong iyon, ipinangaral namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos. (1 Tesalonica 2:9)
At hindi kami kumakain ng pagkain ng iba nang hindi nagbayad para dito. Sa halip, gumagawa kami sa gabi at araw ng mabibigat na gawain at paghihirap, dahil ayaw namin na maging pabigat sa inyo. (2 Tesalonica 3:8)

Ang gutom ang nagtutulak sa atin na magtrabaho

Ang gana ng isang manggagawa ay kapaki-pakinabang sa kaniya, ang kanyang gutom ang patuloy na nagtutulak sa kaniya. (Mga Kawikaan 16:26)

Ang masisipag ang dapat unang bayaran

Kinakailangang ang isang masipag na magsasaka ay maunang tatanggap ng kaniyang bahagi sa ani. (2 Timoteo 2:6)

Mga pakinabang ng trabaho/pagsisipag

Natugunang pangangailangan

Sinumang nagbubungkal ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng kasaganaan ng pagkain, pero sinumang naghahabol ng mga proyektong walang halaga ay hindi nag-iisip. (Mga Kawikaan 12:11)
Ang isa na siyang nag-aalaga ng puno ng igos ang siyang kakain ng bunga nito, at ang isa na siyang nag-iingat sa kaniyang panginoon ay pararangalan. (Mga Kawikaan 27:18)
Ang isa na siyang nagtatrabaho sa kaniyang lupa ay magkakaroon ng maraming pagkain, pero ang sinumang sumusunod sa walang kabuluhang gawain ay magkakaroon ng maraming kahirapan. (Mga Kawikaan 28:19)

Tubo at kayamanan

Ang kamay na tamad ay nagdudulot sa isang tao para maging mahirap, ngunit ang kamay ng masipag na tao ay magtatamo ng kayamanan. Ang marunong na anak ay magtitipon ng pananim sa tag-araw, ngunit kahihiyan sa kaniya para matulog habang anihan. (Mga Kawikaan 10:4-5)
Ang kayamanan ay nauubos kapag mayroong labis na kalayawan, pero ang siyang kumikita ng salapi sa pamamagitan ng pagtatrabaho gamit ang kaniyang kamay ay mapapalago ang kaniyang salapi. (Mga Kawikaan 13:11)
Sa lahat ng mahirap na gawain ay may darating na kapakinabangan, ngunit kung puro salita lamang, ito ay hahantong sa kahirapan. (Mga Kawikaan 14:23)
Ang mga plano ng masipag ang tanging daan sa kasaganahan, ngunit ang lahat ng kumikilos ng masyadong mabilis ay sasapit lamang sa kahirapan. (Mga Kawikaan 21:5)

Nasisiyahang kaluluwa

Ang gana ng taong tamad ay nananabik nang labis pero walang makukuha, pero ang gana ng mga taong masisipag ay masisiyahan nang masagana. (Mga Kawikaan 13:4)

Pamumuno

Ang kamay ng matiyaga ay maghahari, pero ang tamad ay sasailalim sa sapilitang pagtatrabaho. (Mga Kawikaan 12:24)

Mahimbing na tulog

Ang tulog ng isang manggagawa ay mahimbing, kahit kaunti ang kinain o napakarami, ngunit ang kayamanan ng taong mayaman ay hindi siya pinahihintulutang matulog nang mahimbing. (Ang Mangangaral 5:12)

Kaligayahan

Mapalad ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh, siyang lumalakad sa kaniyang kaparaanan. Kung ano ang ibinigay ng iyong mga kamay, ikaw ay masisiyahan; ikaw ay pagpapalain at mananagana. (Mga Awit 128:1-2)

Huwag magpakalabis sa trabaho

Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog. (Mga Awit 127:2)

Huwag magpakalabis sa trabaho upang yumaman

Huwag magtrabaho ng sobrang hirap para lang ikaw ay maging mayaman; maging marunong para malaman kung kailan titigil. (Mga Kawikaan 23:4)

Hinahatulan ang katamaran

Tingnan mo ang langgam, ikaw na tamad na tao, pagmasdan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at maging matalino. Wala siyang tagapag-utos, opisyal, o tagapamahala, gayon pa man ay naghahanda siya ng pagkain sa tag-init, at habang sa pag-aani ay nagtatabi ito ng kung ano ang kakainin. (Mga Kawikaan 6:6-8)
Ang marunong na anak ay magtitipon ng pananim sa tag-araw, ngunit kahihiyan sa kaniya para matulog habang anihan. (Mga Kawikaan 10:5)
Tulad ng suka sa ngipin at usok sa mata, ganoon din ang batugan na nagpadala sa kaniya. (Mga Kawikaan 10:26)
Ang mga tamad ay hindi niluluto ang kanilang sariling huli, pero ang matiyaga ay magkakaroon pa ng yamang natatangi. (Mga Kawikaan 12:27)
Ang daanan ng taong tamad ay tulad ng isang lugar na may bakod na tinik, pero ang daanan ng matuwid ay gawa sa daanang tuloy-tuloy. (Mga Kawikaan 15:19)
Sinumang tamad sa gawain ay kapatid sa taong mapanira. (Mga Kawikaan 18:9)
Binabaon ng batugan ang kaniyang kamay sa pagkain; hindi man lamang niya ito maibalik pataas sa kaniyang bibig. (Mga Kawikaan 19:24)
Sinasabi ng tamad na tao, “Mayroong isang leon sa lansangan! Ako ay mapapatay sa mga hayag na lugar.” (Mga Kawikaan 22:13)
Ang tamad na tao ay nagsasabing, “May isang leon sa kalsada! May isang leon sa pagitan ng mga lantad na lugar! Kung paanong ang isang pinto ay bumabaling sa kaniyang bisagra, ang tamad na tao naman ay sa ibabaw ng kaniyang kama. Nilalagay ng isang tamad na tao ang kaniyang kamay sa pagkain, pero wala siyang lakas na isubo ito sa kaniyang bibig. Ang tamad na tao ay mas marunong sa kanyang paningin kaysa sa pitong lalaking may kakayahang kumilatis. (Mga Kawikaan 26:13-16)

Mga bunga ng katamaran

Gutom

Hinahagis ng katamaran ang isang tao sa mahimbing na tulog, pero magugutom ang isang tao na ayaw maghanapbuhay. (Mga Kawikaan 19:15)
Ang taong tamad ay hindi nag-aararo sa taglagas; siya ay naghahanap ng isang bunga sa panahon ng tag-ani ngunit hindi magkakaroon nang anuman. (Mga Kawikaan 20:4)

Kahirapan

Gaano katagal ka matutulog, ikaw na tamad na tao? Kailan ka babangon mula sa iyong pagkatulog? “Isa pang kaunting pagtulog, isa pang kaunting pagkaidlip, isa pang kaunting pagtiklop ng mga kamay upang magpahinga”— at ang iyong kahirapan ay darating sa iyo gayang isang magnanakaw at ang iyong pangangailangan gaya ng isang armadong sundalo. (Mga Kawikaan 6:9-11)
Ang kamay na tamad ay nagdudulot sa isang tao para maging mahirap, ngunit ang kamay ng masipag na tao ay magtatamo ng kayamanan. (Mga Kawikaan 10:4)
Sa lahat ng mahirap na gawain ay may darating na kapakinabangan, ngunit kung puro salita lamang, ito ay hahantong sa kahirapan. (Mga Kawikaan 14:23)
Huwag mahalin ang pagtulog o ikaw ay darating sa paghihirap; buksan mo ang iyong mga mata at ikaw ay magkakaroon ng maraming kakainin. (Mga Kawikaan 20:13)
...dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan. (Mga Kawikaan 23:21)
Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip. Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira. Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan. Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting pagtitiklop ng mga kamay para magpahinga— at ang kahirapan ay pupunta sa iyo tulad ng isang magnanakaw at ang iyong mga pangangailangan ay pupunta sa iyo tulad ng isang armadong sundalo. (Mga Kawikaan 24:30-34)
Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong, at dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay. (Ang Mangangaral 10:18)

Kamatayan

Ang pagnanais ng tamad ay pumapatay sa kaniyang sarili, dahil ang kaniyang mga kamay ay tumatanggi sa pagtatrabaho. (Mga Kawikaan 21:25)

Gutom na kaluluwa

Ang gana ng taong tamad ay nananabik nang labis pero walang makukuha, pero ang gana ng mga taong masisipag ay masisiyahan nang masagana. (Mga Kawikaan 13:4)

Sapilitang paggawa

Ang kamay ng matiyaga ay maghahari, pero ang tamad ay sasailalim sa sapilitang pagtatrabaho. (Mga Kawikaan 12:24)

Maglaan ng panahon mula sa trabaho para sa pahinga at pagsamba

Araw ng Pamamahinga

Itinatag ng Panginoon ang Araw ng Pamamahinga

Sa ikapitong araw dumating ang Diyos sa pagtatapos ng gawain na kanyang ginawa, at siya ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa lahat niyang gawain. Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawang banal ito, dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain na kanyang nagawa sa kanyang paglikha. (Genesis 2:2-3)
Dahil sa ikaanim na araw Ako, si Yahweh, ang lumikha ng langit, lupa at dagat at lahat ng bagay na nasa loob nito at nagpahinga sa ikapitong araw. Kaya nga Ako, si Yahweh, ay pinagpala ang Araw ng Pamamahinga at inihandog ito sa aking sarili. (Exodo 20:11)
Ang Araw ng Pamamahinga ay laging magiging isang tanda sa pagitan ni Yahweh at ng mga Israelita, dahil sa anim na araw na ginawa ni Yahweh ang langit at lupa, at sa ikapitong araw siya ay nagpahinga at naginhawaan.”' (Exodo 31:17)
Sapagkat nasabi niya sa isang dako hinggil sa ikapitong araw, “Ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa lahat ng kanyang mga nilikha.” Sapagkat sinuman ang makapapasok sa kapahingahan ng Diyos kailangan siya mismo din ay nagpahinga mula sa kaniyang mga ginagawa, katulad ng ginawa ng Diyos. (Mga Hebreo 4:4, 10)

Hinihingi ang Araw ng Pamamahinga sa Lumang Tipan

Sa unang araw magkakaroon ng isang pagpupulong para ilaan sa akin, at sa ika-pitong araw magkakaroon ng ibang ganoong pagtitipon. Walang trabahong gagawin sa mga araw na ito, maliban sa pagluluto para sa makakain ng lahat. Iyon lang dapat ang trabaho na maaari ninyong gawin. (Exodo 12:16)
Dapat magtrabaho kayo at gawin ang lahat ng gawain sa loob ng anim na araw. Pero ang ikapitong araw, ay isang Araw ng Pamamahinga para sa akin, si Yahweh ang inyong Diyos. Dito dapat walang gagawa ng anumang gawain, ikaw, ni ang iyong anak na lalaki, ni ang iyong anak na babae, ni iyong lalaking lingkod, ni iyong babaeng lingkod, ni iyong baka, ni ang dayuhan na nasa loob ng iyong mga tarangkahan. (Exodo 20:9-10)
Sa loob ng anim na araw magtatrabaho ka, pero sa ikapitong araw dapat kang magpahinga. Gawin mo ito para makapagpahinga ang iyong baka at asno, at para ang iyong anak na lalaki ng lingkod na babae at anumang dayuhan ay maaaring makapagpahinga at maging masigla. (Exodo 23:12)
Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga. (Exodo 34:21)
Sa ikaanim na araw ang lahat ng gawain ay maaaring nagawa na, ngunit sa inyo, ang ikapitong araw ay dapat na banal na araw, ang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, na banal kay Yahweh. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay papatayin. (Exodo 35:2)
Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, ngunit sa ikapitong araw ay isang ganap na Araw ng Pamamahinga, isang banal na pagpupulong. Dapat hindi kayo magtatrabaho sapagkat ito ay isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira. (Levitico 23:3)
Para sa anim na araw magtatrabaho kayo at gawin lahat ang inyong trabaho; pero ang ikapitong araw ay ang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh na inyong Diyos. Sa araw na ito hindi na kayo gagawa ng anumang trabaho, ikaw, ni inyong anak na lalaki, ni inyong anak na babae, ni inyong lalaking tagapaglingkod, ni inyong babaeng tagapaglingkod, ni inyong baka, ni inyong asno, ni alinman sa inyong kawan, ni sino mang dayuhan na nasa loob ng mga tarangkahan. Para ang iyong lalaking tagapaglingkod at babaeng tagapaglingkod ay maaaring makapagpahinga ganoon din kayo. (Deuteronomio 5:13-14)
Nangako rin kami na kung ang mga tao sa lupain ay nagdala ng mga kalakal o anumang butil para itinda sa Araw ng Pamamahinga, hindi kami bibili sa kanila sa anumang banal na araw. Tuwing ikapitong taon hahayaan namin ang aming kabukiran na mapahinga, at aalisin namin ang lahat ng utang na pinagkasunduan ng ibang mga Judio. (Nehemias 10:31)
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhay at huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Araw ng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ng Jerusalem. At huwag kayong magdala ng pasan mula sa inyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sa inyong mga ninuno na gawin. Ito ay mangyayari kung tunay na nakinig kayo sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—at huwag kayong magbuhat ng pasan sa mga tarangkahan ng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga ngunit sa halip ilaan ninyo kay Yahweh ang Araw ng Pamamahinga at huwag kayong gagawa ng anumang gawain— (Jeremias 17:21-22, 24)

Parusa sa hindi pag-iingat ng Araw ng Pamamahinga

Ang gawain ay natapos ng anim na araw, pero ang ikapitong araw ay magiging isang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, banal, nakalaan para sa karangalan ni Yahweh. Sinuman ang gumagawa ng kahit anong gawain sa Araw ng Pamamahinga ay dapat siguraduhing malagay sa kamatayan. (Exodo 31:15)
Habang nasa ilang ang mga tao ng Israel, nakasumpong sila ng isang lalaking namumulot ng kahoy sa araw ng Pamamahinga. Dinala siya ng mga taong nakakita sa kaniya kina Moises, Aaron, at sa buong sambayanan. Ibinilanggo nila siya dahil hindi pa naipahayag kung ano ang dapat gawin sa kaniya. Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat patayin ang lalaki. Dapat siyang batuhin ng buong sambayanan sa labas ng kampo.” (Mga Bilang 15:32-35)
Sa mga araw na iyon nakita ko sa Juda ang mga taong umaapak sa mga pigaan ng ubas sa Araw ng Pamamahinga at nagpapasok ng mga tumpok ng butil at isinasakay ang mga ito sa mga asno, at pati alak, mga ubas, mga igos, at lahat ng uri ng mga mabibigat na pasanin, na dinala nila sa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga. Tinutulan ko sila sa pagtitinda ng pagkain sa araw na iyon. Ang mga lalaking mula sa Tiro na nakatira sa Jerusalem ay nagdala ng mga isda at lahat ng uri ng mga kalakal, at itininda nila ang mga iyon sa Araw ng Pamamahinga sa mga mamamayan ng Juda at sa lungsod! Kaya hinarap ko ang mga pinuno ng Juda, “Ano itong masamang bagay na inyong ginagawa, nilalapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga? Hindi ba ito ang ginawa ng inyong mga ama? At hindi ba nagdala ang ating Diyos ng lahat ng kasamaang ito sa atin at sa lungsod na ito? Ngayon nagdadala kayo ng mas higit pang poot sa Israel dahil sa paglalapastangan ng Araw ng Pamamahinga.” (Nehemias 13:15-18)
Kaya ipahayag mo sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, ngunit hindi ka nila pakikinggan. Ipahayag mo sa kanila ang mga bagay na ito, ngunit hindi ka nila sasagutin. (Jeremias 7:27)

Taon ng pamamahinga

Sa loob ng anim na taon magtatanim ka ng buto sa iyong lupain at iipunin ang mga naani. Pero sa ikapitong taon lilinangin mo ito nang walang araro at hahayaan, para ang mahihirap sa gitna ninyo ay makakain. Kung ano ang kanilang iniwan, ang mga mababangis na hayop ang kakain. Gagawin mo rin ito sa iyong ubasan at sa iyong halamanang olibo. (Exodo 23:10-11)
Nakipag-usap si Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai, na sinasabing, “Makipag-usap ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, sa gayon dapat na magpatupad ang lupain ng isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh. Dapat ninyong taniman ang inyong bukid sa loob ng anim na taon, at sa loob ng anim na taon dapat ninyong putulan ang ubasan at tipunin ang mga bunga. Subalit sa ikapitong taon, isang Araw ng Pamamahinga ng taimtim na pahinga para sa lupa ang dapat ipatupad, isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh. Hindi ninyo dapat taniman ang inyong bukid o putulan ang inyong ubasan. Hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang tumutubong mag-isa, at hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang ubas na tumutubo sa mga hindi pinutulang baging ninyo. Ito ay magiging isang taon ng taimtim na pahinga para sa lupa. (Levitico 25:1-5)
Nangako rin kami na kung ang mga tao sa lupain ay nagdala ng mga kalakal o anumang butil para itinda sa Araw ng Pamamahinga, hindi kami bibili sa kanila sa anumang banal na araw. Tuwing ikapitong taon hahayaan namin ang aming kabukiran na mapahinga, at aalisin namin ang lahat ng utang na pinagkasunduan ng ibang mga Judio. (Nehemias 10:31)

Mga bunga ng hindi pag-iingat ng taon ng pamamahinga

Pagkatapos magsasaya ang lupain sa mga Araw ng Pamamahinga nito hangga't nananatili itong pinabayaan at nasa lupain kayo ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, mamamahinga ang lupain at magpapakasaya sa mga Araw ng Pamamahinga nito. (Levitico 26:34)
Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas. (Levitico 26:43)

Taon ng Jubileo

Ang ikalimampung taon ay magiging isang Paglaya para sa inyo. Hindi kayo dapat magtanim o gumawa ng isinaayos na pag-aani. Kainin anuman ang tumutubong mag-isa, at tipunin ang mga ubas na tumutubo sa hindi pinutulang mga baging. (Levitico 25:11)

Mga relihiyosong pista sa Lumang Tipan

Paskuwa

Sa unang araw, dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon. (Mga Bilang 28:18)
Sa ika-pitong araw, dapat kayong magkaroon ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh, at hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon. (Mga Bilang 28:25)
Sa loob ng anim na araw kayo ay kakain ng tinapay na walang lebadura; sa ika pitong araw magkaroon ng isang taimtim na pagtitipon para kay Yahweh na inyong Diyos; sa araw na iyon hindi kayo dapat magtrabaho. (Deuteronomio 16:8)

Araw ng Pagbabayad-sala

Palaging magiging isang tuntunin ito para sa inyo na sa ikapitong buwan, sa ikasampung araw ng buwan, dapat niyong magpakumbaba at walang gagawing trabaho, maski isang katutubo o isang dayuhan na namumuhay sa inyo. (Levitico 16:29)
“Ngayon ang ika-sampung araw ng ikapitong buwan magiging Araw ng Pambayad ng Kasalanan. Dapat magiging isang pagpupulong na inilaan kay Yahweh, dapat magpakumbaba kayo at gumawa ng isang handog na inialay sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Dapat hindi kayo magtatrabaho sa araw na iyon sapagkat ito ay ang Araw ng Pambayad ng Kasalanan, upang gawin ang pambayad ng kasalanan para sa inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos. Ang sinumang hindi magpapakumbaba ng kaniyang sarili sa araw na iyon dapat ihiwalay mula sa kaniyang mga tao. Ang sinumang gagawa ng trabaho sa araw na iyon, Ako, Yahweh, lilipulin ko siya mula sa kanyang mga tao. Dapat hindi kayo gagawa ng kahit anong trabaho sa araw na iyon. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira. (Levitico 23:27-31)

Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa

Sa unang araw mayroon kayong isang pagpupulong na inihandog kay Yahweh, dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho. Dapat kayong mag-alay ng isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang ikapitong araw ay isang pagpupulong na inihandog para kay Yahweh na kung saan dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.'” (Levitico 23:7-8)

Pista ng mga Kubol

“Kausapin ang mga bayan ng Israel, sinasabi, 'Sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan magiging Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh. Magtatagal ito ng pitong araw. Dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong sa unang araw. Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho. Sa loob ng pitong araw dapat kayong maghandog ng isang alay na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Sa ikawalong araw dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat kayong gumawa ng isang alay na ihahandog sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ito ay isang mataimtin na pagpupulong, at hindi kayo gagawa kahit anong karaniwang trabaho. (Levitico 23:34-36)
Sa ika labing limang araw ng ikapitong buwan dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon, at dapat ninyong ipagpatuloy ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw para sa kaniya. Sa ikawalong araw dapat magkaroon kayo ng isa pang mataimtim na pagpupulong. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon. (Mga Bilang 29:12, 35)

Iba't ibang relihiyosong pista

Dapat gumawa kayo ng isang pahayag sa parehong araw na iyon. Magkakaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira. (Levitico 23:21)
“Kausapin ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sa ikapitong buwan, ang unang araw ng buwan na iyon magiging isang mataimtim na pahinga para sa inyo, isang alaala sa pamamagitan ng pag-ihip ng mga trumpeta, at isang banal na pagpupulong. Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho, at dapat ninyong ialay ang isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh.'” (Levitico 23:24-25)
At saka sa araw ng mga unang bunga, kapag maghandog kayo ng isang bagong handog na butil kay Yahweh sa inyong Pagdiriwang ng mga Linggo, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh, at hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon. (Mga Bilang 28:26)
“Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon. Ito ay magiging isang araw kung kailan hihipan ninyo ang mga trumpeta. (Mga Bilang 29:1)
Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Dapat kayong magpakumbaba at hindi magtrabaho. (Mga Bilang 29:7)

Ang bahagi ng Diyos sa trabaho

Ang Diyos ang nagbibigay ng kasanayan sa trabaho

Dapat mong sabihin sa lahat ng mga tao nang may katalinuhan sa puso, pinuno ko sila ng espiritu ng karunungan, para makagawa sila ng mga kasuotan ni Aaron para itakda siyang nakahiwalay para maglingkod sa akin bilang pari. (Exodo 28:3)
Nagsalita si Yahweh kay Moises, “Tingnan mo, tinawag ko sa pangalan si Bezalel anak na lalaki ni Uri na anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ni Juda. Pinuno ko si Bezalel ng aking Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa, at kaalaman, para sa lahat ng uri ng gawain, (Exodo 31:1-3)
Bukod sa kaniya, hinirang ko si Oholiab anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan. Nilagyan ko ng kasanayan ang mga puso ng mga matalinong tao kaya magagawa nila ang lahat ng pag-uutos ko sa iyo. Kabilang dito (Exodo 31:6)
Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Tingnan ninyo, tinawag ni Yahweh sa pangalan si Bezalel na anak ni Uri, anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ni Juda. Pinuspos niya si Bezalel ng kaniyang Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa at kaalaman sa lahat ng gawaing pansining, para gumawa ng masining na disenyo na gawa sa ginto, pilak at tanso; gayundin ang pagputol at paglagay ng mga bato at pag-ukit sa kahoy—sa paggawa ng lahat ng uri ng disenyo at gawaing pansining. Inilagay niya sa kaniyang puso para magturo, siya at si Oholiab na anak ni Ahisamac, mula sa lipi ni Dan. Sila ay pinuspos niya ng kakayahan para gumawa ng lahat ng uri ng gawain, para maging taga-gawa ng sining, mga mag-uukit, tagaburda ng asul, lila at pinong lino, at bilang manghahabi. Sila ay manggagawa ng sining sa lahat ng uri ng gawain at sila ay masining na mga taga-disenyo. (Exodo 35:30-35)
Kaya si Bezalel at Oholiab ay magtatrabaho, gayundin ang bawat pusong may karunungan na ipinagkalooban ni Yahweh ng kakayahan at pang-unawa na malaman kung paano gumawa ng banal na lugar, na sumusunod sa mga tagubilin na ibinigay sa inyo na gagawin.” Tinawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab, at ang lahat ng taong bihasa na sa kaniyang pag-iisip ay pinagkalooban ni Yahweh ng kahusayan, at ang kanilang puso na napukaw ang kalooban na lumapit at gumawa ng gawain. (Exodo 36:1-2)
Tanging si Yahweh nawa ang magbigay sa iyo ng kaalaman at pang-unawa upang masunod mo ang batas ni Yahweh na iyong Diyos, kapag inilagay ka niyang tagapamahala sa buong Israel. (1 Mga Cronica 22:12)
Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil ito ang nasa iyong puso at dahil hindi ka humiling ng mga yaman, kayamanan o karangalan at hindi mo hiningi ang buhay ng mga may galit sa iyo, o mahabang buhay para sa iyong sarili—ngunit dahil humiling ka ng karunungan at kaalaman para sa iyong sarili, upang mapamunuan mo ang aking mga tao kung saan kita ginawang hari— Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang karunungan at kaalaman; bibigyan din kita ng yaman, kayamanan, karangalan, higit pa sa nakamtan ng sinumang mga hari na nauna sa iyo at higit pa sa makakamtan ng sinuman na susunod sa iyo.” (2 Mga Cronica 1:11-12)
Hinahangad ng buong daigdig na makaharap si Solomon upang mapakinggan ang kaniyang karunungan na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso. (2 Mga Cronica 9:23)
Kaya sa isang taong nagbibigay lugod sa kaniya, ibinibigay ng Diyos ang karunungan, kaalaman at kagalakan. Gayun man, sa makasalanan ibinibigay niya ang gawain ng pag-iipon at pagtatabi para maaari niyang ibigay ito sa isang taong nagbibigay kaluguran sa Diyos. Ito rin ay katumbas ng singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin. (Ang Mangangaral 2:26)
Para sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at maliwanag na pagkaunawa sa lahat ng panitikan at karunungan at nauunawaan ni Daniel ang lahat ng uri ng mga pangitain at mga panaginip. (Daniel 1:17)
Binabago niya ang mga panahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mga hari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono. Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalaman sa mga mayroong pag-unawa. Diyos ng aking mga ninuno, pinasasalamatan at pinupuri ko kayo para sa karunungan at kapangyarihan na ibinigay ninyo sa akin. Ngayon, ipinaalam mo sa akin kung ano ang aming ipinapanalangin sa iyo; ipinaalam mo sa amin ang bagay na nagpapaalala sa hari.” (Daniel 2:21, 23)

Ang Diyos ang nagbibigay ng tagumpay

Si Yahweh ay kasama ni Jose at siya'y naging mayamang tao. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo na taga-Ehipto. Nakita ng kanyang amo na kasama niya si Yahweh at lahat ng ginawa niya ay pinasagana ni Yahweh. (Genesis 39:2-3)
Gantimpalaan ka nawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Makatanggap ka nawa ng buong kabayaran mula kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa ilalim ng mga pakpak na nahanap mo ang kanlungan.” (Ruth 2:12)
“Ngayon, aking anak, samahan ka nawa ni Yahweh at bigyan ka niya ng kakayahan upang magtagumpay. Maitayo mo nawa ang tahanan ni Yahweh na iyong Diyos, gaya ng sinabi niya na gagawin mo. (1 Mga Cronica 22:11)
Sinabi ko sa kanila na ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin at tungkol din sa mga salita ng hari na kaniyang sinabi sa akin. Sinabi nila “Tayo nang bumangon at magtayo.” Kaya pinalakas nila ang kanilang mga kamay para sa mabubuting gawain. Pagkatapos sinagot ko sila, “Bibigyan kami ng Diyos ng kalangitan ng katagumpayan. Kami ay kaniyang mga lingkod at babangon kami at magtatayo. Pero kayo ay walang bahagi, walang karapatan, at walang kasaysayang pinanghahawakan sa Jerusalem.” (Nehemias 2:18, 20)
Nangyari na nang narinig ng aming mga kalaban na batid na namin ang kanilang mga balak, at binigo ng Diyos ang kanilang mga balak, lahat kami ay bumalik sa pader, bawat isa sa kaniyang trabaho. Sinabi ko sa mga maharlika at sa mga opisyales at sa natitirang mga tao, “Ang gawain ay malaki at malawak, at kami ay napahiwalay doon sa pader, malayo sa isa't-isa. Bilisan ninyo ang takbo sa lugar kung saan maririnig ninyo ang trumpeta at kayo ay magtipon doon. Ang ating Diyos ang lalaban para sa atin.” (Nehemias 4:15, 19-20)
Ang pader ay natapos sa ika-dalawampu't limang araw ng buwan ng Elul, pagkaraan ng limampu't dalawang araw. Nang narinig ng lahat ng mga kalaban namin ang tungkol dito, lahat ng mga bansa na nakapaligid sa amin, natakot sila at malaki ang nawalang tiwala sa kanilang sarili. Dahil alam nila na nagawa ang gawain sa tulong ng aming Diyos. (Nehemias 6:15-16)
Sumagot si Juan, “Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit. (Juan 3:27)

Ang Diyos sa huli ang kumokontrol sa pag-angat sa tungkulin

Nagmula sa iyo ang kayamanan at karangalan, at namumuno ka sa lahat ng mga tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan. Taglay mo ang lakas at kalakasan na gawing dakila ang mga tao at magbigay ng lakas sa sinuman. (1 Mga Cronica 29:12)
Purihin si Yahweh na iyong Diyos na nalugod sa iyo at naglagay sa iyo sa trono upang maging hari ni Yahweh na iyong Diyos. Dahil mahal ng iyong Diyos ang Israel, ginawa ka niyang hari ng lahat upang patatagin sila magpakailanman upang gawin mo kung ano ang makatarungan at makatuwiran!” (2 Mga Cronica 9:8)
Hindi dumarating ang tagumpay mula sa silangan, mula sa kanluran, o mula sa ilang. Pero ang Diyos ang hukom; binababa niya ang isa at itinataas ang iba. (Mga Awit 75:6-7)
Ikaw hari, ay hari ng mga hari na siyang binigyan ng kaharian ng Diyos sa langit, ang kapangyarihan, ang kalakasan, at ang karangalan. Ibinigay niya sa iyong kamay ang lugar kung saan naninirahan ang mga tao. Ibinigay niya ang lahat ng hayop sa parang at mga ibon sa kalangitan sa iyong kamay, at ipinamahala niya ang lahat ng ito sa iyo. Ikaw ang gintong ulo ng imahen. (Daniel 2:37-38)
Itinaboy siya mula sa mga tao, at siya ay nagkaroon ng pag-iisip ng isang hayop, at nabuhay siya na kasama ang maiilap na mga asno. Kumakain siya ng damo tulad ng baka. Nababasa ang kaniyang katawan sa hamog na mula sa kalangitan hanggang sa natutuhan niyang ang Kataas-taasang Diyos ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at itinatalaga niya ang sinumang nais niyang maghari sa kanila. (Daniel 5:21)

Kayang udyukan ng Diyos ang mga tao na magtrabaho

Kaya pinakilos ni Yahweh ang espiritu ng gobernador ng Juda, si Zerubabel na anak ni Sealtiel, at ang espiritu ng pinakapunong pari na si Joshua na anak ni Jehozadak, at ang espiritu nang lahat ng mga tao na natira, kaya sila pumunta at ginawa ang tahanan ni Yahweh ng mga hukbo na kanilang Diyos, (Hagai 1:14)

Mga pananagutan ng amo at ng empleyado

Mga pananagutan ng amo

Magbayad ng makatarungang sahod

Aba sa sinuman na magpapatayo ng kaniyang tahanan sa paraan na hindi makatuwiran at ang kaniyang mga silid sa itaas na hindi makatarungan; sapagkat pinagawa niya sa ibang manggagawa, ngunit hindi niya sila binayaran. (Jeremias 22:13)
“Pagkatapos lalapit ako sa inyo para sa paghahatol. Magiging isa akong mabilis na saksi laban sa mga manghuhula, sa mga mangangalunya, sa mga hindi totoong saksi, at laban sa mga nang-aapi sa mga inuupahang manggagawa sa kaniyang sahod, sila na nang-aapi sa mga balo at sa mga ulila, at naglalayo sa mga dayuhan sa kanilang mga karapatan, at laban sa mga taong hindi ako pinararangalan,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. (Malakias 3:5)

Halimbawa ng pakikipagkasundo para sa makatarungang sahod

Pagkatapos sinabi ni Laban kay Jacob, “Pagsisilbihan mo ba ako sa wala dahil kamag-anak mo ako? Sabihin mo sa akin, ano ang iyong magiging kabayaran?” (Genesis 29:15)
Pagkatapos sinabi niya, “Sabihin mo kung magkano ang iyong kabayaran at babayaran ko.” (Genesis 30:28)

Parusa sa mga hindi nagbabayad ng makatarungang sahod

Ngayon, lumapit kayo mga mayayaman, umiyak kayo ng malakas dahil sa kahirapan na darating sa inyo. (Santiago 5:1)
Ang inyong ginto at pilak ay wala nang kabuluhan, at ang kanilang kalawang ang magpapatotoo laban sa inyo at susunog ng inyong mga laman gaya ng apoy. Nag-iipon kayo ng inyong kayaman sa huling mga araw. Tingnan ninyo, ang bayad ng mga manggagawa—silang mga hindi ninyo binayaran para sa pag-aani ng inyong mga bukid—sumigaw sila ng malakas! At ang mga sigaw ng mga taong nag-aani ng inyong mga pananim ay nakaabot sa tainga ng Panginoon ng mga Hukbo. (Santiago 5:3-4)

Talinghaga na naglalarawan ng pagbabayad ng makatarungang sahod

Sapagkat ang kaharian ng langit ay tulad sa isang nagmamay-ari ng lupain, na lumabas ng maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan. Pagkatapos niyang makipagsundo sa mga manggagawa sa isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya sila sa kaniyang ubasan. Lumabas siya muli sa dakong alas nuwebe noong umagang iyon at nakita niya ang ibang mga manggagawa na nakatayong walang ginagawa sa pamilihan. Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta rin kayo sa ubasan, at kung ano ang nararapat sa inyo ay ibibigay ko.' At sila ay pumunta upang magtrabaho. Lumabas siyang muli nang mag-aalas dose ng tanghali at muli nang mag-aalas tres ng hapaon, at ganoon din ang ginawa niya. At sa isa pang pagkakataon nang mag-aalas singko ng hapon, siya ay lumabas at nakatagpo ng iba pang nakatayong walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo nakatayo rito na walang ginagawa sa maghapon?' Sinabi nila sa kaniya, 'Sapagka't wala ni isang umupa sa amin,' Sinabi niya sa kanila, 'Kayo rin ay pumunta sa ubasan.' At nang sumapit ang gabi, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang tagapangasiwa, 'Tawagin ang mga manggagawa at ibigay ang kanilang sahod, mula sa nahuli hanggang sa nauna.' At nang ang mga manggagawa na inupahan nang mag-aalas singko ay dumating, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng isang denaryo. At nang ang mga naunang manggagawa ay dumating, inisip nila na higit na marami ang kanilang tatanggapin, subalit bawat isa sa kanila ay tumanggap rin ng tig-iisang denaryo. At nang matanggap nila ang kanilang mga sahod, sila ay nagreklamo tungkol sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, 'Ang mga huling manggagawang ito ay isang oras lang na nagtrabaho, ngunit ipinantay mo sila sa amin, sa amin na nagdala ng pasan sa buong araw at sa nakakasunog na init.' Subalit sumagot ang may-ari ng ubasan at nagsabi sa isa sa kanila, 'Kaibigan, wala akong nagawang mali sa iyo, Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo? Tanggapin mo ang para sa iyo at humayo ka. Kagalakan ko ang magbigay sa mga nahuling mga manggagawa na inupahan katulad ng sa inyo. Hindi ba marapat sa akin na gawin kung ano ang nais kong gawin sa aking mga pag-aari?' O ang iyong mata ay masama dahil ako ay mabuti? Kaya nga ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna.” (Mateo 20:1-16)

Bayaran agad ang empleyado

Huwag ninyong apihin ang inyong kapit-bahay o pagnakawan sila. Ang bayad ng isang inupahang tagapaglingkod ay hindi dapat manatili sa inyo ng buong gabi hanggang umaga. (Levitico 19:13)
Hindi dapat ninyo pahirapan ang isang inuupahang lingkod na mahirap at nangangailangan, maging siya ay kapwa mong mga Israelita, o mga dayuhan na nasa inyong lupain sa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod; Bawat araw dapat ninyo ibigay sa kaniya ang kaniyang sahod, dapat hindi lulubog ang araw na hindi siya mabayaran, dahil siya ay mahirap at umaasa dito. Gawin ito para hindi siya dumaing kay Yahweh laban sa inyo at hindi ito magiging kasalanan na iyong nagawa. (Deuteronomio 24:14-15)

Maging makatarungan at patas

Mga panginoon, ibigay ninyo sa mga alipin kung ano ang nararapat at makatarungan. Alam ninyo na mayroon din kayong Panginoon sa langit. (Mga Taga-Colosas 4:1)

Huwag magbanta, sa halip ay paglingkuran ang empleyado

Maglingkod kayo ng buong puso, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Dapat ninyong malaman na anumang mabuting gawa ang ginagawa ng bawat tao, makakatanggap siya ng gantimpala mula sa Panginoon, alipin man siya o malaya. At kayo mga amo, gawin ninyo rin ang ganoong bagay sa inyong mga alipin. Huwag ninyo silang pagbantaan. Alam ninyo na ang Amo nila at ninyo ay parehong nasa langit. Alam ninyo na wala siyang tinatangi. (Mga Taga-Efeso 6:7-9)

Pakinggan ang mga reklamo ng empleyado

Kung hindi ko pinansin ang pagsamo para sa katarungan mula sa aking lalaki o babaeng lingkod nang sila ay nakipagtalo sa akin, ano kung ganoon ang gagawin ko kapag tumayo ang Diyos para akusahan ako? Kapag dumating siya para husgahan ako, paano ko siya sasagutin? Hindi ba't ginawa rin sila ng siyang gumawa sa akin sa sinapupunan? Hindi ba't pareho ang nag-iisa na bumuo sa ating lahat sa sinapupunan? (Job 31:13-15)

Bigyan ang empleyado ng sapat na pahinga o harapin ang mga bunga

Bakit tayo nag-ayuno; sinabi nila, “pero hindi ninyo nakikita ito? Bakit tayo nagpakumbaba, pero hindi ninyo napapansin?” Pagmasdan ninyo, sa araw ng inyong pag-aayuno ang sarili ninyong kasiyahan ang inyong hinahanap at pinapahirapan ang lahat ng inyong mga manggagawa. (Isaias 58:3)

Kung mandaraya ang amo, magiging mandaraya ang mga empleyado

Kung ang isang pinuno ay nagbibigay pansin sa mga kasinungalingan, lahat ng kaniyang mga opisyal ay magiging masama. (Mga Kawikaan 29:12)

Natatanging pagtrato sa mga empleyadong mananampalataya

Kung bibili ka ng isang lingkod na Hebreo, maninilbilhan siya sa iyo sa loob ng anim na taon at sa ikapitong taon makakaalis siya nang malaya at walang babayaran na anumang bagay. (Exodo 21:2)
Kung ang inyong kapatid, ay isang Hebreong lalaki, o isang Hebreong babae, ay binenta sa inyo at pinaglingkuran kayo nang anim na taon, kung gayon sa ikapitong taon dapat ninyo siyang palayain. Kapag hinayaan ninyo siyang makalaya, huwag ninyo dapat siyang hayaan na makaalis na walang dala. Dapat magbigay kayo ng masagana sa kaniya mula sa inyong kawan, mula sa inyong giikan ng palapag, at mula sa inyong pigaan ng ubas. Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos, dapat kayong magbigay sa kaniya. (Deuteronomio 15:12-14)

Pinagpala ang amo dahil may mga maka-Diyos na empleyado

Sinabi ni Laban sa kanya, “Kung nakahanap ako ng pabor sa iyong mga mata ngayon, maghintay ka muna, dahil nalaman ko sa aking pagdarasal na pinagpala ako ni Yahweh para sa iyong kapakanan.” (Genesis 30:27)
Dumating ang panahon na ginawa siyang tagapangasiwa ng kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pagmamay-ari, kaya pinagpala ni Yahweh ang buong bahay ng taga-Ehipto dahil kay Jose. Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potipar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid. (Genesis 39:5)

Tapat na amo

Kaya mula ng pahanon na itinalaga ako bilang gobernador nila sa lupain ng Juda, mula sa ika-dalawampung taon hanggang sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes ang hari, labindalawang taon, hindi ako kumain, maging ang aking mga kapatid na lalaki, ng pagkain na inilaan para sa gobernador. (Nehemias 5:14)
Pero ang mga dating gobernador na nauna sa akin ay nagpatong ng mabibigat na mga pasanin sa mga tao, at kinuha mula sa kanila ang apatnapung sekel ng pilak para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at alak. Kahit ang kanilang mga lingkod ay pinahirapan ang mga tao. Pero hindi ko ito ginawa dahil sa takot sa Diyos. (Nehemias 5:15)
Patuloy rin akong gumawa sa pader, at wala kaming biniling lupa. At lahat ng mga lingkod ko ay nagtipon doon para sa gawain. (Nehemias 5:16)
Sa mesa ko ay mga Judio at opisyales, 150 lalaki, maliban pa sa mga dumating sa amin mula sa mga kasamang bansa na nakapaligid sa amin. (Nehemias 5:17)
Ngayon ang hinanda bawat araw ay isang baka, anim na piling tupa, at mga ibon din, at sa bawat sampung araw sagana sa lahat ng uri ng alak. Gayumpaman para sa lahat ng ito hindi ko hiningi ang nakalaang halaga para sa pagkain ng gobernador, dahil ang mga hinihingi ay masyadong mabigat sa mga tao. (Nehemias 5:18)

Di-tapat na amo

Pinagtatrabaho ng mabagsik ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita. Ginawa nilang masaklap ang kanilang buhay na may kasamang mabibigat na paglilingkod sa tisa at laryo, at sa lahat ng uri ng gawain sa mga bukid. Lahat na kailangan nilang gawain ay mahirap. (Exodo 1:13-14)

Maging mapili sa pagkuha ng empleyado

Ang isang mamamana na sumusugat ng lahat ay tulad ng isang umuupa ng isang hangal o ng kahit sinumang dumadaan. (Mga Kawikaan 26:10)

Mga pananagutan ng empleyado

Maging tapat

Kaya ang ibang punong tagapamahala at ang mga gobernador ng lalawigan ay naghahanap ng mga kamalian sa trabaho ni Daniel sa kaharian, ngunit wala silang makitang katiwalian o kakulangan sa kaniyang trabaho dahil matapat siya. Walang pagkakamali o kapabayaang natagpuan sa kaniya. (Daniel 6:4)

Paglingkuran nang lalong tapat ang maka-Diyos na amo

Ang mga alipin na may among mananampalataya ay huwag silang lapastanganin dahil sila ay magkapatid. Sa halip, sila ay dapat paglingkurang mabuti. Sapagkat ang mga amo na natutulungan nila sa kanilang gawain ay mga mananampalataya at minamahal. Ituro mo at ipahayag ang mga bagay na ito. (1 Timoteo 6:2)

Ang tagumpay ay maaaring bunga ng katapatan ng empleyado

Ang isang matalinong alipin ay mamamahala sa isang anak na gumagawa ng kahihiyan at makikibahagi ng mana gaya ng isa sa magkakapatid. (Mga Kawikaan 17:2)
Ang isa na siyang nag-aalaga ng puno ng igos ang siyang kakain ng bunga nito, at ang isa na siyang nag-iingat sa kaniyang panginoon ay pararangalan. (Mga Kawikaan 27:18)
Kaya sumagana ang Daniel na ito sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro ang Persiano. (Daniel 6:28)

Halimbawa ng mga empleyadong lubhang tapat kaya hindi na hiningan ng pananagutan

Bilang karagdagan, hindi na nila hinihingan ng ulat tungkol sa salapi na pampaggawa ang mga taong nakatanggap at nagbayad nito sa mga manggagawa, dahil ang mga taong ito ay matatapat. (2 Mga Hari 12:15)
Pero hindi kinailangan ang pagbibigay-sulit para sa pera na ibinigay sa kanila, dahil tapat nila itong pinanghawakan. (2 Mga Hari 22:7)

Halimbawa ng mga tapat na empleyadong binabantayan

Ginawa ng mga kalalakihan ang kanilang trabaho nang tapat. Ang kanilang mga tagapamahala ay sina Jahat at Obadias, ang mga Levita, na mga anak ni Merari; at sina Zacarias at Mesulam, mula sa mga anak ng mga taga-Kohat. Ang ibang mga Levita, na mahuhusay na manunugtog ay pinamahalaan ang mga trabahador. (2 Mga Cronica 34:12)

Ang tapat na empleyado ay pagpapala sa amo

Tulad ng lamig ng niyebe sa oras ng pag-aani ay ang tapat na mensahero para sa mga nagpadala sa kaniya; ipinanunumbalik niya ang buhay ng kaniyang mga amo. (Mga Kawikaan 25:13)

Sumunod sa amo dahil ang Panginoon talaga ang iyong pinaglilingkuran

Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong mga panginoon sa lupa na may kasamang malalim na paggalang at pagkatakot, sa katapatan ng inyong mga puso. Maging masunurin sa kanila katulad ng pagsunod ninyo kay Cristo. Maging masunurin hindi lamang tuwing nakatingin ang inyong mga panginoon para lang malugod sila. Sa halip, maging masunurin kayo gaya ng alipin ni Cristo. Gawin ninyo ang kalooban ng Diyos mula sa inyong puso. Maglingkod kayo ng buong puso, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Dapat ninyong malaman na anumang mabuting gawa ang ginagawa ng bawat tao, makakatanggap siya ng gantimpala mula sa Panginoon, alipin man siya o malaya. (Mga Taga-Efeso 6:5-8)
Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo ayon sa laman sa lahat ng mga bagay, hindi lamang kapag may nakakakita upang magbigay lugod sa mga tao, ngunit nang may tapat na puso. Matakot kayo sa Panginoon. Anuman ang inyong ginagawa, gumawa kayo mula sa kaluluwa na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao. Nalalaman ninyong tatangap kayo mula sa Panginoon ng gantimpala ng pagkamit nito. Ito ay ang Cristong Panginoon na inyong pinaglilingkuran. (Mga Taga-Colosas 3:22-24)
Ang mga alipin ay dapat sumunod sa kanilang amo sa lahat ng bagay. Sila ay dapat magbigay-lugod at hindi mangatwiran sa kanila. Hindi sila dapat mangupit. Sa halip, dapat silang magpakita ng lahat ng mabuting pananalig, upang sa lahat ng paraan, sila ay magpaganda sa ating katuruan tungkol sa Diyos na ating tagapagligtas. (Tito 2:9-10)

Kahit nagtatrabaho para sa di-makatwirang amo

Mga alipin, magpasakop kayo sa inyong mga amo nang may buong paggalang, hindi lang sa mabuti at mahinahon na mga amo, pero pati narin sa mga masama. Sapagkat kapuri-puri ang sinumang magtitiis ng pasakit habang nahihirapan sa kawalan ng katarungan nang dahil sa kaniyang konsiyensya sa Diyos. (1 Pedro 2:18-19)

Igalang ang iyong amo

Hayaan ang lahat ng nasa ilalim ng pamatok ng pagiging mga alipin na kilalanin nila ang kanilang mga amo ng karapat-dapat sa buong paggalang. Dapat nilang gawin ito upang ang pangalan ng Diyos at ang katuruan ay hindi malapastangan. (1 Timoteo 6:1)
Ang mga alipin ay dapat sumunod sa kanilang amo sa lahat ng bagay. Sila ay dapat magbigay-lugod at hindi mangatwiran sa kanila. (Tito 2:9)

Huwag siraan ang iyong mga kasamahan sa trabaho

Huwag mong siraan ng puri ang isang alipin sa harapan ng kaniyang panginoon, o isusumpa ka niya at papaniwalaang ikaw ang may kasalanan. (Mga Kawikaan 30:10)

Makuntento sa iyong sahod

May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, “At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila. “Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod.” (Lucas 3:14)

Kumilos nang may moral na integridad

Dumating ang panahon na pinagnanasaan si Jose ng asawa ng kanyang amo. Sinabi niya, “Sumiping ka sa akin”. Ngunit tinanggihan niya ito at sabay sabi sa asawa ng kanyang amo, “Tingnan mo, ang amo ko ay di-nagbigay pansin sa kung ano ang pinaggagawa ko dito sa bahay, at nilagay niya lahat ng kanyang pag-aari sa ilalim ng aking pangangalaga. Walang mas nakakataas sa pamamahay na ito maliban sa akin. Wala siyang anumang pinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil ikaw ang asawa niya. Paano ko kaya magagawa itong malaking kasamaan at magkakasala laban sa Diyos?” (Genesis 39:7-9)

Mga pangkalahatang prinsipyo ng trabaho at negosyo

Huwag makipagsosyo sa negosyo sa mga di-mananampalataya

Huwag kayong makikipag-isa sa mga hindi mananampalataya. Ano ang kaugnayan ng katuwiran sa kasamaan? At anong kaugnayan mayroon ang ilaw sa kadiliman? Anong kasunduan mayroon si Cristo kay Belial? O anong kabahagi mayroon ang mga mananampalataya sa mga hindi mananampalataya? At anong kasunduan mayroon sa pagitan ng templo ng Diyos at sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo ang templo ng buhay na Diyos, katulad ng sinabi ng Diyos: “Ako ay mananahan sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ay magiging bayan ko.” Kaya, “Lumabas kayo mula sa kanilang kalagitnaan, at maihiwalay kayo,” sabi ng Panginoon. “Huwag humawak ng anumang maruming bagay, at tatanggapin ko kayo. (2 Corinto 6:14-17)

Itayo ang negosyo bago itayo ang bahay

Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay. (Mga Kawikaan 24:27)

Ang pagiging produktibo ay lumilikha ng kaunting kalat

Kung saan walang baka ang sabsaban ay malinis, ngunit ang isang masaganang pananim ay maaaring dumating sa pamamagitan ng lakas ng isang baka. (Mga Kawikaan 14:4)

Pararangalan ang mahuhusay

Nakikita mo ba ang isang bihasang lalaki sa kaniyang gawain? Siya ay tatayo sa harapan ng mga hari; hindi siya tatayo sa harapan ng pangkaraniwang mga tao. (Mga Kawikaan 22:29)

Huwag umasa sa bukas sa negosyo

Makinig, kayo na mga nagsasabing, “Ngayon o bukas ay pupunta tayo sa ganitong bayan, at titigil ng isang taon doon, at mangangalakal, at kikita.” Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas, at ano nga ba ang inyong buhay? Dahil katulad kayo ng hamog na sandaling lumilitaw at biglang nawawala. Sa halip ganito dapat ang sabihin ninyo, “Kung ito ang kalooban ng Panginoon, at nabubuhay pa kami gagawin namin ito o iyan.” (Santiago 4:13-15)

Asikasuhin ang sariling gawain, magtrabaho gamit ang iyong mga kamay

Hinihikayat rin namin kayo na pagsumikapan ninyong mamuhay ng tahimik, gawin ninyo ang inyong sariling gawain, at magtrabaho kayo sa inyong sariling mga kamay, gaya ng inutos namin sa inyo. Gawin ninyo ito upang makalakad kayo ng maayos na may paggalang sa mga taong nasa labas ng pananampalataya, at upang hindi na kayo mangailangan ng anuman. (1 Tesalonica 4:11-12)

Minsan ay inuusig ng mga di-maka-Diyos ang maka-Diyos upang protektahan ang masamang negosyo

May isang magpapanday ng pilak na nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng imahe ni Diana na pilak, na nagbibigay ng malaking negosyo sa mga nagpapanday. Kaya tinipon niya ang mga manggagawa sa trabahong iyon, at sinabi, “Mga Ginoo, alam ninyo na sa negosyong ito tayo kumikita ng malaking halaga. Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay. At hindi lamang iyon ang panganib na ang mga kalakal natin ay hindi na kakailanganin, subalit pati narin ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay maaring mawalan ng halaga. At mawawalan din siya ng kadakilaan, na siyang sinasamba ng buong Asia at ng buong mundo.” Nang marinig nila ito, napuno sila ng galit at sumigaw na nagsasabi, “Dakila si Diana ng mga taga- Efeso.” (Mga Gawa 19:24-28)

Kayang gamitin ng Panginoon ang trabaho upang tayo ay magpakumbaba

Dahil nagrebelde sila laban sa salita ng Diyos at tinanggihan ang tagubilin ng nasa Kataas-taasan. Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paghihirap; Natisod sila at wala ni isa ang tumulong sa kanila. (Mga Awit 107:11-12)

Hinihingi ang makatarungang bayad para sa mga produkto at serbisyo

Kaya ngayon utusan mo sila na magputol ng mga sedar mula sa Lebanon para sa akin. At ang aking mga lingkod ay tutulong sa iyong mga lingkod, at babayaran kita para sa iyong mga lingkod sa gayon bayad ka ng patas sa lahat ng bagay na sinang-ayunan mong gawin. Dahil alam mo na walang sinuman sa amin ang nakakaalam kung paano magputol ng troso gaya ng mga taga-Sidon.” (1 Mga Hari 5:6)
...upang ihanda ang napakaraming troso para sa akin; sapagkat magiging napakalaki at kahanga-hanga ang tahanan na aking itatayo. Ibibigay ko sa iyong mga lingkod, na puputol ng kahoy, ang dalawampung libong sisidlang puno ng binayong trigo, dalawampung libong sisidlang puno ng sebada, dalawampung libong sisidlang puno ng alak at dalawampung libong sisidlan na puno ng langis.” (2 Mga Cronica 2:9-10)

Halimbawa ng di-makatarungang bayad

At5 nangyari sa pagsapit ng katapusan ng dalawampung taon, natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng dalawang gusali, ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari. Si Hiram, ang hari ng Tiro, ay nagbigay kay Solomon ng mga kahoy na sedar, mga kahoy na pino, at ginto, lahat ng hinangad ni Solomon. Kaya binigyan ni Haring Solomon si Hiram ng dalawampung lungsod sa lupain ng Galilea. Lumabas si Hiram mula sa Tiro para tingnan ang mga lungsod na ibinigay sa kaniya ni Solomon, pero hindi siya nasiyahan sa mga iyon. (1 Mga Hari 9:10-12)

Pagreretiro

“Ang lahat ng ito ay para sa mga Levitang dalawampu't-limang taong gulang pataas. Dapat silang sumama sa mga samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat silang tumigil sa paglilingkod sa paraang ganito sa gulang na limampung taon. Sa edad na iyan, hindi na sila dapat maglingkod pa. Maaari nilang tulungan ang kanilang mga kapatid na patuloy na gumagawa sa tolda ng pagpupulong, ngunit hindi na sila dapat maglingkod pa. Dapat mong atasan ang mga Levita sa lahat ng bagay na ito.” (Mga Bilang 8:24-26)

Ang butihing asawa ay masipag at pagpapala sa kanyang sambahayan

Sino ang makatatagpo ng may kakayahang asawang babae? Ang halaga niya ay higit sa mamahaling hiyas. Ang puso ng kaniyang asawang lalaki ay nagtitiwala sa kaniya, at kailanman hindi siya maghihirap. Mga mabubuting bagay ang ginagawa niya para sa kaniya at hindi masama sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay. Pumipili siya ng balahibo at lana at gumagawa ng may kasiyahan ang kaniyang mga kamay. Katulad siya ng mga barko ng mangangalakal; nagdadala siya ng pagkain mula sa malayo. Bumabangon siya habang gabi pa at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sambahayan, at ipinamamahagi niya ang mga gawain sa kaniyang mga aliping babae. Isinasaalang-alang niya ang bukirin at ito ay binibili, sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang mga kamay, nakapagtanim siya ng ubasan. Dinadamitan niya ang kaniyang sarili ng lakas at pinalalakas niya ang kaniyang mga braso. Nauunawaan niya kung ano ang magbibigay ng malaking kita para sa kaniya; buong gabi ay hindi namatay ang kaniyang lampara. Inilalagay niya ang kaniyang mga kamay sa ikiran, at buhol na sinulid ay kaniyang hinahawakan. Ang mga taong mahihirap ay inaabot niya ng kaniyang kamay; ang mga taong nangangailangan ay inaabot niya ng kaniyang mga kamay. Hindi siya natatakot sa lamig ng niyebe para sa kaniyang sambahayan, dahil ang kaniyang buong sambahayan ay nababalot ng pulang makapal na kasuotan. Gumagawa siya ng mga sapin para sa higaan niya at mga lilang damit na pinong lino ang sinusuot niya. Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga tarangkahan, kapag umuupo siya kasama ng mga nakatatanda sa bayan. Gumagawa at nagbebenta siya ng linong kasuotan, at nagmumula sa kaniya ang mga sintas ng mga mangangalakal. Ang kalakasan at karangalan ay suot niya, at sa oras na darating, siya ay tumatawa. Binubuksan niya ang kaniyang bibig ng may karunungan, at nasa kaniyang dila ang batas ng kabaitan. Binabantayan niya ang pamamaraan ng kaniyang sambahayan at hindi kumakain ng tinapay ng pagkabatugan. Ang kaniyang mga anak ay babangon at tinatawag siyang pinagpala; ang kaniyang asawang lalaki ay pupurihin na nagsasabing, (Mga Kawikaan 31:10-28)
...upang masanay ang mga nakababatang babae sa matinong pagmamahal sa kanilang sariling mga asawa at mga anak. Sila ang dapat magsanay sa kanila na maging matino, dalisay, mga mabuting tagapangalaga ng tahanan at masunurin sa kanilang sariling mga asawa. Dapat nilang gawin ang mga bagay na ito upang ang Salita ng Diyos ay hindi maalipusta. (Tito 2:4-5)

Ang paghahangad ng walang kabuluhan ay humahantong sa kahirapan

Sinumang nagbubungkal ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng kasaganaan ng pagkain, pero sinumang naghahabol ng mga proyektong walang halaga ay hindi nag-iisip. (Mga Kawikaan 12:11)
Ang isa na siyang nagtatrabaho sa kaniyang lupa ay magkakaroon ng maraming pagkain, pero ang sinumang sumusunod sa walang kabuluhang gawain ay magkakaroon ng maraming kahirapan. (Mga Kawikaan 28:19)