Hinihikayat ang paghingi ng payo
Hayaan ang mga matatalinong tao na makinig at dagdagan ang kanilang nalalaman, at hayaan ang mga nakakaintinding tao na makakuha ng patnubay, (Mga Kawikaan 1:5)
Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway. (Mga Kawikaan 1:25)
...hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama. (Mga Kawikaan 1:30)
Ang kaparaanan ng isang mangmang ay tama sa kaniyang paningin, pero ang taong may karunungan, sa payo ay nakikinig. (Mga Kawikaan 12:15)
Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng pag-aaway-away, pero mayroong karunungan para sa mga nakikinig ng mabuting payo. (Mga Kawikaan 13:10)
Dinggin mo at sundin ang aking katuruan, at ikaw ay magiging marunong hanggang sa katapusan ng iyong buhay. (Mga Kawikaan 19:20)
Ang mga plano ay pinagtitibay sa pamamagitan ng payo, at sa marunong na patnubay lamang ay dapat kang makipaglaban. (Mga Kawikaan 20:18)
Ang pabango at insenso ay nagpapagalak ng puso, ngunit ang katamisan ng isang kaibigan ay mas mabuti pa sa kaniyang payo. (Mga Kawikaan 27:9)
Mainam pa ang maging isang mahirap pero matalinong kabataan kaysa sa isang matanda at hangal na haring hindi na marunong makinig sa mga babala. (Ang Mangangaral 4:13)
Hindi nagtagal, may ilang mga Pariseong dumating at sinabi sa kaniya, “Pumunta ka at umalis dito dahil nais kang patayin ni Herodes.” (Lucas 13:31)
Hinihikayat ang maraming tagapayo
Kung saan walang matalinong direksiyon, ang isang bansa ay bumabagsak, pero ang tagumpay ay dumarating sa pagsangguni sa maraming tagapayo. (Mga Kawikaan 11:14)
Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay. (Mga Kawikaan 15:22)
Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas, sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay. (Mga Kawikaan 24:5-6)
Ang dagdag na mga tao ay nagpaparami ng nagagawa
Hahabulin ng lima sa inyo ang isang daan at hahabulin ng isang daan sa inyo ang sampung libo; babagsak ang inyong mga kaaway sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada. (Levitico 26:8)
Ang gawain ng dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa; sabay silang makikinabang sa isang mainam na kabayaran sa kanilang gawain. Kapag nabuwal ang isa, maaaring ibangon ng isa ang kaniyang kaibigan. Subalit, kalungkutan ang sumusunod sa nag-iisa kapag nabuwal siya kung walang magbabangon sa kaniya. At kung ang dalawa ay magkasamang mahihiga, maaari silang mainitan, ngunit paanong maaaring mainitan ang nag-iisa. Ang isang taong nag-iisa ay maaaring madaig, ngunit maaring mapagtagumpayan ng dalawa ang isang pagsalakay, at ang isang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot. (Ang Mangangaral 4:9-12)
Mga halimbawa ng pagbibigay/pagsunod sa payo
Nang nakita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises para sa bayan, sinabi niya, “Ano ba itong ginawa mo sa bayan? Bakit nauupo kang mag-isa at ang lahat ng tao ay nakatayo na nakapalibot sa iyo mula umaga hanggang gabi?” Sinabi ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki, “Lumapit ang mga tao sa akin para hingin ang direksyon ng Diyos. Pumupunta sila sa akin kapag nagtatalo sila. Hinahatulan ko ang pagitan ng bawat isa, at itinuturo ko sa kanila ang mga kautusan at mga batas ng Diyos.” Sinabi ni Jetro kay Moises, “Hindi mabuti ang iyong ginagawa. Tiyak na manghihina ka, ikaw at ang lahat ng taong pumupunta sa iyo, dahil ang pasanin na ito ay labis na napakabigat para sa iyo. Hindi mo ito kayang gawin sa pamamagitan ng iyong sarili. Makinig ka sa akin. Bibigyan kita ng payo, at sumaiyo ang Diyos, dahil ikaw ang kinatawan ng tao sa Diyos, at ikaw ang nagdadala ng kanilang mga pagtatalo sa kaniya. Dapat mong ituro sa kanila ang kaniyang mga kautusan at mga batas. Dapat mong ipakita sa kanila ang daang nararapat lakaran at gawain ang nararapat. At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo. Hahatulan nila ang mga tao sa lahat ng kaugaliang pamamaraan na mga kaso, pero dadalhin nila ang mga mabibigat na mga kaso sa iyo. Sila na ang hahatol sa mga maliliit na mga kaso. Sa ganyang paraan, magiging magaan para sa iyo, at dadalhin nila ang pasanin kasama mo. Kung gagawin mo ito, at kung inatasan ka ng Diyos na gawin ito, hindi ka mahihirapan at makakauwi na nasisiyahan ang bayan sa kanilang tahanan.” Kaya nakinig si Moises sa mga salita ng kaniyang biyenan na lalaki at ginawa ang lahat ng kaniyang sinabi. (Exodo 18:14-24)
Pagkatapos, kinausap ni Nathan si Batsheba na ina ni Solomon, sinasabing, “Hindi mo ba narinig na si Adonias na anak ni Haguit ay naging hari, at hindi ito alam ni David na ating panginoon? Kaya ngayon, payuhan kita, para maligtas mo ang sarili mong buhay at ang buhay ng iyong anak na si Solomon. (1 Mga Hari 1:11-12)
Sa akin nakinig ang mga tao; hinintay nila ako; nanatili silang tahimik para marinig ang aking payo. Matapos kong sabihin ang aking mga salita, hindi na sila muling nagsalita; ang aking pananalita ay pumatak sa kanila tulad ng tubig. Lagi nila akong hinihintay na parang paghintay nila sa ulan; ibinuka nila nang malaki ang kanilang bibig para inumin ang aking mga salita, gaya ng ginagawa nila para sa ulan sa panahon ng tag-araw. (Job 29:21-23)
Halimbawa ng hindi pagbibigay/pagsunod sa payo
Ngayon nangyari na pagkatapos bumalik si Amazias mula sa pagpatay sa mga Edomita, dinala niya ang mga diyos ng mga tao ng Sier at itinayo niya ang mga ito upang maging kaniyang mga diyos. Yumuko siya sa harap ng mga ito at nagsunog ng insenso para sa mga ito. Kaya sumiklab ang galit ni Yahweh laban kay Amazias. Nagpadala siya ng isang propeta sa kaniya, na nagsabi, “Bakit mo sinamba ang mga diyos ng mga tao na hindi man lamang nakapagligtas ng sarili nitong mga tao laban sa iyong mga kamay?” At nangyari na habang kinakausap siya ng propeta, sinabi sa kaniya ng hari, “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? Tumigil ka. Bakit ka kailangan patayin?” At tumigil ang propeta at sinabi, “Alam kong nagpasya ang Diyos na wasakin ka dahil ginawa mo ito at hindi ka nakinig sa aking payo.” (2 Mga Cronica 25:14-16)
Mga pinagmumulan ng payo
Ang Panginoon
Sa Diyos ay may karunungan at kalakasan; mayroon siyang mabuting kaisipan at pang-unawa. (Job 12:13)
Pupurihin ko si Yahweh na naggagabay sa akin; maging sa gabi, ang isipan ko ay nagtuturo sa akin. (Mga Awit 16:7)
Sino ang taong may takot kay Yahweh? Tuturuan siya ng Panginoon sa daan na dapat niyang piliin. (Mga Awit 25:12)
Pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Pangangaralan kita habang nagmamasid ako sa iyo. (Mga Awit 32:8)
Binibigo ni Yahweh ang pagsasanib ng mga bansa; siya ang nananaig sa mga plano ng mga tao. Ang mga plano ni Yahweh ay nananatili magpakailanman, ang mga plano ng kanyang puso para sa lahat ng salinlahi. (Mga Awit 33:10-11)
Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian. (Mga Awit 73:24)
Marami ang mga plano sa puso ng isang tao, pero ang layunin ni Yahweh ang siyang mananaig. (Mga Kawikaan 19:21)
Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. (Isaias 9:6)
Mapapasakanya ang espiritu ni Yahweh, espiritu ng karunungan at pang-unawa, espiritu ng paggabay at kapangyarihan, ang espiritu ng kaalaman at takot kay Yahweh. (Isaias 11:2)
Ito rin ay nanggagaling mula kay Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, na kahanga-hanga sa pagpapayo at mahusay sa karunungan. (Isaias 28:29)
Nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa libu-libo at ibinuhos mo ang kasamaan ng mga tao sa mga kandungan ng kanilang magiging mga anak. Ikaw ang dakila at makapangyarihang Diyos, Yahweh ng mga hukbo ang iyong pangalan. Ikaw ay dakila sa karunungan at makapangyarihan sa mga gawa, sapagkat bukas ang iyong mga mata sa lahat ng ginagawa ng mga tao, upang ibigay sa bawat tao kung ano ang nararapat sa kaniyang pag-uugali at mga gawa. (Jeremias 32:18-19)
Mga bunga ng hindi paghingi ng payo sa Panginoon
Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay. Hindi siya humingi ng patnubay mula kay Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh at ibinigay ang kaniyang kaharian kay David na anak na lalaki ni Jesse. (1 Mga Cronica 10:13-14)
Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay. Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila. (Joshua 9:14-15)
Pero mabilis nilang kinalimutan ang kaniyang mga ginawa; hindi nila hinintay ang mga tagubilin niya. Mayroon silang masidhing paghahangad sa ilang, at sinubok nila ang Diyos sa disyerto. Binigay niya sa kanila ang kanilang hiling, pero nagpadala siya ng karamdaman na sumisira sa kanilang mga katawan. (Mga Awit 106:13-15)
Naupo ang ilan sa kadiliman at sa lumbay, mga bilanggo sa kalungkutan at pagkagapos. Dahil nagrebelde sila laban sa salita ng Diyos at tinanggihan ang tagubilin ng nasa Kataas-taasan. Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paghihirap; Natisod sila at wala ni isa ang tumulong sa kanila. (Mga Awit 107:10-12)
Kinokontrol ng Panginoon ang payo ng mga tao
May isang taong nakapagsabi kay David na, “Si Ahitofel ay kasama sa mga kasabwat ni Absalom.” Kaya nanalangin si David, “O Yahweh, pakiusap gawin mong kahangalan ang payo ni Ahitofel.” Sinabi ni David sa kaniya, “Kung maglalakbay ka kasama ko, sa gayon magiging isang pabigat ka sa akin. Pero kung babalik ka sa lungsod at sasabihin kay Absalom, 'Magiging lingkod mo ako, hari, gaya ng paglilingkod ko dati sa iyong ama,' kaya magiging lingkod mo ako ngayon; pagkatapos guguluhin mo ang payo ni Ahitofel para sa akin. (2 Samuel 15:31, 33-34)
Pagkatapos sinabi ni Absalom kay Ahitofel, “Ibigay sa amin ang iyong payo tungkol sa dapat naming gawin.” Ngayon ang payo ni Ahitofel na ibinigay niya sa mga araw na iyon ay para bang narinig ng isang tao ito mula mismo sa bibig ng Diyos. Ganyang paraan tiningnan nina David at Absalom ang payo ni Ahitofel. (2 Samuel 16:20, 23)
Nang dumating si Cusai kay Absalom, ipinaliwanag ni Absalom sa kaniya kung ano ang sinabi ni Ahitofel at pagkatapos tinanong si Cusai, “Dapat ba naming gawin ang anumang sabihin ni Ahitofel? Kung hindi, sabihan kami kung ano ang payo mo.” Kaya sinabi ni Cusai kay Absalom, “Hindi mabuti ang ibinigay na payo ni Ahitofel sa panahong ito.” Idinagdag ni Cusai, “Alam mong malakas na mga mandirigma ang iyong ama at ang kaniyang mga tauhan at mabangis sila at katulad sila ng isang osong ninakawan ng mga anak sa isang bukid. Ang iyong ama ay isang taong mandirigma; hindi siya matutulog kasama ang hukbo ngayong gabi. Tingnan mo, marahil ngayon ay nagtatago siya sa isang hukay o sa ibang lugar. Mangyayari ito kapag napatay ang ilan sa iyong tauhan sa simula ng isang pagsalakay na sasabihin ng sinumang makarinig nito, “Isang malupit na pagpatay ang naganap sa mga sundalong sumunod kay Absalom.' Pagkatapos kahit na siguro ang matatapang na mandirigma, na ang mga puso ay katulad ng puso ng Leon, ay matatakot dahil alam ng buong Israel na isang magiting na tao ang iyong ama at napakalakas ng kalalakihang kasama niya. Kaya pinapayuhan kita na dapat sama-samang magtipon ang buong Israel sa iyo, mula sa Dan hanggang Beer-seba, kasindami ng buhangin na nasa tabing-dagat at pupunta ka mismo sa labanan. Pagkatapos pupunta tayo sa kaniya kahit saan man siya matagpuan at lulukuban natin siya tulad ng hamog na nuhuhulog sa lupa. Wala tayong ititira kahit isa sa kaniyang tauhan, o siya mismo na buhay. Kung tatakas siya sa isang lungsod, sa gayon magdadala ang buong Israel sa lungsod na iyan ng mga lubid at hihilain natin ito sa ilog, hanggang sa wala nang kahit isang maliit na bato ang matatagpuan doon.” Pagkatapos sinabi ni Absalom at ng kalalakihan ng Israel, “Mas mabuti ang payo ni Cusai ang Arkite kaysa kay Ahitofel.” Itinalaga ni Yahweh ang pagtanggi sa mabuting payo ni Ahitofel para magdala ng kapahamakan kay Absalom. Pagkatapos sinabi ni Cusai kina Zadok at Abiatar na mga pari, “Pinayuhan ni Ahitofel sina Absalom at ang mga nakatatanda ng Israel sa gayon at sa gayong paraan, pero nagpayo ako ng ibang bagay. Kaya ngayon, magmadaling umalis at ibalita kay David; sabihin sa kaniya, 'Huwag magkampo ngayong gabi sa mga tawiran ng Araba, pero tiyaking tumawid sa lahat ng paraan, o masasakmal ang hari kasama ang lahat ng taong kasama niya.''' Ngayon si Jonatan at Ahimaaz ay nananatili sa balon ng Rogel; madalas pumunta ang isang babaeng lingkod at nagdadala ng mga mensahe sa kanila. Pagkatapos aalis sila at sasabihin kay Haring David, para hindi sila makita na pumupunta sa lungsod. Pero nakita sila ng isang binata at sinabi kay Absalom. Kaya nagmadaling umalis sina Jonatan at Ahimaaz at dumating sa bahay ng isang tao sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang patyo, kung saan sila bumaba. Kinuha ng asawa ng lalaki ang pantakip ng balon at inilatag ito sa bukana ng balon at hinagisan ito ng trigo, kaya walang isa ang nakakaalam na nasa balon sina Jonatan at Ahimaaz. Dumating ang mga tauhan ni Absalom sa bahay ng babae at sinabing, “Nasaan sina Ahimaaz at Jonatan?” Sinabi sa kanila ng babae, “Tumawid sila sa ilog.” Kaya pagkatapos nilang maghanap sa paligid at hindi sila natagpuan, bumalik sila sa Jerusalem. Pagkapos nang umalis sila umakyat sina Jonatan at Ahimaaz mula sa balon. Nagtungo sila kay haring David para mag-ulat; sinabi nila sa kaniya, “Bumangon ka at magmadaling tumawid sa tubig dahil nagbigay si Ahitofel ng gayon at gayong payo tungkol sa iyo.” Pagkatapos bumangon si David at ang lahat ng taong kasama niya, at tumawid sila sa Jordan. Pagliwanag ng umaga walang isa sa kanila ang nabigong tumawid sa Jordan. Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama. (2 Samuel 17:6-23)
Ang Kasulatan
Ang mga utos mo sa tipan ang kasiyahan ko, at ito ang aking mga tagapayo. DALETH (Mga Awit 119:24)
Mga taong maka-Diyos
Ina at ama
Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina; ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg. (Mga Kawikaan 1:8-9)
Aking anak na lalaki, sundin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong talikdan ang katuruan ng iyong ina. Palagi mong igapos ang mga ito sa iyong puso; itali mo ang mga ito sa iyong leeg. Kapag ikaw ay lumakad, papatnubayin ka ng mga ito; kapag ikaw ay natulog, pagmamasdan ka nila; at kapag ikaw ay nagising, tuturuan ka nila. (Mga Kawikaan 6:20-22)
Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya. (Mga Kawikaan 23:22)
Halimbawa ng payo ng isang maka-Diyos na ama
Sa pagdating ng araw ng malapit nang mamatay si David, inutusan niya si Solomon na kaniyang anak, sinabi niya, “Papunta na ako sa lupa. Kaya maging malakas ka at ipakita mong lalaki ka. Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta, upang tuparin ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya tungkol sa akin, na sinasabi niyang, 'Kung maingat na binabantayan ng mga anak mong lalaki ang kanilang pag-uugali, na lalakad nang matapat sa harapan ko nang kanilang buong puso at kaluluwa, hindi titigil kailanman na magkaroon ka ng isang lalaki sa trono ng Israel.' (1 Mga Hari 2:1-4)
Ang mga binigyan ng karunungan
Hinahangad ng buong daigdig na makaharap si Solomon upang mapakinggan ang kaniyang karunungan na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso. (2 Mga Cronica 9:23)
Lumakad kasama ang mga matatalinong tao at ikaw ay magiging matalino, pero ang kasamahan ng mga mangmang ay magdurusa ng kapamahakan. (Mga Kawikaan 13:20)
Sapagkat nabigyan ang iba ng Espiritu na makapagsalita ng karunungan, at sa iba ay makapagsalita ng may kaalaman sa pamamagitan ng iisang Espiritu. (1 Corinto 12:8)
Ang mga may karanasan
Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matatandang lalaki na tumayo sa harapan ni Solomon na kaniyang ama habang siya ay nabubuhay; sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang sagutin ang mga taong ito?” Sila ay nagsalita sa kaniya at sinabi, “Kung ikaw ay magiging isang lingkod ngayon sa mga taong ito at paglilingkuran sila, at sasagutin sila sa pamamagitan ng mabubuting mga salita, palagi silang magiging mga lingkod mo.” Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya. (1 Mga Hari 12:6-8)
Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matandang kalalakihan na nagpayo kay Solomon na kaniyang ama noong nabubuhay pa siya. sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang mabigyan ng kasagutan ang mga taong ito?” Nakipag-usap sila sa kaniya at sinabi, “Kung magiging mabuti ka sa mga taong ito at bibigyang-lugod mo sila at magsasabi ng mga mabubuting salita sa kanila, magiging alipin mo sila sa habang panahon. Ngunit hindi pinakinggan ni Rehoboam ang payo na ibinigay ng mga matandang kalalakihan sa kaniya at sumangguni siya sa mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki at nagpapayo sa kaniya. (2 Mga Cronica 10:6-8)
Payong dapat iwasan
Ang masasama
Sinasabi nila sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin dahil wala kaming nais na malaman sa pamamaraan mo. Sino ba ang Makapangyarihan, na dapat namin siyang sambahin? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kung nagdasal kami sa kaniya?' Tingnan ninyo, hindi ba nasa mga kamay nila ang kanilang kasaganaan? Wala akong gagawin sa payo ng masasamang tao. (Job 21:14-16)
Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, o tumatayo sa daanan kasama ang mga makasalanan, o umuupo sa kapulungan ng mga nangungutya. (Mga Awit 1:1)
Ang mga balakin ng lahat ng gumagawa ng tama ay makatarungan, ngunit ang payo ng masasama ay mapanlinlang. (Mga Kawikaan 12:5)
Halimbawa ng masamang payo
Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo. Sinuhulan din nila ang mga tagapayo para hadlangan ang kanilang mga plano. Ginawa nila ito sa buong panahon ni Ciro at hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia. (Ezra 4:4-5)
May isang titindig mula sa iyo, Ninive, ang siyang nagbalak ng masama laban kay Yahweh, isang taong nagtaguyod ng kasamaan. (Nahum 1:11)
Mga sumasamba sa diyus-diyosan
Dahil ang Israel ay isang bansa na walang karunungan, at walang pang-uunawa sa kanila. (Deuteronomio 32:28)
Walang sinuman ang nandoon nang ako ay tumingin, walang ni isa sakanila ang makapagbibigay ng mabuting payo, sino, kapag ako ay nagtanong, ang makakasagot. Masdan na, lahat sila ay walang kabuluhan, at ang kanilang mga gawa ay walang kahulugan; ang kanilang mga diyus-diyusan ay hangin at walang alam. (Isaias 41:28-29)
Matatandang lalaki
Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya. Sinabi niya sa kanila, “Anong payoang maibibigay ninyo sa akin, upang maaari nating masagot ang mga tao na nagsalita sa akin at nagsabing, “Pagaanin ninyo ang pasanin na inilagay sa amin ng inyong ama?” Ang mga kabataan na lumaking kasama ni Rehoboam ay nagsalita sa kaniya, nagsabi, “Magsalita ka sa mga taong ito na nagsabi sa iyo na ang iyong amang si Solomon ang nagpabigat ng kanilang pasanin pero dapat mo itong pagaanin. Dapat mong sabihin sa kanila, “Ang hinliliit kong daliri ay makapal kaysa sa baywang ng aking ama. Marahas na tinugon ng hari ang bayan at binalewala ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matatandang lalaki. Siya ay nagsalita sa kanila bilang pagsunod sa payo ng mga nakababatang lalaki; sabi niya, “Pinagpasan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mabibigat na pasanin, pero magdadagdag ako ng pasanin sa inyo. Pinarusahan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mga latigo, pero parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.” (1 Mga Hari 12:8-10, 13-14)
Ngunit hindi pinakinggan ni Rehoboam ang payo na ibinigay ng mga matandang kalalakihan sa kaniya at sumangguni siya sa mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki at nagpapayo sa kaniya. Sinabi niya sa kanila, “Ano ang maibibigay ninyong payo sa akin upang sagutin natin ang mga taong ito na nakipag-usap sa akin at sinasabi, “Pagaanin mo ang mga pasanin na ibinigay ng iyong ama sa amin'?” Nagsalita ang mga kabataang lalaki na kasabayang lumaki ni Rehoboam na nagsasabi, “Makipag-usap ka sa mga taong nagsabi sa iyo na ginawang mabigat ng iyong amang si Solomon ang kanilang mga pasanin, na kailangan mong gawing mas magaan. Dapat mong sabihin sa kanila, 'Mas makapal ang aking hinliliit kaysa sa baywang ng aking ama. Marahas silang sinagot ng hari. Hindi pinansin ni Haring Rehoboam ang payo ng mga matandang kalalakihan. Nakipag-usap siya sa kanila na sinunod ang payo ng mga kabataang lalaki at sinabi, “Gagawin kong mas mabigat ang inyong mga pasanin at dadagdagan ko pa ito. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.” (2 Mga Cronica 10:8-10, 13-14)
Mga pagpapala at mga sumpa
Mga pagpapala at pakinabang ng paghingi ng payo
Tagumpay
Kung saan walang matalinong direksiyon, ang isang bansa ay bumabagsak, pero ang tagumpay ay dumarating sa pagsangguni sa maraming tagapayo. (Mga Kawikaan 11:14)
Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay. (Mga Kawikaan 15:22)
...sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay. (Mga Kawikaan 24:6)
Patnubay at gabay
Pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Pangangaralan kita habang nagmamasid ako sa iyo. (Mga Awit 32:8)
Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian. (Mga Awit 73:24)
Aking anak na lalaki, sundin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong talikdan ang katuruan ng iyong ina. Palagi mong igapos ang mga ito sa iyong puso; itali mo ang mga ito sa iyong leeg. Kapag ikaw ay lumakad, papatnubayin ka ng mga ito; kapag ikaw ay natulog, pagmamasdan ka nila; at kapag ikaw ay nagising, tuturuan ka nila. (Mga Kawikaan 6:20-22)
Karunungan
Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng pag-aaway-away, pero mayroong karunungan para sa mga nakikinig ng mabuting payo. (Mga Kawikaan 13:10)
Dinggin mo at sundin ang aking katuruan, at ikaw ay magiging marunong hanggang sa katapusan ng iyong buhay. (Mga Kawikaan 19:20)
Kagalakan sa pagbibigay ng payo
Mayroong panlilinlang sa puso ng mga taong nagbabalak ng kasamaan, pero kagalakan ang dumarating sa mga tagapagpayo ng kapayapaan. (Mga Kawikaan 12:20)
Mga sumpa/bunga ng hindi paghingi ng payo o paghingi ng payo sa masasama
Kamatayan
Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay. Hindi siya humingi ng patnubay mula kay Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh at ibinigay ang kaniyang kaharian kay David na anak na lalaki ni Jesse. (1 Mga Cronica 10:13, 14)
Siya ay lumakad din sa mga kaparaanan ng sambahayan ni Ahab dahil ang kaniyang ina ang tagapayo sa paggawa ng mga masasamang bagay. Ginawa ni Ahazias ang mga masasamang bagay sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga ginagawa ng sambahayan ni Ahab dahil sila ang kaniyang mga naging tagapayo matapos mamatay ang kaniyang ama, sa kaniyang pagkawasak. Sinunod din niya ang kanilang mga payo; sumama siya kay Joram na lalaking anak ni Ahab na hari ng Israel, upang labanan si Hazael na hari ng Aram, sa Ramot-gilead. Nasugatan ng mga taga-Aram si Joram. (2 Mga Cronica 22:3-5)
At nangyari na habang kinakausap siya ng propeta, sinabi sa kaniya ng hari, “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? Tumigil ka. Bakit ka kailangan patayin?” At tumigil ang propeta at sinabi, “Alam kong nagpasya ang Diyos na wasakin ka dahil ginawa mo ito at hindi ka nakinig sa aking payo.” (2 Mga Cronica 25:16)
Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin. Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway. Tatawanan ko kayo sa inyong kapamahakan, kukutyain ko kayo kapag dumating ang malaking takot — kapag dumating ang inyong kinakatakutang pangamba tulad ng bagyo at tinangay kayo ng sakuna na parang buhawi, kapag ang kabalisahan at dalamhati ay dumating sa inyo. Pagkatapos sila ay tatawag sa akin at hindi ako sasagot; desperado silang tatawag sa akin, ngunit hindi nila ako mahahanap. Dahil kanilang kinapopootan ang karunungan at hindi pinili ang pagkatakot kay Yahweh, hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama. Kakainin nila ang bunga sa kanilang pamamaraan, at sa bunga ng kanilang mga balak sila ay maaaring mabusog. Ang mga hindi naturuan ay pinapatay kapag sila ay umalis, at ang kakulangan ng mga hangal ang sisira sa kanila. (Mga Kawikaan 1:24-32)
Alitan
Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng pag-aaway-away, pero mayroong karunungan para sa mga nakikinig ng mabuting payo. (Mga Kawikaan 13:10)
Mga planong nabigo
Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay. (Mga Kawikaan 15:22)
Kabiguan
Kung saan walang matalinong direksiyon, ang isang bansa ay bumabagsak, pero ang tagumpay ay dumarating sa pagsangguni sa maraming tagapayo. (Mga Kawikaan 11:14)
Iba pang mga sumpa at bunga
Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay. Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila. (Joshua 9:14-15)
Pero mabilis nilang kinalimutan ang kaniyang mga ginawa; hindi nila hinintay ang mga tagubilin niya. Mayroon silang masidhing paghahangad sa ilang, at sinubok nila ang Diyos sa disyerto. Binigay niya sa kanila ang kanilang hiling, pero nagpadala siya ng karamdaman na sumisira sa kanilang mga katawan. (Mga Awit 106:13-15)
Naupo ang ilan sa kadiliman at sa lumbay, mga bilanggo sa kalungkutan at pagkagapos. Dahil nagrebelde sila laban sa salita ng Diyos at tinanggihan ang tagubilin ng nasa Kataas-taasan. Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paghihirap; Natisod sila at wala ni isa ang tumulong sa kanila. (Mga Awit 107:10-12)