Ang pagtataksil kay Jesus
At ang isa sa Labingdalawa na nagngangalang Judas Iscariote ay pumunta sa mga punong pari at sinabi, “Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?” At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya. (Mateo 26:14-15)
Pagkatapos nang si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakitang nahatulan si Jesus, siya ay nagsisisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at mga nakatatanda, at sinabi, “Ako ay nagkasala sa pamamagitan ng pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.” Ngunit sinabi nila, “Ano ba sa amin iyon? Tingnan mo yan sa iyong sarili.” At kaniyang itinapon pababa ang tatlumpung piraso ng pilak sa templo, at umalis, at pumunta sa labas at siya ay nagbigti. At kinuha ng mga punong pari ang tatlumpung piraso ng pilak at sinabi, “Labag sa kautusan na ilagay ito sa kaban ng yaman, sapagkat ito ay kabayaran ng dugo.” Sama-sama nilang pinag-usapan ang bagay na ito at ang salapi ay ipinambili ng Bukid ng Magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan. At dahil dito ang bukid na iyon ay tinawag na, “Ang bukid ng dugo” magpa-hanggang ngayon. At ang sinabi ni Jeremias na propeta ay natupad, na nagsasabi, “Kinuha nila ang tatlumpung piraso ng pilak, ang halaga na inilaan sa kaniya ng mga tao ng Israel, at ibinigay nila ito para sa Bukid ng Magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.” (Mateo 27:3-10)
Pagkatapos, pumunta sa mga pangulong pari si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa upang ibigay si Jesus sa kanila. Nang marinig ito ng mga punong pari, nasiyahan sila at nangakong bigyan siya ng pera. Nagsimula siyang maghanap ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila. (Marcos 14:10-11)
Pumasok si Satanas kay Judas Iscariote, isa sa Labindalawa. Nagpunta si Judas at nakipag-usap sa mga punong pari at mga kapitan tungkol sa kung paano niya maidadala si Jesus sa kanila. Nagalak sila, at nakipagkasundong bibigyan siya ng pera. (Lucas 22:3-5)
(Ngayon bumili ang taong ito ng bukid mula sa kaniyang natanggap kita dahil sa kaniyang kasamaan, at doon ay nahulog siya na nauna ang ulo, ang kanyang katawan ay sumambulat, at lahat ng kanyang bituka ay sumabog. (Mga Gawa 1:18)
Magkakapatid na ipinagbili bilang alipin
Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto. (Genesis 37:28)
Perang ibinayad para sa panghuhula
Kaya umalis ang mga nakakatanda ng Moab at ng Midian, dala nila ang pambayad para sa panghuhula. Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya ang mga salita ni Balak. (Mga Bilang 22:7)
Sumagot si Balaam at sinabi sa mga tauhan ni Balak, “Kahit na ibibigay sa akin ni Balak ang kaniyang palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako pwedeng sumuway sa mga salita ni Yahweh, ang aking Diyos, at gawin nang walang labis o walang kulang kung ano ang sinabi niya sa akin. (Mga Bilang 22:18)
'Kahit na ibibigay ni Balak sa akin ang kaniyang palasyo na puno ng pilak at ginto, hindi ako susuway sa mga salita ni Yahweh at anumang bagay na masama o mabuti, o lahat ng bagay na gusto ko sanang gawin. Sasabihin ko lamang kung ano ang gusto ni Yahweh na sabihin ko.' Hindi ko ba nasabi ito sa kanila? (Mga Bilang 24:13)
Perang inialok para sa tangkang paglipol sa lahing Judio
Kung mamarapatin ng hari, magbigay ng utos upang patayin sila, at maglalagay ako ng sampung libong talentong pilak sa kamay ng namamahala sa kalakalan ng hari, upang ilagay nila ito sa kabang-yaman ng hari.” Pagkatapos ay hinubad ng hari ang panselyong singsing sa kanyang kamay at ibinigay ito kay Haman na anak na lalaki ni Hammedatha ng Agageo, ang kaaway ng mga Judio. Sinabi ng hari kay Haman, “Sisiguraduhin kong maibalik ang pera sa iyo at sa iyong lahi. Magagawa mo anuman ang iyong naisin para dito.” (Ester 3:9-11)
Iniulat ni Mordecai sa kanya ang lahat ng nangyari sa kanya, at ang kabuuang halaga ng pilak na pinangako ni Haman para timbangin at ilagay sa pananalapi ng hari upang ipapatay ang mga Judio. (Ester 4:7)
Perang ibinayad upang saktan si Samson
Pagkatapos nito, napaibig si Samson sa isang babae na naninirahan sa lambak ng Sorek. Ang kaniyang pangalan ay Delilah. Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, “Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1, 100 piraso ng pilak” (Mga Hukom 16:4-5)
Nang makita ni Delilah na nagsabi siya ng katotohanan tungkol sa lahat ng bagay, ipinadala at pinatawag niya ang mga pinuno ng mga Palestina, na nagsasabing, “Umakyat kayong muli, dahil sinabi na niya ang lahat ng bagay sa akin.” Pagkatapos umakyat ang mga pinuno ng Palestina sa kaniya, dala-dala ang mga pilak na nasa kanilang mga kamay. (Mga Hukom 16:18)
Perang ibinayad para sa pagpatay
Binigyan nila siya ng pitumpung piraso ng pilak mula sa bahay ni Baal Berit, at ginamit ito ni Abimelec para kumuha ng mga lalaking lumalabag sa batas at walang pag-iingat na asal, na sumunod sa kaniya. (Mga Hukom 9:4)