Kasakiman

Hinahatulan ang kasakiman bilang pagsamba sa diyus-diyosan na humahadlang sa pagmamana sa Kaharian ng Diyos. Nagbababala ang Kasulatan laban sa mapanirang katangian nito, ipinakikita kung paano ito humahantong sa kasamaan at pagsasamantala, at sa huli sa paghatol ng Diyos.

Iniutos na huwag maging sakim

Ang sekswal na imoralidad o ano mang karumihan o mapag-imbot na kaisipan ay hindi dapat nababanggit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga mananampalataya. (Mga Taga-Efeso 5:3)
Sapagkat matitiyak ninyo na walang nakikiapid, marumi, o sakim na tao, na sumasamba sa diyus-diyosan ang magkaroon ng kahit na anong mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios. (Mga Taga-Efeso 5:5)

Ang kasakiman ay pagsamba sa diyus-diyosan

...patayin ninyo ang mga bahagi na nasa mundo—pagnanasa sa laman, karumihan, matinding damdamin, masamang pagnanasa, at kasakiman, na pawang pagsamba sa diyus-diyosan. (Mga Taga-Colosas 3:5)

Mag-ingat laban sa lahat ng uri ng kasakiman

At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.” (Lucas 12:15)

Pigilan ang sarili kung may hilig ka sa kasakiman

Kapag ikaw ay umupo para kumain kasama ang isang pinuno, magmasid ng mabuti kung ano ang nasa harap mo, at maglagay ng isang kutsilyo sa iyong lalamunan kung ikaw ay isang tao na gustong kumain ng maraming mga pagkain. Huwag naisin ang kaniyang napakasarap na pagkain, dahil ito ay pagkain nang kasinungalingan. (Mga Kawikaan 23:1-3)

Kapag si Cristo na ang ating hangarin, hindi na problema ang kasakiman

Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo? Walang sinuman na nasa daigdig ang aking ninanais kundi ikaw. (Mga Awit 73:25)

Halimbawa ng maka-Diyos na taong hindi sakim

Sapagkat hindi kami kailanman gumamit ng mga matatamis na salita, gaya ng alam ninyo, ni ng pagdadahilan sa kasakiman, ang Diyos ang aming saksi. (1 Tesalonica 2:5)

Pinarurusahan ng Panginoon ang kasakiman

Bilang halimbawa sa Kanyang mga anak

Ngayon ang mga bagay na ito ay mga halimbawa para sa atin, upang tayo ay hindi manabik sa mga masasamang bagay na gaya ng kanilang ginawa. (1 Corinto 10:6)

Ang hinangad ng mga sakim

Ilang dayuhan ang nagsimulang magkampo kasama ang mga kaapu-apuhan ng Israel. Gusto nilang kumain ng masasarap na pagkain. Pagkatapos nagsimulang umiyak ang mga tao ng Israel at sinabi, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne na kakainin? Naaalala namin ang isda na kinain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga pakwan, mga dahon ng sibuyas o lasuna, ang mga sibuyas, at bawang. (Mga Bilang 11:4-5)

Halimbawa ng mga taong sakim

Sumugod nang may kasakiman ang mga tao sa pandarambong at kumuha ng mga tupa, mga baka at mga bisiro, at pinatay ang mga ito sa lupa. Kinain ng mga tao ang mga ito kasama ang dugo. (1 Samuel 14:32)

Mga sakim na pinuno

Ang mga aso ay matatakaw; hindi kailanman sila mabubusog; sila ay mga pastol na walang mabuting pasya; silang lahat ay bumaling sa kanilang sariling pamamaraan, bawat isa ay mapag-imbot sa hindi makatarungang pakinabang. (Isaias 56:11)

Ang mga taong sakim ay masasama

Dahil ayaw nilang magkaroon ng Diyos sa kanilang kamalayan, hinayaan niya sila sa mahahalay na pag-iisip, upang gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat. Napuno sila ng pawang kawalan ng katuwiran, kasamaan, kasakiman at kahalayan. Puno sila ng inggit, pagpatay, pag-aawayan, pandaraya at mga masasamang hangarin. (Mga Taga-Roma 1:28-29)
Dahil ipinagyayabang ng masasamang tao ang kaniyang pinakamalalim na mga hangarin; pinagpapala niya ang sakim at iniinsulto si Yahweh. Ang masasamang tao ay nakataas-noo; hindi niya hinahanap ang Diyos. Hindi niya kailanman iniisip ang tungkol sa Diyos dahil siya ay wala talagang pakialam sa kaniya. (Mga Awit 10:3-4)

Huhulihin ng kasakiman ang mga sakim

Ang matuwid na pag-uugali ng mga nakalulugod sa Diyos ang siyang nag-iingat sa kanila, pero ang taksil ay nabitag ng kanilang sariling mga pagnanasa. (Mga Kawikaan 11:6)

Sasamantalahin ng mga huwad na propeta ang katawan ni Cristo dahil sa kasakiman

May mga bulaang propeta na nagpunta sa mga Israelita at may mga bulaang guro ang pupunta sa inyo. Palihim silang magdadala ng mga mapanirang maling pananampalataya at itatatwa nila ang Panginoon na bumili sa kanila. Sila ay nagdadala ng kanilang agarang pagkawasak. Marami ang susunod sa kanilang kahalayan at sa pamamagitan nila malalapastanganan ang daan ng katotohanan. Sa kanilang pagkagahaman ay sasamantalahin nila kayo sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na mga salita. Naghihintay ang kahatulan laban sa kanila; ang kanilang pagkawasak ay darating. (2 Pedro 2:1-3)
May mga mata sila na puno ng mga mapangalunyang babae; hindi sila kailanman nakuntento sa pagkakasala. Inuudyukan nila ang mga mahihinang kaluluwa sa pagkakamali at ang kanilang puso ay sinanay sa pag-iimbot, mga batang isinumpa. Kanilang iniwan ang tamang daan. Naligaw sila at sinunod ang daan ni Balaam na anak ni Beor na nagnais na tumanggap ng kabayaran sa kawalang-katuwiran. (2 Pedro 2:14-15)

May mga taong hindi kailanman masisiyahan

Ang linta ay mayroong dalawang anak na babae, “Magbigay at magbigay,” sigaw nila. May tatlong bagay na hindi kailanman nasisiyahan, apat na hindi kailanman nagsabing, “Tama na”: (Mga Kawikaan 30:15)

Ang mga relihiyoso ay maaaring maging sakim

Kaya pupunta ang aking mga tao sa iyo gaya ng madalas nilang ginagawa, at uupo sa iyong harapan at makikinig sa iyong mga salita, ngunit hindi nila ito susundin. Nasa kanilang mga bibig ang mga mabubuting salita ngunit sa kanilang mga puso, naghahangad sila ng hindi makatarungang pakinabang. (Ezekiel 33:31)

Halimbawa ng Panginoong nagparusa sa mga taong sakim

Pinangalanan ang lugar na iyon na Kibrot-hataava dahil doon nila inilibing ang mga taong nanabik sa karne. (Mga Bilang 11:34)
Hindi pa siya nakakalayo sa kaniyang paglalakbay nang si Gehazi lingkod ni Eliseo na lingkod ng Diyos ay sinabi sa kaniyang sarili, “Kinaawaan ng panginoon ko si Naaman na Aramean sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng mga regalo mula sa kamay niya na kaniyang dinala. Hangga't nabubuhay si Yahweh, hahabulin ko siya at tatanggap ako ng anumang bagay mula sa kaniya.” Kaya sumunod si Gehazi kay Naaman. Nang nakita ni Naaman na may taong sumusunod sa kaniya, bumaba siya mula sa kaniyang karwahe para salubungin siya at sinabing, “Maayos lang ba ang lahat?” Sinabi ni Gehazi, “Maayos naman ang lahat. Pinadala ako ng aking panginoon, sinasabing, 'May lumapit sa akin mula sa bansa sa burol ng Efraim, dalawang lalaki na anak ng mga propeta. Pakiusap bigyan mo sila ng isang talentong pilak at dalawang pamalit na damit.” Tumugon si Naaman, “Masaya akong bigyan ka ng dalawang talento.” Hinimok ni Naaman si Gehazi at nagtali ng dalawang talentong pilak sa dalawang sisidlan, na may dalawang pamalit na damit, at ipinapasan ito sa kaniyang dalawang lingkod na nagdala ng mga sisidlan ng pilak para kay Gehazi. Nang dumating si Gehazi sa burol, kinuha niya ang sisidlan ng pilak mula sa mga kamay nila at tinago ang mga ito sa bahay; pinaalis niya ang mga lingkod at umalis sila. Nang pumasok si Gehazi at humarap sa kaniyang amo, sinabi ni Eliseo, “Saan ka nanggaling, Gehazi?” Tumugon siya, “Diyan-diyan lang nagpunta ang iyong lingkod.” Sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Hindi ba kasama mo ang espiritu ko nang huminto ang karwahe ng lalaking iyon para salubungin ka? Ito ba ang oras para tumanggap ng pera, damit, mga olibong halamanan at mga ubasan, mga tupa, mga baka, at mga lingkod na lalaki at babae? Kaya ang ketong ni Naaman ay papasa-iyo at iyong mga kaapu-apuhan magpakailanaman.” Kaya umalis si Gehazi sa kaniyang harapan, isang ketongin na kasing puti ng bulak. (2 Mga Hari 5:20-27)
Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayundin ang kanilang mga bukirin at mga asawa. Sapagkat lulusubin ko sa pamamagitan ng aking kamay ang mga naninirahan sa lupain. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya. (Jeremias 6:12-13)
Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang. (Jeremias 8:10)