Iniutos na magbayad ng buwis
Samakatuwid dapat kayong sumunod, hindi lang dahil sa matinding poot, ngunit dahil din sa konsensya. Dahil dito nagbabayad din kayo ng mga buwis. Sapagkat ang mga may kapangyarihan ay mga lingkod ng Diyos na patuloy na nangangasiwa nito. Bayaran ninyo ang lahat kung ano man ang inutang ninyo sa kanila: magbuwis sa dapat pagbayaran ng buwis, magbayad ng upa sa kung sinuman ang inuupahan; matakot sa nararapat katakutan; parangalan ang nararapat parangalan. (Mga Taga-Roma 13:5-7)
Sinang-ayunan ni Jesus ang pagbabayad ng buwis
Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?” Subalit nakakaintindi ng kanilang kasamaan si Jesus at nagsabi, “Bakit ninyo ako sinusubok, kayong mga mapagkunwari? Ipakita ninyo sa akin ang pangbuwis na salapi.” Dinala nila ang isang denaryo sa kaniya. At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaninong mukha at pangalan ang narito?” Sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung gayon ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” (Mateo 22:17-21)
Nang makarating sila, sinabi nila sa kaniya, “Guro, alam namin na wala kayong pakialam sa saloobin ninuman at hindi kayo nagpapakita ng pagpanig sa pagitan ng mga tao. Tunay na iyong itinuturo ang daan ng Diyos. Naaayon ba sa kautusan na magbayad ng buwis kay Cesar o hindi? Kailangan ba kaming magbayad o hindi?” Ngunit batid ni Jesus ang kanilang pagkukunwari at sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako sinusubok? Dalhan ninyo ako ng denario upang matingnan ko ito.” Nagdala sila ng isa kay Jesus. Sinabi niya sa kanila, “Kaninong larawan at tatak ito?” Sumagot sila, “Kay Cesar.” Sinabi ni Jesus, “Ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” Namangha sila sa kaniya. (Marcos 12:14-17)
Naayon ba sa batas na magbayad kami ng buwis kay Cesar, o hindi?” Ngunit nalalaman ni Jesus ang kanilang katusuhan, at sinabi niya sa kanila, “Ipakita niyo sa akin ang isang dinario. Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito? At sinabi nila, “Kay Cesar.” Sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” (Lucas 20:22-25)
Mga halimbawa ng buwis na binayaran
Ngayon, nagparami ng tupa si Mesa hari ng Moab. Kailangan niyang magbigay sa hari ng Israel ng 100, 000 kordero at 100, 000 ng balahibo ng tupa. (2 Mga Hari 3:4)
Siningil ni Menahem ang halagang ito mula sa Israel sa pag-uutos sa bawat mayayaman na magbayad ng limampung sekel ng pilak sa kaniya para ibigay sa hari ng Asiria. Kaya ang hari ng Asiria ay umuwi at hindi namalagi roon sa lupain. (2 Mga Hari 15:20)
Ikinadena siya ni Faraon Neco sa Ribla sa lupain ng Hamat, para hindi siya makapaghari sa Jerusalem. Pagkatapos minultahan ni Neco ang Juda ng isang daang talento ng pilak at isang talento ng ginto. Ibinayad ni Johoiakim kay Faraon ang pilak at ginto. Binuwisan niya ang lupain para ibayad ang pera, para sundin ang utos ni Faraon. Pinilit niya ang bawat isang lalaki sa mga mamamayan ng lupain na magbayad ng pilak at ng ginto para ibigay ito kay Faraon Neco. (2 Mga Hari 23:33, 35)
Ipinag-uutos ko sa inyo na dapat ninyong gawin ito para sa mga nakatatandang Judiong nagtatayo ng tahanan ng Diyos: Ang mga pondo mula sa pagkilala sa hari sa ibayo ng Eufrates ay gagamitin para bayaran ang mga lalaking ito na hindi tumitigil sa kanilang paggawa. (Ezra 6:8)
Natatanging gantimpala – hindi kailangang magbayad ng buwis
Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, “Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.” (1 Samuel 17:25)
Walang buwis/tributo na hinihingi sa mga Levita
Ipinababatid namin sa kanila ang tungkol sa iyo hindi upang magpataw ka ng kahit na anong pagkilala o mga buwis sa sinuman sa mga pari, mga levita, mga musikero, mga bantay-pinto, o sa mga taong itinalaga sa paglilingkod sa templo at sa mga tagapaglingkod sa tahanang ito ng Diyos. (Ezra 7:24)
Nagbayad si Jesus ng buwis sa templo upang hindi makatisod
Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga lalaking naningil ng kalahating siklo ng buwis at sinabi, “Nagbabayad ba ng kalahating siklo ng buwis ang iyong guro?” Sinabi niya, “Oo.” Ngunit nang pumunta si Pedro sa bahay, una siyang kinausap ni Jesus at sinabi, “ Ano sa palagay mo, Simon? Ang mga hari sa lupa, kanino sila tumatanggap ng buwis o ng pagpupugay? Mula sa kanilang mga mamamayan o mula sa mga dayuhan?” Nang sinabi ni Pedro, “Sa mga dayuhan,” sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung ganoon hindi kasama ang kanilang mamamayan sa pagbabayad. Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo.” (Mateo 17:24-27)
Mga halimbawa ng tributong binayaran
Naghari si Solomon sa buong kaharian mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto. Nagdala sila ng parangal at naglingkod kay Solomon sa buong buhay niya. (1 Mga Hari 4:21)
Sa ika-labindalawang taon ni Ahaz hari ng Juda, nagsimula ang paghahari ni Hosea anak ni Ela. Siyam na taon niyang pinamunuan ang buong Israel sa Samaria. Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh, gayon man hindi katulad ng mga nakaraang hari ng Israel. Nilusob siya ni Salmaneser hari ng Asiria, at naging lingkod niya si Hosea at nagbigay sa kaniya ng buwis. (2 Mga Hari 17:1-3)
Kaya itinatag ni Yahweh ang pamamahala sa kaniyang kamay, nagbigay ng parangal kay Jehoshafat ang lahat ng Juda. Nagkaroon siya ng napakaraming yaman at karangalan. (2 Mga Cronica 17:5)
Naging labis na makapangyarihan si Jehoshafat. Nagpatayo siya ng mga matibay na tanggulan at imbakang lungsod sa Juda. (2 Mga Cronica 17:12)
Lumaban din siya sa hari ng Ammon at tinalo sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kaniya ng isandaang talento ng pilak ang mga Ammonita, sampung libong sukat ng trigo, sampung libong sukat ng sebada. Patuloy na nagbigay sa kaniya ang mga Ammonita sa ikalawa at ikatlong taon. (2 Mga Cronica 27:5)
Tinanggal siya ng hari ng Ehipto sa Jerusalem at pinagmulta ang lupain ng isang daang talentong pilak at isang daang talentong ginto. (2 Mga Cronica 36:3)
Ang mga makapangyarihang hari ay namuno sa Jerusalem at may kapangyarihan sa lahat ng bagay hanggang sa ibayo ng Ilog. Kinilala at nagbayad sila ng mga buwis sa kanila. (Ezra 4:20)
Banta kapag hindi binayaran ang tributo
Ngayon malaman nawa ng hari na kung ang lungsod na ito ay naitayo at ang pader ay natapos, hindi sila magbibigay ng kahit na anong pagkilala at buwis, subalit pipinsalain nila ang mga hari. (Ezra 4:13)