Ang ating bahagi

Binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng kapamahalaan sa lupa, at ginawa tayong mga katiwalang may pananagutan sa Kanyang mga ari-arian. Ang tapat na pagkakatiwala, pagsunod at pagtitiwala sa Diyos ay nagdudulot ng pagpapala, samantalang ang pagsuway at pag-asa sa sarili ay may kaakibat na bunga.

Binigyan ng Panginoon ang mga tao ng kapamahalaan sa lupa

Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, “Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo.” (Genesis 1:28)
Ginawa mo siyang tagapamahala ng lahat ng ginawa ng iyong mga kamay; niligay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: (Mga Awit 8:6)
Ang kalangitan ay kay Yahweh; pero ang lupa ay kaniyang ibinigay sa sangkatauhan. (Mga Awit 115:16)
Sa halip, may nagpatunay mula sa isang dako at nagsabing, “Ano ba ang tao, na iyong inaalala? O ang anak ng tao, na iyong pinapahalagahan? Ginawa mo ang taong bahagyang mas mababa kaysa sa mga anghel; kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. (Nilagay mo siya sa ilalim ng gawa ng iyong mga kamay.) Inilagay mo ang lahat na mapasailalim sa kaniyang mga paa”. Sapagkat ipinasailalim ng Diyos ang lahat sa sangkatauhan. Wala siyang iniwan na anuman na hindi naipasailalim sa kaniya. Ngunit ngayon, hindi pa natin makita ang lahat na ipinasailalim sa kaniya. (Mga Hebreo 2:6-8)

Talinghaga na naglalarawan ng Panginoong nagbigay sa mga tao ng kapamahalaan sa Kanyang mga ari-arian

Sapagkat ito ay katulad ng isang taong maglalakbay sa ibang bansa. Tinawag niya ang sarili niyang mga utusan at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang kayamanan. (Mateo 25:14)

Ang ating katayuan ay katiwala

Mga halimbawa ng mga katiwala

Sinabi ni Abraham sa kanyang lingkod, ang pinakamatanda sa kanyang sambahayan, ang kaniyang katiwala sa lahat ng pag-aari niya, “Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita (Genesis 24:2)
Nakitaan si Jose ng pabor sa kanyang paningin. Pinaglingkuran niya si Potipar. Ginawa ni Potipar na tagapangasiwa si Jose ng kanyang bahay, at lahat ng nasa kanya, nilagay niya lahat sa ilalim ng kanyang pangangalaga. Dumating ang panahon na ginawa siyang tagapangasiwa ng kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pagmamay-ari, kaya pinagpala ni Yahweh ang buong bahay ng taga-Ehipto dahil kay Jose. Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potipar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid. Inilagay ni Potipar ang lahat ng nasa kanya sa ilalim ng pangangalaga ni Jose. Hindi na niya kailangan mag-isip tungkol sa anumang bagay maliban sa pagkain na kinakain niya. Ngayon si Jose ay matipuno at kaakit-akit. (Genesis 39:4-6)
Dumating ang panahon na pinagnanasaan si Jose ng asawa ng kanyang amo. Sinabi niya, “Sumiping ka sa akin”. Ngunit tinanggihan niya ito at sabay sabi sa asawa ng kanyang amo, “Tingnan mo, ang amo ko ay di-nagbigay pansin sa kung ano ang pinaggagawa ko dito sa bahay, at nilagay niya lahat ng kanyang pag-aari sa ilalim ng aking pangangalaga. Walang mas nakakataas sa pamamahay na ito maliban sa akin. Wala siyang anumang pinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil ikaw ang asawa niya. Paano ko kaya magagawa itong malaking kasamaan at magkakasala laban sa Diyos?” (Genesis 39:7-9)
Sapagkat kung gagawin ko ito ng maluwag sa kalooban, may gantimpala ako. Ngunit kung hindi maluwag sa kalooban, may responsibilidad pa rin ako sa ipinagkatiwala sa akin. (1 Corinto 9:17)

Ang mga katiwala ay may tiyak na mga pananagutan

Kilalanin ang Panginoon bilang may-ari ng mga ari-arian at ipaubaya sa Kanya ang pagmamay-ari

Dapat ipaubaya sa Panginoon ang pagmamay-ari ng mga ari-arian upang maging alagad

Kaya, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman sa inyo na hindi magsusuko ng lahat ng nasa kaniya. (Lucas 14:33)

Ang pag-iwan sa lahat upang sumunod sa Panginoon ay nagdudulot ng pagpapala

Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod saiyo. Ano ang makakamtan namin?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kayo na sumunod sa akin, sa bagong kapanganakan kapagka ang Anak ng Tao ay uupo na sa trono sa kaniyang kaluwalhatian, kayo rin naman ay uupo sa labindalawang mga trono, maghuhukom sa labingdalawang mga tribu ng Israel.” Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan. (Mateo 19:27-29)
Nagsimulang magsalita sa kaniya si Pedro, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.” Sinabi ni Jesus, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman ang nang-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita, ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. (Marcos 10:28-30)
Sinabi ni Pedro, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat ng aming pag-aari at sumunod sa iyo.” Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo, sinasabi ko sa inyo na walang sinumang nag-iwan ng kaniyang bahay, o asawang babae, o mga kapatid na lalaki, o mga magulang, o mga anak, para sa kapakanan ng kaharian ng Diyos, ang hindi makatatanggap ng mas marami sa mundong ito at sa mundong darating, ng buhay na walang hanggan.” (Lucas 18:28-30)

Mga halimbawa ng pag-iwan sa lahat upang sumunod sa Panginoon

Agad silang tinawag ni Jesus at iniwan nila ang kanilang amang si Zebedeo sa bangka kasama ang mga binayarang katulong at sumunod sila sa kaniya. (Marcos 1:20)
Nang madala nila sa dalampasigan ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kaniya. (Lucas 5:11)
Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus ay umalis doon at nakita ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi, na nakaupo sa lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” Kaya't iniwan ni Levi ang lahat, tumayo, at sumunod sa kaniya. (Lucas 5:27-28)

Talinghaga na naglalarawan ng pag-iwan sa lahat upang sumunod sa Panginoon

Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon. Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mga mahahalagang perlas. Nang mahanap niya ang isang perlas na may malaking halaga, umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ito. (Mateo 13:44-46)

Maging tapat

Sa kaugnayan nito, kinakailangang mapagkakatiwalaan ang mga katiwala. (1 Corinto 4:2)

Mga pagpapala ng katapatan

Ang isang tapat na tao ay magkakaroon ng malaking mga biyaya, ngunit ang nagmamadaling yumaman ay tiyak na hindi makaka-iwas sa kaparusahan. (Mga Kawikaan 28:20)
Kaya kailangang maghanda kayo, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan. Kaya sino ang matapat, matalino na utusan na pinagkatiwalaan ng kaniyang amo sa kaniyang sambahayan, upang magbigay ng kanilang pagkain sa tamang panahon? Pinagpala ang utusan na iyon, na maratnan ng kaniyang among gumagawa nito sa kaniyang pagdating. (Mateo 24:44-46)

Pinagpala ng mas malapit na pakikisama sa Panginoon

Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting mga bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.' (Mateo 25:21)

Pinagpala ng mas malaking pananagutan

Dumating ang utusan na nakatanggap ng limang talento at nagdala ng lima pang talento, at sinabi niya, “Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng lima pang talento.' Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting mga bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.' Dumating din ang utusan na nakatanggap ng dalawang talento, at sinabi niya, 'Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng dalawa pang talento.' Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.' (Mateo 25:20-23)
Sinabi ng Panginoon, “Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon? Pinagpala ang lingkod na iyon, na masusumpungan ng kaniyang panginoon na gumagawa niyan sa kaniyang pagdating. Totoong sinasabi ko sa inyo na siya ay gagawing tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian. (Lucas 12:42-44)
Kaya sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong bansa upang tanggapin ang isang kaharian para sa kaniya at pagkatapos ay babalik. Tinawag niya ang sampu sa kaniyang mga lingkod, at binigyan sila ng sampung mina, at sinabi sa kanila, 'Mag-negosyo kayo hanggang ako ay bumalik.' Ngunit kinamuhian siya ng kaniyang mga mamamayan at pinasunod sa kaniya ang isang lupon ng kinatawan, sinasabi, 'Ayaw namin na ang taong ito ang mamuno sa amin.' Nangyari nang siya ay bumalik, natanggap na niya ang kaharian, pinatawag niya ang mga lingkod na binigyan niya ng pera, upang malaman niya kung magkano ang kanilang tinubo sa pagnenegosyo. Ang una ay lumapit sa kaniyang harapan, sinasabi, 'Panginoon, ang iyong mina ay nadagdagan pa ng sampung mina.' Sinabi ng maharlika sa kaniya, 'Magaling, mabuting lingkod. Dahil ikaw ay naging tapat sa kakaunti, ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa sampung lungsod.' Ang pangalawa dumating, sinasabi, 'Ang iyong mina, panginoon, ay nadagdagan pa ng limang mina.' Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Mamamahala ka sa limang lungsod.' At dumating ang isa pa, sinasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina, na maingat kong itinago sa isang tela, sapagkat natatakot ako sa iyo, dahil ikaw ay mabagsik na tao. Kinukuha mo ang hindi mo iniipon, at inaani ang hindi mo inihasik.' Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Huhusgahan kita ayon sa iyong mga salita, ikaw na masamang lingkod. Alam mo na ako ay mabagsik na tao, kinukuha ang hindi ko inilagay, at inaani ang hindi ko inihasik. Kung gayon bakit hindi mo inilagay ang aking pera sa bangko, upang sa pagbalik ko, makuha ko ito nang may kasamang tubo?' Sinabi ng maharlika sa mga nakatayo doon, 'Kunin ninyo ang mina sa kaniya, at ibigay ninyo sa may sampung mina.' Sinabi nila sa kaniya, 'Panginoon, mayroon siyang sampung mina.' 'Sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mayroon ay mabibigyan pa ng mas marami, ngunit sa kaniya na wala, kahit ang mayroon siya ay kukunin sa kaniya. (Lucas 19:12-26)

Isinumpa dahil sa kawalan ng katapatan

Ngunit kung may masamang utusan na magsasabi sa puso niya, 'Naantala ang aking amo,' at nagsimulang mamalo ng kapwa niyang utusan, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasingero, darating ang amo ng bahay na iyon sa araw na hindi inaasahan ng utusan, sa oras na hindi niya alam. Hahatiin siya sa dalawa ng kaniyang amo at gagawin ang kaniyang kapalaran katulad ng sasapitin ng mga mapagkunwari, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin. (Mateo 24:48-51)
Sapagkat ito ay katulad ng isang taong maglalakbay sa ibang bansa. Tinawag niya ang sarili niyang mga utusan at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang kayamanan. Ang isa sa kanila ay binigyan niya ng limang talento, ang isa naman ay binigyan niya ng dalawa at ang isa naman ay binigyan niya ng isang talento. Nakatanggap ang bawat isa ayon sa kaniya-kaniyang kakayahan, at ang taong iyon ay pumunta sa kaniyang paglalakbay. Agad-agad ang nakatanggap ng limang talento ay umalis at ipinuhunan niya ang mga ito at nagkaroon pa siya ng limang talento. Ganoon din ang nakatanggap ng dalawang talento, nagkaroon din ng dalawa pa. Ngunit ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay umalis, naghukay sa lupa at itinago ang pera ng kaniyang amo. Pagkalipas ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga utusan at nakipagsulit sa kanila. Dumating ang utusan na nakatanggap ng limang talento at nagdala ng lima pang talento, at sinabi niya, “Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng lima pang talento.' Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting mga bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.' Dumating din ang utusan na nakatanggap ng dalawang talento, at sinabi niya, 'Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng dalawa pang talento.' Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.' Pagkatapos nito, ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay dumating at nagsabi, 'Panginoon, alam ko na mahigpit kang tao. Gumagapas ka kung saan hindi ka nagtanim, at umaani kung saan hindi ka naghasik. Natakot ako, kaya ako ay umalis at itinago ko ang inyong talento sa lupa. Tingnan mo, nandito ang pagmamay-ari mo.' Ngunit sumagot ang kaniyang amo at sinabi sa kaniya, 'Ikaw na masama at tamad na utusan, alam mo naman na gumagapas ako kung saan hindi ako nagtanim at umaani kung saan hindi ako naghasik. Kaya ibinigay mo sana ang pera ko sa mga tagabangko, upang sa aking pagdating natanggap ko na may tubo ang aking pera. Kaya kunin ninyo ang talento sa kaniya at ibigay ninyo doon sa mayroong sampung talento. Sapagkat kung sinuman ang mayroon, mas marami pa ang ibibigay — mas masagana pa. Subalit kung sino ang walang pagmamay-ari, kahit ang nasa sa kaniya ay kukunin pa. Itapon ang walang silbing utusan sa kadiliman sa labas, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin. (Mateo 25:14-30)
Ngunit kung sinasabi ng lingkod na iyon sa kaniyang puso, “Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon,' at sinimulan niyang bugbugin ang mga lalaki at babaeng lingkod, at kakain at iinom, at malalasing, ang panginoon ng lingkod na iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya ay pagpipira-pirasuhin at magtatalaga siya ng lugar para sa kaniya kasama ang mga hindi tapat. Ang lingkod na iyon, na alam ang kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naging handa o ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, ay mabubugbog nang madami. (Lucas 12:45-47)
Kaya sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong bansa upang tanggapin ang isang kaharian para sa kaniya at pagkatapos ay babalik. Tinawag niya ang sampu sa kaniyang mga lingkod, at binigyan sila ng sampung mina, at sinabi sa kanila, 'Mag-negosyo kayo hanggang ako ay bumalik.' Ngunit kinamuhian siya ng kaniyang mga mamamayan at pinasunod sa kaniya ang isang lupon ng kinatawan, sinasabi, 'Ayaw namin na ang taong ito ang mamuno sa amin.' Nangyari nang siya ay bumalik, natanggap na niya ang kaharian, pinatawag niya ang mga lingkod na binigyan niya ng pera, upang malaman niya kung magkano ang kanilang tinubo sa pagnenegosyo. Ang una ay lumapit sa kaniyang harapan, sinasabi, 'Panginoon, ang iyong mina ay nadagdagan pa ng sampung mina.' Sinabi ng maharlika sa kaniya, 'Magaling, mabuting lingkod. Dahil ikaw ay naging tapat sa kakaunti, ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa sampung lungsod.' Ang pangalawa dumating, sinasabi, 'Ang iyong mina, panginoon, ay nadagdagan pa ng limang mina.' Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Mamamahala ka sa limang lungsod.' At dumating ang isa pa, sinasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina, na maingat kong itinago sa isang tela, sapagkat natatakot ako sa iyo, dahil ikaw ay mabagsik na tao. Kinukuha mo ang hindi mo iniipon, at inaani ang hindi mo inihasik.' Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Huhusgahan kita ayon sa iyong mga salita, ikaw na masamang lingkod. Alam mo na ako ay mabagsik na tao, kinukuha ang hindi ko inilagay, at inaani ang hindi ko inihasik. Kung gayon bakit hindi mo inilagay ang aking pera sa bangko, upang sa pagbalik ko, makuha ko ito nang may kasamang tubo?' Sinabi ng maharlika sa mga nakatayo doon, 'Kunin ninyo ang mina sa kaniya, at ibigay ninyo sa may sampung mina.' Sinabi nila sa kaniya, 'Panginoon, mayroon siyang sampung mina.' 'Sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mayroon ay mabibigyan pa ng mas marami, ngunit sa kaniya na wala, kahit ang mayroon siya ay kukunin sa kaniya. (Lucas 19:12-26)

Halimbawa ng di-tapat na katiwala

Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad, “May isang mayamang lalaki na may tagapamahala, at isinumbong sa kaniya na nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari. Kaya pinatawag siya ng mayamang lalaki at sinabi sa kaniya, 'Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magbigay-ulat ka ng iyong pamamahala, dahil ka na maaaring maging tagapamahala.' Sinabi ng tagapamahala sa kaniyang sarili, 'Anong gagawin ko, dahil aalisin sa akin ng amo ko ang pagiging tagapamahala? Wala akong lakas na magbungkal, at nahihiya akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin, para kapag natanggal ako sa pagiging tagapamahala, malugod akong tatanggapin ng mga tao sa kanilang mga bahay.' At tinawag ng tagapamahala ang mga tao na may utang sa kaniyang amo, at tinanong niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa amo ko?' Sinabi niya, 'Isang daang takal na langis ng olibo'. At sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan, umupo kang madali at isulat mong limampu.' At sinabi ng tagapamahala sa isa pa, 'Magkano ang utang mo?' Sumagot siya, 'Isang daang takal ng trigo.' Sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan at isulat mong walumpu.' At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. (Lucas 16:1-8)

Maging masunurin/hanapin ang Panginoon

Mga pagpapala ng pagsunod/paghahanap sa Panginoon

Kung pakikinggan ninyo mga kautusang ito at susundin at gawin ang mga ito, pananatilihin ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang tipan sa inyo at ang katapatan na ipinangako niya sa inyong mga ama. Mamahalin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo; pagpapalain niya rin ang bunga ng inyong mga katawan at bunga ng inyong lupain, inyong butil, inyong bagong alak, at ang inyong langis, ang pagpaparami ng inyong mga baka at ang inyong mga batang kawan, sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ama na ibibigay niya sa inyo. (Deuteronomio 7:12-13)
Ganoon pa man, wala dapat sa inyo ang mahirap (sapagkat tiyak na pagpapalain kayo ni Yahweh sa lupain na ibibigay niya sa inyo bilang isang pamana para angkinin), kung masigasig lamang kayong makinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng mga kautusan na ito na aking sinasabi sa inyo sa araw na ito. Pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos, ayon sa ipinangako niya sa inyo; magpapautang kayo sa maraming mga bansa, pero hindi kayo hihiram; mamumuno kayo sa maraming mga bansa, pero hindi nila kayo pamumunuan. (Deuteronomio 15:4-6)
Kung makikinig kayo ng mabuti sa boses ni Yahweh na inyong Diyos para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinasabi ko ngayon sa inyo, Itataas kayo ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng ibang mga bansa sa mundo. Lahat ng mga biyayang ito ay dadating sa inyo at aabutan kayo, kung makinig kayo sa boses ni Yahweh na inyong Diyos. Pagpapalain kayong nasa lungsod at pagpapalain kayong nasa kabukiran. Pagpapalain ang bunga ng inyong katawan, at ang bunga ng inyong lupa, at ang bunga ng inyong mga hayop, ang pagdami ng inyong mga baka, at ang mga guya ng inyong kawan. Pagpapalain ang inyong buslo at ang inyong labangan ng pagmamasa. Pagpapalain kayo kapag kayo ay pumasok, at pagpapalain kayo kapag kayo ay lumabas. Dudulutin ni Yahweh sa ang inyong mga kaaway na kumakalaban sa inyo na mapabagsak sa inyong harapan; lalabas sila laban sa inyo sa isang daanan, pero tatakasan kayo sa pitong mga daanan. Uutusan ni Yahweh ang biyaya na pumunta sa inyo sa inyong mga kamalig at sa lahat ng madapuan ng inyong mga kamay; bibiyayaan niya kayo sa lupain na ibibigay niya sa inyo. Itatatag kayo ni Yahweh bilang mga tao na nakalaan para sa kaniya, gaya ng ipinangako niya sa inyo, kung susundin ninyo ang mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos, at lalakad sa kaniyang mga pamamaraan. Lahat ng mga tao sa mundo ay makikitang kayo ay tinawag sa pangalan ni Yahweh, at matatakot sila sa inyo. Gagawin kayo ni Yahweh na maging labis na masagana sa bunga ng inyong katawan, sa bunga ng inyong baka, sa bunga ng inyong lupa, sa lupain na kaniyang ipinangako sa inyong mga ama na ibibigay sa inyo. Bubuksan ni Yahweh para sa inyo ang kaniyang bahay-imbakan ng kalangitan para magbigay ng ulan para sa inyong lupain sa tamang panahon, at pagpapalain lahat ng gawa ng inyong kamay; magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi kayo manghihiram. Gagawin kayo ni Yahweh na ulo at hindi buntot, magiging nasa itaas lamang kayo at kailanman hindi mapapasailalim, kung makikinig kayo sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na sinasabi ko sa inyo ngayon, para gunitain at gawin ang mga ito, at kung hindi kayo tataliwas palayo mula sa kahit na anong mga salita na sinasabi ko sa inyo ngayon, sa kanan o kaliwa, para sumunod sa ibang mga diyos para paglingkuran sila. (Deuteronomio 28:1-14)
Kaya sundin ang mga salita ng tipang ito at gawin, para kayo ay sumagana sa lahat ng bagay na inyong gagawin. (Deuteronomio 29:9)
Si Yahweh na inyong Diyos ay gagawing masagana ang lahat ng ginawa ng inyong kamay sa bunga ng inyong katawan, sa bunga ng inyong mga baka, at sa bunga ng inyong mga pananim, para sa kasaganahan, para kay Yahweh muling masisiyahan ulit siya sa inyo sa kasaganahan, gaya ng pagkalugod niya sa inyong mga ninuno. Gagawin niya ito kung susundin ninyo ang salita ni Yahweh na inyong Diyos, para panatilihin ang kaniyang mga kautusan at mga batas na nasusulat sa aklat ng kautusan, kung babalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa. (Deuteronomio 30:9-10)
Tingnan ninyo, inilagay ko sa araw na ito sa inyong harapan ang buhay at kabutihan, kamatayan at kasamaan. Kung susundin ninyo ang mga panuntunan ni Yahweh na inyong Diyos, na sinasabi ko sa inyo sa araw na ito na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para mamuhay ng naaayon sa kaniyang paraan, at sundin ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang mga batas at kaniyang mga ordenansa, mabubuhay kayo at paparamihin, at pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lupain na inyong pupuntahan para angkinin. (Deuteronomio 30:15-16)
Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay. (Joshua 1:8)
Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta, (1 Mga Hari 2:3)
Tanging si Yahweh nawa ang magbigay sa iyo ng kaalaman at pang-unawa upang masunod mo ang batas ni Yahweh na iyong Diyos, kapag inilagay ka niyang tagapamahala sa buong Israel. At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob. (1 Mga Cronica 22:12-13)
Kaya ngayon, sa harap ng buong Israel, at ng kapulungang ito para kay Yahweh at sa harapan ng ating Diyos, kailangan na ingatan at sikapin ninyong isagawa ang lahat ng kautusan ni Yahweh na inyong Diyos. Gawin ninyo ito upang makamtan ninyo ang mabuting lupaing ito at maipamana magpakailanman sa inyong mga anak na susunod sa inyo. (1 Mga Cronica 28:8)
Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso. (Mga Awit 37:4)
Mapalad ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh, siyang lumalakad sa kaniyang kaparaanan. Kung ano ang ibinigay ng iyong mga kamay, ikaw ay masisiyahan; ikaw ay pagpapalain at mananagana. (Mga Awit 128:1-2)

Mga halimbawa ng pagsunod at pagpapala

Dahil nanindigan siya kay Yahweh. Hindi siya tumigil sa pag-sunod sa kaniya pero iningatan niya ang lahat ng kaniyang mga kautusan, na inutos ni Yahweh kay Moises. Kaya sinamahan ni Yahweh si Hezekias, at saanman siya pumunta siya ay sumagana. Naghimagsik siya laban sa hari ng Asiria at hindi siya pinaglingkuran. (2 Mga Hari 18:6-7)
Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, “Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako.” Kaya nagtayo sila at nagtagumpay. (2 Mga Cronica 14:7)
Inilaan niya ang kaniyang sarili upang hanapin ang Diyos sa mga araw ni Zacarias, na siyang nagbigay sa kaniya ng mga tagubilin para sa pagsunod sa Diyos. Habang hinahanap niya si Yahweh, pinagpala siya ng Diyos. (2 Mga Cronica 26:5)
Ginawa ni Ezequias ang mga ito sa buong Juda. Ginawa niya kung ano ang mabuti, tama, at tapat sa harapan ni Yahweh na kaniyang Diyos. Sa bawat proyekto na kaniyang sinimulan sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos, sa batas, at sa mga kautusan, upang hanapin ang kaniyang Diyos, ginawa niya ito nang buong puso, at nagtagumpay siya. (2 Mga Cronica 31:20-21)
Lalapastanganin ninyo ang inyong mga inukit na imahe na nababalutan ng pilak at ang inyong mga pigurang hinulma sa ginto. Itatapon ninyo ang mga iyon tulad ng isang pasador. Sasabihin ninyo sa kanila, “Umalis kayo dito.” Ibibigay niya ang ulan para sa inyong binhi kapag maghahasik kayo sa lupa, at tinapay na masagana mula sa lupa. At magiging masagana ang mga pananim. Sa araw na iyon, ang inyong mga baka ay manginginain ng damo sa mga malawak na mga pastulan. (Isaias 30:22-23)

Sumpa ng pagsuway/hindi paghahanap sa Panginoon

Pero kung hindi kayo makikinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at kaniyang mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon, darating ang mga sumpang ito sa inyo at matatabunan kayo. Isusumpa kayong mga nasa lungsod, at isusumpa kayong mga nasa kabukiran. Isusumpa ang inyong mga buslo at ang inyong labangan ng pagmamasa. Isusumpa ang bunga ng inyong katawan, ang bunga ng inyong lupa, ang paglago ng inyong mga baka, at anak ng inyong kawan. Ang ani ng inyong lupain at lahat ng inyong mga pinaghirapan—isang bansa na hindi ninyo kilala ang kakain nito; lagi kayong aapihin at dudurugin, (Deuteronomio 28:15-18, 33)
Dadating sa inyo lahat ng mga sumpang ito at hahabulin at sasakupin kayo hanggang sa kayo ay mawasak. Mangyayari ito dahil hindi kayo nakinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, kahit sundin ang kainyang mga kautusan at mga batas na sinasabi ko niya sa inyo. Mapapasainyo ang mga sumpang ito bilang mga tanda at kababalaghan, at sa inyong mga kaapu-apuhan magpakailanman. Dahil hindi ninyo sinamba si Yahweh na inyong Diyos ng may kasiyahan at kagalakan ng puso nang kayo ay nasa kasaganahan, kaya magsisilbi kayo sa mga kalaban na ipinadala ni Yahweh laban sa inyo; pagsisislbihan ninyo sila sa gutom, sa uhaw, sa pagkahubad, at sa kahirapan. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa inyong mga leeg hanggang sa mawasak niya kayo. Kagaya ng pagkagalak noong una ni Yahweh sa inyo sa paggawa ninyo ng mabuti, at sa pagpaparami sa inyo, kaya siya din ay magagalak na kayo ay mapuksa at mawasak. Bubunutin kayo paalis sa lupain na inyong papasukin para angkinin. (Deuteronomio 28:45-48, 63)
Tingnan ninyo, inilagay ko sa araw na ito sa inyong harapan ang buhay at kabutihan, kamatayan at kasamaan. Kung susundin ninyo ang mga panuntunan ni Yahweh na inyong Diyos, na sinasabi ko sa inyo sa araw na ito na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para mamuhay ng naaayon sa kaniyang paraan, at sundin ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang mga batas at kaniyang mga ordenansa, mabubuhay kayo at paparamihin, at pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lupain na inyong pupuntahan para angkinin. Pero kung ang inyong puso ay tumalikod at hindi kayo nakinig sa halip ay lumayo at nagpatirapa pababa sa ibang mga diyus-diyosan at sasambahin sila, kung gayon, sasabihin ko sa inyo sa araw na ito siguradong mamamatay kayo, hindi tatagal ang inyong buhay sa lupain na inyong dadaanan sa kabila ng Jordan para puntahan at angkinin. (Deuteronomio 30:15-18)
Parusahan mo ang sinumang hindi buo ang pagsunod sa batas ng Diyos o sa batas ng hari, maging sa pamamagitan ng kamatayan, pagpapalayas, pagsamsam ng kanilang mga kalakal, o pagkakabilanggo.” (Ezra 7:26)

Halimbawa ng pagsuway at sumpa

...humiwalay sila kay Yahweh at sumamba kay Baal at sa mga Ashtoret. Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway. (Mga Hukom 2:13-14)
Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda, sa halip ay lumakad ka sa kaparaanan ng mga hari ng Israel, at nagdulot sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem upang kumilos na gaya ng nagbebenta ng aliw, na tulad ng ginawa ng tahanan ni Ahab, at dahil pinatay mo rin gamit ng tabak ang iyong mga lalaking kapatid sa pamilya ng iyong ama, ang mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyong sarili, tingnan mo, ipapadanas ni Yahweh ang matinding salot sa iyong mga tao, mga anak, mga asawa at ang lahat ng iyong mga kayamanan. Inudyukan ni Yahweh ang mga espiritu ng mga Filisteo at ng mga Arabo na malapit sa Etiopia upang labanan si Jehoram. Sinalakay nila ang Juda, nilusob ito at kinuha ang lahat ng kayamanan na natagpuan sa sambahayan ng hari. Kinuha rin nila ang kaniyang mga anak na lalaki at ang kaniyang mga asawa. Walang naiwan na lalaking anak sa kaniya maliban kay Ahazias, ang kaniyang bunsong anak. (2 Mga Cronica 21:12-14, 16, 17)
Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'” (2 Mga Cronica 24:20)
Ikaw ay makatuwiran sa lahat ng bagay na dumating sa amin, dahil matapat mo kaming pinakitunguhan, at kami ay kumilos nang may kasamaan. Ang aming mga hari, mga prinsepe, mga pari, at mga ninuno ay hindi pinanatili ang iyong batas, ni binigyang pansin ang iyong mga kautusan o ang mga utos mo sa tipan na babala sa kanila. Kahit na sa kanilang sariling kaharian, habang sila ay nagsasaya sa iyong dakilang kabutihan sa kanila, sa malaki at masaganang lupain na hinanda mo sa kanila, hindi sila naglingkod sa iyo o lumayo mula sa kanilang masasamang gawi. Ngayon sa lupain na binigay mo sa aming mga ninuno para masiyahan sa mga prutas at mabubuting kaloob, kami ay mga alipin, tingnan mo, kami ay mga alipin! (Nehemias 9:33-36)
Sapagkat naging hangal ang mga pastol. Hindi nila hinanap si Yahweh kaya hindi sila nagtagumpay at nagsikalat ang lahat ng kanilang kawan. (Jeremias 10:21)
Kinuha mo ang mga magagandang alahas na ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo, at gumawa ka ng mga anyong lalaki para sa iyong sarili, at gumawa kang kasama nila ng mga gawaing katulad ng ginagawa ng babaeng bayaran. Kinuha mo ang iyong mga naburdahang kasuotan at ibinalot mo sa kanila, at inilagay mo sa kanila ang aking mga langis at mga pabango. At ang aking mga tinapay na gawa sa mga pinong harina, langis at pulot-pukyutan na ibinigay ko sa iyo— mga ipinakain ko sa iyo! — inilagay mo sa harapan nila upang magdulot ng matamis na amoy. Tunay nga itong nangyari! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Ibibigay kita sa kanilang mga kamay upang kanilang pabagsakin ang iyong mga altar at wasakin ang iyong mga dambana, pagkatapos ay huhubarin nila ang iyong damit at kukunin ang lahat ng iyong alahas, at iiwanan ka nilang hubo't hubad. (Ezekiel 16:17-19, 39)
“Ito ba ay ang oras para kayo ay manirahan sa inyong mga sariling tahanan, samantalang ang tahanang ito ay napabayaang wasak?” Kaya ngayon ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Isaalang-alang ang inyong mga pamamaraan! Naghasik kayo ng napakaraming binhi, ngunit kakaunti ang inyong aanihin; kumain kayo ngunit hindi nabubusog; uminom kayo ngunit nanatiling uhaw. Nagsuot kayo ng mga damit ngunit hindi kayo naiinitan, at ang mga manggagawa ay kumikita lamang ng pera para ilagay ito sa isang sisidlan na puno ng mga butas!' Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Isaalang-alang ninyo ang inyong mga kapamaraanan! Umakyat kayo sa bundok, kumuha ng kahoy, at itayo ninyo ang aking tahanan; at kalulugdan ko ito, at ako ay luluwalhatiin!' sabi ni Yahweh. 'Naghanap kayo ng marami, ngunit masdan ninyo! kaunti ang inyong naiuwi sa tahanan, sapagkat hinipan ko ito! Bakit?' -ito ang pahayag ng Yahweh ng mga hukbo! 'Dahil napabayaang wasak ang aking tahanan, samantlang pinapaganda ng lahat ng tao ang kanilang sariling tahanan.' Dahil dito, ipinagkait ng kalangitan ang hamog sa inyo at ipinagkakait ng lupa ang ani nito. Ipinaranas ko ang tagtuyot sa lupain at sa mga kabundukan, sa trigo at sa bagong alak, sa langis at sa mga inaani sa lupa, sa mga tao at sa mga mababangis na hayop, at sa lahat ng pinaghirapan ng inyong mga kamay!”' (Hagai 1:4-11)
Kaya ngayon, isipin ninyo mula sa araw na ito at sa mga susunod pa, bago maipatong ang alinmang bato sa isa pang bato sa templo ni Yahweh, sa tuwing pupunta ang sinuman sa kamalig para kumuha ng dalawampung sukat ng butil, sampu lamang ang mayroon, at sa tuwing pupunta ang sinuman sa pagawaan ng alak upang kumuha ng limampung sukat ng alak, dalawampu lamang ang mayroon. Pinahirapan ko kayo at ang lahat ng gawa ng inyong mga kamay sa pamamagitan ng pagkabulok at pagkaaamag, ngunit hindi pa rin kayo bumalik sa akin'-ito ang pahayag ni Yahweh. (Hagai 2:15-17)

Magtiwala sa Panginoon, hindi sa ating sarili o sa ari-arian

Mga pagpapala/kasaganaan para sa mga nagtitiwala sa Panginoon

Purihin si Yahweh. Mapalad ang tao na sumusunod kay Yahweh, na siyang labis na nagagalak sa kaniyang mga kautusan. Kasaganaan at kayamanan ay nasa kaniyang tahanan; ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman. (Mga Awit 112:1, 3)
Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot kay Yahweh ay kayamanan, karangalan at buhay. (Mga Kawikaan 22:4)
Ang taong sakim ay lumilikha nang away, ngunit ang isa na nagtitiwala kay Yahweh ay magtatagumpay. (Mga Kawikaan 28:25)

Mga bunga ng pagtitiwala sa ating sarili o sa ating ari-arian

Sila na nagtitiwala sa kanilang kayamanan ay babagsak, pero tulad ng dahon, sila na gumagawa ng tama ay lalago. (Mga Kawikaan 11:28)
Sinasabi ni Yahweh, “Sumpain ang mga tao na nagtitiwala sa kapwa tao; ang kaniyang kalakasan ay sa laman ngunit itinalikod niya ang kaniyang puso palayo kay Yahweh. Sapagkat siya ay tulad ng maliit na halaman sa Araba at hindi makikita ang anumang kabutihang darating. Siya ay nananatili sa mabatong lugar sa ilang, tigang na lupain na walang nananahan. (Jeremias 17:5-6)
Nang dahil sa tiwala ninyo sa inyong mga kaugalian at kayamanan, kayo ay masasakop. At si Quemos ay ilalayo at bibihagin kasama ng kaniyang mga pari at mga pinuno. (Jeremias 48:7)
Bakit ninyo ipinagmamalaki ang inyong lakas? Ang inyong lakas ay lilipas, mga anak na babaeng walang pananampalataya, kayo na nagtitiwala sa inyong kayamanan. Sinasabi ninyo, 'Sinong lalaban sa akin?' Tingnan ninyo, padadalhan ko kayo ng matinding takot—ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo—magmumula ang matinding takot na ito sa lahat ng pumapalibot sa inyo. Ang bawa't isa sa inyo ay kakalat sa harapan nito. Walang magtitipon sa mga tumatakbo palayo. (Jeremias 49:4-5)

Pananagutan natin ang ating pagkakatiwala

Sapagkat ito ay katulad ng isang taong maglalakbay sa ibang bansa. Tinawag niya ang sarili niyang mga utusan at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang kayamanan. Pagkalipas ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga utusan at nakipagsulit sa kanila. (Mateo 25:14, 19)
Kaya pinatawag siya ng mayamang lalaki at sinabi sa kaniya, 'Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magbigay-ulat ka ng iyong pamamahala, dahil ka na maaaring maging tagapamahala.' (Lucas 16:2)
Kaya gawin natin itong layunin, kung tayo man ay nasa ating katawang lupa dito sa mundo o sa langit man, upang malugod siya. Sapagkat tayo ay haharap sa hukuman ni Cristo, upang ang bawat isa ay makatanggap ng nararapat sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa katawan, maging sa mabuti man o masama. (2 Corinto 5:9-10)
Pagkatapos nakita ko ang dakilang puting trono at ang siyang nakaupo roon. Ang lupa at ang langit ay lumayo mula sa kaniyang presensya, pero wala na silang lugar na mapupuntahan. Nakita ang mga patay — ang magigiting at ang hindi mahahalaga — nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga aklat. Pagkatapos isa pang aklat ang binuksan — Ang aklat ng Buhay. Ang patay ay hinatulan sa pamamagitan ng itinala sa mga aklat, ang kinalabasan ng kanilang ginawa. (Pahayag 20:11-12)