Negosyo
Ang mga karwahe ay binili sa labas ng Ehipto sa halagang animnaraang siklo ng pilak bawat isa, at mga kabayo ng 150 siklo bawat isa. Pagkatapos karamihan sa mga ito ay ipinagbili sa lahat ng mga hari ng mga Heteo at Arameo. (1 Mga Hari 10:29)
'“Masama! Masama!” sabi ng mga bumibili, pero kapag umalis siya, siya ay nagmamayabang. (Mga Kawikaan 20:14)
Makinig, kayo na mga nagsasabing, “Ngayon o bukas ay pupunta tayo sa ganitong bayan, at titigil ng isang taon doon, at mangangalakal, at kikita.” Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas, at ano nga ba ang inyong buhay? Dahil katulad kayo ng hamog na sandaling lumilitaw at biglang nawawala. Sa halip ganito dapat ang sabihin ninyo, “Kung ito ang kalooban ng Panginoon, at nabubuhay pa kami gagawin namin ito o iyan.” (Santiago 4:13-15)
Mga pinansiyal na bunga ng pangangalunya
...ang mga taong hindi kilala ay hindi magdiriwang sa inyong kayamanan; ang inyong pinaghirapan ay hindi mapupunta sa bahay ng mga taong hindi kilala. (Mga Kawikaan 5:10)
...wala siyang tatanggaping kabayaran, at hindi siya mabibili, kahit maghandog ka ng maraming regalo sa kaniya. (Mga Kawikaan 6:35)
Sinuman ang nagmamamahal sa karunungan ay nagagawa ang kaniyang ama na magdiwang, ngunit ang isang nananatiling kasama ang mga masasamang tao ay sinisira ang kaniyang kayamanan. (Mga Kawikaan 29:3)
Puso ng tao
Huwag kakainin ang pagkain ng isang masamang tao- isang tao na nakatingin nang napakatagal sa iyong pagkain- at huwag naisin ang kaniyang masarap na mga pagkain, sapagkat siya ang uri ng tao na inaalam ang halaga ng pagkain. “Kumain at uminom!” sabi niya sa iyo, pero ang kaniyang puso ay wala sa iyo. Iyong isusuka ang kakaunting kinain mo, at sasayangin mo ang iyong mga mabubuting sasabihin. (Mga Kawikaan 23:6-8)
Kaya pupunta ang aking mga tao sa iyo gaya ng madalas nilang ginagawa, at uupo sa iyong harapan at makikinig sa iyong mga salita, ngunit hindi nila ito susundin. Nasa kanilang mga bibig ang mga mabubuting salita ngunit sa kanilang mga puso, naghahangad sila ng hindi makatarungang pakinabang. (Ezekiel 33:31)
Ngunit kung mayroon kayong mapait na paninibugho at makasariling hangarin sa inyong puso, huwag kayong magmayabang at magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang nagmumula sa itaas, sa halip ay makamundo, hindi espiritwal, mula sa diyablo. Sapagkat kung saan may paninibugho at makasariling hangaring umiiral, may pagkalito at masasamang pag-uugali. (Santiago 3:14-16)
Hinahangad ninyo kung anong wala kayo. Pumatay kayo at hinabol ninyo kung anong hindi mapapasainyo. Nakipag-away kayo at nakipagtalo, subalit hindi ninyo nakuha dahil hindi kayo humingi sa Diyos. Humingi kayo at hindi ninyo natanggap dahil humihingi kayo ng mga masasamang bagay, upang gamitin ninyo sa inyong mga masasamang hangarin. (Santiago 4:2-3)
Sa kanilang pagkagahaman ay sasamantalahin nila kayo sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na mga salita. Naghihintay ang kahatulan laban sa kanila; ang kanilang pagkawasak ay darating. (2 Pedro 2:3)
Kautusan ng Lumang Tipan tungkol sa pag-aasawa
Pero kung hindi ka nalugod sa kaniya, hayaan ninyo nalang siyang pumunta kung saan niya hilingin. Pero hindi ninyo siya dapat na ipagbili para lamang sa pera, at huwag ninyo siyang ituring na parang isang alipin, dahil ipinahiya ninyo siya. (Deuteronomio 21:14)
May mga taong walang pakialam sa pera
Tingnan ninyo, pupukawin ko ang Medes para lusubin sila, na hindi iisipin ang tungkol sa pilak, ni hindi matutuwa sa ginto. (Isaias 13:17)
Sumagot ang mga lahi ni Gibeon sa kaniya, “Hindi ito tungkol sa pilak o ginto sa pagitan namin at kay Saul o sa kaniyang pamilya. At hindi para ilagay namin ang sinumang tao sa kamatayan sa Israel.” Sumagot si David, “Anuman ang hilingin ninyo, iyon ang gagawin ko para sa inyo.” (2 Samuel 21:4)
Iba-iba
Sinabi ni Boaz, “Aking anak, pagpalain ka nawa ni Yahweh. Nagpakita ka ng higit na kabaitan sa huli kaysa sa simula, dahil hindi ka humabol alinman sa mga binata, maging mahirap man o mayaman. (Ruth 3:10)
Sinusumpa ng mga tao ang taong ayaw magbenta ng butil, pero ang mabuting mga kaloob ay kumu-korona sa ulo ng nagbebenta nito. (Mga Kawikaan 11:26)
Mas mabuti na magkaroon ng mababang katayuan—ang maging isang lingkod lamang, kaysa ang magmalaki patungkol sa iyong katayuan ngunit walang namang makain. (Mga Kawikaan 12:9)
Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa. (Mga Kawikaan 23:23)
Sinadya nilang gumawa ng libingan para sa kanya kasama ang mga pumapatay, kasama ang isang mayaman sa kanyang kamatayan, kahit na hindi siya nakagawa ng anumang karahasan, ni nagkaroon ng anumang pandaraya sa kanyang bibig. (Isaias 53:9)
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.” (Mateo 13:52)
Ngayon, mayroong isang babae na walang tigil na dinudugo sa loob ng labing dalawang taon. Dumanas siya ng maraming hirap sa ilalim ng mga manggagamot at naubos na niya ang lahat ng mayroon siya. Ngunit walang nakatulong sa kaniya, sa halip ay lalo pang lumala. (Marcos 5:25-26)
Sumagot ang punong kapitan, “Dahil lamang sa malaking halaga ng salapi kaya ako naging isang mamamayan.”Ngunit sinabi ni Pablo, “Ipinanganak ako na isang mamamayang Roma.” (Mga Gawa 22:28)
Huwag pagmultahin ang matuwid
At saka, hindi kailanman mabuting parusahan ang sinumang gumagawa ng tama; ni hindi mabuting paluin ang mga taong marangal na taglay ang katapatan. (Mga Kawikaan 17:26)
Mga paghatol ng Panginoon
Sa panahong iyon, sa lugar kung saan ang isang libong puno ng ubas ay nagkakahalaga sana ng isang libong salaping pilak, magiging dawagan at puro tinik lang ito. (Isaias 7:23)
“Lahat ng kaniyang mga tinubo at mga kinita ay ilalaan kay Yahweh. Hindi maiimbak ang mga ito o maitatabi. Ang mga nananahan sa presensya ni Yahweh— ang kaniyang paninda ay magiging pagkain sa kanila at para magkaroon ng pangmatagalang kasuotan. (Isaias 23:18)
Uunlad ang Mesiyas
Masdan, ang aking lingkod ay makikipagkasundo ng may karunungan at katagumpayan: siya ay itataas at dadakilain; siya ay magiging kapuri-puri. (Isaias 52:13)
Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya. (Isaias 53:10)
Hindi mabibili ang ugnayan sa Panginoon
Lumapit kayo, ang bawat isang nauuhaw, magsiparito kayo sa tubig! At kayo na walang salapi, bumili kayo at kumain! Halikayo, bumili kayo ng alak at gatas na walang pera at walang bayad. Bakit ninyo tinitimbang ang pilak na hindi naman tinapay? At gumagawa ng hindi naman nakasisiya? Makinig mabuti sa akin at kainin kung ano ang mabuti, at malugod kayo sa taba. (Isaias 55:1-2)
Ang kawalan ng katapatan ay itinumbas sa pagpapatutot
Binabayaran ng mga tao ang bawat babaeng bayaran, ngunit ibinibigay mo ang iyong mga kinita sa iyong mga mangingibig at sinusuhulan mo sila upang pumunta sa iyo mula sa lahat ng dako para sa iyong mga mahahalay na gawain. Kaya mayroon kang kaibahan sa ibang mga babaeng iyon, yamang walang tumatawag sa iyo upang makisiping sa kanila. Sa halip, binabayaran mo sila! Walang nagbabayad sa iyo. (Ezekiel 16:33-34)
Mga kautusan tungkol sa mga saserdote at sa lupain
Hindi nila ito dapat ibenta o ipagpalit, wala sa unang mga bunga ng lupain ng Israel ang dapat maihiwalay mula sa mga sukat nito, sapagkat lahat ng ito ay banal kay Yahweh. (Ezekiel 48:14)
Mababa ang pagpapahalaga ng mga di-maka-Diyos sa Panginoon
Sinabi ko sa kanila na “Kung sa palagay ninyong makakabuti sa inyo, bayaran ninyo ang aking sahod. Ngunit kung hindi, huwag ninyong gawin ito.”Kaya tinimbang nila ang aking sahod, tatlumpung piraso ng pilak. Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, “ilagay mo ang pilak sa kabang-yaman, ang pinakamahusay na halaga na halagang ibinigay nila sa iyo!” Kaya kinuha ko ang tatlumpung piraso ng pilak at inilagay ko sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh. (Zacarias 11:12-13)
Ang mayroon ay bibigyan pa; ang wala ay kukunan ng lahat
Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan ninyong mabuti ang inyong naririnig, ang panukat na inyong ginagamit ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at idadagdag ito sa inyo. Dahil sinumang mayroon ay pagkakalooban ng higit pa, at sinumang wala, kukunin maging ang anumang nasa kaniya.” (Marcos 4:24-25)
Ang pera bilang paglalarawan ng kagalakan ng mga anghel sa kaligtasan
O sinong babaing may sampung pilak na barya, kung mawalan siya ng isang barya, ang hindi magsisindi ng ilawan, magwawalis sa bahay, at masikap na maghahanap hanggang sa matagpuan niya ito? At kapag natagpuan niya ito, tinitipon niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, sinasabi, 'Makisaya kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko ang baryang nawala ko.' Gayon din, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa kinaroroonan ng mga anghel ng Diyos sa isang makasalanang nagsisisi. (Lucas 15:8-10)
Pananaw sa pagmamay-ari sa unang iglesya
Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian, at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa. (Mga Gawa 2:44-45)
May iisang puso at kaluluwa ang maraming bilang ng mga nanampalataya: at wala ni isa man sa kanila ang nagsabi na anuman ang mayroon siya ay tunay na kaniya; sa halip, para sa kanilang lahat ang lahat ng bagay. Ipinapahayag ng mga apostol ang kanilang patotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ng may dakilang kapangyarihan, at labis na biyaya ay napa-sa kanilang lahat. Wala ni isa man sa kanila ang kinukulang sa anumang bagay, dahil ang lahat ng mga nag mamay-ari ng titulo ng mga lupa o mga bahay ay ibinenta ang mga ito at dinala ang pera ng mga napagbentahan at inilagay sa paanan ng mga apostol. At nangyari ang mga pagbaha-bahagi sa bawat mananampalataya, ayon sa kani-kanilang pangangailangan. Si Jose, na Levita, isang lalaking taga-Cyprus, ay binigyan ng pangalan ng mga apostol na Barnabas (na ang ibig sabihin ay anak ng pagpapalakas-loob). Dahil mayroon siyang bukid, ibinenta niya ito at dinala ang pera at inilagay ito sa paanan ng mga apostol. (Mga Gawa 4:32-37)
Ang mga nakakakilala sa Panginoon ay tumatalikod sa mamahaling masasamang bagay
Gayon din, marami sa mga mananampalataya ang dumating na nagsabi at umamin ng kanilang mga kasamaang ginawa. Marami sa mga gumagawa ng salamangka ang nagdala ng kanilang mga libro at sinunog nila sa paningin ng lahat. Nang bilangin nila ang halaga nito, ito ay nagkakahalaga ng limampung libong piraso ng pilak. (Mga Gawa 19:18-19)
Pagpapawalang-sala
Kay Sarah sinabi niya. “Tingnan mo, binigyan ko ang iyong kapatid ng isang libong piraso ng pilak. Pantakip ito sa mga kamalian laban sa iyo sa mga mata ng lahat ng kasama mo, at sa harapan ng lahat, tuluyan kang ginawang matuwid.” (Genesis 20:16)
Mga samsam, nasamsam
Ang ibang anak na lalaki ni Jacob ay pumunta sa mga patay na katawan at ninakawan nila ang siyudad, dahil nilapastangan ng mga tao ang kanilang kapatid na babae. Kinuha nila ang kanilang mga kawan, mga pangkat ng hayop, mga asno at lahat ng bagay na nasa siyudad at nakapalibot na mga bukid kasama ang lahat ng kanilang kayamanan. Hinuli nila ang lahat ng kanilang mga anak at mga asawa. Kinuha nila maging ang lahat ng bagay na nasa mga bahay. (Genesis 34:27-29)
Bumalik ang mga tao ng Israel mula sa pagtugis sa mga Filisteo, at ninakawan ang kanila kampo. (1 Samuel 17:53)
Sama-samang tinipon ni Ben Hadad ang hari sa Aram ang kaniyang buong hukbo; kung saan tatlumput dalawang mabababang hari na kasama niya, at mga kabayo at mga karwaheng pandigma. Siya ay nagpunta, at kinubkob ang Samaria, at nakipaglabanan dito. Siya ay nagpadala ng mga mensahero sa lungsod kay Ahab sa hari ng Israel, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ito ni Ben Hadad: Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin. Gayon din ang iyong asawa at ng inyong mga anak, ang mga pinakamahusay, ay akin na ngayon.”' Ang hari ng Israel ay sumagot at sinabi, “Ito ay ayon sa iyong sinasabi, panginoon ko, aking hari. Ako at lahat ng akin ay sa iyo.” Ang mga mensahero ay bumalik at sinabi, “Sinasabi ito ni Ben Hadad, 'Nagpadala ako ng liham sa iyo na nagsasabing kailangang ibigay mo sa akin ang iyong mga pilak, iyong mga ginto, ang iyong mga asawa, at iyong mga anak. Pero ipadadala ko sa iyo ang aking mga lingkod kinabukasan sa ganitong oras, at kanilang hahalughugin ang iyong bahay at ang mga bahay ng iyong mga lingkod. Kukunin nila sa sarili nilang mga kamay at aalisin anuman ang magustuhan ng kanilang mga mata.”' Lahat ng mga nakatatanda at lahat ng tao sinabi kay Ahab, Huwag mong siyang pakinggan o pag bigyan sa kanilang mga hinihingi.” (1 Mga Hari 20:1-6, 8)
Natalo ang Juda ng Israel, at ang bawat isa ay tumakas pauwi. Kinuha niya lahat ng ginto at pilak, lahat ng mga kagamitan na nakita sa tahanan ni Yahweh, at ang mga mahahalagang bagay sa palasyo ng hari, na may kasama ring bihag, at bumalik na sa Samaria. (2 Mga Hari 14:12, 14)
Nang lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao upang mangsamsam sa kanila, nakita nila ang napakaraming kayamanan at mahahalagang hiyas na kanilang sinamsam para sa kanilang mga sarili, higit pa sa kaya nilang buhatin. Umabot sila ng tatlong araw upang makuha ang mga nasamsam, napakarami nito. (2 Mga Cronica 20:25)
Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon. (Ezra 9:7)
Pinahintulutan ng hari ang mga Judio na nasa bawat siyudad na magtipun-tipon at gumawa ng paninindigan upang pangalagaan ang kanilang buhay; upang ubusin, patayin, at lipulin ang anumang sandatahang lakas mula sa alinmang lahi o lalawigang gustong sumalakay sa kanila, kasali ang mga bata at mga kababaihan o dambungin ang kanilang mga ari-arian. (Ester 8:11)
Sinalakay ng mga Judio ang kanilang mga kaaway gamit ang espada, pinagpapatay at pinagwawasak sila, at ginawa ang anumang naisin nila sa mga galit sa kanila. at ang sampung anak na lalaki ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha, ang kaaway ng mga Judio. Ngunit hindi sila kumuha ng kahit anong nakaw. (Ester 9:5, 10)
Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot! Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan. (Isaias 10:5-6)
Kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, siya ay magsasabi ng “paparusahan ko ang mga kayabangan na sinabi ng hari ng Asiria at kaniyang mapagmataas na hitsura. Dahil sinabi niya, “Sa pamamagitan ng aking lakas at katalinuhan kaya ko ito nagawa, at tinanggal ko ang mga hangganan ng mga tao. Ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at tulad ng isang makapangyarihang tao winasak ko silang mga nakaupo sa mga trono. Kinuha ng aking kamay, na tila mula sa isang pugad, ang kayamanan ng mga bansa, na parang kumukuha lang ng mga naiwang itlog, ganoon ko kinamkam ang buong mundo. Walang nagpagaspas ng kanilang pakpak o nagbukas sa kanilang bibig para humuni.” (Isaias 10:12-14)
Sa paraang ito nanakawin nila ang iyong lakas at ang iyong mga kalakal! Gigibain nila ang iyong mga pader at ang iyong mga maririwasang bahay hanggang ang iyong bato at kahoy at alikabok ay mailatag sa gitna ng katubigan. (Ezekiel 26:12)
At isang espada ang darating laban sa Egipto at magkakaroon ng pagdadalamhati sa Cush kapag babagsak sa Egipto ang mga taong pinatay—kapag kinuha nila ang kaniyang kayamanan at kapag gumuho ang kaniyang mga pundasyon! (Ezekiel 30:4)
Kahit na masagana si Efraim sa kaniyang mga kapatid, darating ang isang hanging silangan; iihip ang hangin ni Yahweh mula sa ilang. Matutuyo ang bukal ni Efraim, at mawawalan ng tubig ang kaniyang balon. Sasamsamin ng kaniyang mga kaaway ang bawat mamahaling bagay sa kaniyang kamalig. (Hosea 13:15)
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Isang kaaway ang papalibot sa inyong lupain. Ibabagsak ang inyong pinatibay na moog at lolooban ang inyong mga tanggulan.” (Amos 3:11)
Huwag kang pumasok sa tarangkahan ng aking bayan sa araw ng kanilang kapahamakan; huwag mong ikalugod ang kanilang paghihirap sa araw ng kanilang sakuna, huwag mong nakawin ang kanilang kayamanan sa araw ng kanilang pagkawasak. (Obadias 1:13)
Paano nawasak si Esau at nakita ang kaniyang mga nakatagong kayamanan! Nang araw na tumayo ka sa malayo, nang araw na kinuha ng mga dayuhan ang kaniyang kayamanan at pinasok ng mga dayuhan ang kaniyang mga tarangkahan, at nagsapalaran sila sa Jerusalem, para ka na ring katulad nila. (Obadias 1:6, 11)
Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.” (Mikas 4:13)
Kunin ninyo ang sinamsam na pilak, kunin ninyo ang sinamsam na ginto, sapagkat wala itong katapusan, ang karangyaan ng lahat ng bagay na magaganda sa Ninive. Walang nakatira sa Ninive at nawasak. Natutunaw ang puso ng lahat, nag-uumpugan ang mga tuhod ng bawat isa, at ang nagdadalamhati ang bawat isa, maputlang lahat ang kanilang mga mukha. (Nahum 2:9-10)
Aba sa lungsod na puno ng dugo! Puno ito ng lahat ng kasinungalingan at ninakaw na ari-arian; at laging nasa kaniya ang mga biktima. (Nahum 3:1)
Hindi ba magbabadya ang lahat ng taong ito ng talinghaga laban sa kaniya at nanghahamak na kawikaan tungkol sa kaniya, at sasabihin, 'Aba sa taong nagpaparami nang hindi sa kaniya! Hanggang kailan mo palalakihin ang bigat ng mga panunumpa na iyong kinuha?' Hindi ba tatayo ang mga nagngangalit sa iyo, at hindi ba babangon ang nananakot sa iyo? Ikaw ay magiging biktima para sa kanila! Dahil sinamsam mo ang maraming bansa, lahat ng mga natirang tao ay sasamsamin ka, dahilan sa dugo ng tao at sa karahasan na ginawa sa lupain, sa lambak at sa mga nininirahan dito. (Habakuk 2:6-8)
Tumaghoy kayong mga naninirahan sa Pamilihang Distrito, sapagkat lilipulin ang lahat ng mangangalakal at mamamatay ang lahat ng nagtitimbang ng mga pilak. Nanakawin ang kanilang mga kayamanan at hahayaang ganap na mawasak ang kanilang mga bahay! Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi maninirahan sa mga ito at magtatanim sila ng mga ubasan ngunit hindi iinom ng alak nito! Hindi sila maililigtas maging ng kanilang mga pilak o ginto sa araw ng matinding galit ni Yahweh! Tutupukin ng apoy ng matinding poot ni Yahweh ang buong lupain sapagkat nakasisindak ang paglipol na kaniyang idudulot laban sa lahat ng naninirahan sa lupain!” (Zefanias 1:11, 13, 18)
Kaya, ako ay nabubuhay, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Magiging katulad ng Moab ang Sodoma at tulad ng mga Ammonita ang Gomorra, isang madamong lugar at hukay na asin, na pinabayaan magpakailanman! Ngunit nanakawan sila ng mga nalalabi kong tao at mamanahin ng aking mga natitirang tao ang mga nagmula sa kanila!” (Zefanias 2:9)
Pamumuhay
Sapagkat ang gawaing ito ay hindi upang ang iba ay magaanan at ang iba ay mabigatan. Sa halip, dapat magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Ang iyong kasaganaan sa panahong ito ay makapagbibigay sa kung anuman ang kanilang pangangailangan. Ito ay dahil din sa ang kanilang kasaganaan ay maaaring makapagbigay ng iyong pangangailangan, at nang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Katulad ito ng nasusulat: “Ang nananagana ay nawalan ng labis, at ang may kaunti ay hindi nagkulang.” (2 Corinto 8:13-15)
Gayundin, nais ko ang mga kababaihan na magsuot ng nararapat na kasuotan ng may kahinhinan at pagpipigil sa sarili. Hindi sila dapat magtirintas ng buhok, o maglagay ng ginto, o perlas, o magsuot ng mamahaling damit. (1 Timoteo 2:9)
Pagbabayad-pinsala
Kung mag-aaway ang mga lalaki at may isang taong manakit ng iba tao na gamit ang bato o ang kaniyang kamao, at ang taong iyon ay hindi namatay, pero nanatiling nakahiga; pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala. (Exodo 21:18-19)
Kung nag-aaway ang mga lalaki at makasakit ng isang babaeng buntis at nakunan siya, pero wala nang ibang sugat sa kaniya, pagkatapos ang taong salarin ay dapat magmulta; kung may mga hinihingi ang asawa ng babae mula sa kaniya, dapat siyang magbayad ayon sa napagpasyahan ng mga hukom. (Exodo 21:22)
Kung suwagin ng baka ang isang lalaki o isang babae at namatay ito, dapat batuhin ang baka, at hindi dapat kainin ang laman nito; pero mapapawalang sala ang may-ari ng baka. Pero kung may ugaling pagsuwag dati pa ang baka at binigyan ng babala ang may-ari nito, at hindi niya ito ikinulong, at nakapatay ang baka ng isang lalaki o isang babae, kinakailangang batuhin ang baka. Dapat ding patayin ang may-ari nito. Kung kinakailangan ang kabayaran para sa kaniyang buhay, dapat niyang bayaran ang anumang kailangan niyang bayaran. (Exodo 21:28-30)
Kung sinuwag ng baka ang isang lingkod na lalaki o lingkod na babae, dapat magbayad ang may-ari ng baka ng tatlumpung sekel na pilak, at dapat batuhin ang baka. Kung magbubukas ng isang hukay ang isang lalaki, o kung humukay ng isang hukay ang isang lalaki, at hindi niya ito tinakpan at may nahulog na baka o asno sa loob nito, kailangan bayaran ng may-ari ng hukay ang nawala. Kailangan magbigay siya ng pera sa may-ari ng namatay na hayop at magiging kaniya ang namatay na hayop. Kung saktan ng baka ng isang tao ang baka ng ibang tao kaya namatay ito, kailangan nilang ipagbili ang buhay na baka at paghatian nila ang halaga nito, kailangan din nilang paghatian ang patay na baka. Pero kung nalaman na ang baka ay may ugaling nanunuwag sa nakaraan, at hindi ito kinulong ng may-ari, dapat siguraduhin siyang magbayad ng baka para sa baka at ang namatay na hayop ay magiging kaniyang pag-aari. (Exodo 21:32-36)
Mga pinuno
Kaya sinabi ni Samuel ang lahat ng salita ni Yahweh sa mga taong humihingi ng hari. Sinabi niya, “Ganito kung paano mamumuno ang hari sa inyo. Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki at itatalaga sila sa kanyang mga karo at para maging mga mangangabayo niya, at para tumakbo sa harapan ng kanyang mga karo. Kukunin niya ang pinakamainam sa mga bukid ninyo, ang inyong mga ubasan at mga taniman ng olibo at ibibigay ang mga iyon sa mga lingkod niya. Kukunin niya ang ikasampu ng inyong butil at ng inyong mga ubasan at ibibigay sa kanyang mga opisyal at mga lingkod. Kukunin niya ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod at ang pinakamagaling sa mga binata ninyo at inyong mga asno; pagtatrabahuhin niya silang lahat para sa kanya. Kukunin niya ang ikasampu ng inyong mga kawan at magiging mga alipin niya kayo. (1 Samuel 8:10-11, 14-17)
Dapat nasa magkabilang gilid ng lugar na nakalaan para sa banal na lugar at lungsod ang lupain ng mga prinsipe. Nasa dakong kanluran at sa dakong silangan ng mga ito. Tutugma ang haba nito sa haba ng isa sa mga bahaging iyon, mula sa kanluran hanggang sa silangan. Magiging pag-aari ng prinsipe ng Israel ang lupaing ito. Hindi na kailanman aapihin ng aking mga prinsipe ang aking mga tao; sa halip, ibibigay nila ang lupain sa sambahayan ng Israel para sa kanilang mga tribu. (Ezekiel 45:7-8)
Propesiya
Sinabi ni Jeremias, “Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi, 'Tingnan mo, pupunta sa iyo si Hanamel ang lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum at sasabihin, “Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatang bilhin ito.'” Kaya binili ko ang bukid na nasa Anatot mula kay Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at tinimbang ko ang pilak para sa kaniya, labing-pitong siklo. 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kunin mo ang mga kasulatang binalumbon na ito kasama ang resibo ng pagbili na naselyuhan at itong hindi naselyuhan na kasulatang binalumbon. Ilagay mo ang mga ito sa bagong lalagyan upang tumagal ang mga ito sa mahabang panahon. Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang mga tahanan, mga bukirin, at mga ubasan ay muling bibilhin sa lupaing ito.' (Jeremias 32:6-7, 9, 14-15)
At ikaw mismo ang nagsabi sa akin, “Bumili ka ng isang bukid para sa iyong sarili sa pamamagitan ng pilak at tumawag ng mga saksi upang saksihan ito, bagaman ibinigay ang lungsod na ito sa mga Caldeo.”” (Jeremias 32:25)
Lumago ang karahasan ng isang tungkod ng kasamaan—wala sa kanila at wala sa karamihan, wala sa kanilang kayamanan at wala sa kanilang kahalagahan ang magtatagal! Paparating na ang oras, papalapit na ang araw. Huwag magalak ang mamimili, ni tumangis ang manininda, sapagkat ang aking galit ay nasa buong sangkatauhan! Sapagkat hindi na babalikan ng manininda ang ipinagbili habang sila ay nabubuhay, sapagkat ang pangitain ay laban sa buong sangkatauhan, hindi na sila babalik, sapagkat walang sinumang tao na namumuhay sa kasalanan ang mapapalakas! Itatapon nila ang kanilang pilak sa mga lansangan at ang kanilang ginto ay magiging tulad ng hindi katanggap-tanggap. Hindi sila kayang iligtas ng kanilang pilak at ginto sa panahon ng matinding galit ni Yahweh. Hindi maliligtas ang kanilang buhay at hindi mapapawi ang kanilang gutom, sapagkat naging isang nakakatisod na hadlang ang kanilang kasalanan. (Ezekiel 7:11-13, 19)
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: mangyayari ito sa araw na ang mga plano ay mabubuo sa inyong mga puso, at gagamit ka ng masasamang pamamaraan.' At sasabihin mo, 'Pupunta ako sa bukas na lupain; Pupunta ako sa mga taong namumuhay nang tahimik at ligtas, silang lahat na naninirahan kung saan walang mga pader o mga harang, at kung saan ang lungsod ay walang mga tarangkahan. Kukunin ko ang mga nasamsam at nanakawin ko ang mga bagay na kinuha sa pandarambong, upang madala ko ang aking kamay laban sa mga lugar na winasak na ngayon ay tinitirahan, at laban sa mga taong tinipon mula sa mga bansa, mga taong maraming mga hayop at ari-arian, at silang mga nakatira sa gitna ng mundo.' Ang Sheba at Dedan, at ang mga mangangalakal ng Tarsis kasama ang lahat ng kanilang mga batang mandirigma—sasabihin nilang lahat sa iyo, 'Pumunta ka ba dito para kunin ang mga nasamsam? Tinipon mo ba ang iyong hukbo upang nakawin ang mga bagay na kinuha sa pandarambong, upang magbuhat ng pilak at ginto, upang kumuha ng baka at ari-arian, upang kumuha pa ng mas maraming bagay na kinuha sa pagdarambong?' (Ezekiel 38:10-13)
Pupunta siya sa mga pinakamayayamang lalawigan nang walang pasabi at gagawin niya ang mga bagay na hindi man lamang ginawa ng kaniyang ama ni ginawa ng ama ng kaniyang ama— na ikakalat sa kaniyang mga tagasunod ang mga nasamsam, ang mga ninakaw at ang kayamanan. Balak niyang alisin ang pinagtibay na tanggulan, ngunit sa sandaling panahon lamang. (Daniel 11:24)
Sa halip na sila, sasambahin niya ang diyos ng mga tanggulan. Paparangalan niya ng ginto at pilak ang isang diyos na hindi kilala, kasama ang mga mahahalagang bato at mamahaling handog. (Daniel 11:38)
Magkakaroon siya ng kapangyarihan sa lahat ng mga ginto at pilak, at sa lahat ng kayamanan ng Egipto; paglilingkuran siya ng mga taga-Libya at Etiopia. (Daniel 11:43)
Masdan ninyo! Darating ang araw para kay Yahweh na hahatiin ang iyong sinamsam sa inyong kalagitnaan! Sapagkat titipunin ko ang bawat bansa laban sa Jerusalem para sa isang labanan, at masasakop ang lungsod! Sasamsamin ang mga tahanan at gagawan ng karahasan ang mga kababaihan. Bibihagin ang kalahati ng lungsod, ngunit ang mga matitirang tao ay hindi pupuksain mula sa lungsod. (Zacarias 14:1-2)
Makikipaglaban din ang Juda sa Jerusalem. Titipunin nila ang lahat ng kayamanan ng mga karatig bansa— ginto, pilak, at mga magagandang kasuotan na talagang sagana. (Zacarias 14:14)
Gayon din naman, katulad ng nangyari sa panahon ni Lot, sila ay nagsisikain, nagsisiinom, nagsisibili, nagsisitinda, nagsisipagtanim at sila ay nagsisipatayo ng gusali. (Lucas 17:28)
Ngunit alamin ito: na sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan. Sapagkat ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, hambog, mga lapastangan, suwail sa mga magulang, walang utang na loob, at hindi banal. (2 Timoteo 3:1-2)
Narinig ko ang tinig parang mula sa gitna ng apat ng buhay na nilalang, sinabi, “Isang takal ng trigo para sa isang dinaryo at tatlong takal ng sebada para sa isang dinario. Pero huwag mong ipahamak ang alak at langis.” (Pahayag 6:6)
Pagkatapos ang mga hari sa lupa at ang mahahalagang tao, at ang mga heneral, ang mayaman, ang makapangyarihan, at iba pa, alipin at malaya, nagtago sa mga kuweba at sa kalagitnaan ng mga bato sa kabundukan. Tabunan kami! Itago mo kami mula sa mukha niya na siyang nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero.” (Pahayag 6:15-16)
Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy—mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad. Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw. (Pahayag 9:20-21)
Pinilit din niya ang lahat, hindi mahalaga at malakas, mayaman at mahirap, malaya at alipin, para tumanggap ng tatak sa kanang kamay o sa noo. Hindi maaring bumili o pagbilhan ang kahit sino maliban na lamang kung siya ay may tatak ng halimaw, iyon ayn, ang bilang na kumakatawan sa kaniyang pangalan. (Pahayag 13:16-17)
Nakasuot ng kulay lila at matingkad na pulang damit at pinaganda ng ginto, mamahaling mga bato, at mga perlas. Sa kaniyang kamay hawak niya ang gintong baso na puno ng kasuklam-suklam na mga bagay at ang mga karumihan ng kaniyang sekswal na imoralidad. (Pahayag 17:4)
Dahil ang lahat ng bansa ay uminom ng alak ng pagnanasa ng kaniyang sekswal na imoralidad na nagdulot sa kaniya ng poot. Ang mga hari ng mundo ay gumawa ng sekswal na imoralidad kasama niya. Ang mga mangangalakal sa mundo ay naging mayaman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng marangya niyang pamumuhay. (Pahayag 18:3)
Ang mga mangangalakal ng mundo ay tatangis at magluluksa para sa kaniya, dahil walang sinuman ang bibili ng kaniyang mga kalakal kailanman- mga kagamitang ginto, pilak, at mamahaling hiyas, mga perlas, pinong lino, lila, seda, telang pula at lahat ng uri ng mabangong kahoy, bawat sisidlang yari sa pangil ng elepante, bawat sisidlang yari sa mamahaling kahoy, ginto, tanso, bakal at marmol, sinamon, pampalasa, insenso, mira at kamangyan, alak, langis, pinong harina, trigo, baka, at tupa, mga kabayo at karwahe, mga alipin at mga kaluluwa ng tao. Ang bunga na iyong hinahangad nang buong lakas mo ay nawala mula sa iyo. Lahat ng iyong karangyaan at kaningningan ay naglaho, at hindi na kailanman muling masusumpungan. Ang mga mangangalakal ng mga bilihing ito na naging mayaman sa pamamagitan niya ay tatayong malayo mula sa kaniya sa kalayuan dahil sa takot ng kaniyang paghihirap, pagtatangis at malakas na pagpipighati. Sasabihin nila, “Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod na nadadamitan ng pinong lino, ng lila at telang pula at pagpapaganda ng ginto, mamahaling hiyas at mga perlas!” Sa loob ng isang oras ang lahat ng kayamanan ay nasayang. Ang bawat kapitan ng barko, bawat mandaragat, mga manlalayag, at silang lahat na ang nabubuhay ay mula sa dagat, ay nakatayo sa kalayuan. Sisigaw sila habang nakikita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog. Sinabi nila, “Anong lungsod ang tulad ng dakilang lungsod?” Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo, at sumigaw, nananangis, at nananaghoy. “Kaawa-awa, kaawa-awa ang dakilang lungsod kung saan lahat ng kanilang mga barko sa dagat ay yayaman mula sa kaniyang kayamanan. Dahil sa loob ng isang oras siya ay winasak.” (Pahayag 18:11-19)
Mga mandaraya sa iglesya/relihiyosong kapaligiran
Sapagkat kung ganap ninyong gagawing mabuti ang inyong mga kaparaanan at mga kaugalian, kung ganap ninyong ipinapakita ang katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kaniyang kapwa. Kung hindi ninyo sinasamantala o inaabuso ang isang tao na naninirahan sa lupain, ang ulila o ang balo at hindi dumanak ang inosenteng dugo sa lugar na ito at hindi kayo sumunod sa ibang mga diyos para sa inyong sariling kapahamakan. Hahayaan ko kayong manatili sa lugar na ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno magmula pa noong unang panahon at magpakailanman. Masdan ninyo! Nagtitiwala kayo sa mga mapanlinlang na salita na hindi nakakatulong sa inyo. Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala? Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.' (Jeremias 7:5-9, 11)
Humahatol ang inyong mga pinuno para sa isang suhol, nagtuturo ang inyong mga pari para sa isang gantimpala at nanghuhula ang inyong mga propeta para sa pera. Gayunman, umaasa kayo kay Yahweh at sinasabi, “Hindi ba't kasama natin si Yahweh? Walang darating sa atin na kapahamakan.” (Mikas 3:11)
Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati. Sinabi niya sa kanila, “Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.” (Mateo 21:12-13)
Nakarating sila sa Jerusalem, pumasok siya sa templo at sinimulan niyang palayasin ang mga nagtitinda at namimili sa templo. Tinaob niya ang mga lamesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng kalapati. Hindi niya pinayagang makapasok ang kahit na sino na may dalang kahit na anong bagay na maaaring ibenta sa templo. Tinuruan niya sila at sinabi, “Hindi ba nasusulat na, 'Ang aking tahanan ay tatawaging Bahay ng Panalangin para sa lahat ng mga bansa'? Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.” (Marcos 11:15-17)
Pumasok si Jesus sa templo at sinimulang palayasin ang mga nagtitinda, sinasabi sa kanila, “Nasusulat, 'Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.” (Lucas 19:45-46)
Natagpuan niya sa templo ang mga nagbebenta ng mga baka, tupa at mga kalapati. Ang mga tagapagpalit ng pera ay naroroon din at nakaupo. Kaya gumawa siya nang isang panghagupit na lubid at pinaalis silang lahat palabas ng templo, pati na ang mga tupa at baka. Itinapon niya ang pera ng tagapagpalit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa. Sinabi niya sa mga taga-benta nang kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Tigilan ninyong gawing palengke ang tahanan ng aking Ama.” (Juan 2:14-16)
Tingnan niyo! Ako ay handang pumunta sa inyo sa ikatlong pagkakataon. Ako ay hindi magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko gusto ang anumang nasa inyo. Kayo ang gusto ko. Sapagkat ang mga anak ay hindi dapat mag-ipon para sa mga magulang. Sa halip, ang mga magulang ang dapat mag-ipon para sa mga anak. (2 Corinto 12:14)
Kaya ang tagapangasiwa ay dapat walang kapintasan. Dapat maging asawa siya ng isang babae. Dapat siya ay mahinahon, matalino, matino, at magiliw sa mga panauhin. Dapat may kakayahan siyang magturo. Dapat hindi sugapa sa alak, hindi marahas, kundi marahan, payapa. Hindi maibigin sa pera. (1 Timoteo 3:2-3)
Gayon din, dapat marangal ang mga diakono, hindi dalawa ang salita. Dapat hindi sila umiinom ng sobrang alak o maging sakim. (1 Timoteo 3:8)
...patuloy na pag-aawayan sa pagitan ng mga taong baluktot ang mga pag-iisip. Tumalikod sila sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-diyos ay isang paraan upang yumaman.” Ngayon ang pagiging maka-diyos na may kapanatagan ay may malaking pakinabang. (1 Timoteo 6:5-6)
Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako. Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya. (Tito 1:10-11)
Hinihikayat ko ang mga nakatatanda sa inyo, ako, na isang kapwa nakatatanda at isang saksi sa pagdurusa ni Cristo, at kabahagi ng kaluwalhatian na maihahayag. Kaya nga, hinihikayat ko kayo, mga nakatatanda, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo. Pangalagaan niyo sila, hindi dahil kailangan ninyo, pero dahil nais ninyo ito, ayon sa Diyos. Pangalagaan niyo sila nang maluwag sa inyong kalooban, hindi para sa pera. (1 Pedro 5:1-2)
Pananaw
Ang umiibig sa salapi ay hindi kailanman masisiyahan
Sinumang nagmamahal sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, at sinuman ang nagmamahal sa yaman ay maghahangad pa nang marami. Ito din ay parang singaw. Habang nadaragdagan ang kasaganaan, gayon din naman ang mga taong nangangailangan nito. Anong pakinabang sa may-ari ng yaman ang mayroon ito kundi pagmasdan ito ng kaniyang mga mata? (Ang Mangangaral 5:10-11)
Iba pang mga talata
Hindi kayang pawiin ng mga tubig na dumadaluyong ang pag-ibig, kahit mga baha ay hindi kayang tangayin nito. Kung ibinigay ng isang lalaki ang lahat ng mga pag-aari sa kaniyang tahanan para sa pag-ibig, ang inaalok niya ay maaaring lubos na hamakin. Ang mga kapatid na lalaki ng dalagang babae ay nagsasalita sa kanilang mga sarili. (Awit ni Solomon 8:7)
Mangyayari ito, sa mga tao, ganun din sa mga pari; sa mga lingkod, ganun din sa kaniyang amo; sa mga katulong na babae, ganun din sa kaniyang among babae; sa mga mamimimili, ganun din sa nagbebenta; sa mga pinagkakautangan, ganun din sa mga nangungutang; sa mga tumatanggap ng tubo, ganun din sa mga tagapagbigay ng tubo. (Isaias 24:2)
Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh, “Kayo ay ipinagbili ng walang bayad, at kayo ay tutubusin ng walang salapi.” (Isaias 52:3)
Ganap na nawalan ng kinang ang ginto; nagbago ang pinakadalisay na ginto. Naibuhos ang mga banal na bato sa dulo ng bawat lansangan. Mahalaga ang mga anak na lalaki ng Zion, higit na mahalaga kaysa sa dalisay na ginto. Ngunit ngayon itinuturing silang walang halaga kundi gaya ng mga tapayan na gawa sa pamamagitan ng mga kamay ng magpapalayok. (Mga Panaghoy 4:1-2)
Subalit binabalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo. (Mateo 22:5)
At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana”, Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?” At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.” (Lucas 12:13-15)
Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad, “May isang mayamang lalaki na may tagapamahala, at isinumbong sa kaniya na nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari. Kaya pinatawag siya ng mayamang lalaki at sinabi sa kaniya, 'Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magbigay-ulat ka ng iyong pamamahala, dahil ka na maaaring maging tagapamahala.' Sinabi ng tagapamahala sa kaniyang sarili, 'Anong gagawin ko, dahil aalisin sa akin ng amo ko ang pagiging tagapamahala? Wala akong lakas na magbungkal, at nahihiya akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin, para kapag natanggal ako sa pagiging tagapamahala, malugod akong tatanggapin ng mga tao sa kanilang mga bahay.' At tinawag ng tagapamahala ang mga tao na may utang sa kaniyang amo, at tinanong niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa amo ko?' Sinabi niya, 'Isang daang takal na langis ng olibo'. At sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan, umupo kang madali at isulat mong limampu.' At sinabi ng tagapamahala sa isa pa, 'Magkano ang utang mo?' Sumagot siya, 'Isang daang takal ng trigo.' Sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan at isulat mong walumpu.' At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng perang hindi makatarungan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan. Ang tapat sa kakaunti ay tapat din sa marami, at ang hindi makatarungan sa kakaunti ay hindi rin makatarungan sa marami. Kung hindi ka naging tapat sa paggamit ng perang hindi makatarungan, sino ang magtitiwala sa iyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi ka naging tapat sa paggamit sa pera ng ibang tao, sino ang magbibigay sa iyo ng sarili mong pera? Walang lingkod ang magkapaglilingkod sa dalawang amo, sapagkat kasusuklaman niya ang isa at mamahalin niya ang isa, o magiging tapat siya sa isa at kamumuhian niya ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.” Ngayon ang mga Pariseo, na mangingibig ng pera, ay narinig ang lahat ng mga ito, at siya ay kanilang kinutya. (Lucas 16:1-14)
Ngayon nang makita ni Simon na naipagkaloob ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ng mga apostol sa kanila, inalok niya sila ng pera. Sinabi niya,” Ibigay mo rin sa akin ang kapangyarihang ito upang sinumang patungan ng aking mga kamay ay tatanggap ng Banal na Espiritu.” Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Masawi ka sana kasama ng iyong pilak, sapagkat iniisip mong makakamit mo ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng pera. Wala kang kabahagi o karapatan sa bagay na ito, dahil ang iyong puso ay hindi tama sa Diyos. Samakatuwid magsisi ka sa iyong mga kasamaan, at manalangin sa Panginoon, upang ikaw ay patawarin sa kung ano ang iyong hinahangad. Sapagakat nakikita ko na ikaw ay nasa lason ng kapaitan at naka gapos sa kasalanan.” Sumagot si Simon at sinabi, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na hindi mangyari sa akin ang mga bagay na iyong sinabi.” (Mga Gawa 8:18-24)
Subukan ninyo na gaya ko na nagbibigay lugod ako sa mga tao sa lahat ng bagay. Hindi ko hinanap ang aking kapakinabangan, kundi sa karamihan. Ginagawa ko ito upang sila ay maligtas. (1 Corinto 10:33)
Sa halip, pinatutunayan namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng aming mga ginagawa, na kami ay mga lingkod ng Diyos. Kami ay mga lingkod niya sa maraming pagtitiis, kapighatian, kagipitan, kahirapan Gumagawa kami na parang malulungkot, ngunit kami ay laging nagagalak. Gumagawa kami na parang naghihirap, ngunit ginagawa naming mayaman ang marami. Gumagawa kami na parang walang-wala, ngunit mayroon ng lahat ng bagay. (2 Corinto 6:4, 10)
Kung itinaas kayo ng Diyos na kasama ni Cristo, hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, kung saan nakaupo si Cristo sa kanang kamay ng Diyos. Isipin ninyo ang tungkol sa mga bagay na nasa itaas, at hindi tungkol sa mga bagay sa lupa. Sapagkat namatay kayo at itinago ang inyong buhay kasama ni Cristo sa Diyos. Kapag nagpakita si Cristo na siya ninyong buhay, makikita rin kayong kasama niya sa kaluwalhatian. patayin ninyo ang mga bahagi na nasa mundo—pagnanasa sa laman, karumihan, matinding damdamin, masamang pagnanasa, at kasakiman, na pawang pagsamba sa diyus-diyosan. (Mga Taga-Colosas 3:1-5)
Sapagkat lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos ay mabuti. Walang anuman na tinatanggap natin nang may pasasalamat ang dapat na tanggihan. (1 Timoteo 4:4)
Sapagkat mayroon kayong habag sa mga bilanggo, at inyong tinanggap nang may kagalakan ang pagsamsam ng inyong mga ari-arian, na alam ninyo sa inyong mga sarili na mayroon kayong mas mabuti at walang hanggang pag-aari. (Mga Hebreo 10:34)
Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang lumaki na ay tumangging tawagin na anak ng anak na babae ni Faraon. Sa halip, pinili niyang makibahagi sa paghihirap ng mga tao ng Diyos kaysa sa magpakasaya sa panandaliang aliw ng kasalanan. Itinuring niya na ang kahihiyan sa pagsunod kay Cristo ay higit pa sa kayamanan kaysa sa mga yaman ng mga Egipto, sapagkat itinuon niya ang kaniyang paningin sa hinaharap na darating na gantimpala. (Mga Hebreo 11:24-26)
Kabutihan sa kabila ng perang inialok para sa masama
Sinabi ni Joab sa taong nagsabi sa kaniya tungkol kay Absalom, “Tingnan mo! Nakita mo siya! Bakit hindi mo siya hinampas pababa sa lupa? Bibigyan sana kita ng sampung siklong pilak at isang sinturon.” Sumagot ang lalaki kay Joab, “Kahit na makatanggap ako ng isanglibong siklong pilak, hindi ko pa rin iaabot ang aking kamay laban sa anak ng hari, dahil narinig naming lahat na inutusan ka ng hari, si Abisai at si Itai, sa pagsasabing, 'Walang isa mang dapat gumalaw sa binatang si Absalom.' (2 Samuel 18:11-12)
Mersenaryo
May digmaan sa pagitan nila Asa at Baasa na hari ng Israel, sa buong buhay nila. Mapangahas na kumilos si Baasa na hari ng Israel laban sa Juda at itinayo ang Rama, para mapigilan niya ang sinuman na makapasok o makalabas sa lupain ni Asa hari ng Juda. Kaya kinuha ni Asa ang lahat ng mga pilak at ginto sa taguan ng mga kayamanan ng templo at ng palasyo ng hari. Inabot niya ito sa kamay ng kaniyang mga lingkod at inutusan silang dalhin ito kay Ben Hadad, anak ni Tabrimon anak ni Hezion, ang hari ng Aram na nakatira sa Damasco. Sinabi niya, “Magkaroon tayo ng kasunduan, na tulad ng kasunduan na mayroon ang mga ama natin. Tingnan mo, pinadalhan kita ng mga pilak at ginto. Putulin mo na ang kasunduan mo kay Baasa na Hari ng Israel, para hayaan na niya ako.” Nakinig si Ben Hadad kay Haring Asa at ipinadala ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo, at kanilang sinalakay ang mga lungsod sa Israel. Sinalakay nila ang Ijon, Dan, Abel Bet Maaca, at ang buong Cineret, kasama ng lahat ng lupain ng Neftali. (1 Mga Hari 15:16-20)
Pagkatapos si Rezin, hari ng Aram at Peka anak ni Remalias, hari ng Israel, ay dumating at sinalakay ang Jerusalem. Napalibutan nila si Ahaz, pero hindi siya magapi. Kaya kinuha ni Ahaz ang pilak at gintong mayroon sa tahanan ni Yahweh at kasama ng mga yaman ng palasyo ng hari at ipinadala ito bilang isang handog sa hari ng Asiria. Pagkatapos pinakinggan siya ng hari ng Asiria, at dumating ang hari ng Asiria laban sa Damasco, sinakop ito at ibinilanggo ang kanilang mamamayan sa Kir. Pinaslang din niya si Rezin ang hari ng Aram. (2 Mga Hari 16:5, 8-9)
Pagkatapos, kinuha ni Asa ang pilak at ginto mula sa silid imbakan sa templo ni Yahweh at sa sambahayan ng hari at ipinadala kay Ben-hadad, ang hari ng Aram na nakatira sa Damascus. Sinabi niya, “Magkaroon tayo ng kasunduan, gaya ng aking ama at ng iyong ama. Tingnan mo, pinadalhan kita ng pilak at ginto. Putulin mo na ang iyong kasunduan kay Baasha na hari ng Israel, upang ako ay lubayan niya.” Pinakinggan ni Ben-hadad si Haring Asa at ipinadala niya ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga lungsod ng Israel. Sinalakay nila ang Ijon, Dan at Abelmain at ang imbakang lungsod ng Neftali. (2 Mga Cronica 16:2-4)
Paglilitis
Ang inyong makasalanang mga kilos, gayunman, ay naghiwalay sa inyo mula sa inyong Diyos, at dahil sa inyong mga kasalanan ay nagawa niyang maitago ang kaniyang mukha mula sa inyo at mula sa pakikinig sa inyo. Walang isa man ang tumatawag sa katuwiran, at walang nagsusumamo ng kaniyang kalagayan nang totoo. Sila ay nagtitiwala sa walang kabuluhang mga salita, at nagsasabi ng mga kasinungalingan; sila ay nagbabalak ng kaguluhan at nagbubunga ng kasalan. (Isaias 59:2, 4)
Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan. Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ka kailanman makalalabas doon hanggang mapagbayaran mo ang kahuli-hulihang salapi na iyong inutang. (Mateo 5:25-26)
At kung hiniling ng sinuman na magpunta sa hukuman kasama ka at kunin ang iyong tuniko, hayaan mo rin na mapasakaniya ang iyong balabal. (Mateo 5:40)
Sa sumasampal sa iyong pisngi, ialok mo rin sa kaniya ang kabila. Kung may kumuha ng iyong panlabas na damit, huwag mong ipagkait pati na ang iyong panloob na tunika. Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo. Kung may kumuha ng isang bagay na pag-aari mo, huwag mong hingiin sa kaniya na ibalik ito sa iyo. (Lucas 6:29-30)
Sapagkat kung ikaw ay pupunta sa harapan ng hukom kasama ang iyong kaaway, sa daan ay sikapin mong ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa kaniya upang hindi ka niya kaladkarin sa hukom, upang hindi ka dalhin ng hukom sa opisyal at hindi ka ilagay ng opisyal sa bilangguan. Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalaya mula doon hanggang mabayaran mo ang kahuli-hulihang salapi.” (Lucas 12:58-59)
Kung mayroong alitan ang isa sa inyo sa iba, maglalakas-loob ba siya na pupunta sa korteng pambayan sa harapan ng hindi mananampalatayang hukom, sa halip na sa harapan ng mga mananampalataya? Hindi ba ninyo alam na ang mga mananampalataya ang hahatol sa mundo? At kung hahatulan ninyo ang mundo, wala ba kayong kakayahan na ayusin ang mga hindi mahahalagang bagay? Hindi ba ninyo alam na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa kaya na hatulan natin ang mga bagay ng buhay na ito? Kung gayun nga na kailangan ninyong gumawa ng mga hatol ukol sa pang-araw araw na buhay, bakit ninyo idinudulog ang mga ganitong kaso sa harapan ng mga walang katayuan sa iglesiya? Sinasabi ko ito upang kayo ay hiyain. Wala bang kahit isa sa inyo ang may sapat na karunungan upang ayusin ang mga alitan sa pagitan ng mga kapatid? Ngunit ang nagyayari ay, ang isang mananampalataya ay pumupunta sa korte laban sa isa pang mananampalataya, at ang kasong iyon ay nakalagay sa harapan ng isang hukom na hindi mananampalataya! Ang katunayan na may mga anumang alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay pagkatalo na para sa inyo. Bakit hindi nalang pagdusahan ang mali? Bakit hindi nalang hayaan na kayo ay dayain? Ngunit ginawan ninyo ng mali at dinaya ang iba, at sila ay inyong mga sariling kapatid! (1 Corinto 6:1-8)
Sinasalungat ng masasama ang gawain ng Diyos kapag ito ay nagkakahalaga sa kanila ng pera
Nangyari nga, habang kami ay patungo sa lugar ng panalanginan, nasalubong namin ang isang batang babae na may espritu ng panghuhula. Nagdadala siya sa kaniyang mga amo ng maraming pakinabang sa pamamagitan ng panghuhula. Sumunod ang babaeng ito kay Pablo at sa amin at sumigaw, na nagsasabing, “Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos. Nagpapahayag sila sa inyo ng daan ng kaligtasan.” Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo nang lubhang nainis sa kaniya ay lumingon at sinabi sa espiritu, “Inuutos ko saiyo sa pangalan ni Jesu Cristo lumabas ka sa kaniya.” At agad itong lumabas. Nang makita ng kaniyang mga amo na ang kanilang pag-asa sa pinag kakakitaan ay nawala, sinunggaban nila si Pablo at Silas at kinaladkad sila sa pamilihan at iniharap sa mga may kapangyarihan. (Mga Gawa 16:16-19)
May isang magpapanday ng pilak na nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng imahe ni Diana na pilak, na nagbibigay ng malaking negosyo sa mga nagpapanday. Kaya tinipon niya ang mga manggagawa sa trabahong iyon, at sinabi, “Mga Ginoo, alam ninyo na sa negosyong ito tayo kumikita ng malaking halaga. Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay. At hindi lamang iyon ang panganib na ang mga kalakal natin ay hindi na kakailanganin, subalit pati narin ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay maaring mawalan ng halaga. At mawawalan din siya ng kadakilaan, na siyang sinasamba ng buong Asia at ng buong mundo.” (Mga Gawa 19:24-27)